You are on page 1of 8

Pagsusuri ng Maikling Kuwento

“Tata Selo”
Rogelio R. Sikat

IPINASA NI:
Ana Francesca V. Almirante
DVM2 – D
I. PAMAGAT
“Tata Selo”

A. Kahulugan ng Pamagat Kaugnay sa Salaysay


Ang maikling kuwento na napili ko ay may pamagat na “Tata Selo” na isinulat ni Rogelio R. Sikat. Ang
kuwentong ito ay tungkol sa isang magsasaka na nangangalang Tata Selo. Tanging ninanais niya na
makapagsaka sa kanilang dating lupa na naibenta laman nila dahil nagkasakit ang kaniyang asawa.

II. MAY
AKDA
Rogelio R. Sikat

A. Talambuhay ng may akda:


Si Rogelio R. Sikat (1940-1997) ay isang Pilipinong piksyonista, mandudula,
tagasalinwika, at tagapagturo. Siya ay anak nina Estanislao Sikat at Crisanta
Rodriguez. Ipinanganak siya noong Hunyo 26, 1940 sa Alua, San Isidro, Nueva
Ecija, Pilipinas. Siya ang pang-anim sa walong magkakapatid. Si Rogelio Sikat ay
nagtapos na may Batsilyer ng Panitikan sa Pamamahayag mula sa Pamantasan
ng Santo Tomas at isang MA sa Filipino sa Unibersidad ng Pilipinas.
Ang mga gawa ni Sikat, na nagpabangon sa nakagawiang literatura natin at
nagpamulat sa atin sa kalagayan ng ating lipunan.

“Impeng Negro" at "Tata Selo", parehong gawa ni Sikat na isinadula sa isang


pelikula, ay ilan lamang sa mga ginawa ni Sikat. Ang iba pa niyang mga gawa ay: Dugo sa Bukang-
Liwayway , Pagsalunga: Piniling Kuwento at Sanaysay , at ang dula "Moses, Moses".

Si Rogelio Sikat ay nakatanggap ng maraming pampanitikang premyo. Siya ay tanyag dahil sa "Impeng
Negro", ang kanyang maikling kuwento na nagwagi ng gantimpalang Palanca noong 1962 sa Filipino.
Marami sa kanyang mga istorya ang unang lumabas sa Liwayway, isang sikat na magasing
pampanitikan na nasa wikang Tagalog.

Ang nangyaring pagpapahalaga kay Sikat sa kanyang nagawa ay nakalahad sa "Living and Dying as
a Writer" na isinulat ni Lilia Quindoza-Santiago. Lumitaw ang artikulo sa Pen & Ink III.

Si Rogelio Sikat ay propesor at dekano ng Kolehiyo ng mga Sining at mga Titik sa Unibersidad ng
Pilipinas sa Diliman mula 1991 hanggang 1994. Si Angelito Tiongson, na isang propesor sa
Kolehiyon ng Komunikasyong Pangmasa sa U.P. ay gumawa ng isang tampok na pelikula
pinamagatang "Munting Lupa" batay sa "Tata Selo" ni Sikat, na isa pang nagantimpalaang kuwento.
Lumikha naman ang direktor ng pelikula at teatro na si Aureaus Solito ng isang maikling pelikula
noong 1999 na batay sa "Impeng Negro" ni Sikat. Noong 1998, bagaman sumakabilang-buhay na
si Sikat, pinarangalan siya ng Manila Critics Circle ng isang National Book Award para sa
pagsasalinwika.

