You are on page 1of 21

A.

PAMAGAT: BILANGGO

1.KAILAN SINULAT: 1965-1966

2.AUTHOR: Wilfredo Pa. Virtusio

Unang nakilala sa kanyang mga kuwentong ukol sa mga bilanggo, si WPV ay

kabataang manunulat na mapagpanalo sa mga timpalak-panitik.

Isinilang si Wilfredo Pa. Virtusio sa mag-asawang Dominador Virtusio at Antonina

Pasayan sa Bay, Laguna, noong 13 Mayo 1942. Limang taong gulang si Virtusio

nang sila’y manirahan sa NBP (National Bilibid Prison).

Ang kanyang maikling kuwentong “Bilanggo” ay nagtamo ng unang gantimpala

sa Palanca at nanguna sa taunang pamimili ng Pilipino Free Press.Nagkamit ng

Balagtas Memorial Awards ukol sa maikling katha noong 1969, siya pa rin ang

pumangalawa sa taunang pamimili ng maikling kuwento ng Liwayway sa

nabanggit na taon.

3.PUBLIKASYON: Don Carlos Palanca Memorial Awards for Literarture

B.TAUHAN

1.TAUHANG LAPAD:

Mang Selo- isang taong inaapi, magsasaka at mahirap.

Sisa- larawan ng mabuti at mapagmahal sa mga anak at asawa


Hitler-siya ang pumatay sa mga hudyo at kilalang lider ng Germanyanoong

iklawang digmaang pandaigdig

Limatik -isang uri ng "parasite" na sumisipsip nang dugo ng di

mo ito namamalayan.

Damaso-sakim, sukab at mapagbalatkayo.

Esperanza -pag- asa

C.TAGPUAN: Bilangguan

D.BUOD:

Mahigit na animnapu na ng mabilanggo si Mang Selo. Siya ay nabilanggo sa

kadahilanang hindi niya ginawa. siya ay pinaratangang pumatay sa bangkay na

natagpuan sa lupang kanyang sinasaka. Dahil sa pagkabilangong iyon ang

kanyang lupa ay pinagkatiwala niya sa kanyang kumpare, si Marcos.

Ang lupang ito'y mahalaga sa kanya sapagkat ito ay minana pa niya sa kanyang

mga ninuno at dala nito ang mga lalaala ng yumao niyang asawa, si Sisa. Ito ang

dahilan kung bakit ayaw niyang ipagbili ito para pang-abswelto sa ipinaratang sa

kanya.

Sa piitan nakilala niya sina Ping Suhol, isang mayamang Intsik na nabilanggo

dahil sa panggagahasa; si Quintin, nasangkot sa dalawang pagpatay; si Lucio,

na ang dibdib ay natatampukan ng humahalakhak - hindi nalulumbay na mukha


ni Kristo; si Hitler, nandukot, pumatay at nanghalay; at si Sarhento Damaso, ang

tanod na namamahala sa brigadang kinapapalooabn na selda ni Mang Selo.

Ang pagkain nila sa piitan ay maiihalintulad sa pagkain ng baboy. Mga inuod at

mga malapit ng mabulok na pagkain.

Ang tanging napapaglibangan nila sa selda ay ang alagang dagang bahay ni

Quintin. Ito ay pinangalanan niyang Esperanza hango raw sa pangalan ng

kangyang kabiyak. Ito ay nakakapangumit ng sigarilyo at nangingliti ng paa ng

mga presong tulog.

Minsan napili si Mang Selo na magtrabaho sa labas. Sila ay binabantayan ng

mga kapwa nila preso na kung tawagin ay trusty at mga tanod na may bitbit na

riple't garand.

Isang gabi nagkaroon ng pagtitipon sa plasa ng bilangguan. Pinagkaguluhan ng

mga bilanggo ang konsyerto ng mga artista at ang pananyaw ng isang babaeng

hubo't hubad. Ito raw ay gawa ng isang pulitikong nangangampanya.

Nang mag- umaga na'y sumakit ang tiyan ni Mang Selo. Siya ay dinala sa ospital

ng bilangguan. Dito'y nalaman niyang hindi ito ospital kundi punerarya. Sapagkat

ang mga narito'y di ginagamot kundi pinababayaan lamang hanggang ang ilan

ay namamatay na dahil sa karamdaman.


