You are on page 1of 19

Uri ng panghalip

Inihanda ni: Bb. Christine E. Gener


Ang panghalip ay ang salitang humahalili o
pamalit sa ngalan o pangngalan
PANGHALIP NA PANAOna nagamit
na sa parehong (Personal
pangungusapPronoun)
o kasunod na
pangungusap. Ang
Halimbawa: ako, salitang
ko,akin, Panghalip
amin, kami, kayo, inyo,ay
nangangahulugang
kita, mo, siya, panghalili o pamalit.
kanila,siya, kanya.

-salitang pamalit sa
pangngalan
•Pronoun
PANGHALIP NA PANAO
•Bahagi ng pananalita na ipinanghalili
(Personal Pronoun)
o ipinapalit sa pangngalan
Halimbawa: ako, ko,akin, amin, kami, kayo, inyo,
•Halimbawa: si Dr.
kita, mo, siya, Jose Rizal
kanila,siya, ang
kanya.
manggagamot sa bayan
•Siya ang manggagamot sa bayan..
1. Panghalip na Panao (Personal
Pronoun)– ay ipinapalit sa ngalan ng
taong nagsasalita, sa taong kausap at sa
taong pinag-uusapan. May kailanan ang
panghalip na panao. Ito ay maaaring
isahan, dalawahan at maramihan, tulad
ng - ako, ko, akin, amin, kami, kayo,
atin, inyo, kita, kata, mo, siya, kanila,
siya, kanya.
Kaukulan
1. Panghalip na panao sa anyong “ang”
(Palagyo). Panghalip na inihalili sa
pangalang pinangungunahan ng ang
o si o kayay panghalip na ginagamit
sa paksa o kaganapang pangsimuno
-Ginagamit bilang paksa
-ginagamit bilang kaganapang
pansimuno
Kaukulan
2. Panghalip na panao sa anyong “ng”
(paari)
-Ito ay panghalip na inihalili sa
pangngalang may panandang ng o
ginagamit ito bilang panuring at
nagsasaad ng pag-aari.
Bilang Panuring- Hal. Ang aking
kaibigan ay nangibang bansa.
Bilang pag-aari-Hal. Kanila ang lupang
iyon.
Kaukulan
3. Panghalip na panao sa anyong “sa”
(palayon o paukol)
-Ito ay panghalip na inihahalili sa
pangngalang pinangungunahan ng
sa o kay
Bilang layon ng pang-ukol-para sa
inyo ang na ito.
Bilang di-tuwirang layon-kaniyang .
B. PANAUHAN
-Unang panauhan-taong nagsasalita
-ikalawang tauhan-taong kinakausap
Ikatlong panauhan-taong pinag-
uusapan

C. KAILANAN
-Isahan
-dalawahan
-maramihan
Halimbawa: Taong Nagsasalita

(Isahan: Ako, akin, ko)


a. Ako ay pupunta sa Maynila.
b b. Akin ang laruang hawak mo.
a. c. Ibigay ko ito sa aking ina.
(Dalawahan: kita, kata)
a. Kita nang maligo sa ulan. (Maligo tayong dalawa sa ulan.)
b. Kata nang manood ng sine. (Manood tayong dalawa ng
sine.)

(Maramihan: Tayo, kami, natin, naming, atin, amin)


a. Tayo nang pumunta sa Antipolo.
b. Kami ay kakain sa JoliMc.
c. Bisitahin natin si Lola.
d. Atin ang pulang kotse.
e. Amin ang bahay na kulay bughaw.
Halimbawa: Taong Kausap

(Isahan: Ikaw, ka)


a. Ikaw ang iniibig ko.
b. Pumunta ka sa opisina ng punong-guro.

(Dalawahan: kita, kata)


a. Magkikita kita sa tapat ng monumento ni Gat. Jose
Rizal.
b. Maghuhulog kata ng pera sa bangko.

(Maramihan: Kayo, inyo, ninyo)


a. Kayo ang kanyang mga magulang.
b. Sa inyo ang asong nasagasaan.
c. Nasusunog ang bahay ninyo!
Halimbawa: Taong Kausap

(Isahan: Ikaw, ka)


a. Ikaw ang iniibig ko.
b. Pumunta ka sa opisina ng punong-guro.

(Dalawahan: kita, kata)


a. Magkikita kita sa tapat ng monumento ni Gat. Jose
Rizal.
b. Maghuhulog kata ng pera sa bangko.