III. MGA
TAUHAN
Tata Selo
Kabesang Tano
Alkalde
Hepe
Isang Bata
Saling

A. Paglalarawan sa mga Tauhan:

1. Tata Selo - Siya ang pangunahing tauhan sa kwento na siyang tumaga at nakapatay kay Kabesang
Tano sa kadahilanang pinapaalis na siya sa sakahan nito. Kupas ang gris niyang suot, may mga
tagpi na ang siko at paypay. Ang kutod niyang yari sa matibay na supot ng asin ay may bahid ng
natuyong putik.
2. Kabesang Tano - may-ari ng lupang sinasaka ni Tata Selo na dating pag-aari niya.
3. Alkalde - Siya ang alkalde ng bayan ng San Roque na isa sa kumausap kay Tata Selo tungkol sa
pagtaga ng matanda kay Kabesang Tano. Batay sa maikling kuwento, siya ay isang arogante at
mapagmataas na tao na walng galang sa matanda.
4. Hepe - Siya ang kasama ng alkalde noong kinausap nila si Tata Selo tungkol sa kaso nitong
pagtaga kay Kabesang Tano. Kitang kita sa pagkakalad ng kwento na ginagamit ng hepe ang
kanyang kapangyarihan sa maling paraan.
5. Isang Bata - SIya ay ang nagbibigay pag-asa at umaaliw kay Tata Selo. Kahit na hindi siya
gumanap ng isang mahalagang tauhan sa kwento, makikita sa batang ito ang pagkakaroon nga
pag-asa sa kabila ng mga pagsubok na dumarating.
6. Saling - Siya ang nag-iisang anak ni Tata Selo na namamasukan bilang isang katulong sa bahay
ni Kabesang Tano.
IV. BUOD

Nagsimula ang kwento sa Istaked na kung saan pinagkakaguluhan ng mga tao si Tata Selo. Ito ay sa
kadahilanang napatay ni Tata Selo si Kabesang Tano na nagmamay-ari ng lupang sinasakahan niya
na di umano'y pagmamayari niya daw noon ngunit naisanla niya dahil nagkasakit ang kaniyang asawa.
Halos lahat ng mga tao doon ay hindi makapaniwala na nagawa iyon ni Tata Selo sa Kabesang Tano.

Nataga at napatay ni Tata Selo ang Kabesa dahil pinaalis ito sa kanyang lupang sinasakahan subalit
tumanggi ito. Iginiit ni Tata Selo na malakas pa naman siya at kaya pa niyang magsaka, subalit
tinungkod ito ng tinungkod ng Kabesa. Pinaliwanag ito ni Tata Selo sa binatang anak ng
pinakamayamang propitaryo, sa alkalde at maging sa hepe ng pulis na pawang mga kakilala ng
Kabesa ngunit lahat sila ay hindi naniwala sa pahayag niya. Ayon sa kanila, hindi daw sapat na dahilan
iyon para tagain ni Tata Selo ang Kabesa. Patuloy na ipinaglaban ng matanda ang kaniyang katwiran
na sila ang makatarungang nagmamayari sa lupang iyon at siya ay malakas pa kaya hindi siya dapat
paalisin doon. Sa pagpapaliwanag nito ni Tata Selo, pinagmalupitan siya ng hepe ng pulis.

Kinabukasan, dinala na si Tata Selo sa kabisera kung saan doon siya'y ikukulong. Paglipas ng ilang
sandali, dumating ang anak niyang si Saling na dati'y nakatira at nanilbihan sa Kabesa. Nakakahabag
si Tata Selo nang maisipan nalang nitong pauwiin si Saling sa kadahilang wala na silang magagawa.
Ngunit pinatawag si Saling nang alkalde sa kaniyang tanggapan at pinuntahan niya iyon at hindi
nakinig sa ama nito. Dumating din noong araw na iyon ang bata, anak ng isang magsasaka na
dumalaw sa kanya noon. Siya'y inutusan ni Tata Selo na pumunta sa tanggapan ng alkalde at yayain
umiwi si Saling, subalit hindi ito pinapasok. Hindi ito inalintana ni Tata Selo at sinabi nalang nito na
"inagaw sa kanya ang lahat".
V.
REAKSYON

A. Kaisipan/Pilosopiyang Pilipinong natutuhan mula sa akda


Sa pagbasa ng maikling kuwento na ito, makikita natin na lubos na inaapi ang mga mahihirap.
Kagaya sa akdang ito, maraming kinuha sa pamilya nina Tata Selo dahil sila ay dukha.
Pinagsamantalahan sila dahil wala sina Tata Selong kapangyarihan upang labanan sila. Dahil sa
mahirap lang sila, sila ay inaapi at hindi nagkakaroon ng hustisya. Ang kuwentong ito ay napapanahon
pa rin. Maraming tao sa buong mundo ang hindi masyadong mapalad pagdating sa mga materyal na
bagay. Ito ay nagiging sanhi kung bakit sila ay laging inaapi at ninanakawan ng karapantang mabuhay
nang matahimik at mapayapa. Isa rin sa mga aral na mapupulot sa kuwento ang sa tuwina’ý
pagmamahal ng magulang sa kanyang anak gayundin ang pagmamalasakit ng anak sa kanyang mga
magulang sa kabila ng dinaranas na kahirapan.