Dahil sa mga karanasang ito sa bilangguan marami ang gustong makatakas.

Kaya bumuo sila ng mga pangkat at nag-ipon ng mga sandata. Ngunit sila rin

mismo ang nag- aaway-away sa loob ng bilangguan.

Minsan dumalaw ang kumpare ni Mang Selo na si Marcos. Nagdala ito ng mga

prutas, itlog, at iba pa. Ngunit ang mga ito ay kinaha ni Sarhento Damaso.

Ipinaalam ni Marcos na gustong bilhin ang kanyang lupa ng sampung ulit ang

higit sa tunay na halaga, para sa gagawing kalsada na pagababaan ng troso

mula sa bundok.

Ang gustong pagbili sa lupa ni Mang Selo ay nalaman ni Sarhento Damaso.

Kung kaya pinatawag niya si Mang Selo na pumirma sa isang katibayan na gusto

niyang ipagbili ang kanyang lupa. Ngunit hindi pumayag si Mang Selo at dahil

dito siya pinahirapan at binugbog hanggang sa mawalan malay. Nahabag sa

kanya si Lucio at sinabi na wala silang magagawa pagkat gobyerno sila.

Maya- maya'y nag-iisa na rin si Mang Selo. Aywan niya niya kung bakit sa mga

sandaling iyon ay naiisip niya ang humahahalakhak at waring nanlilibak na mikha

ni Kristo sa dibdib ni Lucio. Iminulat niya ang duguang paningin, pinukol ang

kinalalagyan ng rehas-rehas na bintana at noon lamang natuklasan ni Mang

Selo na buhat sa kinasasadlakan niyang bialangguan ay hindi matanaw ang

kahit kapilas na langit.


E.KONKLUSYON

Sa kabila ng marami ng batas at karapatang pantao na inamiyendahan, ginawa

at inilathala ng ating gobyerno't mambabatas, laganap pa rin ang pang-aapi at

marami pa rin ang mga taong di nabigyan ng sapat hustisya sa ating lipunan.

Marami sa ating lipunan ang mga taong nasa piitan ang mga inosente,

nagkasala man ngunit labag sa kanilang mga kalooban o di kaya'y dahil na rin sa

udyok ng kapwa tao.

Iba't iba ang dahilan kung bakit ang isang tao ay nasa bilangguan. May mga

nasa piitan na sadyang kung tawagin natin ay mga halang ang kaluluwa. Sila

ang mga mamatay tao, magnanakaw, mapagmahal sa laman at kung anu-ano

pang uri ng karahasan. Mayroon ding mga sakim at gahaman adik at iba pa.

Ngunit mayroon ding mga taong nasa piitan na labag sa kalooban ang gumawa

ng kasalanan, mga taong kadalasang "kapit sa patalim" ika nga o dahil sa udyok

ng kapwa tao kaya nakagawa ng kasamaan. Ang masaklap sa lahat ay ang

mag taong nasa piitan na nakakulong bagamat wala naming kasalanan.

F.REAKSYON

Naging maganda ang takbo ng mga pangyayari sa kwento. Nakapaghatid ito

ng mga damdamin tulad ng awa, pagkakasuklam at inis. Nakapagbukas ng

isipan tungkol sa mga katotohanang nangyayari sa ating paligid. Mga

katotohanang kadalasang nangyayari sa tunay na buhay. Tumutulong upang

imulat natin ang ating mga mata sa mga kaapihang nangyayari sa loob at labas
ng bilangguan. Maraming mga kaluluwang nagnanais ng tunay at sapat na

kahulugan ng hustisya at katarungan.

Maraming mga karapatang pantao ang naabuso sa kwento.

Una, ang karapatang mabigyan ng kaukulang paglilitis o pantay na paghusga;

pangalawa, nakitil din ang karapatan ni Mang Selo na mabuhay ng matiwasay

dahil sa pagkakakulong nito; pangatlo, ang karapatang makamit ang mga

wastong pangangailangang pisikal, tulad ng masustansyang pagkain,

magandang silid-tulugan at medisina; pang-apat, karapatang ipagtanggol ang

sarili sa batas at sa kapwa tao; at panglima, ang karapatang mabuhay.

