You are on page 1of 8

Kahiwagaan

Ni Pablo N. Bautista

May mga pangyayaring mahiwaga sa ating buhay, mga pangyayaring kung hindi
lamang naganap sa ati’y halos di natin mapaniwalaan.
Yaon ang buod ng isang aklat ng paham ng Hudeo na di sinasadya’y aking nabasa.
Nahikayat ako ng kanyang mga paliwanag sa kahiwagaaan ng kalikasan, at nakalingatan
ko na tuloy na maaring tumawag sa telepono si Magdalena. May matibay na paniwala ang
paham ni Hudeo sa kaluluwa ng tao at sa tibay ng pananampalatya. May sarili siyang paniwala
sa mga pangyayaring pangkatalagahan, tulad ng pagbagsak ng meteor, ang pagkakaroon ng mga
buntala at lindol. Sa bahaging tinatalakay niya ang kamatayan at mga kaluluwang nagbabalik ay
sinagilahan ako ng bahagyang agam-agam. Gayunpama’y ipinagpatuloy ko ang pagbasa. Ang
paraan niya ng paglalahad ay may pambalani, at yao’y isang bagay na nagpapatingkad sa
kahiwagan ng kanyang paksa. Subali’t nang umabot na ako sa bahaging pinapaksa niya, ang
mga maligni, ay biglang- bigla kong binitawan ang aklat. Lumagapak yaon sa sahig bukas pa rin
sa huling pahinang binabasa ko.
Ako’y hindi sadyang matatakutin, nguni’t ngayon, ang sagila ng pangamba’y unti-unting
tumatalab sa akin.
Sa labas, ang kalikasa’y may tinig na Sali-salimuot. Lumalakas ang hangin at ang
hagunot nito’y ipinapakilala ng naglalangitngitang mga lumang haligi ng aming matandang
bahay. Sumasama ang panahon, at aywan ko kung anong kutob ang pumukaw sa akin, para bang
nagbabalang may mangyayari sa gabing yaon.
Nag-iisa sa maluwang na silid. Ang silid na ito’y luma, napapalamutihan ng mga
kurtinang bughaw, na ngayon, sa kadiliman, ay makutim sa paningin. Sa tapat ko ay nakasabit
ang isang malaking orasang lagging tumutugtog ng ikalabindalawa: sa kalumaa’y hindi na
maayos ang pagbabalita nito sa oras. Sa kinakaliwa ko’y naghuhumindig ang isang itim na
aparador na may buo at nagingintab na salamin. Mula sa aking kinauupua’y nakalarawan sa
salamin ang aking mukha: karaniwan, kayumanggi, hawas, mga matang malungkutin at waring
nag-uusisa; paghihinalang mga tatlumpung taon na nguni’t kalian lamang nagdalawampu’t lima.
Sa salami’y nakahantad din ang isang nakasabit sa aparador. Yao’y isang malaking
kuwadro na kinalalagyan ng buhay na buhay na larawan ng aking ama-amahang Hebreo: ulong
nakapugong, mga labing ikom na ikom. Ang kabuuan niyo’y larawan lamang. Sa sandaling
tinatanaw ko ang larawan’y parang kong napansing yao’y gumalaw, para akong napansing ang
mukha’y natinag. Subali’t hindi magkakagayon. Yao’y isang larawan lamang. At saka , patay na
ang aking ama-amahang Hebreo. Ngayon ang ikalabintatlong gabi ng kanyang pagkamatay.
Labintatlong gabi na siyang patay nguni’t parang buhay pa siya. Waring narito pa
sa silid ang kanyang katauhan, parang gumagalaw siya sa kabuuan ng silid na ito.
Sa tabi ng malaki at itimang aparador ay nakalahayhay ang maraming aklat. Yaon
ang katipunan ng aklat ng aking yumaong ama-amahan: maiitim na ang pabalat niyon at
matitiyak na mga luma na, ang mga salitang nakalimbag sa takip ay Latin bagama’t sang-yon sa
aking ama-amaha’y sa iba’t ibang matatandang wika nasusulat yaon. Malapit sa halayhay ng
mga aklat ang hapag na kinappapatungan ng isang lumang telepono. Yaon ang ginagamit ng
aking ma-amahan sa pakikipag-usap sa mga tumatawag sa kanya kung gabi.