B. kulturang Pilipinong nakita sa akda.


Tulad sa nabanggit ko dati, ipinapakita sa maikling kuwento na ito ang pagkamakapamilya,
katapatan, at determinasyon ng mga Pilipino. Makikita natin ang katapatan at determinasyon ni Tata
Selo tuwing ipinaliwanag niya kung bakit niya pinatay ang Kabesang Tano, hindi siya nangalawang-
isip na sabihin ang katotohanan at iginiit pa niya na ito lamang ang katotohanan.

C. Pagpapahalagang Pilipinong nabasa sa akda


Ilan sa mga Pagpapahalagang Pilipino na makikita sa akda ay ang Mahigpit na Pagkakabuklod ng
Pamilya. Inuuna ni Tata Selo ang kalagayan ng kanyang anak na si Saling kaysa sa sarili niyang
kalagayan. Hindi nya inuna ang kanyang sarili dahil sa kanyang pagmamahal dito. Isa na rin dito ang
katapatan. Nasira ang reputasyon ni Tata Selo sa kanyang pagpatay kay Kabesa ngunit hindi nya ito
itinanggi. Ipinaliwanag niya nang maayos kung bakit niya nagawa ang bagay na iyon. Makikita din
ang mabuting pakikitungo ng bata tungo kay Tata Selo, kahit hindi niya ito kilala, kinakausap, inaaliw
at tinutulungan pa rin niya ang matanda.
VI. PANSIN
AT PUNA
A. Galaw/Bangay ng Salaysay

KASUKDULAN
Dumating ang alkalde kasama ang hepe. Nag-usap sila ni Tata Selo sa tanggapang ito. Tinungkod daw
ng tinungkod ng kabesa si Tata Selo habang nagmamakaawa kaya biglang nataga ng matanda ang si
Kabesang Tano. Dinagdag pa ng matanda na malakas pa siya at kaya pa niyang magsaka kaya hindi
siya dapat paalisin. Hindi pinansin at tinanggap ng alkalde ang paliwanag ni Tata Selo. Nang makaalis
ang alkalde, naiwan si Tata Selo sa hepe. Nagpaliwanag muli ang matanda ngunit bigla na lamang siya
sinuntok, sinikmuraan at binatukan ng hepe.

PABABANG AKSYON
Sa ikalawang araw sa istaked ni Tata Selo,
sinabi ng alkalde na siya ay dadalhin sa
kabesera kung saan siya’y ikukulong
PAPATAAS NA AKSYON habang-buhay, ngunit tinugon ni Tata Selo
na patayin na lang siya.
Dumating ang binatang anak ng
pinakamayamang propitaryo sa San
Roque at ipinaliwanag at binigyang-
katuwiran sa kaniya ni Tata Selo kung
bakit niya pinatay si Kabesang Tano.

WAKAS
SIMULA Dumating ang anak nitong si Saling at ang
Sa pagtaas ng araw, kumalat na ang bata na animo’y nagpapalakas ng loob ni
balitang tinaga at napatay ni Tata Selo si Tata Selo ngunit pinapauwi na lang sila ng
Kabesang Tano. Maraming tao ang matanda. Ikaapat na ng hapon at habang
nagkakagulo para lamang makalapit sa nakakapit sa rehas at nakatingin sa labas,
istaked. Hindi makapaniwala ang lahat sa sinasabi niya na lahat ay kinuha na sa
nagawa ng matanda. kanila.
B. Istilo ng pagsalaysay ng may akda