Nais gisingin ng may- akda ang ating mga isipan upang bigyang

katarungan ang mga bagay na gaya ng mga nangyayari sa kwento. Ipagtanggol

ang mga naaapi tulad ni Mang Selo at bigyan din nang pantay na karapatang

pantao nagkasala man ang mga ito o hindi. Sapagkat sila rin ay mga nilalang na

nais mabuhay ng malaya at matiwasay.

"Kung minsan nakagagawa ang tao ng kasalanan dahil din sa kapwa tao."

Naging makabagbag damdamin ang kwento sapagkat ang pagkakagamit

ng mga salita ay naaakma sa pamagat nitong "Bilanggo". Ang pagkakasunud-

sunod ng mga pangyayari ay nagbibigay buhay sa nais ipakita ng awtor na mga

nangyayari sa loob ng bilangguan. Mula sa dahilan kung bakit nabibilanggo ang

isang tao hanggang sa makaranas sila ng mga pagmamalabis at paglabag s

akanilang mga karapatang pantao s aloob ng bilangguan. Pati na rin ang


paglalarawan sa kanilang pagkain, palikuran at iba pa ay nakatulong sa

mambabasa upang iakma nito ang sarili sa mga nangyayari sa loob ng piitan.

Ang paggamit at pag-italized ng mga salitang karaniwang ginagamit sa

bilangguan ay nakatulong din upang higit na maunawaan ng mambabasa na ang

mga pangyayaring kanyang binabasa ay sa bilangguan. Tulad ng trusty, living-

out, steel matting at iba pa. Pati na rin ang pag-italized ng mga salitang

mahalaga sa kwento. Tulad ng "Pinatay man niya si Esperanza at Pirmahan mo,

pirmahan mo! " ay lalong nakapagpasidhi sa damdaming nais iparating ng awtor.

Ang istilong ginamit sa kwentso na " bukas na pagtatapos o open-ended" ay

nagpapahiwatig din na kung kailan kaya matatapos o magwawakas ang mga

ganitong uri ng kaapihan sa ating bayan.


A.PAMAGAT: MABANGIS NA LUNSOD

1. KAILAN SINULAT: 1960-1961

2. AUTHOR: Efren Reyes Abueg

Si Efren Abueg ang isa sa mga iginagalang na nobelista, kuwentista,

mananaysay, at krititiko ng kaniyang panahon. Sumulat at nag-edit ng maraming

mga sangguniang aklat si Abueg at ginagamit hanggang sa kasaluyukan sa

kapwa pribado at publikong paaralan, mula sa elementarya, sekundarya

hanggang sa kolehiyo. Bukod dito, malimit ilahok ang kaniyang mga kuwento sa

mga teksbuk na sinulat ng ibang awtor. At isa sa mga akdang kanyang mga

naisulat ay ang Mabangis na Lungsod.

3.PUBLIKASYON: Don Carlos Palanca Memorial Awards for Literarture

B.TAUHAN

1.TAUHANG LAPAD:

Adong- 12 gulang na batang pulubi sa Quiapo.

Aling Ebeng- matandang pilay sa tabi ni adong sa dakong luwasan ng

simbahan.

Bruno- isang siga na kinatatakutan ni adong na siyang kumuha sa

kanyang pera.
C.TAGPUAN: Quiapo

D.BUOD

Ang kwento ay umiikot sa batang si Adong na gumigising ng maaga at

nagtutungo sa Quiapo upang mamalimos para siya ay magkaroon ng pagkain na

kanyang maipantatawid gutom. Si Adong ay labindalawang taong gulang. Sa

murang edad ay naranasan na ni Adong ang kahirapan ng buhay. Namuhay rin

siya ng walang mga magulang na mag-aaruga sa kanya. Ngunit nagugulat ang

mga namamalimos sa tapat ng Simbahan ng Quiapo kapag dumarating na ang

mayabang at nagpapaka-haring si Bruno. Lahat sila ay natatakot kay Bruno.

Lahat ng kanilang napapalimos ay napupunta lamang kay Bruno.Si Bruno ang

nakikinabang ng lahat ng mga ito.

E.KONKLUSYON

Naglalayong ipaalala sa atin na hindi lahat ng tao ay pantay pantay. Sa

ating lipunan, mayroong mga mahirap na patuloy na humihirap at may mga

mayayaman na patuloy na yumayaman. Dahil ditto, maraming mga tao ang

gumagamit na lamang ng dahas upang makuha at makamit ang mga ninanais.

