You are on page 1of 49

Panunuring

Pampanitikan
Sandaang Damit ni Fanny Garcia
Panunuring
Pampanitikan
Propesor ng asignatura: Mga miyembro:

Kevin Darwin Balayan Arciaga, Mark Louie


Bautista, Stephanie Jade
Gregorio, Zyril Jane
Hisarza, Janet
Raet, Karl Justine
I. Panimula

A. Uri ng Panitikan
Maikling Kwento
Isang salaysay tungkol sa mahahalagang
pangyayaring kinasasangkutan ng mga tauhan na
mayroong iisang kakintalan, tagpuan, tunggalian, at
banghay. Maaaring mabasa ng isang upuan lamang.
B. Bansa / Lugar na pinagmulan
Mula sa siyudad ng Malabon, Pilipinas na ang
pangunahing sinasalitang wika rin ay Filipino at
Ingles. Matatagpuan ito sa National Capital
Region, kasama ng CaMaNaVa: Caloocan,
Malabon, Navotas at Valenzuela (City of Malabon,
w.p.).
C. Pagpapakilala sa May Akda
Si Fanny Garcia ay ipinanganak noong Pebrero 26,
1949 sa Malabon,Rizal. Siya ay isang guro, manunulat,
mananaliksik, editor at tagasalin. Nagtapos siya sa
Unibersidad ng Pilipinas-Diliman. Nakamit niya ang
kanyang Master of Arts at Ph.D. sa Filipino sa Malikhaing
Pagsulat sa nasabing pamantasan. Siya ay nagwagi ng
2005 National Book Award para sa Autobiography ng
Manila Critic Circle para sa librong Erick Slumbook :
Paglalakbay kasama ang Anak kong Autistic (2004).

Si Garcia ay isang premyadong manunulat sa Carlos


Palanca Memorial Awards Literature sa mga kategoryang
maikling kwento, sanaysay, iskrip at kwentong pambata.
D. Layunin ng May Akda
Maipakita na ang panghuhusga sa ating kapwa ay mayroong malaking
naidudulot- positibo o negatibo. Lahat tayo dito sa mundo ay walang
karapatang manghusga at mangmaliit ng kapwa, dahil lahat tayo ay
ipinanganak na pantay pantay at mamamatay ding pantay pantay.
Sinasalamin ang katotohanan na hinuhusgahan ang isang tao batay sa
kanilang kasuotan. Nagtataglay ito ng isyu ng kahirapan: ang dahilan
kung bakit mayroong mga bata na hindi agarang nakabibili ng mga
bagong damit na magagamit sa kanilang pagpasok. Dapat din tayong
makuntento at matutong makaintindi sa mga bagay at buhay na
ipinagkaloob sa atin. Hindi masamang mangarap, karagdagan ay huwag
gawing hadlang sa kaalwanan at kasiyahan ang kahirapan.
II. Pagsusuring Pangnilalaman
A. Tema o Paksa ng Akda
Paksa ng kwento ay tungkol sa
kahirapan ng buhay, panghuhusga ng
kapwa at ang pangangarap sa buhay .
B. Mga tauhan/Karakter/Persona
Batang Mahirap: Siya ay mayroon
lamang nag-iisang pares ng lumang damit.
Ang persona na nakapaloob sa karakter ay
isang taong mahirap at kinukutya ng kapwa
kaklase, ngunit mayaman sa imahinasyon at
pangarap. Siya ang mga taong kahit nasa
laylayan ay mayroon pa ring hangarin,
pangarap, at gustong mapatunayan sa
kanilang mga buhay, kahit anong estadong
kinamumulatan.
B. Mga tauhan/Karakter/Persona
Mga kaklase: Sila ang mga taong
nanghuhusga sa batang mahirap. Ang
persona na nakapaloob sa kanila ay
mga indibidwal na walang ibang ginawa
kundi manghamak at mangutya ng mga
taong alam nilang salat sa buhay. Sila
ang mga taong mahilig manghila
pababa ng kapwa nila tao at mga
mapagmalaki. Kahit wala pa rin naman
silang nararating o napapatunayan sa
kanilang buhay.
B. Mga tauhan/Karakter/Persona
Nanay: Siya ang ina ng batang
mahirap. Ang persona na nakapaloob
sa karakter ay ang mga taong
sumusuporta sa atin. Dahil kahit wala
pa tayong nararating ay mayroon
talagang isang tao na handang
sumuporta at kumampi sa atin para
ipagpatuloy ang pangarap at nais
marating na kaligayahan sa buhay.
C. Tagpuan/ Panahon
Paaralan: Maayos na lugar ng
pagkatuto. Maayos na panahon
para pumasok sa paaralan. Ngunit
maaaring maging lugar din ng
pangungutya laban sa mga katulad
ng batang mahirap. Pagbibitiw ng
masasakit na salita sa loob o labas
ng gusali.
C. Tagpuan/ Panahon
Bahay: Gula-gulanit at maliit na
tirahan. Mainit at tirik ang araw at
napakarumi ng paligid kung saan
naninirahan ang batang mahirap.
Ngunit dito rin ang lugar kung saan
ligtas siya at nagagawa niya ang
kanyang pangarap at maaaring
ipabatid na kwento sa mga kaklase,
tungkol sa kanyang sandaang damit.
D. Balangkas ng Pangyayari
Sa simula pa lamang ng kwento ay
Sa kalagitnaan ng akda ay
ipinakilala ang mga tauhan sa akda,
malalaman ng mga mambabasa kung
kung ano ang mga pangyayaring
naganap at ang isang emosyon na
anong solusyon ang ginawa ng bida para
nabubuo sa loob ng akda. Sa puntong mabago ang takbo ng istorya at sa huli ay
ito ay nagkakaroon agad ng linaw ang makikita natin na nagkaroon ng hindi
mga mambabasa sa kung ano ang magandang katapusan ngunit nagkaroon
meron sa akdang kanilang binabasa. din ng maganda at maayos na
Sa mga susunod na pangyayari ay mas katapusan. Sa kwentong ito ay may
maliliwanagan ba ang mga mapupulot tayo na aral na kung saan at
mambabasa sapagkat nagkakaron pa magagamit natin sa reyalidad na ating
ng iba’t – ibang pagbabago sa ginagalawan at realisasyon sa mga
emosyon ng kwento at nagkakabuo ng aksyon o hakbang na ating ginagawa sa
maayos na katapusan ang kwento. ating buhay.
E. Kulturang Masasalamin sa akda
Kawalan ng Trabaho:
Pagiging mapanghusga:
Isa pa sa kulturang makikita natin sa
Ang isa sa kulturang makikita
akdang ito ay ang paghahanap ng
natin sa akda na nangyayari sa
trabaho at ang kaliitang sahod na
totoong buhay ang pagiging
makukuha natin sa ating trabahong ating
mapanghusga ng ibang tao sa
ginagawa. Nabubuhay tayo sa reyalidad
taong walang kaya sa buhay
na mahirap humanap ng trabaho lalo na
makikita natin ito sa totoong buhay
kung ikaw ay hindi nakapagtapos at
sapagkat laganap sa ating bansa
mahirap lamang makakuha ka man ng
ang pagkakaroon ng hindi maayos
trabaho ay kaliitan lang din ang sahod at
na buhay dahil sa kahirapan.
hindi pa sasapat para makapamuhay ng
maayos na buhay.
III. Pagsusuring Pangkaisipan
Mga Kaisipan/ Ideyang Taglay ng Akda

