Professional Documents
Culture Documents
Kwento
(Pagbasa at Pagsusuri ng Iba’t-ibang Teksto Tungo sa
Pananaliksik)
III. Tagpuan
V. Simula
VII. Suliranin
VIII. Tunggalian
IX. Kasukdulan
X. Wakas
XII. Buod
XIII. Aral
III. TAGPUAN
a. Pook- Ang kwento ay naganap sa istaked ng munisipyo sa bayan ng San
Roque, na kung saan doon nakakulong si Tata Selo na siyang pinaniniwalaang
nagpatay kay Kabesang Tano. Ang istaked na ito ay maliit at maalikabok na
sinaraduhan ng rehas na bakal.
b. Panahon- sa pagitan ng mga dekada 1980-1990 (kung kailan nailathala ang
kwento)
Kabesang Tano- Siya ang may-ari ng lupa kung saan nagsasaka si Tata Selo.
Siya ang nagpaalis kay Tata Selo sa pagsasaka dahil bago na raw ang mag sasaka sa
kanyang lupain. Nagawa nitong paluin ng tungkod ang matanda nang ito ay
nagmakaawa na huwag paalisin sa lupang kaniyang pinaghahanapan ng
hanapbuhay.Hindi niya inisip ang mararamdaman ng isang masipag na magsasaka sa
ginawa niyang desisyon. At dahil doon ay nagawa siyang patayin ni Tata Selo.
Presidente o ang Alkalde Mayor- Isa sa kumausap kay Tata Selo tungkol sa
pagpatay nito kay Kabesang Tano. Sa mga pahayag ng alkalde habang tinatanong si
Tata Selo, mapapansin ang pagiging arogante at mapagmataas nito. Hindi niya
binigyang galang ang mas matanda pa sa kanya, kumbaga nawawalan ito ng respeto.
Hepe- Siya ang namumuno sa pulisya ng San Roque. Siya ang kasama ng
alkalde noong kinausap nila si Tata Selo tungkol sa kaso nito. Siya ay isang mayabang
at mapagmataas din. Wala rin itong galang sa matanda kung kaya’t walang awa niya
itong sinuntok at sinikmuraan. Makikita natin rito na ginamit ng hepe ang kaniyang
kapangyarihan sa maling paraan.
Mag-aalas-onse na noong araw ding iyon nang dumating ang Alkalde Mayor
kasama ang hepe ng mga pulis. Galing sila sa bahay ng kabesa. Abut-abot ang busena
ng dyip na sinasakyan ng dalawa upang mahawi ang hanggang noo’y di pa nag-
aalisang tao. Itinaas ng may-katabang alkalde ang dalawang kamay upang payapain
ang pagkakaingay.
VII. SULIRANIN
Pinuntahan ni Kabesang Tano si Tata Selo sa sakahan nito upang sabihin sa
kaniya na aalisin na siya sa sakahan dahil ipapasaka niya na ito ang kaniyang lupa sa
iba. Nang nakiusap si Tata Selo, sa halip na pakinggan ay tinungkod siya nang
tinungkod sa Kabesa kaya nataga ito ni Tata Selo. Pagkatapos ng mga pangyayari ay
nabalitaan ito ng mga tao at ikinulong si Tata Selo sa istaked ng munisipyo sa San
Roque.
VIII. TUNGGALIAN
Unang naroon sa munisipyo ang binatang anak ng pinakamayamang propitaryo
sa San Roque. Inusig nito si Tata Selo kung bakit niya pinatay si Kabesang Tano, kaya
ipinagtanggol ni Tata Selo ang kaniyang sarili sa pamamagitan ng pagsalaysay sa kung
paano nagsimula ang insidente. Hulinh dumating ang Alkalde at ang Hepe ng pulisya
na galing pa sa bahay ng napatay na Kabesa. May pagkayamot na tiniyak ng Alkalde
ang hatol na pagkabilanggo kay Tata Selo. Ipinaglaban parin ni Tata Selo ang kaniyang
sarili at pumangatwiran na siya ang unang inagrabyado at ipinagtanggol lamangniya
ang kaniyang sarili, ngunit tila wala nang ibang naririnig ang mga may kapangyarihan.
Sa halip na pakinggan si Tata Selo ay sinuntok ito ng Hepe at sinikmuraan. Walang
awang binugbog ang matanda kahit pa may ito’y nakahandusay na sa sahig.
IX. KASUKDULAN
Dumating ang alkalde kasama ang hepe at pinasya nito na mag-usap sila ni Tata
Selo sa tanggapag ito. Tinungkod daw ng tinungkod ng Kabesa si Tata Selo habang
nagmamakaawa kaya biglang nataga ng matanda si Kabesang Tano. Sinabi pa ng
matanda habang nagmamakaawa siya na malakas pa siya at kaya pa niya magsaka
kaya hindi siya muna dapat paalisin sa bukid. Ngunit hindi pinansin ng alkalde ang
paliwanag ni Tata Selo. Nang makaalis ang alkalde, naiwan si Tata Selo sa hepe. Muli
ay nagpaliwanag ang matanda ngunit bigla na lamang sinuntok, sinikmuraan at
binatukan hepe ang matanda. Hindi man lang ito nahabag sa kaawa-kaawang
kalagayan ng matanda.
