Professional Documents
Culture Documents
1. PANGNGALAN (Noun)
Mga Uring Pansemantika
1. Pantangi (Proper Noun)– partikular ng pangalan ng tao, hayop, bagay, pook o pangyayari.
Hal. Miguel, Clarissa, Bb. Luz De Guzman
Tagpi, Muning, Brownie, Spotty
Magasing Panorama, Mongol 2
Talon ng Maria Cristina, Ilog Pasig
Paligsahang Bb. Universe ng Taong 1975
2 PANGHALIP (PRONOUN)
Uri ng Panghalip
1. Mga Panghalip na Panao – ay panghalili sa ngalan ng tao.
Anyong ang Anyong ng
Panauhan (palagyo) (paukol) Anyong sa (paari)
Isahan
Una Ako Ko Akin
Ikalawa Ikaw, ka Mo Iyo
Ikatlo Siya Niya kanya
Dalawahan
*(kata) *(nita) *(kanita)
Una Kita, tayo Natin Atin
Ikalawa Kayo Ninyo Inyo
Ikatlo Sila Nila Kanila
Maramihan
Una Kami Naming Amin
Ikalawa Kayo Ninyo Inyo
Ikatlo Sila Nila Kanila
2. Mga Panghalip na Pamatlig – humahalili sa sa ngalan ng tao, bagay, atb. na itinuturo o inihihimaton.
I. Pronominal
Anyong ang (Paturol)
*ire (ibang anyo : yari)
ito
iyan (ibang anyo : yaan)
iyon (ibang anyo :yaon)
Anyong ng (Paari)
*nire (ibang anyo :niyari)
nito
niyan
noon (ibang anyo: niyon, niyaon)
Anyong sa (Paukol)
*dine
dito
diyan
doon
II. Panawag-pansin o Pahimaton
1. *(h) ere
2. (h) eto
3. (h) ayan
4. (h) ayun
III. Patulad
*ganire
ganito
ganyan
ganoon (ibang anyo: gayon)
IV. Palunan
*narini (ibang anyo : nandini)
narito (ibang anyo : nandito)
nariyan (ibang anyo : nandiyan)
naroon (ibang anyo : nandoon)
Isahan Maramihan
sino sinu-sino
ano anu-ano
alin alin-alin
kanino kani-kanino
ilan ilan-ilan
3. PANDIWA (VERB)
Pansemantika : ang pandiwa ay salitang nagpapakilos o nagbibigay-buhay sa isang lipon ng mga salita
Istruktural : ang pandiwa ay nakikilala sa impleksyon nito sa iba’t ibang aspekto ayon sa uri ng kilos na isinasaad
nito.
Kayarian ng Pandiwa
Ang pandiwa sa Filipino ay nabubuo sa pamamagitan ng pagsasama ng isang salitang-ugat at ng isa o higit pang
panlapi.
Kaganapan ng Pandiwa
Ang tawag sa bahagi ng panaguri na bumubuo o nagbibigay ng ganap na kahulugan sa pandiwa at magagawang
paksa ng pangungusap kung babaguhin ang pokus ng pandiwa.
Halimbawa:
naglalaba (nag-la-laba), umiinom (um-i-inom)
minamahal (ma-in-mahal), nilalamon (ni-la-lamon)
nakikita (na-ki-kita), nakikitaan (na-ki-kita-an)
Di-Karaniwang Pandiwa
1. Maykaltas – di-karaniwan ang pandiwa kung ang salita ay nawawalan ng titig o pantig.
3. Maypalit – napapalitan ang isa o dalawang titik ng pandiwa kaya ito ay nagiging di-karaniwan.
Karaniwang Di-Karaniwang Ayos ng
Salitang-ugat Panlapi Ayos ng Pandiwa Pandiwa
dinig ma- madinig marinig
dugtong ka- kadugtong karugtong
halik -an halikan hagkan
bayad -an bayadan bayaran
4. Maysudlong – di-karaniwan ang pandiwa kung ang karaniwang anyo nito ay nadaragdagan ng isa o
dalawang titik o kung ang pandiwa ay may dalawang hulapi.