★ Ang mga tao (kabilang na ang mga bata) ay mas tumitingin sa


panlabas na anyo, mapanghusga sa panlabas na anyo, tulad ng mga
kaklase ng batang babae. Sa parteng lagi nilang pinagkakaisahan at
tinutukso ang batang babae sa kadahilanan na luma ang damit na
laging suot nito sa eskwelahan at pati na rin ang kakaonting baon nito
araw araw.
★ Ang batang babae ay sumisimbolo ng isang isang batang mayroong
pangarap, at malawak na kaisipan upang ipagtanggol ang kanyang
sarili.
A Mga Kaisipan / ideyang taglay ng akda

★ Ang mga kaklase ng batang ★ Ang nanay ng batang babae ang


babae ay maaaring ang lipunan simisumbulo na hindi madaling
na mahilig sa pagpapaimbabaw o maging ina, lalo na sa mga
mayroong diskriminasyon laban sitwasyong mayroong
sa mga mahihirap. kinakaharap na pagsubok bilang
isang pamilya.
★ Ang mga isandaang damit na
iginuhit ng batang babae ay
sumisimbolo ng pangarap ng
batang babae na makabili o
magkaroon sya, upang hindi na
siya tuksuhin at pagkaisahan ng
kanyang mga kaklase.
B. Estilo ng pagsulat ng akda
1. Malikhaing Pagsulat:
Maganda ang pagpapahayag ng mga dayalogo ng bawat karakter dahil ito
ay nakabatay sa totoong sitwasyon, mga pangyayari o karanasan sa isang buhay
ng tao. Ang kwentong ito ay nakakatulong para sa mga batang wala pang
masyadong alam sa mundo na huwag maging mapanukso at mapanghusga sa
ibang taong naiiba sa kanilang kabuhayan o kinagisnang reyalidad. At ang
kwentong ito ay makakapag bigay aral sa nakakarami lalo na sa mga taong
nakaranas na husgahan o manghusga.