F.REAKSYON

Para sa akin mabisa ang istilo na ginamit sa pagkakasulat sa nilalaman ng

akda. Maayos naman maganda ang pagkakasulat parang batay sa mga totoong

ngyayari. Angkop lamang sa antas ng pang-unawa ng mga mambabasa ang


pagkakabuo ng akda. Kung kaya masasabi kong epektibo ang paraan ng

paggamit ng mga salita sa akda.

Ang teksto ay makatotohanan at napapanahon. Lahat ng tao, ay may

kanyang contribusyon sa ating komunidad. At tayo ay may mapagpiliian kung

ano gusto natin. Hindi tayo pinipilit ng Diyos na gawin ang gusto niya. Binibigyan

tayo ng ang pagkakataon na gawin ang kung anuman gusto natin gawin. Ngunit,

sinasabi lang niya na may kahihinatnan ang lahat ng ginagawa natin.


A.PAMAGAT: BANYAGA

1.KAILAN SINULAT: 1961-1962

2.AUTHOR: Liwayway Arceo

Pangunahing mangangathang Tagalog at Filipino na nakasulat ng 90 nobela, 2

libong mahigit na kuwento, 1 libong mahigit na sanaysay, 36 tomo ng iskrip sa

radyo, 7 aklat ng salin, 3 iskrip sa telebisyon, at di-mabilang na kuntil-butil na

lathalain sa halos lahat ng pangunahing publikasyong Tagalog o Filipino. Binago

ni Arceo ang topograpiya ng panitikang Tagalog, at ng ngayon ay tinatawag na

panitikang popular, sa paglalathala ng mga akdang nagtatampok ng halagahan

[values], lunggati [vision], at kaisipang Filipino. Ginamit din niyang lunsaran ang

pamilya bilang talinghaga ng Filipinas; at sa pamamagitan ng masinop ng

paggamit ng wika ay itinaas sa karapat-dapat na pedestal ang mga kathang

Tagalog, sa kabila ng pamamayani ng Ingles bilang opisyal na wika ng

edukasyon at gobyerno.

3.PUBLIKASYON: Don Carlos Palanca Memorial Awards for Literarture

B.TAUHAN

1.TAUHANG LAPAD:
Fely- ang unang hukom at pinaguusapan sa kwento

Duardo- isang guro sa Plaridel High School at kaibigan ni Fely

Nana Ibang- nagpalaki at nagtaguod kay Fely.

C.TAGPUAN: Bahay at eskwelahan (Plaridel High School)

D.BUOD

Kanayon: Mukhang artista! Artista nga ba?,,, artista!!

Mula ung dumating si Fely kanina ay Hindi miminsang narinig ang tanong

na iyon na tila ngayon lamang siya nakita. Gayong umuuwi lamang siya

dalawang beses sa isang taon: Araw ng mga patay at kung pasko. O,

napakadalang nga niyon, bulog nya sa sarili. At mga sandaling ito na wala nang

kumikibo at tumitingin sa kanya ay iyon din ang katunayang wari ay nababasa

niya sa bawat matimping ngiting na may lakip na sulyap.

Nana ibang: ‘Serbesa ba kamo bat aka?’

Fely: “Hindi naman masama ang amoy nana”

At mula sa salamin sa kanyang harapan ay nakita niya si nana ibang sa

kanyang likuran. Hinahagod ng tingin ang kanyang kaanyuan . Matagal na

pinagmasdan ang kanyang buhok. Hindi ito makapaniwala niyang sabhin niyang

serbesa ang ipinambasa sa buhok niya bago iyon sinuklay. Nandilat si nana

Ibang ng ulitin nya ang tanong.


Biglang nauntol ang kanyang sasabihin ng marinig nya ang mahinang tatat ni

Nana Ibang. At nang tumingin siya dito ay nakita niya ang kulimlim ng muka nito.

