You are on page 1of 9

Panahon

Panahon ng Bagong Lipunan


May Akda

 Wilfredo P. Virtusio
Banghay
Simula

• Sa kabila ng marami ng batas at karapatang pantao na inamiyendahan, ginawa at


inilathala ng ating gobyerno't mambabatas, laganap pa rin ang pang-aapi at marami pa rin
ang mga taong di nabigyan ng sapat hustisya sa ating lipunan. Marami sa ating lipunan ang
mga taong nasa piitan ang mga inosente, nagkasala man ngunit labag sa kanilang mga
kalooban o di kaya'y dahil na rin sa udyok ng kapwa tao.

• Iba't iba ang dahilan kung bakit ang isang tao ay nasa bilangguan. May mga nasa
piitan na sadyang kung tawagin natin ay mga halang ang kaluluwa. Sila ang mga mamatay
tao, magnanakaw, mapagmahal sa laman at kung anu-ano pang uri ng karahasan. Mayroon
ding mga sakim at gahaman adik at iba pa. Ngunit mayroon ding mga taong nasa piitan na
labag sa kalooban ang gumawa ng kasalanan, mga taong kadalasang "kapit sa patalim" ika
nga o dahil sa udyok ng kapwa tao kaya nakagawa ng kasamaan. Ang masaklap sa lahat ay
ang mag taong nasa piitan na nakakulong bagamat wala naming kasalanan.
Tunggalian

• Tao laban sa tao


Kasukdulan

• Ang pagkakatuklas ni Sarhento Damaso na may lupa si Mang Selo. At


ang lupang iyon ay binibili ng sampung ulit sa tunay na presyo at
pagpapapirma kay Mang Selo kasulatan.
Wakas

• Iniisip ni Mang Selo ang humahalakhak at waring nanlilibak na mukha


ni Kristo sa dibdib ni Lucio. Pagmulat niya sa kanyang duguang
paningin at natuklasang sa bilangguang kanyang kinasasadlakan ay
hindi matanaw ang kahit na kapilas na langit.
Dulog Pampanitikan

• Realismo
Ang pagkitil sa karapatang pantao at pagmamalabis sa mga preso ay
malinaw na inilahad sa kwento. Pati na rin ang kakulangan sa
pagbibigay ng hustisya sa mga maralita at panggigipit sa mga aping
katulad ni Mang Selo.
Sinasalamin ng Kwento sa Lipunan

• Ipagtanggol ang mga naaapi tulad ni Mang Selo at bigyan din nang
pantay na karapatang pantao nagkasala man ang mga ito o hindi.
Sapagkat sila rin ay mga nilalang na nais mabuhay ng malaya at
matiwasay.
• "Kung minsan nakagagawa ang tao ng kasalanan dahil din sa kapwa
tao."

You might also like