2. Nakakapukaw sa damdamin at isipan ng mga mambabasa:


Sa katapusan ng kwento ay mapapaisip ang mga mambabasa kung ano ang
mangyayari, mararamdaman at magiging reaksyon ng mga kaklase ng batang
babae sa sitwasyong kinakaharap ng bata. Nakadepende na sa mga
mambabasa anong aral ang ikinikintal na gintong aral ng kwento na tagos sa
puso at nakakahimok gumawa ng aksiyon tungkol sa isyung ito.
IV. Teoryang Ginamit
Reyalismo
Naitala ng Philippine Statistics Authority (2022) na ang
preliminaryong resulta sa sarbey ng Family Income and Expenditure
Survey noong taong 2021, mayroong 18.1% na mga Pilipinong
mahihirap. Nangangahulugan itong 19.99 milyon na mga indibidwal na
nasa limang miyembro ng pamilya, nguni pinagkakasya ang 12 030
pesos sa isang buwan. Ang kasalukuyang populasyon ng mga Pilipino
ay 116 915 446 (World Population Review, 2023), ngunit 20 milyon ang
mahihirap. Malaki pa rin ang agwat ng mga mahihirap sa mga
mayayaman. Ang ganitong sitwasyon ay isa sa mga dahilan kung bakit
nagkakaroon ng mga pambubulas sa paaralan. Dahil kita mismo sa
bata ang hitsura ng kahirapan.
IV. Teoryang Ginamit
Reyalismo
Mula sa Detalye Productions (2021) na panayam sa isang ina na walang trabaho,
pangarap niya para sa kanyang mga anak ay mapag-aral ang mga ito, at mapakain sila kahit
papaano. Mayroon ding isang batang babae na tinanong kung sakaling wala silang makain,
mayroong bang nagbibigay ng pagkain para sa kanila. Sa katahimikan ng bata habang iniisip
kung mayroon nga bang sumusuporta sa kanila kapag wala ng makain. Ito ay isang litrato na
palagian ng nakikita sa Pilipinas. Walang maisagot ang mga mamamayang hindi alam saan
tutungo sa panahon ng pangangailangan kundi pagkasyahin ang kakarampot na mayroon
sila, magtrabaho kahit na buto’s balat na, at manghingi sa kung sinumang mabait na maawa
sa kanila (GMA Public Affairs, 2017).
 
Mahihinuhang ang pampanitikang maikling kwento na isinulat ni Garcia ay
sumasalamin sa reyalidad. Maraming mga pamilyang hikahos sa buhay dahil sa kahirapan,
sakit ng malnutrisyon at mahinang resistensya ng pangangatawan ng mga bata dahil walang
sapat na malinis na tubig, masustansyang pagkain at de kalidad na suplay ng
pangkalusugang serbisyo.

 
IV. Teoryang Ginamit.
Pagpapatunay mula sa akda na ang Dulog na ginamit ay Reyalismo:
“May isang batang mahirap. Nag-aaral siya. Sa paaralan ay kapansin-pansin ang
kaniyang pagiging walang-imik. Malimit siyang nag-iisa. Laging nasa isang sulok.
Kapag nakaupo na’y tila ipinagkit. Laging nakayuko, mailap ang mga mata,
sasagot lamang kapag tinatawag ng guro. Halos paanas pa kung magsalita.
Naging mahiyain siya sapagkat maaga niyang natuklasang kaiba ang kaniyang
kalagayan sa mga kaklase. Ipinakita at ipinabatid nila iyon sa kaniya.
Mayayaman sila. Magaganda at iba-iba ang kanilang damit na pamasok sa
paaralan. Malimit nila siyang tuksuhin sapagkat ang kaniyang damit, kahit nga
malinis, ay halatang luma na, palibhasa’y kupasin at punung-puno ng sulsi.”
IV. Teoryang Ginamit
Pagpapatunay mula sa akda na ang Dulog na ginamit ay Reyalismo:
“Kapag oras na ng kainan at labasan na ng kani-kanilang pagkain, halos ayaw niyang ilitaw ang kaniyang
baon. Itatago niya sa kandungan ang kaniyang pagkain, pipiraso ng pakonti-konti, tuloy subo sa bibig,
mabilis upang hindi malaman ng mga kaklase ang kaniyang dalang pagkain. Sa sulok ng kaniyang mata ay
masusulyapan niya ang mga pagkaing nakadispley sa ibabaw ng pupitre ng mga kaklase: mansanas,
sandwiches, kending may iba-ibang hugis at kulay na pambalot na palara. Ang panunukso ng mga kaklase
ay hindi nagwawakas sa kaniyang mga damit. Tatangkain nilang silipin kung ano ang kaniyang pagkain at
sila’y magtatawanan kapag nakita nilang ang kaniyang baon ay isa lamang pirasong tinapay na karaniwa’y
walang palaman.”

“Hayaan mo sila anak, huwag mo silang pansinin, hamo, kapag nakakuha ng maraming pera ang iyong
ama, makakapagbaon ka na rin ng masasarap na pagkain, mabibili na rin kita ng maraming damit.”
IV. Teoryang Ginamit.
Pagpapatunay mula sa akda na ang Dulog na ginamit ay Reyalismo:

“Ang natagpuan nilang bahay ay sira-sira at nakagiray na sa


kalumaan. Sumungaw ang isang babaeng payat, iyon ang ina ng
batang mahirap. Pinatuloy sila at nakita nila ang maliit na
kabuuan ng kabahayan na salat na salat sa anumang
marangyang kasangkapan. At sa isang sulok ay isang lumang
teheras at doon nakaratay ang batang babaeng may sakit pala.”