Karaniwang Di-Karaniwang Ayos
Salitang-ugat Panlapi Ayos ng Pandiwa ng Pandiwa
antabay -an antabayan antabayanan
kuha -in kuhain kuhanin
mata -in matain matahin
buti pag- / -an pagbutian pagbutihan
Pokus ng Pandiwa
Pokus – relasyong semantika ng pandiwa at simuno
1. Pokus sa Tagaganap-ang pandiwa ay nakapokus sa tagaganap kung ang simuno ng pangungusap ang
tagagawa ng kilos.
Halimbawa:
Nakapag-aral si Marvino kahapon.
(pandiwa) (simuno-tagaganap)
2. Pokus sa Layon-ang pandiwa ay nakapokus sa layon kung ang layon ng pangungusap ang simuno.
Halimbawa:
Bantayan mo ang sinaing at baka masunog.
(pandiwa) (tagaganap) (simuno-layon)
5. Pokus sa Gamit-nakapokus sa gamit ang pandiwa kung ang simuno ay ang kasangkapan o bagay na
ginamit sa pangungusap.
Halimbawa:
Ipangguhit mo ang lapis sa papel.
(pandiwa) (tagaganap) (simuno-gamit)
Ang lapis ang ipangguhit mo sa papel.
(simuno-gamit) (pandiwa) (tagaganap)
6. Pokus sa Sanhi-sa sanhi ang pokus ng pandiwa kung ang simuno ay nagpapahayag ng dahilan ng kilos.
Halimbawa:
Ikinatuwa ni Czarina ang biro ni Zeus.
(VERB)(tagatanggap)(simuno-sanhi)(tagaganap)
Ang biro ni Zeus ay Ikinatuwa ni Czarina.
(simuno-sanhi) (tagaganap) (VERB) (tagatanggap)
7. Pokus sa Direksyon-kung ang simuno ay nagsasaad ng direksyon ng kilos, nasa pokus sa direksyon ang
pandiwa.
Halimbawa:
Pinuntahan ko ang Boracay noong isang linggo.
(VERB) (tagaganap) (simuno-direksyon)
Ang Boracay ang pinuntahan ko noong isang linggo.
(simuno-direksyon) (VERB) (tagaganap)
4. PANG-URI (ADJECTIVE)
Gamit ng Pang-uri
1. Panuring Pangngalan
Mararangal na tao ang pinagpapala.
Panuring Panghalip
Kayong masigasig ay tiyak na magtatagumpay.
2. Pang-uring Ginagamit Bilang Pangngalan
Ang mapagtimpi ay malayo sa gulo.
3. Pang-uring Kaganapang Pansimuno
Mga madasalin ang mga Pilipino.
Kayarian ng Pang-uri
1. Payak– kung binubuo ng likas na salita lamang o salitang walang lapi.
Halimbawa :
Maiinit ang ulo ng taong gutom.
Huwag kang makipagtalo sa sinumang galit.
2. Maylapi – kung binubuo ng salitang-ugat na may panlapi.
Halimbawa :
kalahi kayganda
mataas makatao
malahininga
3. Tambalan – kung binubuo ng dalawang salitang pinag-iisa.
Halimbawa :
Karaniwang Kahulugan
taus-puso biglang-yaman
bayad-utang hilis-kalamay
Patalinghagang Kahulugan
kalatog-pinggan ngising-buwaya
bulang-gugo kapit-tuko
Kailanan ng Pang-uri
May tatlong kailanan ang mga pang-uri : isahan, dalawahan, at maramihan.
Halimbawa:
Kalahi ko siya. (Isahan)
Magkalahi kaming dalawa.(Dalawahan)
Magkakalahi tayong lahat. (Maramihan)
Pang-uring Pamilang
– mga salitang naglalarawan sa pangngalan o panghalip sa pamamagitan ng mga numero.