Noon pa manga raw ay sinasabi na niya sa aking mahiwaga ang kanyang mga
aklat. Sinasabi niyang yao’y nauukpl sa paniniwala niya sa pananampalataya, sa kahiwagaan ng
kalikasan at ng kaluluwa ng tao.
Kapag inusisa ko ang sinasabi niyangg kahiwagaan ay hindi niya ako tinutugon.
Sinasabi niya sa akin: “Diego, inampon kita mula nang ikaw ay maliit pang naulila sa mga
magulang. Kung sasabihin ko sa iyo ang mga kahiwagaang iyan ay hindi magiging mahiwagan
sa iyo. Kaya lamang maganda ang buhay ay may kahiwagaang nais mong mabatid.”
Iyan ang sinasabi niya sa akin sa kanyang wikang natutuhan ko na rin sa loob ng
panahong ipinagsama namin. Dalawa lamang kaming niya sa bahay- si Damaso, na isang
utusan,at ako. Kami ang katulong niya sa pamumuhay. Ang kanyang pinagkakakitaan ay
magaang gawain. Sa mga bahay-bahay ng kanyang kalahi ay nagtutungo siya tuwing Linggo at
kinakaniig ang sinumang nais humingi ng basbas sa loob ng tatlong oras. Inihahatid namin siya
ni Damaso. May isang tilburi kami at ako ang nagpapalakad niyon. Si Damaso ang nag-aalaga
ng kabayo.
Ukol sa pananampalataya, minsan ay narinig ko sa kanya ang ganito: “Walang
makakapagsabing ang isang pangkat ay siya nan gang biniyayaan ng Makapangyarihamh.
Kinakailangan niyang maghanap ng landas. Ang landas ay nasa pananalig.”
Kung itinatanong ko sa kanya kung ano ang kanyang pananampalatay ay hindi
niya sinasabi sa akin.
Hindi ko malaman kung bakit para niyang nahuhulo pati ang aking kalooban.
Marahil ay napapansin niyang hindi ko pinag-uululan ng pag-aaral ang kanyang mga
paniniwala.
Ang bagay na yao’y natuklasan niya isang araw. Naratnan niya akong nagbabasa
ng isang aklat ukol sa paniwal ng isang ateo.
Sa unang pagkakataon ay nakita kong nanlilisik ang kanyang mga mata; naginig
siya sa tinitimping poot, nangangatal pati ang kanyang putting balbas. Bigla niyang inihagis ang
aklat sa durungawan. Pagkatapos, aywan ko kung bakit, bigla siyang nanangis. Hindi lamang
yaon ang ipinagtataka ko. Ako’y kanyang niyakap at sinabi niya sa akin: ‘ Diego, nabigla ako.
Dapat igalang ko ang iyong paniwala. Ngunit gayari ang akning masasabi. Makikilala mo rin ang
landas kapag dumating ang takdang panahon”.
Ngayon, sa aking pag-iisa sa silid na ito, alaala na lamang ng akinng ama-
amahang Hebreo ang nagbabalik. Ayaw ko sanang mapag-isa, ayaw ko sanang mangulial sa
bahay na ito lalo na ngayong sumasama ang panahon. Sana’y narito na lamang si Damaso o
kaya’y may kausap ako sa telepono. Mula nang mamatay ang aking ama-amaha’y mamasukang
sereno si Damaso, sa isang matandang manggagamot na nakatira sa lumang bahay na di kalayua
n kina Magdalena. Sadyang nais kong narito si Damaso, hindi naman dahil sa ako’y natatakot,
ngunit may mga bagay na sinasabi sa amin ni Damaso ang yuamo bago tuluyang sumakabilang
buhay…… Yaon ang pinangangambahan ko.
Bilang pag-aaliw ay nagbabasa ako ng aklat na gustong gustong basahin ng aking
ama-amahan. Una kong binasa ang isang aklat na nauukol da pananalig ng tao sa kanyang
pananampaltaya, yao’y hindi ko matagalang basahin. Sumunod kong binasa’y nauukol naman sa
mistisismo at sa mga paniwala ng mga mistiko. Kinutuban ako. Ikatlo kong binasa’y ang aklat ng
paham na Hudeo, yao’y binitiwanko- ngayo’y bukas pa rin sa huling pahinang binabasa ko nang
yao’y bumagsak sa sahig.