 
IV. Teoryang Ginamit
B. Arkitaypal
Mayroong malay ang bata na sa loob ng kanyang silid-aralan, naiiba siya sa
nakararami. Mapag-isa, nakayuko, mabagal magsalita at hindi masyadong
tinitingnan ang mata ng kausap. Isa itong senyales na walang kumpiyansa ang bata
sa sarili dahil nakakapanliit nga naman malaman mismo siya at ang kanyang
pamilya ay lugmok sa kahirapang hindi matatakasan.

Mayroong mga palara o mga makukulay na balot ng kendi, sandwiches at


mansanas na nakalagay sa pupitre ng ibang mga mag-aaral. Maaari itong
mangahulugang ang mga mayayaman na bagay at pribilehiyong nakakamtan ng
mga mamamayang mayroong pera, posisyon at kapangyarihan sa lipunan.

Samantalang ang batang babae na mayroon lamang kinukurot na tinapay. Ang


dalawang magkaibang sitwasyon ay arketipong simbolo o bagay kung saan sa mga
materyales pa lamang nila, kakakitaan na ng matinding agwat ng may-kaya at mga
isang kahit-isang tuka lamang.
IV. Teoryang Ginamit.
B. Arkitaypal
Ang sandaang damit na itinuran ng batang babae ay maaaring ang mga
pangarap at pag-asa ng mga tao. Ngunit, sa negatibong pananaw, maaaring ang
sandaang damit ay ang paraluman na pinanghahawakan ng mga mamamayang
hikahos. Na kung magsisipag, kung paulit-ulit sisisid sa kailaliman ng dagat, kung
gigising ng madaling-araw, kung magpapadyak mula umaga hanggang takip-silim…
Kung gagalingan at sisipagan sa pagtitiis, ay magkakaroon din ng kaalwanan. Ito rin
ang malinaw na sinasabi ng mga magulang sa kanilang mga anak, “Kailangan
magtapos ka. Ikaw ang pag-asa ng pamilya natin.” O mas espesipiko mula sa isang
Eat Bulaga (2023) segment, wika ng isang ina “Sana mag-aral ka nang mabuti. Dahil
alam kong ikaw ang makaahon sa amin sa kahirapan. Ikaw yung may pursigido para
IV. Teoryang Ginamit.
Patunay mula sa akda na sinuri hango sa Teoryang Arketaypal:

"Mayayaman sila. Magaganda at iba-iba ang kanilang damit na pamasok sa


paaralan. Malimit nila siyang tuksuhin sapagkat ang kaniyang damit, kahit nga
malinis, ay halatang luma na, palibhasa’y kupasin at punung-puno ng sulsi.“

“Kapag oras na ng kainan at labasan na ng kani-kanilang pagkain, halos ayaw niyang


ilitaw ang kaniyang baon. Itatago niya sa kandungan ang kaniyang pagkain, pipiraso
ng pakonti-konti, tuloy subo sa bibig, mabilis upang hindi malaman ng mga kaklase
ang kaniyang dalang pagkain. Sa sulok ng kaniyang mata ay masusulyapan niya ang
mga pagkaing nakadispley sa ibabaw ng pupitre ng mga kaklase: mansanas,
sandwiches, kending may iba-ibang hugis at kulay na pambalot na palara. Ang
panunukso ng mga kaklase ay hindi nagwawakas sa kaniyang mga damit. Tatangkain
nilang silipin kung ano ang kaniyang pagkain at sila’y magtatawanan kapag nakita
nilang ang kaniyang baon ay isa lamang pirasong tinapay na karaniwa’y walang
palaman.” 
IV. Teoryang Ginamit.
Patunay mula sa akda na sinuri hango sa Teoryang Arketaypal:

"Hanggang isang araw ay natuto siyang lumaban. Sa buong pagtataka nila’y


bigla na lamang nagkatinig ang mahirap na batang babaeng laging kupasin,
puno ng sulsi, at luma ang damit, ang batang laging kakaunti ang baong
pagkain. Yao’y isa na naman sanang pagkakataong walang magawa ang
kaniyang mga kaklase at siya na naman ang kanilang tinutukso. “Alam n’yo,”
aniya sa malakas at nagmamalaking tinig, “ako’y may sandaang damit sa
bahay.”"
 