Ang istilo ng pagsalaysay ng may akda ay pabalik-tanaw. Ang kwentong Tata Selo ay nagsisimula
na sa gitna ng istorya kung saan mababasa natin na nakulong na si Tata Selo. Mula sa gitna,
kinuwento niya lamang ang mga nakaraang pangyayari, kasama na ang dahilan kung bakit niya
na patay ang kabesang Tano, ang pagpaalis sa kaniya, pati na rin ang pagtaga ni Tata Selo sa
Kabesa. Ito ay may obhetibong paningin. Ang tagapagsalaysay ay nagsisilbing kamera, siya ay
malayang nakalibot habang tinatala nito ang bawat nakikita at naririnig ngunit hindi niya masasabi
ang naiisip o nadadarama ng bawat karakter sa akda. Ang maikling kuwento na ito ay kuwento
ng tauhan sapagkat ang akda ay umiikot lamang kay Tata Selo at ang interes ay nakatuon sa
pangunahing tauhan.

C. Wikang ginamit ng may-akda

Ito ay gumagamit ng wikang pampanitikan at kolokyal. Makikita natin ang paggamit ng wikang
pampanitikan sa tuwing kinukuwento ng tagapagsalaysay ang iba’t ibang pangyayari na
nagaganap sa akda. Mapapansin natin ang paggamit ng wikang kolokyan sa mga diyalogo ng
mga tauhan sa kuwento.

VII. KONGKLUSYON
AT REKOMENDASYON

Sa pangkalahatan, maganda ang nilalaman ng kwento dahil ito ay makabuluhan at nakapagbibigay


ng aral sa mambabasa. Naisulat ito ni Sikat upang mabatid ng lahat na hindi dapat gamitin ang
kapangyarihan upang maghari sa mundo at mang abuso ng kapwa tao. Dahil sa mga mata ng Diyos,
tayo ay pantay-pantay lamang walang mas magaling at walang kalunus-lunos. Walang sinuman ang
pwedeng manakit ng kapwa. Dagdag pa dito, dapat natin kontrolin ang ating damdamin at galit upang
maiwasan ang masasamang situwasyon na dala ng mga maling desisyon. Isa sa mga rekomendasyon
ko na sana, hindi biglang natapos ang kuwento ni Tata Selo sapagkat gusto kong malaman kung
nabigyan ba ng hustisya ang matanda. Gayunpaman para sa akin, isa ito sa mga mahalagang kuwento
na kailagan mabasa ng mga mamamayan sa panahong ito dahil maiuugnay ito sa situwasyon ng ating
bansa ngayon.
Sanggunian:
Mahilom, A. (2013, February 09). Tata Selo. Retrieved August 28, 2020, from
https://teksbok.blogspot.com/2013/02/tata-selo.html

Rogelio R. Sikat. (n.d.). Retrieved August 28, 2020, from


https://panpil19.fandom.com/tl/wiki/Rogelio_R._Sikat

Tata Selo (Tauhan). (n.d.). Retrieved August 28, 2020, from


https://rogeliorsikat.fandom.com/tl/wiki/Tata_Selo_(Tauhan)

TATA SELO - Pagsusuri. (n.d.). Retrieved August 28, 2020, from


https://pdfslide.net/documents/tata-selo-pagsusuri.html

Tata Selo. (1970, January 01). Retrieved August 28, 2020, from
http://kingedrah.blogspot.com/2009/03/tata-selo.html

Tubianosa, M. (1970, January 01). PANANALIKSIK SA FILIPINO. Retrieved August 28, 2020, from
http://tubianosajrmanuel.blogspot.com/

Unknown. (1970, January 01). Tata Selo Ni:Rogelio Sikat. Retrieved August 28, 2020, from
http://solomonannkristy.blogspot.com/2015/08/tata-selo-nirogelio-sikat.html

Unknown. (1970, January 01). Tata Selo Ni:Rogelio Sikat. Retrieved August 28, 2020, from
https://solomonannkristy.blogspot.com/2015/08/tata-selo-nirogelio-sikat.html

Unknown. (1970, January 01). Tata Selo. Retrieved August 28, 2020, from
http://cr0xxavenzare.blogspot.com/2013/01/tata-selo.html

http://jhenpitz.multiply.com/
http://panitikan.com.ph/authors/s/rsicat.htm
http://khuletzslapshock31.blogspot.com/2008/09/tata-selo-ni-rogelio-sikat.html
http://kingedrah.blogspot.com/2009/03/tata-selo.html

You might also like