You are on page 1of 3

SA KABATAANG PILIPINO

ni Dr. Jose P. Rizal

Pamagat ng Akda: Sa kabataang Pilipino


May-akda: Gat. Jose P. Rizal
Sanggunian: Panitikang Asyano
II. Buod
Ang tulang “Sa Kabataang Pilipino” (A La Juventud Filipino) ay nagsasaad ng hamon sa mga
kabataang Pilipino na gumising sa pagiging manhid at imulat ang mga sarili sa mga nagaganap
sa paligid. Ang tula ay nagpapabatid din sa mga kabataan na magkaroon ng adhikaing
matulungan ang inang bayan.
III. Pagsusuri
A. Uring Pampanitikan
Ang akda ay isang tula na kinapapalooban ng lalabindalawahing pantig, may sukat ngunit di
tugma ang taludturan. Mayroong tono na nagpapakita ng emosyon o damdamin ng persona.
Ito ay nagtataglay ng kahulugang higit na malalim sa literal na ipinapahayag.
B. Istilo ng Paglalahad
Ang manunulat ay gumamit ng pamaraang daloy ng kaisipan sapagkat tinangkang pukawin
ang isipan ng mga kabataan na ipagmalaki ang lahing Pilipino mula sa pagiging mangmang
patungo sa kabataan bilang pag-asa ng inang bayan .

C. Mga Tayutay
• Pagpapalit-tawag
-“Awit ni Pilomel na sa dusay gamot”, ito ay nangangahulugang isang lunas na parang isang
Ibong Adarna na naging sagot sa karamdaman ni haring Fernando ng Berbanya. Nais ni Rizal na
ang kabataan ang siyang magiging lunas at magpapalaya ng kanyang lupang sinilangan.
-“O, ikaw, na iyang pakpak na nais”, ito ay himig ng pananalig saq kabataang Pilipino na
maabot nito ang tugatog ng tagumpay.
D. Balyus
Matuto tayong tumayo sa ating sarilin at huwag magbulag-bulagan sa mga tunay na
nangyayari sa lipunan.
E. Sariling Reaksyon
1. Pananalig Pampanitikan/Teorya
• Teoryang Humanismo – Ang tula ay naaayon sa humanistang paniniwala sapagkat napuna ni
Rizal sa mga nangyayari sa paligid na ang mga kabataan ay rasyunal na may kakayahang
maging mabuti at siyang tataguyod sa kasarinlan ng bayang sinilangan. Sa pamamagitan ng
isang masining na pamamraan ng pagpapahayag, naiparating niya ang mensahe sa kapwa
kabataan.
• Teoryang Imahismo – Ang tula ay nasa teoryang imahismo sapagkat gumamit ang may-akda ng
angkop o tiyak na salita, simbolismo at porma ng pagsulat.
2. Mga pansin at Puna
• Galaw ng Pangyayari – Ang pagkakabuo ng tula ay nasa puntong ang may-akda ay nagbibigay
ng hamon sa mga kabataan na gumising at huwag maging manhid sa hagupit ng karanasan ng
mga kastila. Bagamat gumamit si Rizal ng mga tayutay, imahen at mga simbolismo direkta pa
ring naiparating ang hamon niya sa mga kabataan. Hindi naging maligoy sa pagsasalansan ng
mga ideya at mga pangyayaring kasalukuyang nararanasan ng Inang Bayan.

3. Bisang Pampanitikan
A. Bisa sa Isip
Ang akda ay isa lamang sa mga nagmulat ng aking isipan sa hindi makatuwirang pagmamalupit
ng mga Kastila sa panahong yaon sa bayang sinilangan. Pinukaw niya na marapat lamang na
ipagmalaki ang lahing Pilipino sapagkat ito lamang ang nagbibigay ng liwanag sa landas na
tatahakin. Tinuruan akong mangarap ngunit para maabot ang pinapangarap , dapat itong
paghandaan at pagsumikapan sa pamamagitan ng pag-aaral at pagpapakadalubhasa.
B. Bisa sa Damdamin
Naantig ang aking damdamin sa pagiging positibo ni Rizal sa kabila ng mga kalupitang sa
murang isip ay naranasan niya at ng kanyang pamilya. Naging masaya ang aking damdamin sa
tinatanaw ng tula na may magandang bukas na kakaharapin ang bansang Pilipinas na sa
kasalukuyang panahon ay tunay nating nararanasan.
C. Bisa sa Kaasalan
Sa pahayag ni Rizal na “ itaas ang noong aliwalas” na nagpapakita ng isang liwanag sa landas
na kanilang tatahakin. Pagpukaw sa isipan ng mga kabataaan na gumising at
magpakadalubhasa upang iligtas ang naghihingalong Inang Bayan sa pamamagitan ng isang
malinis, makatao at makaDiyos na pamamaraaan.
D. Bisa sa Lipunan
Ang akda ay nakintal sa bawat kabataang Pilipino ayon sa aklat nina G.F. Zaide at J.M. Zaide,
naging klasiko sa Panitikang Pilipino ang tula sapagkat ito ang pinaka-unang tulang naisulat sa
wikang espanyol subalit isinulat ng isang katutubo na kinikilala ng Sambayanang Pilipino at sa
kauna-unahang pagkakataon, ang tula ay naglalahad ng isang konsepto ng pagkamakabayan
ng mga Pilipino na tayo ang pag-asa ng ating bayan at hindi ng mg abanyaga.
IV. Pagpapahalaga ayon sa Nilalaman
A. Kalagayang Sosyal at Pangkabuhayan
Ninais ng may-akda na mapag-isa ang lahat ng mga kabataan upang maging instrumento ng
pagbabago. Isang pagbabago na nagbibigay ng pagkakataon upang maiahon ang bansang
sinilangan.
B. Kulturang Pilipino
Maaring pumasok dito ang pagiging makabansa ng mga Pilipino. Isang kulturang hindi maiaalis
sa sansinukuban.
C. Pilosop[iyang Pilipino
Ang tula ay tumatanaw sa isang paniniwala ng mayy-akda sa kakayahan ng kabataang Pilipino
na maging puno at tagapagtaguyod ng karapatang pantao at kasarinlan ng bansa.
D. Simbolismong Pilipino
Tulad ng isinasaad sa tula na " kilos kabataan at iyong lagutin, ang gapos ng iyong diwa at
damdamin" na sumisimbolo ng kapangyarihan-kapangyarihan na nagbibigay pag-asa para
iligtas ang naghihingalong Inang Bayan.

You might also like