At bigla-biglang dumaan sa kanyang gunita ang naging anyo. Ang walang

malamang gawing pagsalubong sa kanya. At nang siya ay ipaghain ay Hindi diya

isinabay sa kanyang pamangkin. Ibinukod sya ng hain, matapos mailabas ang

isang maputi at malinis na kumot na ginawang mantel. Hindi siya pinalabas sa

batalan ng sabihin nyang maghuhugas siya ng kamay. Ipinagpasok siya ng

palanggan ng tubig kasunod ang isa niyang pamangkin na sa pangalan at

larawan lalo niyang kilala sapagka’t patuloy ang kanyang sustento rito buwan

buwan. Ito ang may dalang tatlong platitong kinalalagyan ng isang sabong

mabangong alam niyang ngayon lamang binili. Nakasampay sa isabg bisig nito

ang isang tuwalyang amoy moras. At napansin niyang nagkatinginan ang

kanyang mga kaharap ng sabihin niyang magkakamay siya. Wala na siyang

balak dumalo sa parangal. Nguni’t naisip niyang ngayon lamang gagawin ang

gayon sa kanilang nayon. Sa ikalimang taon ng Plaridel High School. Parangal

sa unang babaeng hukom na nagtapos sa kanila. Napakislot pa si Fely nang

marinig ang busina ng isang tumigil na sasakyan sa harap ng bahay. Sa paligid

ng kotse ay maraming mukhang nakatingin sa kanya. Ang pinto ng kotse ay

hawak ng isang lalaking nang isang lalaking nang mapagsino niya ay bahagya

siyang napatigil ng Makita niya si Duardo.

Nang pagsakay sa kotse ay napatanong si Fely bakit Hindi siya sumakay sa likod

katabi nito.
Isinuot nya ang salaaming may kulay. Tila Hindi niya matagalan ang

nakalarawansa muka ng mga sumasalubong sa kanya. Pagtataka, paghanga.

Iwan nya kung alin. At ng buksan ni Duardo ang pinto ng kotse upang makalabas

siya ay lalong mas nagtining ang kawalan ng damdamin kanina pa. at may

sumusungaw na luha sa kanyang mga mata. Tila Hindi na niya makilala ang

pook na binalikan niya.

E.KONKLUSYON

Kung di tayo magsasakripisyo at iisiping mabuti ang kakahinatnan natin sa

hinaharap at wala tayong mararating. Si Fely nakipagsapalaran sa ibang bansa.

Nagtagumpay siya sa

kanyang karera subalit bigo naman sa kanyang buhay pag-ibig. Malaki ang

ipinagbagong pisikal ni Fely na naging dahilanng muntikang hindi pagkilala sa

kanya ng mga kanayon niya.

F.REAKSYON

Maganda ang ipinapabatid ng maikling kwento, maayos ang

pagkakasunod ng pangayari at maiihalintulad sa buhay lalo ngayon para sa mga

kasalukuyang kabataan. Ipinabatid na Hindi ang pagbasak ng isang beses ang

kahulugan ng pagkatalo sa hamon ng buhay. Kailangan nating magsakripsyo ng

sa gayon ay magtagumpay sa hinaharap. Lahat ng bagay bago makuha ay

nangangailangan ng tyaga at sakripisyo.


A.PAMAGAT: ANG TONDO MAN MAY LANGIT DIN

1. KAILAN SINULAT: 1953-1954

2.AUTHOR: Andres Cristobal Cruz

3. PUBLIKASYON: Don Carlos Palanca Memorial Awards for Literarture

B.TAUHAN

1. TAUHANG LAPAD:

Victor del Mundo: isang lalaking taga-tondo na mabait at masipag magaral.

Alma Fuertes: babae na mayaman na may gusto kay Victor. Matalik na kaibigan

ni Victor.

Lukas: kapatid ni Victor

Flor: dating ka-ibigan ni Victor na ngayo’y sila na ni Tonyo.

C. TAGPUAN: Tondo, Manila

D.BUOD
Si Victor ay tinawagan ni Flor at sabi na makikipagkita daw siya sakanya sa

palamigan sa Quiapo. Nagkumustahan sila at si Flor ay nagtapat na siya’y

nagdadalantao na nang dalwang buwan. Pagkatapos nilang magusap ay umalis

na sila. Si Victor ay nahuli sa usapan nila ni Alma na magkikita sila sa lobby ng

gusali. Hindi na mapakali si Alma sa kanyang kinauupuan. Hindi niya maisip

kung ano na an posibleng nangyayare kay Victor.

Nang dumating si Victor, siya ay malalim ang iniisip at nakatingin sa malayo.