Uri ng Pamilang
1. Patakaran o Kardinal– ginagamit sa karaniwang paraan ng pagbibilang ng pangngalan o panghalip.
Halimbawa: isa, dalawa, tatlo
1. Panunuran o Ordinal– ginagamit sa pagpapahayag ng pagkasunud-sunod ng mga pangngalan o
panghalip. Gumagamit ito ng mga panlaping pang- at ika-.
Halimbawa: pang-una, pangalawa, pangatlo, una, ikalawa, ikatlo
1. Pamahagi– ginagamit sa pagpapahayag ng pagkakabaha-bahagi o pagkakahati sa kabuuan ng isang
bagay. Gumagamit dito ng mga panlaping ika- at ka-.
Halimbawa: ikatlong bahagi, ikaapat na bahagi, katlo (1/3), kapat (1/4)
1. Palansak– ginagamit sa pagsasaad ng mga bukod na pagsasama-sama ng mga pangngalan o panghalip.
Halimbawa: aanim, anim-anim, tig-anim, animan, dadalawa, dala-dalawa, tigdadalawa, dalawahan
1. Pahalaga– ginagamit sa pagbibigay ng halaga ng isang bagay. Gumagamit dito ng mga panlaping ma-
attig-.
– pera ang tinutukoy.
Hal: Tiglilimampiso ang bili ko sa mga aklat na ito.
1. Patakda/tiyak na bilang – inuulit ang unang pantig ng salitang bilang.
Hal. iisa,tatatlo, dadalawa, aapat
Si Teresa ay nag-iisang anak.
Sasampung piso ang natira sa kanya.
Ang panlaping ka ay malimit na gamitin kung ang pang-uri ang nagsisilbing panag-uri (predicate) ng
isangpangungusap. Halimbawa: Karada sida. Sida ay karada. (Madaya siya. Siya ay madaya.) Kung hindi, ma ang
ginagamit. Halimbawa: Sida ay maradang kaidamo. (Siya ay madayang kalaro.) Sa on/hon o an/han naman, hindi
mahalaga kung paano ginagamit ang pang-uri. Halimbawa: Radaon/Radaan sida. Sida ay radaong/radaang kaidamo.
Sa mga paghahambing, ang panlaping dapat gamitin ay ma. Halimbawa: mas madaya – mas marada, pinakmadaya
-pinakamarada.
Maraming mga salita sa Pilipino na likas na mga pang-uri. Kung walang katumbas ang mga ito sa Asi na likas na
pang-uri-rin, ang mga nabanggit na panlapi rin ang dapat gamitin. Halimbawa:
tahimik – kahipos, mahipos
tamad – katamar, matamar, tamaran
4. may / marami (hindi man panlapi, ito ay may katumbas na panlapi sa Asi) – Asi: ugat+on, ugat+hon
Halimbawa:
may / maraming galis – galison
may / maramimg kulangot – otngohon
may / maraming ipis – tabakongon
5. medyo (bahagya, hindi man panlapi, ito ay may katumbas na panlapi sa Asi) – Asi: ma+ugat-ugat,
maSu+ ugat
Halimbawa:
medyo maganda – maganda-ganda, maguganda
medyo pangit – mayain-yain, mayuyain
medyo malakas – makusog-kusog
Ang maSu+ugat ay maaring gamitin kung ang salitang-ugat ay nagsisimula sa katinig at kung ang unang pantig nito
ay hindi katunog ng o o u. Ang S ang nagrerepresenta sa simulang katinig ng salitang-ugat.