Tumunog ang matandang orasa. Buong labindalawa ang tugtog sa kanyang
pinagsesernuhan kanginang gumagabi ay ibinubulong pa niya sa akin: “ Diego, ngayon ang
gabing itinakda. Ikalabintatlong gabi ngayon.”
Mula sa aking kinauupua’y tumindig ako. Laganap sa karimlan. Wari bang ang
bagwis niyon ay namamayagpag- naririnig sa buoong paligid ang mabagsik na paghuhumugong
ng hangin, waring tinig ng nagsusungit na panahon, waring babala ng anumang maaring
manyari. Sa hanay na kinatitirikan ng lumang bahay na ito’y wala nang nakabukas na ibang
tahanan. Mangilan-ngilan lamang ang bahay sa purok na ito. Sa mangilan-ngilang yao’y
magkakalayo pa. wari bang mga ulilang tanod na naglalamay sa kadiliman. Sa isip ko’y para
kong natatanaw ang ulilang bahaay ng matandang manggagamot na pinagsesernuhanni Damaso.
Sa tabi niyo’y may isang malaki-laking gusaling simbahan ng mga nanalig. At natitiyak ko na sa
oras na yao’y pinid nang lahat ang mga bahay, wari bang natatakot sa karimlan.
Bumaling ako. At napadako ang aking paninging galling sa dilim ng larawan ng
aking ama-amahan. Nagyo’y hindi koi big paniwalaaan ang aking sarili: ang larawa’y parang
natinag, gumalaw. Ang matang maiitim at mahiwaga ay parang lalong napatuon sa akin, katulad
na katulad noong huling oras na malapit nang dumating sa kanya ang kamatayan.
Hindi ko alam na siya’y may-saakit, ngiuni’t nang gabing yaon, kalaliman din
ng gabing tulad nito ay ginulantang niya ako sa pagkakahiga.
“Diego,” parang narinig kong tawagniya. Malamig at naunuo’t ang tinig.
Malamig na malamig ang kamay na dumampi sa aking pisngi. “ Diego, gumising ka.”
“Bakit po, Ama Hosep?”
Sa paninhin ko noo’y lalong mahiwaga ang kanyang maaitim na mata, sa tingin
ko’y waring iba ang kaanyuan ng kanyang mukha. Ang kanyang paghinga’y madalang, at
nalanghap ko ang kakaibang samyo, para bang samyo ng mga bulaklak, para bang samyo ng
pambihirang kamanyang, samyong para noon ko lamang naamoy.
“ mamatay ako, Diegoo,” anya. Malamig at panatag ang kanyang tinig.
Napabalikwas ako noon at bigla kong hinarap ang aking ama-amahan.
“Huwag kang mabigla. Daraating na ang aking oras.”
Ang nakahawak niyang kamay sa akin ay lalong naging malamig at ang mukha,-
a, ang mukhang yaon- panatag na panatag, mahinakong- mahinahon sa harap ng kamatayan.
“Iiwan ko sa iyo ang bahay na ito at ang aking mga aklat.”
“ Nagbibiro kayo, Ama Hosep.”
“ Ingatan mong mabuti ang mga aklat kahit pagkagiba ng bahay na ito,
kakailanganin mo ang mga aklat,”
Noon, ang aking ama-amahan ay tumitig sa akin, yaong titrig na parang hindi na
magwawakas, yaong titig na,-o, paano ko mailalarawan ang kabuuan ng titig na yaon. Noon ,
marahan niyang sinabi: “ Mamamatay ako sa silid na ito sa ganap na ikalabindalawa ng gabi.”
Bumitiw ako sa pagkakahawak ko kay Ama Hosep. Dinama ko ang aking mukha
upang matiyak na ako’y hindi nananaginip o kaya’y nahihibang. Hindi na ako nananaginip.
Sumigaw ako.
“ Damaso! Damaso!”
