Professional Documents
Culture Documents
PRINSESA NG
BANYERA
BY MARY GRACE “JING” PANGANIBAN - MENDOZA
Group 4
Afable, Marleo
Ilumin, Jerome
Pedragoza, Nicole
Rosales, Gilbret
1|Page
I. Discussion of the Type
II. Sinopsis
Bago pa man kayo mahumaling sa panghapong telenobela ni Kristine Hermosa, isa na akong
prinsesa ng banyera. Ipinangalan at itinatak ang aking pangalan sa lahat ng ipinagiiladuhan ng isdang
hinango at itinitinda ng aking pamilya. Nagpasya akong lisanin ang syudad at manahan sa probinsya.
Pagkatapos ng walong taon pagaaral at pagtatrabaho sa Ateneo, nagpasya akong magbitiw sa
pagtuturo para sa panibagong kabanata ng aking buhay ang pagpapamilya. Unang naging masaya
ang aming mga magulang sa aming desisyon para makatulong sa makatulong sa kabuhayan. Ako ay
isang COO sa Central Business District nangangahulugang "child of owner" sa aming barangay. Ang
Panasahan ang sentro ng kalakalang pandagat sa Lungsod ng malolos. Sari-saring tao ang bumubuo
sa lipunan ng punduhan. Alas onse y medya ng gabi hanggang alas siyete ng umaga ang pasok ko sa
konsignasyon. Pagpatak ng alas dose, nabuhay ang buong paligid dahil simula na ng bilihan ng isda
sa talipapa. Inilagay ako ng aking ina sa kaha. Bagung-bago ang lahat sa aking pandama. Bukod sa
magturo at magsulat nanibago ako sa kaha at sa paghawak ng pera. Namangha ako sa husay sa
matematika ng mga taga-palengke. Ako ay tumatanggap ng bayad ng mga tindera at isulat ang mga
ito sa record book. Sa punduhan kami namulat sa pagnenegosyo ng aking asawa kaya rito namin
piniling buksan ang aming unang pakikipagsapalaran tulad ng pagbili sa katabi ng aming pwesto.
Hindi karaniwan ang tindahan namin dahil kami lang ang may panindang panay imported sa
talipapa. Noon ko nalaman na hindi lang halata sa bihis at porma pero may pambili ang mga tindera.
Hindi namin pinalampas pati pagtitinda ng kape, tinapay, mami at samalamig. Minsan, napapaisip
kami kung ano kaya ang sasabihin ng mga kaibigan at kakilala namin kung makita nila kami sa
punduhan. Natuto akong sumali sa ipunan sa punduhan. Sa panahong tumataas ang posisyon ng
mga kaklase ko sa kolehiyo sa mga multinasyonal na korporasyon, pirmi akong nakaupo sa matigas
na bangkong kahoy sa talipapa. Natuklasan kong wala rito ang elegansya pero narito ang grasya.
Hindi lang ako ang tapos sa pag-aaral sa talipapa. Mayroong mga guro, inhinyero, nars, arkitekto,
medical technician, computer programmer at doktor sa malansang lugar na ito. Kung sinasabi ng
mga may junk shop na may pera sa basura, sasabihin kong may pera sa lansa. Iniirap-irapan ang
malalansang tindera sa pampublikong sasakyan, tinitingnan mula ulo hanggang paa ng mga teller sa
bangko, pero kaiinggitan ng marami dahil sa naipundar nila sa kanilang pagsisikap sa pag-iisda.
Bukod sa paglikha ng trabaho para sa maraming mamamayan, nagsasampa rin ng malaking halaga
sa kaban ng bayan. Nakatulong ang mga natutunan ko para magsulong ng ilang mahahalagang
pagbabago sa sistema ng pamamalakad ng aming negosyo. Una na rito ang pagbibigay ng benepisyo
sa aming mga tauhan. Pinayayaman nila ang kanilang dayuhang amo, samantalang nabibigyan ko ng
pagkakakitaan ang kababayan ko. Marami ring mapagsamantalang tao sa larangang ito tulad ng
pagnakaw sa aming tatlong milyon kita. Sa dami ng problema ng mga konsignasyon sa punduhan,
2|Page
hindi ka mauubusan ng kaso kaya naisip kong mag aral ng abogasya dahil sa kagustuhan ng aking
ina. Ginagawa ko ito para mapangalagaan ang kabuhayang nagtaguyod sa akin at siya ring
ipanunustos ko sa mga pangangailangan ng aking pamilya. Mag-aaral ako para tiyaking hindi
mamatay ang aming konsignasyon para sa aking pagbabalik, nakaukit pa rin ang pangalan ko sa
daan-daang berdeng banyerang nagkalat sa madulas at malansang sahig ng talipapa.
- isang makata sa larangan ng Sanaysay at Tula and nanalo sa iba't ibang dibisyon sa "Essay and Poetry
Divisions of the Carlos Palanca Memorial Awards since 2001."