"Sandaang damit na pawang iginuhit lamang."
IV. Teoryang Ginamit
C. Feminismo
Ang pagtatampok sa batang babae na mayroong kamalayang makihati
sa problema ng kanyang mga magulang. At ang kanyang ina na kasama ng
bata nang nakaratay na ang anak sa papag. Kahit na naghahanap-buhay
ang ama, hindi pa rin sumasapat ang kanyang kinikita. Kaya ang bata ang
gumawa mismo ng paraan paano mapapalakas ang sariling loob, pagtingin
ano ang positibong maisasaisip sa sitwasyon at makibagay sa mga kaklase
sa kabila ng mga pambubuska nila sa kanya. Aktibo ang pagpapamalas ng
bata sa katatagan ng pag-asa sa buhay at ipinakita niya ang kanyang
imahinasyong nagbibigay ngiti hindi lamang sa kanya, kundi pati na rin sa
mga nakakarinig ng kanyang kwento.
Isang pagsaludo sa batang babae. Sa murang edad, natuto siyang
umintindi at rumespeto pa rin sa magulang sa harapan ng sitwasyon. Higit
pa rito, nagawa pa ng batang dumiskarte para masolusyonan ang pang-aapi
sa kaniya.
IV. Teoryang Ginamit.
Patunay mula sa akda
"Naging mahaba ang kaniyang pagkukuwento. Paano’y inilarawan niya hanggang
kaliit-liitang detalye ang bawat isa sa kaniyang sandaang damit. Tulad halimbawa ng
isang damit na pandalo niya sa pagtitipon. Makintab na rosas ang tela nito na
sinabugan ng pinaggupit-gupit na mumunting bulaklak at makikislap na rosas at puting
abaloryo. Bolga ang manggas. May tig-isang malaking laso sa magkabilang balikat.
Hanggang sakong ang haba ng damit. O kaya’y ang kaniyang dilaw na pantulog na
may prutas sa kuwelyo, manggas, at laylayan. O ang kaniyang puting pansimba na
may malapad na sinturon at malalaking bulsa. Mula noo’y naging kaibigan niya ang
mga kaklase. Ngayo’y siya ang naging tagapagsalita at sila naman ang kaniyang
tagapakinig. Lahat sila’y natutuwa sa kaniyang kuwento tungkol sa sandaang damit.
Nawala ang kaniyang pagkamahiyain."
IV. Teoryang Ginamit.
Patunay mula sa akda
“Isang araw ay nagpasya silang dalawin ang batang matagal na lumiban sa klase. Ang natagpuan
nilang bahay ay sira-sira at nakagiray na sa kalumaan. Sumungaw ang isang babaeng payat, iyon ang
ina ng batang mahirap. Pinatuloy sila at nakita nila ang maliit na kabuuan ng kabahayan na salat na
salat sa anumang marangyang kasangkapan. At sa isang sulok ay isang lumang teheras at doon
nakaratay ang batang babaeng may sakit pala. Ngunit sa mga dumalaw ay di agad ang maysakit ang
napagtuunang-pansin kundi ang mga papel na maayos na maayos na nakahanay at nakadikit sa
dingding na kinasasandigan ng teheras. Lumapit sila sa sulok na yaon at nakita nilang ang mga papel
na nakadikit sa dingding ay ang drowing ng bawat isa sa kaniyang sandaang damit. Magaganda,
makukulay. Naroong lahat ang kaniyang naikuwento. Totoo’t naroon ang sinasabi niyang rosas na
damit na pandalo sa pagtitipon. Naroon din ang drowing ng kaniyang pantulog, ang kaniyang
pansimba, ang sinasabi niyang pamasok sa paaralan na kailanma’y hindi nasilayan ng mga kaklase
dahil ayon sa kaniya’y nakatago’t iniingatan niya sa bahay.”
 
IV. Teoryang Ginamit
D. Romantisismo
Masasabing mapangahas ang pagmamahal ng isang ina sa kanyang
anak. Dahil sa kinakaharap na kahirapan, inaalo ng kanyang ina ang bata na
maaaring magkaroon ng mga bagay katulad ng kanyang mga kaklase.
Ngunit hindi ganoon ang nangyayari. Isa itong pag-ibig na handang aluin ang
kalooban ng anak, at bigyan ng pangako ng bukas na “maaaring”
makaluwag-luwag na kapag maraming pera. Ito ang pagmamahal ng isang
ina: Kahit mayroong malinaw na limitasyon sa kanyang kayang gawin at mga
pinagkukunan ng yaman, ang kanyang yapos ang naging kanlungan ng bata.
 