Nguni’t parang walang lumalabas na salita sa aking bibig, parang akong biglang
naumid. Muli akong sumigaw. Kaginsa-ginsay nabuksan ang pinto, at sa isang tao ang mabilis na
pumasok. Dala-dala nito ang itim na krus.
“ Tumawag ka ng doctor, Damaso… Bakit ka may dalang krus Damaso?”
“ Alam niyang kailangan ko ang krus,” mahinahong tugon ni Aamng Hosep, “
Halina, Damaso. Manainga kayo ni Diego.”
Magkalapit kami ni Damaso. Hinahawakan ko ang kamay ni Damaso upang
muling tiyakin kung ako’y hindi magulantang o nahihibang. Nguni’t wasto ang aking
pakiramdam. Hawak- hawak ko ang kamay ni Damaso. Nguni’t nang tingnan ko- ang kamay ni
Ama Hose pang hinahawakan ko.
“ Diego, isang bagay lang hihilingin ko.”
“ Ano po iyo?”
“ Itago mo ang jkrus na iyan sa iyong baul at tuamlaga sa anumang
mangyayari sa ikalabintatlong gabi.”
Noo’y idinampi niya ang kanyang nanlalamig na kamay sa aking pisngi. Matagali
niyang pinamalagi roon ang kanyang kamay.
“ Damaso,” baling niya sa utusan, “ isang bagay rin ang hihilingin ko sa iyo.
Isabit mo sa silid na ito ang larawan ko at magpako sa ibabaw niyon ng isang krus.”
Pagkaraan ng ilang sandali’y nandalang ang paghinga ni Ama Hosep. Halos di
ako makapaniwalaang sa loob ng ilang sandal lamang ay buglang magbabago ang kanyang
kalagayan, na ang ilang sandaling yao’y magiging pagitan ng kanyang buhay at kamatayan.
Ang krus ay mahigpit niyang hinahawakan, matagal na hinawakan at saka dahan-
dahang idinampi sa kanyang labi.
Ang sumunod na pangyayari’y hindi ko halos mapaniwalaan; pagtugtog ng
labindalawa sa lumang orasan ay nalagutan na siya ng hininga. Kagya’t kong tiningnan ang
aking orasang pambulsa- ganap ng ikalabindalwa! Ang iba’y karaniwan na sa akin- tinupad ni
Damaso ang utos sa kanya, nguni’t ang sa akin, aywan ko kung bakit hindi ko matupad. Marahil
dahil sa katutubo kong takot o kung anumang damdamin yaon laban sa mga krus.
Ang krus ay itinapon ko sa kasukalan. Isang gabi’y niyaya ko si Damaso. Sinabi
lo sa kanyang may gagawin lamang ako sa kasukalan. Naiwan siya sa tilburi. Malapit sa
tinitirhan ni Magdalena nag pinagbaunan ko niyon. Hindi ko malaman kung bakit hindi ako
mapalagay king nakikita ang krus na itim na yaon, hindi ko malaman kung bakit may katutubo
akong pagkabalisa sa harap ng isang krus. Ang krus sa ibabaw ng larawan ni Aamng Hosep ay
hindi ko matitigan: natatakot ako. Iisang bagay lamang ang sinusunod ko ngayon- ang tumlaga
sa anumang mangyayari sa ikalaabintatlong gabi kung kaya ako nakatatagal sa silid na ito.
Ang damdamin ko laban sa mga krus ay nasabi ko narin kay Magdalena, isang
matapat na kaibigan. Yaon ang dahilan kung bakit naging malupit siya sa kain. Kailangan daw
mabago ang aking naliligaw na damdamin. Tutulangan daw niya akong tumawag sa kanyang
Makpangyarihan. Bagaman hindi ako napaninibulos sa kanyang mga pananalig ay biniyayaan ko
siyang magpaliwanag ukol sa kanyang pananampalataya, sa kanyang wagas na paniniwala. Kung
siya’y nagsasalita ay wari bang wala munti mang agawm agam ang kanyang kalooban.
O, kung mapapawi lamang ang agam-agam ko s asandaling ito!