Tinanong ni Alma kung bakit siya natagalan. Sinagot naman ito ni Victor habang

nakatingin parin sa malayo. Nagtampo naman si Alma at naglakad palayo.

Hinabol naman ni Victor si Alma at humingi ng paumanhin. ‘Di ito pinansin at

patuloy parin lumakad.

Nakadating na si Alma sa gusali ng Edukasyon. Ang laking gulat niya nang

makita niya na wala na sa tabi niya si Victor. Siya ay nagalit at pumunta sa mga

kaibigan niya. Saka pa lang dumating si Victor nang magsisimula ang kanilang

klase. Sa likod pumunta si Victor at karapat rapat ay nasa tabi niya sa kaliwa si

Alma, pero naisipan ni Alma na siya’y sa unahan nalamang. Nabigo si Alma nang

makita niya si Victor na hindi siya iniimbita na umupo sa kaniyang tabi. Lalo itong

nagalit at nagtampo.

Pagkatapos ng klase, si Victor ang naunang lumabas. Lalong lalo nang nainis si

Alma at nagalit din ang propesor. Napasiyahang ni Victor na bisitahin si Flor sa

kaniyang apartment. Si Flor ay nagiisa lamang at siya’y di bisitahin ng antok.

Nang tumunog ang doorbell ay laking gulat ni Flor nang makita niya si Victor sa
harapan niya. Pinapasok niya ito at naghanda ng hapunan. Sila ay

nagkwentuhan at pagkatapos nito’y umuwi na si Victor.

Umuwi na si Victor sa Looban ng Tondo at nakit ang kaniyang kapatid na si

Lukas na nagiinom sa isang kainan kasama ang kaniyang kaibigan. Muntik na

magkagulo doon sa kainan at sila’y umuwi na. Pero nung sila’y papauwi na,

nakaharap nila ang mga Waray na nakipagaway sakanila. At kumalat sa buong

Looban ng Tundo ang nangyare.

Nagklase muli at nagkita sina Alma at Victor. Sa araw din na iyon, bumili si Alma

ng kaniyang bagong talaarawan. Nang matulog na si Alma, nagkapanaginip siya

tungkol kay Dolores na nabuntis ng kaniyang tatay. Si Dolores ay dati nilang

katulong.

Kinabukasan ay nagpaalam si Alma sa kaniyang mga magulang na may

magaganap sila na party. Ito ay celebrasyon sa nalalapit nilang pagtatapos.

Nagimbita si Alma ng mga kaibigan at kaklase. Kasama na roon si Victor. Hindi

naman nasiyahan si Alma dahil hindi ginusto ng kaniyang magulang na sila sila

lang ang magpaparty. Bago si Victor pumunta ng party, ay siyang pumunta kay

Flor. Nagaway lamang sila dahil hindi maaaring mangyare ang gustong

mangyare ni Flor. Si Victor ay umalis na at pumunta kay Alma.

Nang dumating na ang araw ng kanilang baccalaureate mass at pagtatapos,

niregaluhan ni Victor si Alma ng isang fountain pen na “Victor-Alma” ang nakaukit

habang si Flor naman ay niregaluhan si Victor ng isang magandang relo.


Lumipas ang mga araw at dumating si araw na nakapagtayo ng patahian si Flor

kasama si Dolores. Ito’y nabalitaan ni Victor. Nahanap ni Alma ang hinahanap

niyang si Dolores na may ginawang masama ang kaniyang ama sakanya.

Pagdating ng Hunyo ay nakahanap na ng trabaho si Alma at siya’y nagtuturo sa

Torres High. Ang mga araw ay lumipas at nagpasiya si Alma na bumisita siya sa

patahian ni Flot kung saan nga nagtatrabaho si Dolores. Siya ay nagbigay ng

sustento at sabing babawi raw siya sa lahat ng ginawa ng kaniyang ama.

Natanggap naman si Victor bilang isang substitute teacher sa Torres High sa

tulong ni Paking. At dito magkasama sina Alma at Victor sa pagtuturo. Dumating

din ang araw na nanganak na si Flor at naroon ang kaniyang asaw ana si Tonyo.

Syempre hindi magpapahuli si Tonyo rito. Kinausap niya ang kaniyang isang

asawa at napagsiyahan nilang bumisita.