IV. Teoryang Ginamit.
Patunay mula sa akda na ang panitikan ay mayroong Teoryang Romantisismo:

“Mapapakagat-labi ang kaniyang ina, matagal itong hindi makakakibo, at


sabay haplos nito sa kaniyang buhok at paalong sasabihin sa kaniya,
hayaan mo sila anak, huwag mo silang pansinin, hamo, kapag nakakuha ng
maraming pera ang iyong ama, makakapagbaon ka na rin ng masasarap na
pagkain, mabibili na rin kita ng maraming damit. At lumipas pa ang
maraming araw. Ngunit ang ama’y hindi pa rin nakapag-uwi ng maraming
pera kaya ganoon pa rin ang kanilang buhay. Ngunit ang bata’y unti-unting
nakaunawa sa kanilang kalagayan. Natutuhan niyang makibahagi sa
malaking suliranin ng kanilang pamilya”
V. Buod
May isang batang babaeng mahirap. Nag-aaral siya at kapansin-pansin
ang kaniyang pagiging walang imik sa klase. Madalas na nakaupo lamang siya
sa isang sulok. Tinutukso ng kaniyang mga kaklase sapagkat pabalik-balik
lamang ang kaniyang damit. Sa oras ng kainan naman, nakikita nila ang baon
niya ay kapirasong tinapay na madalas walang palaman. Sa pag-uwi niya sa
kanilang bahay, sinasabi niya sa ina ang dinaranas. Totoong naaawa ang ina sa
kalagayan ng bata. Binanggit na lamang ng ina sa batang babae na ibibili siya
ng bagong damit at masarap na baon, kung kikita ng maraming pera ang
kaniyang ama. Dumating ang araw na naiintindihan ng bata ang kalagayan ng
kanilang pamilya.
V. Buod
Hindi na niya sinasabi sa kanyang ina ang kanyang nararanasang
panunukso mula sa kaniyang kaklase at natuto na siyang sarilinin ang
kanyang nararamdaman. Isang araw ay hindi na nagtiis ng bata ang
panunukso ng kaniyang mga kaklase at natuto na siyang lumaban. Sinabi
niya sa kanila na siya ay may sandaang damit sa kanilang bahay. . Hindi
naniwala ang kaniyang mga kaklase. Upang mapaniwala sila. Inisa-isa niya
ang mga disenyo ng bawat damit at dahil dito ay namangha sila sa kanya.
Dulot nito, natanggap na siya ng kanyang mga mga kaklase. Naging
kaibigan na sya ng mga ito. Naging palasalita na siya at hindi na siya
mahiyain. Minsan nga ay binabahagian pa siya ng mga ito ng kanilang
V. Buod
Subalit, isang araw, hindi nagawang pumasok sa klase ng batang
babae. Lumipas ang isang linggo ng kaniyang pagliban ay tsaka nagpasiya
ang magkakaklase na dalawin ang batang babae sa kanilang bahay. Nang
nakarating ay nadatnan nila ang isang payat na babae at nakita ang tirahan
ay luma, tagpi-tagpi at salat sa marangyang kagamitan. Sa isang sulok ay
nakahiga ang batang babae na maysakit pala. Nakita nila ang napakaraming
papel na nakapaskil sa dingding. Nakita nila ang mga larawang tulad ng
binanggit ng batang babae. Totoong naroroon ang sandaang damit na ni
minsan ay hindi pa nila nasilayan. Sandaang damit na pawang iginuhit
lamang.
 
VI. Implikasyon
Arciaga: Ang sandaang damit ni Fanny Garcia ay isang maikling
kwento na may kakapulutang aral. Isa rito ay maaaring gamitin sa
pagtuturo ng mabuting asal at upang mamulat sa reyalidad ang
mambabasa na hindi dapat husgahan ang ating kapwa o ang mga
taong nakakasama ayon sa kanilang mga kasuotan. Bagkus, alamin
kung ano bang buhay ang mayroon sila, bakit kaya ganoon na lamang
ang kani-kanilang pinanggalingang sitwasyon, kaisipan at karakter sa
buhay. Tulad ng nangyari sa kwento na wala siyang kaibigan dahil iba
ang kanyang kasuotan. Hindi katulad ng mga kaklase niya na puro bago
at maayos ang kanilang mga damit. Hindi dapat maging dahilan ang
sira- sirang damit na suot ng bata upang siya ay layuan at itrato nang
VI. Implikasyon: Arciaga
Sa katotohanan, kasalukuyang nangyayari ito dahil marami sa ating mga
kababayan ang naghihirap pa rin at hindi kaagad makabili ng mga bagong damit.
Lalo na sa mga pamilya na maraming pinapaaral na anak. Minsan pa nga, ang
iba ay maghihiraman pa ng pamasok na uniporme, para lamang makapasok ng
paaralan. Katulad lang sa akdang pampanitikan, ang bata ay patuloy pa ring
pumasok sa paaralan kahit palagi itong kinukutya ng kanyang mga kaklase.
Hindi naging hadlang sa kanya ang kanilang kahirapan. Sa halip, ito pa nga ay
kanyang naiintindihan na iba siya sa kanyang mga kaklase. Nagbigay siya ng
pagmamahal, pag-intindi sa mga magulang at kunsiderasyon na hindi kaya ng
kanyang mga magulang na mabilhan kaagad siya ng inaasam na makukulay at
VI. Implikasyon: Arciaga
Ipinapakita din dito ng bata na dapat tayong maging kuntento sa mga bagay
na mayroon tayo. Sa karagdagan, ang mga bagay na ibinibigay sa atin ng ating
mga magulang, kahit na ano pa ang ating mga estado sa buhay, ay dapat tayong
magpasalamat lalo sa mga bagay na mayroon tayo. Ni minsan ay hindi siya
nainggit, hindi siya nagmaktol sa kanyang magulang dahil alam niya ang
kanilang kalagayan. Ang mga ganitong maikling kwento na sumasalamin sa mga
panlipunang suliranin ay may mga malalaking papel upang mabuksan ang
kaisipan ng mga bata sa mabuting asal at mga aral na kanilang maisasabuhay at
maibabahagi sa kanilang kapwa.
 