Nagambala ang aking pagninilay nilay nang biglang humuni ang kabayo sa silong. Yaon
ang kabayong isinisingkaw namin ni Damaso sa tilburi. Aywan ko kung bakit nabulahaw ang
kabayong dati’y ni hindi naglilikot.
Nagpalakd-lakad ako sa silid. Ngayon, ang sarili kong yabag ang lumikha ng mumunting
ingay na nakikisalamuha sa ingay ng huamhagunot na hangin sa labas. Ngayo’y hindi lamang
hangin ang sumasabol sa matandang bahay. Sumanib ang umaatik na ulang itinataboy ng hangin
at yao’y lumilikha ng alingawngaw sa karimlan.
Pinilit kong huwag mapadako ang aking paningin sa larawan ni Ama Hosep, inaalo ko
ang aking sarili; walang mangyayari, guniguni ko lamang ang mga bagay na gumagambala sa
akin. Nguni’t hindi ko malaman kung anong hiwagang panghikayat mayroon ang larawang yaon.
Bahagya akong bumaling at sinulyapan ang larawa. Gaya rin ng dati- mga matang parang buhay
na buhay, maitim at mahiwaga, mukhang parang gumagalaw habang tinitigan.
Muling tumugtog ang matandang orasan. Tiningnan ko. Halos bahagya pa lamang
natatapos ang huling ulinig ng matandang orasan ay biglang gumuhit ang isang matunog na
kriing. Matulin akong nagtungo sa telepono.
Kinakabahan ako kung paao at mandi’y nasasabik ding kung paano. Iniangat ko ang
lumang awditibo.
“ Hello….” Tawah ko.
Sumandali akong maghintay. Sa simula’y tinig na halos bahagya lang maulinigan ang tila
tumugon sa kabilang kawad. Lalo kong inilapit ang panainga ng telepono.
“ Diego,” aang nasa kabilang kawad. Mahinang mahina.
“ Sino ba ito?” humihingal ako.
“ Daluhan mo ako. Kailangang- kailangan. May malubhang pangyayari.”
“ Sino k aba at ano ang nagyayari?”
“ Wala nang panaahon. Dali ka sana.”
Yaon lamang. Wala narinig kundi ang pagbaba ng telepono, nguni’t ang tinig ay waring
nanunuot sa aking pandinig, mahina , malamig, mahiwaga.
Sa sandaling yao’y lalong nag-ibayo ang aking alalahanin. Nagtatalo ang aking kalooba.
Masama ang panahon. Iisa lamang ang kakilala kong nakakaalam ng numero ng teleponong ito-
tanging si Magdalena. Ano kaya ang nangyari kay Magdalena. Bunsod ng katanungang yao’y
madali akong nagbihis.
Sinisikap kong pasiglahin ang aking sarili. Sumisipol sipol pa ako. Subali’t walang tunog
na lumabas.
Hindi ko pinatay ang ilaw. Dahan-dahan kong ipininid ang pinto, at bago ako tuluyang
nanaog ay panakaw pa akong sumulyap sa larawan ni Ama Hosep. May natanaw ako parang
kumislap sa ibabaw ng larawan. Dali- dali kong ipininid ang pinto. Sinalubong ako ng masinsing
hagupit ng hangin. Ang itiman kong balabal ay ikinulandong ko sa aking mukha at ikinambit sa
aking katawan.
Ilang sandal pa, ang tiburi’y sumasagasa na sa karimlan. Ang lampara ng tilburi ang
tanging liwanag na humahawi sa nakalaganap na dilim, waring titis na sumusunog sa malalapad
na bagwis ng karimlan. Nguni’t pagkatapos, ang dinaana’y nanunumbalik sa pusikit na
kawalang-liwanag.
Malayo-layo na ako sa bulaos ng matandang bahay ay para ko pang natatanaw yaon isang
lumang balangkas na animo’y kalansay na lamang ng isang gusali.
Habang daa’y itinatanong ko sa aking sarili kung ano kaya ang nangyari kay Magdalena.
Hindi ko matiyak kung siya na nga, ngunit wala akong nalalamang ibang tatawag. Marahil ay
sadyang may malubhang pangyayari. Pinatulin ko ang kabayong puti. Lalong tumingkad ang
kaputian ng kabayo sa karimlang dinaraanan ng tilburi.