6. napaka+ugat, ugat+ugat, pang-uri+panh-uri (ubod ng) – Asi: pagka+ugat; pagkau+ugat, kau+ugat (kung
angsalitang-ugat ay nagsisimula sa patinig maliban sa u o o); ka+ugat-ugat, pagka+ ugat-ugat (kung
ang salitang-ugat ay nagsisimula sa patinig); pagkaSu+ugat, kaSu+ugat (kung nagsisimula naman sa
katinig kung saan ang S ang nagrerepresenta sa unang titik nito)
Halimbawa:
napakaganda – pagkaganda, pagkaguganda, kaguganda
napakapangit – pakayain, pagkayuyain, kayuyain
napakagaling – pagkaayo, pagkauayo, kauayo, kaayo-ayo, pagkaayo-ayo
napakaasim – pagkaaslom, pagkauaslom, kauaslom, kaaslom-aslom, pagkaaslom-aslom
napakaliit – pagkaisot, pagkauisot, kauisot, kaisot-isot, pagkaisot-isot
napakahalay- pagkauyag, kauyag-uyag, pagkauyag-uyag
maputing-maputi, puting-puti – pagkaputi, kaputi-puti, pagkaputi-puti
Ang pagkau, kau, pagkaSu o kaSu ay mas mataas ang antas sa pagka.
7. kasing+ ugat, magkasing+ ugat, magsing+ ugat, (magkapareho) – walang panlaping katumbas ito sa Asi
at sa halip ay ginagamit ang salitang pareho o kapareho
Halimbawa:
kasingganda – kapareho’t ganda
magkasingganda, magsingganda – pareho’t ganda
8. pinaka+pang-uri (nakahihigit sa lahat) – Asi: pinaka+pang-uri
Halimbawa:
pinakamataba – pinakamataba
pinakatahimik – pinakamahipos
5 PANG-ABAY (ADVERB)
Istruktural na kahulugan : ang pang-abay ay makikilala dahil kasama ito ng isang pandiwa, pang-uri o isa pang pang-
abay na bumubuo ng parirala.
Pansemantikang kahulugan : ito ay nagbibigay- turing sa pandiwa, pang-uri o sa iba pang pang-abay.
Uri ng Pang-abay
1. Pang-abay na Kataga o Ingklitik : mga katagang lagging suusunod sa unang salita ng kayariang
kinabibilangan.
ba daw/raw pala man
kasi din/rin tuloy muna
kaya naman nga pa
na yata lamang/lang
Halimbawa :
Nailigtas ba ang mga minerong nabarahan sa minahan?
Alam pala ng kanyang nanay ang nangyaring sakuna.
Kumain muna sila bago umalis.
Alangan naman yata na sila pa ang lumapit sa atin.
1. Panlunan – (Adverb of Place) tumutukoy sa pook/lugar kung saan naganap ang kilos.
Sa – ginagamit kapag ang kasunod ay pangngalang pambalana o panghalip.
kay/kina – ginagamit kapag ang kasunod ay pangngalang pantanging ngalan ng tao.
Hal. 1. Maraming masasarap na ulam ang itininda sa kantina.
2 Nagpaluto ako kina Aling Myra at Luisa ng masarap na keyk para sa iyong kaarawan.
1. Pamaraan – (Adverb of Manner) naglalarawan kung paano naganap, o magaganap ang kilos ng pandiwa.
Ginagamitan ng panandang nang o na/-ng.
Halimbawa :
Kinamayan niya ako nang mahigpit.
Natulog siya nang patagilid.
Bakit siya umalis na umiiyak?
1. Pang-agam – pang-abay na nagsasaad ng walang katiyakan ng isang kilos.
Hal. Marahil, sigurong, tila, baka, wari, atb.
Marami na marahil ang nakabalita tungkol sa desisyon ng Sandiganbayan.
Tila patuloy na ang pag-unlad ng turismo sa Pilipinas.
Waring natutupad din ang ating mga pangarap.
MGA PANG-UGNAY
Ang Pang-ugnay ay mga salitang nagpapakita ng relasyon ng dalawang yunit sa pangungusap, maaaring salita,
dalawang parirala o ng dalawang sugnay.
6 PANGATNIG (CONJUNCTION)
Ang Pangatnig ay bahagi ng pananalita na nag-uugnay sa salita sa kapwa salita, o isang kaisipan sa kapwa
kaisipan. Ito ay maaaring pantulong o pantuwang.