VI. Implikasyon
Bautista: Ang sistema ng edukasyon sa Pilipinas ay mayroong lebel ng
elementarya, sekundarya at tersyarya. Ang edukasyon ang nararapat na
humubog sa kaalaman, karunungan, mga kasanayan at karakter ng mga mag-
aaral. Kung ano mang hindi kaaya-aya at hindi puro ay maiging disiplinahin,
pangaralan at ituwid. Ang silid-aralan ang ikalawang pamamahay ng mga mag-
aaral kung saan natututo sila ng intelektwalisasyon ng wika, kultura at mga
asignaturang kinakailangan nila sa paglago.  Maging pakikibagay sa mga
kaklase, kasamahan sa paligid at paglalahad ng kanilang mga saloobin nang
mahinahon, tapat, may pagmamahal at alam ang kanilang mga karapatan
bilang isang indibidwal. Ang mga taong namumulat sa kasalatan ay hindi
kasalanang ganoon ang kanilang kalagayan sa buhay. Ngunit mayroong
pananagutan ang ating mga magulang at mga sarili kung
VI. Implikasyon: Bautista
hahantong tayo sa hukay na hikahos pa rin dahil sa kahirapan. Mayroong mga
plataporma ang gobyerno na nangangako ng pangkabuhayan, pang-
imprastraktura, pangkapayapaan, panseguridad, pang-edukasyon sa mga
pampublikong paaralan at mga municipal health centers sa bawat nayon at
kabayanan para sa serbisyong medisina at pangkalusugan na mga payo. Ika nga
nila, nasa Dios ang awa, nasa tao ang gawa. Mayroong mga nagbibigay tulong
sa mga kumakatok, sa mga nagsasabi ng pangangailangan at sa mga
naghahanap ng delihensya paano makakatulong sa kanilang sariling
pamamaraan o pagbibigay kontribusyon. Nakakalungkot na mahirap na nga ang
buhay, ngunit lalo pa itong nagiging mahirap dahil sa mga kapwang hindi patas
kung mantrato ng kanilang mga katabi o kasama.
VI. Implikasyon : Bautista
Ang mga ganito ay kinakailangan ng karampatang kaparusahan o
kahihinatnan ng kanilang mga kilos. Kaya mahalaga ang pagbibigay-gabay ng
mga guro at magulang sa mga bata. At ang mga bata ay dapat inaalagaan at
binibigyan, hindi lamang ng sustento, kundi ng aruga para sa kanilang ikalalago.
Hindi nawawala ang mga taong kahit natikman at nagkaroon ng malay sa isang-
kahig, isang-tuka na sitwasyon, ay nagiging mahuhusay pa rin na mga
indibidwal. Alam na nila ang pait ng buhay, at itong mga pagsubok ang nagbigay
kalakasan at gasolina ng kaninang pagpupunyagi upang ituloy ang paggaod at
pagiging masigasig sa kani-kanilang mga nais kamtin.
 