Magalaw ang ulo ng kabayo- waring linalabanan nito ang malakas na ulan at sumasabol
na hangin.
Malapit na ako kina Magdalena. Marami- raming bahay sa gawing yaon.mula roo’y
natanaw ko ang isang matandang gusaling pinagsesernuhan ni Damaso. Yao’y isang lumang
bahay na tinitirhan ng matandang manggagamot. Mula roo’y naaanag-agan ko ang
naghuhumindig na krus sa tore. Aywan kung bakit sa sandaling tumanaw ako sa krus ay parang
nakakita ako ng humagkis na liwanag. Itinuon ko roon ang aking paningin at niloob kong sana’y
hindi totoo ang aking nakita, na yao’y bunga lamang ng aking guniguni. Wala na akong nakitang
ibang pang kislap.
Sumisidhi ngayon ang aking pangamba. Sinisikap kong paglabanan ito. Hinugot ko ang
latiko at hinagupit ang kabayo. Subali’t sa halip na tumulin ito’y biglang- biglang tumigil.
Inasbaran ko ng sunod sunod. Ang kabayo’y umiigtad lamang sa bawa’t hagupit nguni’t ayaw
tumakbo.
Sa kabila ng papalakas na hangin na ngayo’y sinasaniban ng papalakas na ulan ay
naramdamankong nagpupuyos ang pawis sa aking noo, yao’y naramdaman kong tumatagistis sa
aking pisngi. Nanulay sa pisngi ko ang nanunuot na lamig. Sinlamig ng kamay ni Ama Hosep
nang idampi sa akin bago sumakabilang- buhay.
Kaginsa-ginsa, animo’y sa isang bungang –tulog, isang anino ang natanaw kong
tumatakbo buhat sa matandang gusali. Lmatuling lumalapit ang anino at aywan ko kung tama
ang aking hinuha, palagay ko’y sa akin patungo ang aninong yaon- kung sinuman siya.
Sa sanndaling yaon, aywan ko kung bakit, biglang- bigla kong naiusal: Tulungan mo po
ako…. Sa sandaling yao’y naalala kong sa kasukalan ng pook na ito itinapon ko ang krus, at sa
pag-iisip ko nito’y kung bakit nanaig sa akin ang walang pangalang takot- sa kung kangino’y
hindi ko rin alam.
Narinig ko ang mga yabag- papalapit na ang isang tumatakbo. Muli kong hinawakan ang
latiko at hinagupit ang kabayo. Nais kong lumayo sa pook na itong pinagtapunan ko ng krus,
hangad kong tumakas sa pook na itong kinatatanawan ko ng krus sa simbahan. Nguni’t ang
kabay’y nanatiling umiigtad lamang sa aking hagupit.
Itinalaga ko ang aking saril sa anumang pangyayari, ipinaubaya ko sa anumang
kapalarang maaring dumatal sa akin.
Nang malapit ang anino’y hindi ako halos makapaniwala. Iniisip kong ako’y dinadaya
lamang ng kadiliman, na ako’y hindi nakakakita nang maayos. Kinusot ko muna ang aking mga
mata upang matiyak na ako’y hindi nawawalan ng pakiramdam.
“Diego,” humihingal na tawag ng dumating. Lumapit siya sa akin. Nakabalabal ng
puting-puti.
Sa liwanag ng lampara’y matagal niya akong tinitingnan. Pagkatapos, iniabot niya sa
akinang isang bagay na nakabalot. Naginginig ang kanyang kamay, aywan ko kung sa ginawo
sa umaaling takot.
“ May nagpapabigay sa iyo,” anya
“ Ano ito?” tanong ko at alinlangan kong hawakan ang kanyang iaabot.
“Buksan mo.”
Sandal akong natigilan nguni’t may kung anong makapangyarihang lakas na nag-udyok
sa akin upang tingnan yaon- kung anuman yaong nababalutan ng itimang paha.
Dahan-dahan kong binuksan.