- Siya ay kasalukuyang isang Legal Consultant sa Office of the Undersecretary for Legal Affairs
Department of Agrarian Reform
i. MGA KARANASAN
•Legal Consultant
•College Lecturer
November 12 - Present
•Consultant
3|Page
November 2000 - March 2004
ii. EDUKASYON
2006 - 2010
2000 -2004
1996 - 2000
iii. AWARDS
4|Page
IV. PAKSA AT TEMA
i. Paksa
buhay ng prinsesa ng banyera sa konsignasyon
Umiikot ang buong istorya sa pagbabalik ng prinsesa ng banyera at kung ano ang kanyang naging
buhay bilang kahera o COO(Child of the owner) sa konsignasyon.
ii. Tema
Lahat ng bagay ay may dahilan
Masasabi namin na ito ang naging tema ng buong istorya sapagkat umikot ang buong istorya
patungkol sa naging biglaang pamumuhay ng bida sa kanilang konsignasyon. Hindi sumagi sa isip ng bida
na siya ang mamahala sa kanilang negosyo sapagkat nagtapos siya sa isang mataas na paraalan, isa
siyang graduate ng Ateneo at sa maynila ay mayroon na siyang trabaho at pamilya. Ngunit dahil sa isang
desisyon doon nagbago ang inaakala niyang buhay. Sa kaniyang pagbabalik sa kanilang probinsya
naatasan siya na mamahala sa negosyo ng kanilang pamilya. Sa simula ay hindi niya ito lubos na
nagugustuhan, lagi niyang sambit na graduate siya ng Ateneo at higit pa sa pamamahala sa
konsignasyon ang nararapat na trabaho sa kaniya. Pero ang kagandahan sa trabahong natanggap niya sa
konsignasyon ay kahit papaano nagagamit niya ang kaniyang mga natutunan noong siya ay nasa Ateneo.
Sa paglipas ng panahon, unti-unting nagustuhan ng bida ang kaniyang bagong hindi inaasahang trabaho.
Sa kagustuhan niyang mas makatulong pa sa kanilang negosyo napagdesisyonan niyang muling bumalik
sa pag-aaral at kumuha ng abogasya. Ang lahat ng nangyari sa buhay ng bida, mula sa muling pagbabalik
sa kanilang probinsya ay may magandang dahilan. Marahil ang muli niyang pagbabalik ay isang
magandang paraan upang magamit ang kaniyang mga natutunan at muling bumalik sa pag-aaral para
mas lubos pang madagdagan ang kaniyang kaalaman na siyang magagamit niya sa kaniyang minahal na
negosyo.
V. ANALYSIS
i. Hindi sapat na sweldo para sa lahat ng gastusin.
Ang isa sa mga sosyal isyu na makukuha mula sa pagbabasa ng Ang Pagbabalik ng Prinsesa ng
Banyera ay ang pagkakaroon ng mataas na bilihin at gastusin dito sa Pilipinas ngunit napakaliit lamang
ng sinasahod ng mga mga nagtatrabaho o manggagawa upang ipangtustos sa lahat ng mga kailangang
pagkagastusan. Makikita naman natin sa sanaysay ni Mary Grace kung paano nya ilarawan ang
pamumuhay ng mga nasabing karakter dati sa Maynila. Sinabi nya sa kanyang sanaysay na halos wala ng
natitira sa kanilang sahod dahil sa pagbabayad nila ng upa, kuryente, telepono at credit card.
ii. Diskriminasyon
Isa pang sosyal isyu ay ang DISKRIMINASYON, kung saan laganap pa rin ito sa ating bansa ngayon. Kitang
kita sa storya ang pagkakaroon ng mga Filipino ng klase na kaisipan na ang mga "propesyunal lamang ang
mga matatagumpay", at ang mga taong wala sa mga naglalakihang establisyemento ang bigo sa mga
5|Page
pangarap nila sa buhay. Ngunit paminsan ang riyalidad ay kabaligtaran ng mga kaisipan natin - kung sino ang
mga nasa di kanais-nais na lugar ang mas matagumpay pa sa buhay.
Nabanggit sa kwento na ang isa sa mga dahilan kung bakit napagpasiyahan ng pangunahing tauhan at ng
kaniyang asawa na lumipat muli sa probinsya ay dahil sa pabigat na pabigat na trapiko sa ka-maynilaan, na
pangunahing problema pa rin hanggang sa ngayon sa bansa. Isa itong kanser sa lipunan na unti-unting
kinakain ang oras at panahon ng tao, kung saan imbis na nagagamit ng wais at wasto ang oras sa pamilya o
mahal sa buhay, nasasayang lamang ito sa pagaantay sa pagusad ng trapiko.
Isa pang sosyal isyu na mababasa sa sanaysay ay ang pagkakaroon ng sinasabing "Social Class" kung
saan makikita ang pagkakaroon ng diskriminasyon sa mga mayayaman at mahirap base sa edukasyon na
nakamit nila. Gayun din sa kanilang katayuan sa buhay. Ang mga tindera sa palengke na kumikita ng sapat,
natutustusan ang pangangailangan at nakakabili ng mga bagay na gusto nila ay mananatiling tindera para sa
mga taong nakapag-aral at ang mga taong nakapag-aral sa malalaking unibersidad na naghihirap sa gastusin
ay mananatiling mas mataas.
v. Pagmamahal sa Pamilya
Edukasyon ang isa sa pinapaka-pinapahalagahan nating mga Filipino. Sinasabing ito lamang ang
pinakamagandang pamana na maibibigay ng isang tao sa kaniyang bayan, maging sa kanyang magiging
pamilya. Sa sanaysay, nakita namin kung paanong hindi nilimitahan ng pangunahing tauhan ang
kaniyang kaalaman at piniling mag-aral muli sa kabila ng tagumpay na kaniyang natamo na.
6|Page