Mga Uri Ng Pangatnig
ž Pantuwang ang pangatnig kapag pinag-uugnay nito ang mga magkakasingkahulugan, magkakasinghalaga o
magkakapantay na mga bagay o kaisipan.Ang mga pantuwang na pangatnig ay: at, saka, pati.
Halimbawa:
Magtitirik ng kandila at magpapadasal si Ka Ebeng sa Araw ng mga Patay.
Ang mga mamamayan pati na ang mga dayuhan ay pupulungin ng Pangulo.
Dalhin mo bukas pagtungo natin sa talon ang timba, tabo saka ang mga labahin.
ž Pantulong naman ang pangatnig kung pinag-uugnay nito ang sugnay na di- makapagiisa sa malaya o makapag-
iisa o punong sugnay. Nag-uugnay ng di-magkapantay na salita, parirala o sugnay: kung, kapag, upang,
para, nang, sapagkat, dahil sa.
Halimbawa:
Nag-trabaho siya ng mabuti, para makabili siya ng damit.
Umasenso ang kanyang buhay, dahil sa kanyang pagsisikap
ž Pamukod – pamukod ito kung may pamimili, pagtatangi, pag-aalinlangan, pagtatangi sa isa o sa iba sa dalawa o
mahigit pang bagay o kaisipan. tulad ng o, ni, man, maging at kaya.
Halimbawa:
¡ Ni sa pangarap ni sa panaginip ay hindi siya nagisip ng ganyon.
ž Paninsay o Pasalungat – kung sa tambalang pangungusap, ang ikalawa ay sumasalungat sa una, ang ginagamit
ay: ngunit, bagaman, habang, kahit, datapwat, subalit.
Halimbawa:
¡ Sasalo raw siya kahit masama ang kanyang loob.
¡ Ang mamamayang pilipino, bagama’t hirap sa buhay, ay laging kamamasdan ng kasiyahan.
Ang subalit ay ginagamit lamang kung ang ngunit, at datapwat ay ginagamit na sa unahan ng pangungusap.
Matahimik pa rin ang Pilipinas ngunit hindi pa rin lubos makapaniwala ang mga taga-ibang bansa dahil sa maling
nalalathalang balita, subalit patuloy pa rin silang dito ay dumaragsa.
ž Panubali – kung may pag-aalinlangan o pagbabakasakali, ang ginagamit ay: kung, pag, sana, baka, pagka,
kapag, sakali.
1.
Lalong hihirap ang iyong buhay kung babayaan mong nakatiwangwang ang iyong lupa.
Pinamihasa mo ang iyong anak sa karangyaan, baka magsisi ka pagdating ng araw.
ž Pananhi – mula sa salitang sanhi o dahilan. Ito ay ginagamit kung ang mga kadahilanan, ay inilalahad, kung
nangangatwiran, kung tumutugon sa katanungang “bakit?”
– Ang mga salitang ginagamit ay: dahil, sapagkat, palibhasa, kasi, kundangan, atb.
Sumama ang kanyang pakiramdam dahil sa nakain niyang hilaw na mangga.
Lumayas ang anak niya kasi sobra niyang pinagmamalupitan.
ž Panlinaw– kung ang nasabi ay pinaliliwanagan pa, ang ginagamit ay: samakatuwid, kaya, gayunpaman, kung
gayon, alalaon, sana, atbp.
Hal.
Makahulugan at makabulahan ang kasaysayan, sa makatuwid, ang palasak nating kawikaan: “Ang hindi
marunong lumingon sa pinangalingan ay hindi makararating sa paroroonan.” ay diwang bagay lamang.
ž Panulad– ito ay pariralang magkatugon na ginagamit sa pagtutulad.
Kung ano ang itinanim, ay siya ring aanihin.
Kung alin ang pinagkapili-pili, ay siya pang nakuha ng bungi.
ž Panapos – ginagamit ang pangatnig na ito kung nagpapahayag ng layon o pagbabadyang nalalapit na
pagwawakas sa pagsasalita. Ito ay:upang, nang, sa wakas.
