You are on page 1of 2

TANGGUID, LYNDON C.

BSE 2- SOSYEDAD AT LITERATURA

GAWAIN IV. Pagsusuri sa isang maikling kwento


A. PAMAGAT
Ang pamagat ng kwento ay "TATA SELO". Ito ay ibinatay ni Rogelio R. Sikat sa pangunahing tauhan ng
istorya na isang lalaking magsasakang nagngangalang --Selo. Bagamat may pagkakaiba sa Tata Selo na
ipinakilala sa atin ni Rizal sa ilang kabanata ng isa sa kanyang nobela, hindi maitatangging maaaring
inspirasyon ng may-akda ang naturang tauhan sa pagbuo ng "Tata Selo".

B. TUNGLOL SA MAY AKDA


Si Rogelio R. Sikat (Sicat) ay isinilang noong Hunyo 26,1940 sa San-Isidro, Nueva Ecija. Ika-anim siya sa
walong magkakapatid nina Estanislao Sicat at Crisanta Rodriguez. Noong 1950 ay lumuwas siya ng
Maynila upang magtrabaho sa Unibersidad ng Santo Tomas. Pagkatapos maging Campus Writer at
Literary Editor ng The Varsitarian, itinuloy niya ito hanggang maging isa sa mga sikat na Pioneers ng
Philippine literature sa pamamagitan ng pagpili ng Filipino bilang lenggwahe ng kanyang pagsusulat, at
sa pamamagitan ng pagtalikod sa mga pag-alala at pakikipagtagpo sa mga "Western Writers". Ang mga
gawa ni Sicat, na nagpabangon sa nakagawiang literatura natin at nagpamulat sa kalagayan ng ating
lipunan, ay unang nakita sa magasin ng Liwayway.Nakakuha siya ng Parangal sa Palanca Awards noong
1962, at noong 1965, lumabas naman bilang antolohiya ang "Mga Ago sa Disyerto", sumunod sa mga
magagaling na manunulat. Sumulat siya ng ilang dekada, at nakilala siya sa Literary History bilang
Fictionist, Playwright at Professor."Impeng Negro"at "Tata Selo".

C. TAUHAN
1. Tata Selo (PROTAGONISTA) (TAUHANG BILOG)
2. Kabesang Tano (ANTAGONISTA) (TAUHANG BILOG)
3. Alkalde (TAUHANG LAPAD)
4. Hepe (IBA PANG KATAUHAN)(TAUHANG LAPAD)
5. Isang bata (IBA PANG KATAUHAN) (TAUHANG LAPAD)
6. Saling(IBA PANG KATAUHAN) (TAUHANG LAPAD)
7. Binatang magbubukid (IBA PANG KATAUHAN) (TAUHANG LAPAD)

D. BUOD NG KATHA
- Ang kwentong ito ay nagsimula sa Istaked. Dito, pinagkaguluhan ng mga tao si Tata Selo. Ang dahilan
kung bakit ponagkaguluhan siya ay pinatay niya si Kabesang Tano na may-ari ng lupang kanyang
sinsakahan.

- Nataga ni Tata Selo ang Kabesa dahil pinapaalis siya sa kanyang lupain ngunit tumanggi at pinagpilitan
ni Tata Selo na kaya pa niyang magsaka pero tinungkod ito ng tinungkod ng Kabesa sa noo paliwanag
niya sa binatang anak ng pinakamayamang propitaryo, sa Alkalde at maging sa Hepe na nagmalupit sa
kanya sa loob ng istaked na pawang mga kilala ng Kabesa.

- Isang araw, dualaw si Saling, ang kanyang anak. Naninirahan si Saling dati sa Kabesa at nanilbihan,
subalit umuwi ito sa kadahilanang nagkasakit ito makalawang araw bago ang insindente. Nakahabag si
Tata Selo nang inisip niyang puwiin si Saling dahil wala na siyang magagawa.
- Pinatawag ng Alkalde si Saling sa kaniyang tanggapan at pinuntahan niya iyon at hindi nakinig sa ama
nito. Dumating muli si Saling at inutusan upang pumunta sa tanggapan ng alkalde ngunit hindi ito
papasukin, sabi ng kaniyang anak. Hindi ito inalintana ni Tata Selo at sinabi nalang nito na "inagaw sa
kanya ang lahat".
E. URI NG PANITIKAN
- Ang Tata Selo ay isang maikling kwento na sinulat ni Rogelio R. Sicat. Ang kwentong "Tata Selo" ay
Snabibilang sa teoryang sosyolohikal.Ang teoryang sosyolohikal ay may paksang nagbibigay ng kaapihang
dinanas ng tauhan sa kwento. Ang akda ring ito ay siyang nagiging salamin sa mga tunay na nangyayari sa
lipunan, masasalamin ang aktwal na pangyayari sa lipunan, ang pang-aapi sa mga mahihirap at pagturing dito
na mababang uri.

F. REAKSYON
- Ang kwentong ito ang nagmulat at nagpa-isip sa akin kung gaano kahirap para sa isang magsasaka ang
mawalan ng trabaho lalo't pagsasaka lamang ang kanyang ikinabubuhay. Kaya nga't ang trabaho ay
isang bagay na hindi talaga dapat ipagkait o mawala sa atin dahil ito ang tanging bagay na siyang
magpapasiya sa kung anong uri ng buhay an gating mararanasan. Sa pagbabasa ng kwentong ito,
naghalo-halo ang kalungkutan, galit at paghihirap ng tauhan sa kanyang kalagayan. Nakaramdam ako
ng awa para kay Tata Selo dahil sa kabila ng kanyang malasakit ay nagawa pa nila itong molestiyahin.

- Batay sa aking sariling pagkakaunawa, masasabi kong malungkot ang naging daloy ng kwento.

- May ibat ibang tao sa mundo. May mga taong may posisyon sa lipunan at may mga tao din namang
mahihina na siyang inaapi-api lamang ng mga makapangyarihang nilalang. Ngunit sa henerasyon natin
ngayon, alam nating kung may kaya ka, aangat ka. Mananatiling kawawa ang mga taong mahihirap.
Kung kayaý huwag natin hayaang tayoý kinakawawa. Gawin natin ang lahat ng ating makakaya upang
makamit natin ang ating mga pinapangarap.

GAWAIN V. Reaksyon sa “Ang kwento ni Mabuti”


Sa kwentong ito ang awtor ang nagsasalayay sa kwento. Sa karakter ni mabuti ay masasalamin natin ang isang
malakas na tao. hindi ipinapakita ni mabuti sa iba ang kanyang kalungkutan dahil gusto niyang ang makita sa
kanya ng iba o ng kanyang mga estudyante ay kabutihan o pagiging positibo. sa panahon ngayon, napakaramin
problema ang kinahaharap nating mga tao. kakambal na yan ng buhay. ang mga mahihina ay malulungkot at
mawawalan ng pag-asa. ang iba nga ay nagpapakamatay pa. ngunit sa kwentong ito ay nakita natin si mabuti
na malakas nyang nilabanan ang kalungkutan at mga problema nya sa buhay. hindi siya pinanghinaan ng loob.
bagkus patuloy siyang nagpapatuloy sa buhay at nagagawa pa niyang mangarap ng mataas para sa kanyang
anak. maiintindihan natin sa kwentong ito na hindi tayo dapat madaig ng mga problema sa ating buhay. tignan
natin ang mundo bilang isang paraiso na puno ng kagandahan at kabutihan.unawain natin na normal sa tao
ang kalungkutan at sa pagtanggap sa kalungkutang iyon ay makakamit natin ang kaligayahan na matagal na
nating inaasam.

You might also like