Sa sandaling yao’y hindi ko na alumana ang lalong pagpupuyos na ulan. Ang tanging
tumawag sa aking pansi’y ang aking nakita. Ang una kong ginawa’y hawakan ang kaharap ko
upang matiyak ko na siya nga ay tao at hindi kaluluwang kaharap ko. Ang ikalawa kong ginawa
ay salatin ang aking mukha upang tiyakin kung ako’y nagkamaling ako’y buhay at may
matinong pag-iisip. Ang ikatlo kong ginawa’y ang magtanong sa sarili kung ako’y hindi
nananaginip o nahihibang. Nguni’t ako na rin ang tumugon sa aking katanungan: Ako’y buhay.
Nasa harap ko si Damaso. Wasto ang aking pag-iisip at ako’y hindi nananaginip. Pagkatapos
niyo’y natiyak ko na rin- krus ang hawak hawak kong nakabalot sa itimang paha, at hindi
karaniwang krus- yaon ang krus na itinapon ko sa kasukalan ng pook na yaon.
Sa harap ng mga pangyayaring ito’y parang namanhid na ang aking kamalayan, waring
nakatalaga na ako sa lahat ng kahiwagaan, waring nakahanda na ako sa ano pa mang hindi sukat
asahan. Nguni’t kung anuman ang ayos ko noo’y nahihiwatigan ko lamang sa ayos ng mukha ni
Damaso- nakamaang siya sa akin, malaki at bilugan ang kanyang nakamulagat na mga mata.
“Sino ang nagbigay sa iyo nito?”
Isang malakas na bugso ng hangin ang nagsaboy ng malalamig na patak sa aking mukha,
at si Damaso’y nagtakip ng kanyang kulandong na puti. Nang siya’y magsalita ay naginginig ang
kanyang tinig.
“Isang matandang di ko nakikilala.”
Nahawakan ko siya sa balikat.
“Kailan ibinigay sa iyo?”
“Kangina lang.”
Napahigpit ang paghawak ko sa balikat ni Damaso, para bang nais kong pakausisain
kung siya’y nagsasabi ng katotohanan o hindi. Nguni’t ang kanyang mukha’y kinababakasan ng
katapatan.
“Saan ininigay sa iyo?” lumunok ako ngunit ang aking gawi’y tuyo ang aking lalamunan.
“ Ako’y inutusan ng matandang manggagamot sa may simbahan. Doo’y may nagbigay sa
aking niyan.”
“ Tiniyak bang sa akin ipinabibigay?”
Hindi tumugon si Damaso. Muli niya akong tinignan. Sa kanyang mukha’y umaagos ang
patak ng ulan, nakakunot ang kanyang noo, marahil ay sa matinding ginaw.
“ Sa iyo ipinabibigay,” kapagkuwa’y bulong niya.
“ Paanong nalamang narito ako?” mabilis ang aking pagkakanigkas ng tila ba naghihintay
ng gayunding katuling katugunan.
“ Sinabing madaratnan kita rito. Nakasakay ka raw sa tilburing nakahinto.”
Dahan-dahang kumalas ang pagkakahawak ko sa kanyang balikat. Humahagunot ang
hangin. Yao’y parang nagngangalit na tinig ng kalikasan. Ang bagwis ng kadiliman ay waring
nag-uumugong, tanging ang maliit na lampara ang ulilang bantay na liwanag.
“Umalis tayo rito, Damaso.”
Nang hawakan ko ang riyenda ay biglang nagulantang ang hayop. Naglulundag ito at
humuning parang nahihintakutan, paurong. Lumundag kami sa tilburi.
Noon, aywan kung dahil sa anong makapangyarihang lakas, ang hangin ay animo’y di
makitang marahas na pamalo ngkalikasang humahagupit sa paligid. Ang ulan nama’y parang
tumutulong tubig sa isang dumarambang talon. At kaginsa-ginsa, ang lupa’y
yumanig….yumanig…yumanig…. parang niyuyugyog ang isang di-
makitang makapangyarihang kamay, parang ibinubunsod ng isang nagngangalit na lakas na
sumusubok sa tatag ng lupa.
“ Lumilindol,” sigaw ni Damaso.