VI. Implikasyon
Raet: Ang kwentong ito ay masasalamin sa totoong buhay o reyalidad
na ating ginagagalawan. Maaaring ito ay hinango mula sa totoong buhay. At
ipinakikita lamang sa atin na hindi sa lahat ng oras ay kailangan mong mang
maliit ng kapwa tao. Hindi sapat lamang na mahirap sila at walang pambili ng
mga bagong gamit para lang husgahan na sila. Isang paalala, wala tayong
alam sa pinagdadaanan ng isang tao sa kanyang buhay. Nakamumulat ito sa
mga mag-aaral, lalo na sa elementarya at sekondaryang lebel ng pag –
aaral. Sapagkat matututunan nila sa maagang edad pa lamang na sa buhay
ay may iba – iba tayong pinagdadaanan at hindi tayo kailanman dapat
manghusga ng kapwa. At maipapakita rin dito kung paano nga ba mangarap.
Kung saan, kahit anong sitwasyon o estado sa buhay, libre parin mangarap
at hindi natin kailangan makinig at magpapigil dahil sa mga sinasabi ng ibang
VI. Implikasyon
Gregorio: Ang kwentong ito ay makakapagbigay ng
napakaraming aral sa nakakarami lalo na sa mga bata na wala
pang masyadong alam. Sa pamamagitan ng kwentong ito ay
malalaman ng maraming bata na ang pigiging mapanghusga ay
hindi magandang gawain, lalo na sa mga bata na kagaya nila.
Maaaring maisip nila na hangga't maaga pa at bata pa lamang sila,
ay mabago na nila ang ugaling hindi nakakanais. Ang kwentong ito
ay madalas na mangyari sa totoong buhay at ang mga salitang
binitawan ng bawat karakter ay sadyang may halong katotoohanan,
lalo na sa panahon natin ngayon. 
VI. Implikasyon
Hisarza: Ang sandaang damit na isinulat ni Fanny Garcia ay
tungkol sa bawat uri ng estudyante sa loob ng silid-aralan. Ang
kuwentong ito ay kapupulutan ng aral ng lahat ng mambabasa upang
mamulat sa mga totoong nangyayari sa loob ng silid-aralan. Nakikita ko
na nangyayari sa reyalidad ito, lalo na noong ako ay isang mag-aaral
sa elementarya. Papaano nila husgahan ang ibang mag-aaral na tingin
nila ay hindi kayang ipagtanggol ang mga sarili at salat sa buhay.
Ipinapakita ang bawat pagkakaiba ng mga estudyante na mayroong
maykaya sa buhay, indibidwal na salat sa buhay, mayroon ding
tahimik, mapanukso, at nakalulungkot- ang iba ay wala namang
pakialam.
VI. Implikasyon: Hisarza
Tulad ng nangyari sa kwento, kung sino ang maykaya sa buhay ay sila-sila ang
magkakaibigan. Samantalang ang iba naman, wala o ayaw kaibiganin. Sa kwento ay
walang kaibigan ang batang babae dahil lang sa kanyang kasuotan na paulit-ulit at
lumang-luma na naiiba sa karamihan. Maaaring makukulay at mamahalin ang damit
ng iba, kumpara sa kanya. Ngunit, hindi ito sapat na dahilan upang ituring ang kapwa
nang may panghahamak. Dapat pantay ang ating tingin sa mga kapwa mag-aaral
dahil pare-parehas tayong mga estudyante. Muli, hindi dapat maging hadlang ang
kasuotang damit upang tayo ay layuan at husgahan ng mga kaklase. Kahit hindi siya
agad mabilhan ng bagong damit ng kaniyang tatay, ito ay kaniyang naiintindihan at
kuntento na siya kung ano ang mayroon siya. Isa siya ng klase ng bata na hindi
naghahangad pa ng iba at nakapokus lamang sa pisikal na bagay.
VI. Implikasyon: Hisarza
Mayroong mga dokumentaryo na bidyo na pinapalabas sa telebisyon kung
saan binabahagi ang kani-kanilang mga buhay na minsan ay mayroong mga
pangyayari ng panunukso. Dahil lamang walang baon o uniporme na pamasok.
Kagaya na lamang ng nasa kwento na isinulat ni Fanny Garcia ay pumapasok pa
rin sa eskwelahan datapwat may suliranin. Ang pangunahing tauhan ay isang
mabuting bata kahit nagdaranas ng paghihirap sa bahay at paaralan. Kahit na
inaalipusta at masasama ang sinasabi sa kanya, nagsumikap pa rin siya at patuloy
na pumapasok sa paaralan. Marahil salat sa buhay sila sa buhay at tagpi-tagpi na
lamang ang kanilang bahay; ito pa rin ay kaniyang naiintindihan.  

 
VI. Implikasyon: Hisarza
Ang aral na ibinibigay ng maikling kwento ay kung ano ang mayroon tayo
sa buhay na kayang ibigay ng ating mga magulang ay matutong makuntento at
wag na muna maghangad ng iba na higit sa ating kasalukuyang kakayanan o
pinagkukunang-yaman. Sinasabi rito na huwag mangutya ng ibang tao at
maging mataas sa ating sarili. Kundi ay isipin ang bawat salitang binibitawan sa
ibang tao. Malay natin, sila na pala ay ating nasasaktan dahil kawalan ng
kaalaman at pakialam sa kapwa. Ipinakita sa panitikang binasa ang iba-ibang uri
ng ugali ng mga mag-aaral na hindi dapat tularan ng mga bata ngayon sa
kasalukuyan. Karapat-dapat lamang na turuan natin ng mabubuting-asal ang
mga kabataan natin, maging mga sarili, na huwag manghusga tao.
VII. Mga Pinagkunan
City of Malabon. (w.p.). About Malabon.
https://www.malabon.gov.ph/Home/CityOfMalabon#about-malabon
Detalye Productions. (2021, Nobyembre 18). Kulang: A short documentary film
on malnutrition [video file]. YouTube. https://youtu.be/g9dJZkCEYos
Eat Bulaga!. (2023, Marso 7). Mga 25 years old or younger na may limang anak
kumustahin: Bawal judgemental [video file]. YouTube.
https://youtu.be/8lclNyW52Bs
GMA Public Affairs. (2017, Setyembre 25). I-witness: Buto’t-balat a
documentary by Kara David [video file]. YouTube.
https://youtu.be/1yH-4el0X7c
VII. Mga Pinagkunan
Philippine News. (2021). Teoryang realismo: Kahulugan at mga
halimbawa nito.
https://philnews.ph/2021/07/08/teoryang-realismo-kahulugan-at-mg
a-halimbawa-nito/
Philippine Statistics Authority. (2022). Proportion of poor Filipinos
were recorded at 18.1 percent in 2021.
https://psa.gov.ph/poverty-press-releases/nid/167972
World Population Review. (2023). Philippines population 2023.
https://worldpopulationreview.com/countries/philippines-population
Maging mabuting
mga mamamayan! : ))

You might also like