Noong unang panahon, panahon pa ng mga sinaunang Igorot, sa
isang hukbo ng mga Igorot may isang pamilya ang nakatira sa isang gubat na kung saan ang bawat isa ay ipinagbabawal na lumabas sa kanilang hukbo.May isang bata na napaka kinis at lambot ng balat nito, siya ay si Panito,si Panito na malikot at mahilig na gumala,na siyang anak rin ng kanilang pinuno na si Ibanis. Hindi pinapayagang lumabas si Panito ngunit sumusuway ito,hindi naman siya pinapagalitan kaya’t umaabuso ito dahil pinagsasabihan lang siya ng kaniyang ama at dahil siya ay anak ng isang pinuno. Isang araw umalis siya na hindi nagpaalam sa kaniyang ama na pupunta siya ng gubat.at dir in namamalayan ng ama na umalis ang kaniyang anak. Malapit ng lumubog ang araw ngunit hindi parin bumabalikang kaniyang anak,ngunit hindi niya ito pinansin dahil alam niya na babalik ang kaniyang anak sa lugar a kinalakihan. Makalipas ng limang araw di parin nagbabalik si Panito sa kanilang hukbo kaya’t nagpasya na ang kaniyang ama at mga kasama na tulungan siyang hanapin ang kaniyang anak.
Sa kalagitnaan ng gubat,naroon si Panito na nagpapakasaya
habang di kasama ang kaniyang mga magulang at kasabay rin nito ang paninira niya ng mga halaman sa gubat, hindi niya namamalayan na pinagmamasdan nap ala siya ng isang diwata,habang patuloy ang kaniyang paninira tila may naririnig siyang tinig ng isang napakagandang babae na papalapit sa kanya,agad-agad naman siyang tumago sa kakahuyan pero nahanap rin siya neto, nabato niya ng maliliit na bato ang diwata dahil sa kanyang takot kaya naman nagalit sakanya ang diwata. Kinausap siya ng diwata “matagal na kitang pinagmamasdan bata, malaki na ang panmemerwesyo mo di to sa aking gubat kayat ikay aking paparusahan” sabi ng diwata.Nagtangka pang tumakbo si Panito ngunit nahabol din siya ng makapangyarihang majika ng diwata.
Nagdaan na ang limang araw natunton na nila ang kalagitnaan ng
gubat,sa paglilibot ng kaniyang ama sa kagubatan ng mahigit limang araw ,may nakita siyang isang isang bagay na hugis parisukat, nang kaniya itong hawakan ito’y napakalambot at napakakinis kagaya ng kaniyang anak. Iniuwi niya ito at ipinakita sa kanilang kababayan kung may alam ba sila tungkol sa bagay na iyon, ngunit bigo siyang malaman kung ano ito kaya’t pinangalanan niya itong PANYO na kasingtunog ng pangalan ng kaniyang anak na si Panito.
Sa bawat gabi na pagtulog ng pinuno,palagi niyang naririnig ang
tinig ng kaniiyang anak,linapitan niya ito at pinakinggan,hindi nga siya nagkakamali at doon nga nagmumula ang tinig ng kaniyang anak na parang humihingi ng tulong. Pinuntahan niya ang gubat dala-dala ang kaniyang anak na sinumpa. Nagdasal siya doon na sana’y bumalik na ang anyo ng kaniyang anak,narinig naman ito ng diwata ang kaniyang dasal at naawa ito sa ama ng bata kaya’t nagpakita siya rito,at sabay sabing “ako ang nagparusa sa iyong anak dahil sinira niya ang mga halaman dito sa gubat ko,ngayon ay pinapatawa ko na siya,ibabalik ko na siya sa daing anyo niya pero sa isang kondisyon ibabalik rin niya ang mga halaman na kaniyang nasira gaya ng pagbabalik ko ng kaniyang anyo” tugon ng diwata, pumayag naman si Ibanis sa kondisyon ng diwata kaya naibalik din agad-agad an gang kaniyang anak.
Sa pagbabalik ni Panito,naghanda ng isang maliit na salo-salo ang
kanilang Pinuno at ang ibang pagkainay ibinigay sa diwata bilang pasasalamat. At simula noon,palagi nang nagpapapalam si Panito tuwing aalis sa kanila.