You are on page 1of 2

Maingay na tunog ang gumising sa tagapagsalaysay.

Gumising siya at tumingin sa bintana at Nakita niya si Pinkaw na sinusundan ng mga


bata. May suot siyang mga pangit na mga damit at iba’t ibang kulay ng medyas.
May isang batang nakiusap sa kanyang kumanta. Ngunit sabi niya siya ay nahihiya pero sinabi ng bata na kapag hindi siya kumanta, kukunin
nila ang kanyang anak. Tinutukso siya ng mga bata at binabantaan siya ng mga ito. Umiyak si Pinkaw at sabi niya kapag kukunin nila ang
kanyang anak, magsusumbong siya sa alkalde.
Naawa ang tagapagsalaysay kay Pinkaw at sinigawan niya ang mga bata. Tinawag siya ni Pinkaw ng iba’t ibang pangalan kagaya ng koronel,
sarhento, senador, at alkalde. Sinigurado ng tagapagsalaysay na hindi nila kukunin ang anak niya. Ngumiti si Pinkaw at kinantahan ng oyayi
ang kanyang hinahawakan. Bigla niya itong nalaglag at iyon pala ito ay isang lata na nakabalot sa tela. Pinulot niya itong muli at kinantahan
at sinayawan na parang isang bata ang kanyang hinahawakan.
Natandaan ng tagapagsalaysay noong si Pinkaw pa ang kanyang kapitbahay sa dumpsite at noon ay hindi pa siya ganito. Si Pinkaw ay
nagtitipon ng basura sa dumpsite para may makain. Binibenta rin niya ang mga iba’t ibang bagay na mahahanap niya roon. Palagi siyang
kumakanta kahit siya ay sintunado. Palagi siyang makikita ng tagapagsalaysay galing sa dumpsite na may hawak na kariton na mayroong
gamit na pwedeng ibenta at tira-tirang pagkain. Nagulat ang mga tao dahil tila hindi naghirap si Pinkaw sa kanyang buhay.
Kapag nakauwi na siya sa kanyang kubo, tinatawag niya ang kanyang mga anak sina Poray, Basing at Taloy, at palagi nila itong binabati. Ang
tagapagsalaysay at si Pinkaw ay magkapitbahay sa loob ng dalawang taon. Hindi talaga niya alam ang totoong pangalan ni Pinkaw. Siya ay
biyuda, namatay ang kanyang asawa dahil sa epilepsy noong siya ay buntis sa kanyang bunsong anak. Ngunit, sinasabi ni Pisyang Sugarol na
hindi naman talaga ikinasal si Pinkaw at ang kanyang tatlong anak ay may iba’t ibang ama.
Pagkatapos ng hapunan, tinutulungan siya ng kanyang mga anak na ayusin ang mga gamit para ito ay kanyang maibenta na sa taong Tsino.
Ginagawa nila ito habang kumakanta. Minahal ni Pinkaw ang kanyang mga anak at hindi ito kailanman sinaktan.
Si Pinkaw ay napakamatulungin sa mga tao sa dumpsite. Kapag siya ay sumisimba tuwing linggo, palagi niyang binibigyan ang mga pulubi
ng higit na 20 sentimo. Maraming iba’t ibang kwento tungkol kay Pinkaw ang alam ng mga tao sa dumpsite. Pero si Pinkaw ay palaging
nakontento sa anumang mayroon siya.
Biglang may natandaan ang tagapagsalaysay ng kwento tungkol kay Pinkaw galing sa kanyang kapitbahay. Sobra siyang nagalit sa narinig na
ito. Isang araw, pagkatapos ng almusal, lahat ng kanyang mga anak ay nagkaroon ng sakit sa tiyan siguro dahil sa hindi sariwang sardinas o
sa anumang tira-tirang pagkain na kinain nila. Hindi alam ni Pinkaw kung ano ang gagawin, humingi siya ng tulong pero walang tumulong sa
kanila. Ngunit, pinayuhan siya na dalhin ang mga ito sa ospital.
Walang mga kotse roon kaya ginamit niya ang kanyang kariton para madala ang mga anak sa bahay ng doktor pero wala roon ang doktor.
Ayon sa kanyang yaya, naglalaro raw ng golf ang doktor. Itinulak ni Pinkaw ang kanyang kariton sa isa pang doktor pero walang sumagot.
Naghintay siya na mayroong sumagot at sa wakas, may Nakita siyang nakatutok sa kanya sa labas ng bintana. Nagpasya si Pinkaw na
ipagpatuloy ang paglalakad.
Napagod din si Pinkaw at nahirapan na siya. Nakarating na siya sa kalsada ngunit walang tumigil para tulungan siya. Napansin niya na ang
kanyang panganay na anak ay hindi na kumikilos at hindi na humihinga. Umiiyak siya habang nagtutulak ng kanyang kariton, para masagip
pa ang dalawang anak. Marami ang nakakita sa kanya ngunit walang nagbigay ng tulong.
Parang napakatagal hanggang siya ay nakarating sa ospital. Ang masaklap pa roon ay inuuna ng mga doktor at nars ang mayayaman na
wala naman talagang gaanong sakit. Sa huli, nagamot din ang kanyang dalawang anak. Sa gabing iyon, namatay si Basing, ang kanyang
pangalawang anak, namatay rin ang kanyang bunsong anak.
Narining ulit ng tagapagsalaysay ang maiingay na bata. Tuluyan pa rin nilang tinutukso si Pinkaw na kumakanta sa latang kanyang binalot sa
tela.

You might also like