Dumating rin ang araw na hindi na kayang itago ang nararamdaman ni Alma

para kay Victor. Nagtapat na siya at mukhang nagkayos sila. Sinabi niya narin sa

kaniyang ama na alam niya yung sakanila ni Dolores. Isang araw din na

pinahawak kay Victor ang bag ni Alma at nakita niya na mayroong talaarawan

siya roon.

Nang hindi na mapigilan ni Victor, kinuha niya ang kamay ni Alma sa kaniyang

ama at masaya ang ama para sa kanilang dalawa. Pinaghandaan nila ang kasal

at hindi na pinatagal ito. Dumating ang araw ng kasal at ito lamang ay maisang

simpleng kasal kung saan kaunti lamang ang inimbita sa espesyal na araw na
ito. Dito isinagawa ang pagiisang dibdib nina Victor at Alma at sila’y nanirahan ng

maligaya.

E. KONKLUSYON

Ang mga isyu, malaki man o hindi, ay kinakailangang ipaalam sa bawat

tao sa isang lipunan. Sa istoryang “Ang Tundo Man May Langit Din” ni Andres

Cristobal Cruz, may mga isyu sa lipunan na dapat natin suriin bilang

mamamayan ng bansang Pilipinas. Sa ating bansa ay kitang-kita ang

diskriminasyon na ebidente sa pagtrato ng mga mamamayan sa kapwa. Ang

nangyayari ngayon ay nagiging base ang kayamanan sa pagtrato ng isang tao.

Maganda ang pakikitungo sa iba dahil sa karangalan at kayamanan at masama

ang pakikitungo sa taong walang kaya o mahirap.

Ang pinakamalaking isyu sa istoryang “Ang Tundo Man May Langit Din”

ay ang kapangyarihan ng mga taong may-kaya. Para sa kanila ay mabilisan

nilang nakukuha ang kanilang interes o ang kanilang ninanais dahil sa paggamit

ng salapi. Kaagad din nilang napapatahimik ang isang tao dahil sa kanilang

suhol na binibigay. Ang marahas na kagagawan na ito ay dulot ng kanilang takot

na ang mabahiran nang anumang iskandalo at dumi ang kanilang mga pangalan.

Kumbaga ay takot lamang silang may masabi ang ibang tao tungkol sa kanila.

Para sa mga mayayaman ang karunungan ay ang siyang hindi mahalaga kundi

ang diploma, ang katibayan ng pagtatapos sa pag-aaral. Mas pinapahalagahan

nila ang papel bilang katibayan ng pagtatapos imbes sa karunungan at

katalinuhan na ang wastong katibayan ng pagtatapos ng pag-aaral. Minamaliit


nila ang mga taong walang kaya sa buhay. Wala silang pakundangan sapagkat

wala silang tiwala sa mga kakayahan ng mga mahihirap. Nagpapakita lamang ng

magandang asal sa dukha tuwing may kailangan sila mula sa kanila. Bukod sa

rito, ang mga mayayaman ay walang alam gawin kundi magpadyaryo tuwing

may nagaganap sa kanila.

Hindi tama ang ganitong pagtrato ng tao sa kapwa tao. Ayon sa

pagkakakilala ng tama at mali o ethics, itong pamamaraan ay halimbawa ng

pagmamalupit. Dapat ay pantay-pantay ang pakikitungo nang mga tao sa

mayaman man o mahirap. Hindi sapat na abusuhin ang mga taong tila walang

kaya sa buhay. At tamang paraan sa pagtungo sa kanila ay ang pagbibigay ng

pagkakataon at mga posibilidad umangat. Ang mga mahihirap naman ay dapat

patunayan ang sarili sa iba na may pag-asa pang umangat ang kanilang mga

buhay sa gitna ng pagmamalupit. paghatak sa kanila pababa, at pagbabaliwala

ng mga tao.

F.REAKSYON

Naramdaman ko na lalong gumaganda ang buhay natin kapag maganda ang

ating natapos at nakamit natin ang ating pangarap.

Natutunan ko na kapag mas simple, ay mas mabuti. At hindi lahat ay nakukuha

sa isang madaling salita, kundi ito’y pinghihirapan.

Napagtanto ko na lahat ng matagumpay na tao ay may hirap na pinanggalingan

You might also like