You are on page 1of 2

A.

MGA SALITANG PANGNILALAMAN (Mga Content word)

1. Mga nominal

a. PANGNGALAN (Noun) - mga salitang nagsasaad ng pangalan ng tao, hayop, bagay, pook, katangian,
pangyayari, atbp.

Hal. Ang mga nasalungguhitan sa pangungusap ay halimbawa ng pangngalan

* Si Reny ay isang tsuper.

*Bantay ang pangalan ng asong iyan.

*Maganda ang tanawin sa bagiuo

*maraming aksidente ang nangyayari ngayon.

b. PANGHALIP (Pronoun) - mga salitang panghahali sa pangngalan

Hal. Ang mga nasalungguhitan sa pangungusap ay halimbawa ng panghalip.

*Ako ay may lobo.

*Ikaw ay maganda.

*Tayo ay magkaibigan.

*Kayo ay matatalino.

2. PANDIWA ( Verb) - mga salitang nagsasaad ng kilos o nagbibigay-buhay sa isang lipon ng mga salita.

Hal. Ang mga nasalungguhitan sa pangungusap ay halimbawa ng pandiwa.

*Si Nene ay laging kumakanta.

*Ang unggoy ay malibis umayakyat.

*Sila ay laging tumatakbo tuwing umaga.

*Si Nanay ang laging nagluluto.

3. Mga Panuring (modifier)

a. PANG-URI (Adjective) - mga salitang nagbibigay-turing o naglalarawan sa pangalan at panghalip.

Hal.Ang mga nasalungguhitan sa pangungusap ay halimbawa ng pang-uri

*Maganda talaga ang Aguinaldo.

*Masipag mag-laba si ate.


*Malusog ang aming alagang baboy.

*Iyakin ang aming bunso.

b. PANG-ABAY (Adverb) - mga salitang nagbibigay-turing o naglalarawan sa pandiwa, pang, -uri at kapwa
nito pang-abay.

Hal. Ang mga nasalungguhitan sa pangungusap ay halimbawa ng pang-abay.

*Mabilis magpatakbo ng motor ang mga estuyante.

*Marahan namang magpatakbo ang mga propesyonal.

*Maingat na magmaneho si Chutchutan.

*mabagal tumakbo si Patrick dahil malaki ang kanyang tiyan.

You might also like