X. WAKAS
Mag-iikapat na ng hapon. Padahilig na ang sikat ng araw, ngunit mainit pa rin
iyon. May kapiraso nang lilim sa istaked, sa may dingding sa steel matting, ngunit si
Tata Selo’y wala roon. Nasa init siya, nakakapit sa rehas sa dakong harapan ng
istaked. Nakatingin siya sa labas. Sa kanyang malalabo at tila lagi nang nag-aaninaw
na mata’y tumatama ang mapulang sikat ng araw. Sa labas ng istaked, nakasandig sa
rehas ang batang inutusan niya kanina. Sinasabi ng bata na ayaw siyang papasukin sa
tanggapan ng alkalde ngunit hindi siya pinakikinggan ni Tata Selo, na ngayo’y hindi na
pagbawi ng saka ang sinasabi. Habang nakakapit sa rehas at nakatingin sa labas,
sinasabi niyang lahat ay kinuha na sa kanila, lahat, ay! ang lahat ay kinuha na sa kanila.
XII. BUOD
Ang kwentong Tata Selo ay patungkol sa isang matanda na hinangad lamang na
makapagsaka sa kanilang lupa na naibenta dahil sa nagkasakit ang kanyang asawa.
Nais ni Tata Selo na mapabalik ang lupa nila sa kanila pero dahil sa kawalan ng pera
hindi na ito napabalik sa kanila kaya nakiusap na lang sya kay Kabesa Tano na sya na
lang ang magsaka sa kanyang lupa. Hanggang isang araw na habang nagsasaka si
Tata Selo kinausap sya ni Kabesa Tano na umalis na sa sinasaka nyang lupa dahil may
iba ng magsasaka noon. Nakiusap si Tata Selo ngunit hindi sya pinakinggan ni Kabesa
Tano kaya nagawang tagain ni Tata Selo si Kabesa Tano na syang ikinamatay nito.
Kaya nakulong si Tata Selo.
Nang makalawang araw, dumalaw ang anak niyang si Saling na dati'y nakatira at
nanilbihan sa Kabesa, subalit umuwi ito sa kadahilanang nagkasakit ito makalawang
araw bago ang insindente, Nakakahabag si Tata Selo nang maisipan nalang nitong
pauwiin si Saling sa kadahilang wala na silang magagawa, pinatawag si Saling nang
Alkalde sa kaniyang tanggapan at pinuntahan niya iyon at hindi nakinig sa ama nito,
dumating muli ang bata na dumalaw sa kanya at inutusan upang pumunta sa
tanggapan ng alkalde subalit hindi ito papasukin pahayag ng bata, Hindi ito inalintana ni
Tata Selo at sinabi nalang nito na "inagaw sa kanya ang lahat".
XIII. ARAL
Ang kwentong ito ay napapanahon pa rin. Napakaraming nilalang sa mundo ang
hindi masyadong nabiyayaan ng materyal na bagay na nagiging sanhi kung bakit sila ay
laging inaapi, ninanakawan ng karapatang mabuhay nang matahimik at mapayapa. Isa
sa mga aral na mapupulot sa kwento ay ang walang katapusang pagmamahal ng
magulang sa kanyang mga anak, gayundin ang pagmamalasakit ng anak sa kanyang
mga magulang sa kabila ng kasalanang ginawa nito, at sa kabila ng dinaranas na
kahirapan.
XIV.TALAMBUHAY NG MAY-AKDA
Siya ay isinalang sa San Isidro, Nueva Ecija noong 1940. Dito na siya lumaki
ngunit nag pasya siyang lisanin ang San Isidro, Nueva Ecija noong 1950’s para
magtrabaho sa University of Santo Tomas. Pagkatapos maging campus writer at literary
editor ng The Varsitarian, tinuloy niya hanggang maging isa siya sa mga sikat na
pioneers ng Panitikang Pilipino sa pamamagitan ng pagpili ng Filipino bilang lenggwahe
ng kanyang pagsusulat, at sa pamamagitan ng pagtalikod sa mga pag-alala at
pakikipagtagpo sa mga “Western Writers”.
Marami nang mga parangal ang kaniyang natanggap ngunit mas nakilala siya sa
kaniyang akdang “Impeng Negro”, na nanalo sa kategoryang maikling kwento sa
Gawad Carlos Palanca noong 1962. Marmain sa kaniyang pinakamagagandang kwento
ay unang lumabas sa Liwayway. Si Lilia Santiago, na isang primyadong manunulat, ay
humanga sa mga akda ni Sikat.