Pahalagahan ang pangaral ng mga magulang nang hindi malihis ng patutunguhan.
Ang Pilipinas, sa wakas, hindi pa man lubos na maunlad ay kababanaagan na ng mapangakong bukas.
7. PANG-ANGKOP (LIGATURE)
– ay ang salitang nag-uugnay sa panuring at salitang tinuturingan (na, ng, g).
May Tatlong Pang-angkop ang ginagamit sa pag-uugnay ng mga salita
1. Pang-angkop na na – ginagamit kung ang salitang sinisundan ay nagtatapos sa katinig.
Halimbawa: Mataas na kahoy ang kanyang inakyat.
2. Pang-angkop ng ng – ginagamit kung ang salitang sinusundan ay nagtatapos sa patinig.
Halimbawa: Masayang naglalaro ang mga bata.
Ang pang-angkop na –ng ay nag-uugnay rin sa mga salitang magkakasunod kung saan ang naunang salita ay
nagtatapos sa katinig na n. Ngunit hindi ito isinusulat sa ganitong anyo. Ang titil na n sa hulihan ng salita ay kinaltas
na lamang. Kaya ang angkop na –ng at hindi –g ang ginamit.
8. PANG-UKOL (PREPOSITION)
v Pang-ukol ang tawag sa mga kataga o salitang nag-uugnay sa isang pangngalan sa iba pang salita sa
pangungusap.
v Ito ay ginagamit upang matukoy kung sang lunan o kung anong bagay ang mula o tungo, ang kinaroroonan, ang
pinangyarihan o kina-uukulan ng isang kilos, gawa, balak ari o layon. Ang mga ito ay laging may layon na maaaring
isang pangngalan o isang panghalip.
9. MGA PANANDA
– ay nagsisilbing tanda ng gamit ng pambalarila ng isang salita sa loob ng pangungusap o ayos ng mga
bahagi ng pangungusap.
ang (isahan)
Halimbawa: Ang pinuno ay palaging naglilingkod sa kanyang mga nasasakupan.
ang mga (maramihan)
Halimbawa: Nagtulung-tulong ang mga mag-aaral sa paggawa ng collage.
mga (maramihan)
Halimbawa: ang pinuno ay tinulungan ng kanyang mga tagasunod.
2. Pantukoy na Pantangi – tumutukoy sa pangngalang pantangi (tiyak na tao) si, sina, ni, nina, kay, kina
si (isahan)
Halimbawa: Si Gng. Arroyo ay nagsisikap upang mapabuti ang kalagayan nating mga Pilipino.
Sina (maramihan)
Halimbawa: nanguna sa paglilinis ng barangay sina G. at Gng. Dela Cruz.
Ni (isahan)
Halimbawa: Napagalitan ni Coach Dimagiba ang mga manlalaro dahil hindi sila dumating sa oras.
Nina (maramihan)
Halimbawa: hindi ininatuwa ng guro ang pag-aaway nina Anton at Luis.
Kay (isahan)
Halimbawa: Ibinahagi ni Sofia ang kanyang keyk kay Sam.
KinaKina (maramihan)
Halimbawa: Nakipagkasundo na si Lukas kina Juan at Pedro.
Ang epiko ay isang uri ng panitikan na tumatalakay sa mga kabayanihan at pakikipagtunggali ng isang tao o mga tao
laban sa mga kaaway na halos hindi mapaniwalaan dahil may mga tagpuang makababalaghan at di-kapani-
paniwala. Kuwento ito ng kabayanihan na punung-puno ng mga kagila-gilalas na mga pangyayari. Bawat pangkatin
ng mga Pilipino ay may maipagmamalaking epiko.
Ito ay ipinahahayag nang pasalita, patula, o paawit. Minsay ay sinasaliwan ito ng instrumentong pang
musika. Mahaba ito, binubuo ng 1000 hanggang 5000 na linya.
