You are on page 1of 8

EPIKO NG

KUMINTANG
RH E D D Y,AYA N A ,S A M A N TH A ,L O RI E, J A N N A , H O N EY LY N

BY: PATA-TEAM
Isang araw, ikinuwento ng kanyang ama
ang kaawa-awa nilang kalagayan sa lupain
ng Samar. Napakarami nilang kaaway na
laging dumarating upang sirain ang kanilang
pananim at patayin ang kanilang mga
alagang hayop. Namamatay ang mga tao sa
gutom dahil sa kawalan ng pagkain. Ang
natitira sa kanila ay hindi sapat upang umabot sa
susunod na pag-aani.Pagod nang lumaban ang
mga tao anak, sabi ng kanyang ama.
Gusto nila ng payapang buhay na walang gutom na
gumagala sa paligid. Ang ating mga hayop ay
kumokonti ng kumokonti araw-araw. Kapag
nagpatuloy ang ganitong sitwasyon ay mamamatay
tayong lahat sa gutom.Ano ang gusto mong
ipagawa sa akin, ama? tanong ni Baltog. Tumingin
ng diretso sa kanyang mata ang kanyang ama. At
hinawakan nito ang kanyang balikat.Humanap ka
ng lugar kung saan makakapamuhay tayong
panatag at payapa. Iginala ni Baltog ang mga
mata.Nakita niya ang mga tao sa kanilang kaawa-
awang kalagayan.
Nakita niya ang gutom at sa mukha ng bawat bata.
Nakita niya ang panghihina sa bawat mukha ng
ama't-ina. Siya din ay nalungkot.Masyado na akong
matanda kaya inaatang ko na ito sa iyong mga
balikat. Bata ka pa, malakas at matapang. Alam
kong magagawa mo ito. Para sa akin at sa ating
mga mamamayan.Ibinigay ni Handiong ang basbas
kay Baltog. Naglayag si Baltog kinagabihan sakay
ng isang maliit na bangka na magdadala sa kanya
sa isang lugar na tinatawag na Kabikulan.
Marami na siya ring narinig tungkol sa lugar at
naisip niya na maganda kung makakahanap siya ng
lugar kung saan sila maninirahan habang-buhay. Sa
malawak na dagat, nasagupa ni Baltog ang
malakas na hangin at malalaking alon na sumira sa
kanyang bangka. Kinailangan niyang lumangoy at
muntikan na siyang malunod bago niya ligtas na
narating ang dalampasigan ng baybaying bayan ng
Kabikulan. Nagsimula niyang galugarin ang
Kabikulan,hanggang umabot siya sa lupain ng
Aslon at Inalon
na sumasakop sa kapatagan na nakaligid sa
bundok ng Asog, Masaragam, Isarog at Lignion.
Natagpuan niya ang Ibalon, isang magandang
lugar para sa kanya at sa mga mamamayan. Ang
lupa ay mataba at magandang pagtamnan ng mga
halamang ugat, palay at mga gulay. Ito rin ay
maganda para sa kanilang mga hayop. Para itong
lupain ng gatas at pulot.Nais ko ang lupaing ito
para sa akin at sa aking mga mamamayan, sabi ni
Baltog sa sarili. Ngunit nagsalita siya ng maaga.
Dahil naninirahan sa paligid ng Ibalon ang ilang
buwaya na may pakpak na nakakalipad, mga baboy
ramong kasinglaki ng elepante at isang sawa na
may ulo ng isang babae. Ngunit desidido si Baltog
na makuha ang Ibalon para matirhan kaya
nilabanan niya ang mga buwaya at mga baboy ramo
ng buo niyang lakas. Dahil sa kanyang galing sa
mano-manong pakikipaglaban natalo niya lahat ng
buwaya at baboy ramo, pinatay niya ito at
pinagpira-piraso. Ngunit, ang sawa na may ulo ng
babae ay nakatakas at humanap ng ibang
matitirahan.
Bumalik siya at ibinalita sa ama ang tungkol sa
lupain na nakita niya para sa kanila. Hindi na sila
nagsayang ng oras, si Baltog at ang kanyang ama
at ang lahat ng mga mamamayan ay nilisan ang
Samar papuntang Ibalon, ang kanilang bagong
tahanan. Tinuruan nina Handiong at Baltog ang
mga mamamayan ng ilang paraan upang
magkaroon ng kabuhayan. At hindi nagtagal ay
gumanda ang kanilang pamumuhay. Pinuno nila ang
lupain at nagkaroon sila ng masaganang ani. Sa
lupaing iyon ang gutom ay naging alaala na lamang
ng nakaraan.

You might also like