Ang lakas ng nag-aalimpuyong hangin at papalakas na pagyanig ng lupa’y gumimbal sa
akin… lumito sa akin… tumakot sa akin. Hindi ko malaman ang aking gagawin. Lalong naging
pusikit ang karimlan, lalong dumahas ang pagsusungit ng panahon.
“ Takbo na ! Mamamatay tayo rito!” sigaw ni Damaso, at bigla nang pumulas ito na
animo’y isang takas na naghahanap ng kanlungan.
Di-kaginsa-ginsa, buhat sa malayo’y narinig ko ang isang rumaragasang pagbagsak,
nagngangalit, kagyat at walang habag. Sa sangkisap- mata’y gumuho ang isang lumang bahay sa
gulod…. Ang aming matandang bahay.
Matulin na rin akong tumakbo. Tinugaygayan ko si Damaso. Sa paligid nami’y hindi
magkamayaw ang pagpapalahawan, at di- kaginsa-ginsa, sa iba’t ibang panig ay nagsilitaw ang
nagpapanakbuhang mga tao. Sila’y nangagsisigawan, nagpapanangisan, nananawagan sa isa’t
isa….
Ang mga tao’y parang hugos na tumatakas na naghahanap ng tagapag-andukha sa
gitna ng marahas na panganib. Si Damaso’y nagitna sa karamihan at hindi ko na natanaw.
Patuloy ang hagupit ng hangin. Patuloy ang pagyanig ng lupa. Patuloy ang pagpapanakbuhan ng
mga tao sa simbahan. Patuloy ang pagpapalahawan, ang gulo at ingay, ang mga panawagan, ang
pagsusungit ng panahon.
Ako’y nahuhuli sa nagpapanakbuhang mga tao. May naulinigan akong tumatawag na
babae, isang babaing mandi’y nakalupasay sa yumayanig na lupa.
Bagama’t nalilito pa ako’y wala na akong inaksayang panahon. Matulin kong pinanglo
ang babae.
“ Sa simbahaan mo ako dalhin,” anang babae, at kahit sa kadiliman, ang tinig na yao’y
angkin lamang ng isang babae….ni Magdalena.
Sinagasa ko na ang karimlan. Hindi ko na ghalos malaman ang daraanan. Isang matalim
na kiwal ng kidlat ang gumuhit sa kaitaasan at sa saglit na paggitaw ng liwanag ay natambad ang
gusali ng simbahan.
Halos mapatid ang aking paghinga nang ilapag ko si Magdalena sa simbahan.
“ Salamat,” ang marahan niyang bulong.
“ Bakit ka tumawag sa akin sa telepono?” ang nagugulumihanan kong tanong.
Humihingal siya. “ Hindi ako tumatawag. Ginimbal lamang ako ng lindol kaya ako
nanaog.”
Sa sandaling yaon ay umabot na sa kasukdulan ang mahiwagang pangyayari at
samantalang iniisip ko yao’y isang lalaki ang matuling nagdaan sa aking harap at ipininid ang
malaking pinto n g simbahan nang matiyak na wala nang nasa labas. Nakamata na lamang ako sa
nagaganap sa aking paligid.
Ang paningin kong galing sa karimlan ay binate ng liwanag at kapayapaan. Di- kaginsa-
ginsa, ang mga tinig ay pumailanglang sa katahimikan: buong mga tinig ng nagsisipanalig,
nagkakaisang pagdarasal ng mga tao sa gitna ng lagim. Ang buong simbahan ay nagliliwanag na
para bang ang lagim sa sansinukob ay hindi makapapasok sa banal na pook na yaon, na para
bang ang tahanan ng pananampalatayang yaon ay ligtas sa mga sakuna ng buhay. Sa kauna-
unahang pagkakatao’y natagpuan ko na lamang ang aking sariling nakaluhod sa tabi ni
Magdalena.
Ngayo’y umaga na. payapa na ang panahon, maaliwalas na ang panginorin. Ang mga
pangamba at lagim ng nagdaang gabi’y hindi ko pa rin matiyak kung sadyang kahiwagaan,
panagimpan o isang bungang-tulog. Subali’t ngayon, sa kauna-unahang pagkakatao’y nakadama
ako ng kapayapaan, isang kapayapaaang noon pa lamang nakapanaig sa aking buhay.

You might also like