Mga Epiko ng Pilipinas: Hudhud at Alim, Ibaloy, Ullalim, Ibalon, Maragtas, Hinilawod, Agyu, Drangan, Biag ni Lam-
ang
Mahahalagang Elemento ng Epiko:
Sukat at Indayog
Indayog – diwa ng tula
Sukat – ito ay tumutukoy sa bilang ng pantig ng bawat taludtod na bumubuo sa isang
saknong. Ang pantig ay tumutukoy sa paraan ng pagbasa.
Halimbawa:
Epiko -> e-pi-ko – may tatlong panting
Sukat -> su-kat – may dalawang pantig
Mga Uri ng Sukat:
a.) Wawaluhin (8 pantig)
Halimbawa:
Isda ko sa Mariveles
Nasa loob ang kaliskis
b.) Lalabindalawahin (12 pantig)
Halimbawa:
Ang laki sa layaw karaniwa’y hubad
Sa bait at muni, sa hatol ay salat
c.) Lalabing-animin (16 pantig)
Halimbawa:
Sai-saring bungangkahoy, hinog na at matatamis
Ang naroon sa loobang may bakod pa sa paligid
d.) Lalabingwaluhin (18 pantig)
Halimbawa:
Tumutubong mga palay,gulay at maraming mga bagay
Naroon din sa loobang may bakod pang kahoy na malaba
Tugma – sinasabing may tugma ang tula kapag ang huling pantig ng huling salita ng bawat taludtod ay
magkakasintunog.
Taludturan – ito ay ang pagpapangkat ng mga taludtod nga isang tula. Tinatawag rin itong saknong
Matatalinghagang salita – ito ay tinatawag ring idyoma na may kahulugang taglay na naiiba sa karaniwan. Di
tuwirang nagbibigay ng kahulugan ang mga ito.
Halimbawa:
pabalat bunga – paimbabaw
likaw na bituka- kaliit-liitang lihim
mapaglubid ng buhangin- sinungaling
kisap mata/ iglap – mabilis
isang tuka isang kahig- mahirap
Banghay – ito ay pagkakaugnay-ugnay ng pangyayari na maaring maging payak o komplikado. Binubo ito ng
simula, saglit na kasiglahan, kaskdulan, kakalasan, at wakas.
Tagpuan – ang tagpuan ay ang lugar at panahon ginanap ang mga pangyayari. Nakakatulong ito sa pagbibigay-
linaw sa paksa, banghay at mga tauhan.
Tauhan – ang tauhan ang siyang kumikilos sa epiko. Siya ang gumagawa ng mga desisyon na nagpapatakbo ng
epiko. Mapapansing ang tauhan sa epiko ay nagtataglay ng supernatural o di pangkaraniwang kapangyarihan
Kaligirang Pangkasaysayan ng Epiko May mga aklat nang nalathala tungkol sa ibang mga anyo ng panitikang
pagbigkas, tulad ng mga bugtong, salawikain, awit, pabula, alamat at mito. Ngunit wala pang puspusang pag-
aaral tungkol sa mga epiko, ang pinakamataas na anyo ng panitikang pabigkas. At mahalaga ang mga epiko di
lamang bilang panitikan: ang mga ito’y makabuluhang dokumento rin ng ating lipunan bago pa dumating ang
pananampalatayang Muslim at Kristiyano. May maidadagdag sila sa kakaunting tiyak na kaalaman natin tungkol
sa sinaunang panahon ng pambansang kasaysayan. Bukod dito, ang mga tekstong orihinal ay magagamit ding
sanggunian ng mga lingguwista para sa mga namamatay nang mga wikain.May mga epikong walang tekstong
orihinal, tulad ng Handiong ng Bikol, na bagamat siyang pinakaunang naitala (bago pa taong 1867), ay nakasulat
naman sa Kastila. Gayundin, ang Darangen ng mga Maranao ay nasa sa Ingles, ang Indarapatra at Sulayman ng
Magindanao ay nasa sa Ingles, at ang bersyong ito’y pinag-aalinlangan pa ng kilalang iskolar na si E.