(Maramihan: Kayo, inyo, ninyo)


a. Kayo ang kanyang mga magulang.
b. Sa inyo ang asong nasagasaan.
c. Nasusunog ang bahay ninyo!
Halimbawa: Taong Pinag-uusapan:

Taong Pinag-uusapan:
(Isahan: Siya, niya, kanya)
a. Siya ang sumuntok sa akin.
b. Binigyan niya ako ng kendi.
c. Ibibigay ko ang damit na ito sa kanya.

(Dalawahan: kita, kata)


a. Ayaw nila kata sa atin. (Ayaw nila sa ating dalawa.)
b. Kita ay pinayagan nilang magpakasal sa huwes.

(Maramihan: Sila, kanila, nila)


a. Nagbigay sila ng donasyon sa simbahan.
b. Kanila ang ospital na iyon.
c. Bibigyan nila tayo ng mga p
2. Panghalip na Pamatlig

(Demonstrative Pronoun) – ay inihalili


sa pangngalang nagtuturo ng lugar na
kinalalagyan ng pangngalan. Iinihalili
rin ito sa pangngalan na malapit o
malayo sa nagsasalita, kinakausap o
nag-uusap.
Malapit sa Nagsasalita
-ito/ ire ( Ito ay masarap na prutas. Ire ay ibinigay sa
akin ng aking butihing ina.)
-heto ( Heto na ang pasalubong ko sa inyo.)
-dito ( Dito ka maghiwa ng mga gulay.)

Malapit sa Kausap
-iyan ( Iyan ang libro ko.)
-hayan/ ayan (Hayan/Ayan na sa likod mo ang asong
ulol!)
-diyan (Diyan mo ilapag ang mga bayong.)

Malayo sa Nag-uusap
-iyon (Iyon ang bahay nila Paulo.)
-hayun/ ayun (Hayun/Ayun ang magnanakaw!)
-doon (Doon tayo kumain.)
3. Panghalip na Panaklaw (Indefinite
Pronoun)- ay mga panghalip na
sumasaklaw sa kaisahan at dami o
kalahatan ng kinatawang pangngalan,
tulad ng - lahat, madla, sinuman,
alinman, anuman, pawang
Nagsasaad ng Kaisahan
a. Isa (Isa tayo sa pinagpala ng Diyos.)
b. Isapa (Isapa ang pagpuputol ng kahoy sa gubat.)
c. Iba (Iba ang bahay sa tahanan.)
d. bawat isa (Bawa't isa ay mayroon tungkulin sa bayan.)

Nagsasaad ng dami o kalahatan


a. Lahat (Lipulin ang lahat ng peste!)
b. Madla (Mananagot siya sa madla dahil sa kanyang
kabuktutan.)
c. Pulos (Pulos kalokohan ang pinagsasabi niya.)
d. Balana ( Iniisip nila na walang ginawa si Pangulong Marcos
para sa kabutihan ng balana.)
e. Pawang (Ang iginanti niya ay pawang kabutihan.)
4. Panghalip na Patulad – ay inihalili sa
itinutulad na bagay.

Ganito/Ganire - Malapit sa nagsasalita


Ganito/Ganire ang paggawa niyan.
Ganito/Ganire kung umarte si Nora Aunor.

Ganyan - Malapit sa kausap


Ganyan nga kung umiyak si Momay.

Ganoon - Malayo sa nag-uusap


Ganoon ang tamang pagtatapas ng niyog
5. Panghalip na Pananong (Interrogative Pronoun) -
inihahalili sa pangngalan kung nagtatanong.

Halimbawa:
ano, anu-ano, sino, sinu-sino, nino, alin, alin-alin
a. pangtao (sino, kanino)
Sino ang umutot?
Sino ang kumuha ng bolpen ko?
Kanino ang kalamay na ito?
Kanino kaya ang mapupunta ang gantimpala?

b.bagay, hayop, lugar (ano, alin)


Ano ang laman ng kahon?
Alin dito ang sa iyo?

c. bagay, hayop, lugar, tao (ilan)


Ilan sa inyo ang sasali sa paligsahan?
Ilang halaman ang ating dadalhin?
6. Panghalip na Pamanggit (Relative
Pronoun) –

Ito ay kataga o parirala ng tagapag -


ugnay ng dalawang kaisipan o
pananalita. Ginagamit ang
daw,raw,umano,diumano,ani,sa ganang
akin/iyo.

Halimbawa:
Ang pagpapatawad daw ang
pinakamatamis na paghihiganti.

You might also like