Arsenio Manuel.
WIKANG PANTUROAng wikang panturo ay wikang ginagamit ng guro at ng mga nasa akademiya parasa kanilang pagtuturo sa
loob ng silid-aralan at paaralan Kasama rin rito angwikang ginagamit sa mga libro! gayundin ang wikang ginagamit sa
mga pagsusulit!e"ams! instru#tions para sa mga gawain at pananaliksik
Ang wikang panturo ang wikang opisyal na ginagamit sa pormal na edukasyon Ito angwikang ginagamit sa pagtuturo at pag-
aaral sa mga eskuwela$an at ang wika sa pagsulatng mga aklat at kagamitan sa pagtuturo sa silid-aralan Ang itinatag na
pambansangsistema ng edukasyon ng mga Amerikano sa umpisa ng ika-%& siglo ay monolingguwal Angibig sabi$in! may
iisang wikang panturo 'ang wikang Ingles Nagsimulang ipagamit angWikang Pambansa bilang wikang panturo sa pana$ong Komonwelt at
para sa edukasyon ngmga magiging guro ng Wikang Pambansa (ago sumiklab ang Ikalawang )igmaangPandaigdig ay may mga guro
nang nagtuturo ng Wikang Pambansa *a isang sirkular noong+ ,ayo ./&! iniatas ni )irektor 0eledonio *al1ador ng Kawani$an
ng 2dukasyon angpagtuturo ng Wikang Pambansa bilang regular na asignatura sa Ikaapat na Taon sapaaralang sekundarya Pagkaraan ng digma! unti-
unting binuksan ang mga asignatura saelementarya at sekundarya na nagtuturo ng wika at panitikan at gumagamit ng
WikangPambansa b3lang wikang panturo *a ilalim ng Patakarang (ilingguwal! ang mga asignatura sa elementarya at
sekundarya ay$inati upang ang isang pangkat ay ituro sa Pilipino at ang isang pangkat ay ituro sa Ingles (ukod sa asignaturang
wika at panitikang 4ilipino! ang mga klase sa Araling Panlipunan aygumagamit ng Pilipino bilang wikang panturo (ukod naman
sa asignaturang wika atpanitikan sa Ingles! ang mga klase sa ,atematika at Ag$am ay Ingles ang wikang panturo 5,a$alagang
pansinin ang pagtukoy sa Wikang Pambansa bilang 6Pilipino7 mulang .8.$anggang sa pana$on ng pag-iral ng
.9+ Konstitusyon (agaman binanggit na sa .9+Konstitusyon ang pagbuo sa wikang 64ilipino!7 patuloy na kinil:la $anggang
.;9 ang pag-iral ng 6Pilipino7 b3lang wikang opisyal at Wikang Pambansa <Ang patakarang bilingguwal ay isang pagtupad sa
mga *eksiyon %=+! Artikulo >? ng .9+Konstitusyon $inggil sa Pilipino at Ingles b3lang mga opisyal na wika ng komunikasyon
atinstruksiyon Ang pangyayaring ito ay ipinagpatuloy sa *eksiyon @! Artikulo >I? ng .;9Konstitusyon Gayunman! nakasaad
din sa ikalawang talata ng *eksiyon @! Artikulo >I? ngkasalukuyang saligang-batas na 6*ubBe#t to t$e pro1isions oC law and
as t$e 0ongress maydeem appropriate! t$e Go1ernment s$all take steps to initiate and sustain t$e use oC 4ilipinoas a medium
oC oCCi#ial #ommuni#ation and as language oC instru#tion in t$e edu#ationalsystem 7 Itinaguyod ng Pangulong 0oraDon 0 AEuino ang
diwa ng probisyong ito ng .;9Konstitusyon sa pamamagitan ng 2"e#uti1e Order No ++8 na 6Nag-aatas sa Fa$at
ng mgaKagawaran Kawani$an Opisina Instruemntaliti ng Pama$alaan na ,agsagawa ng mgaHakbang na Kailangan para sa Fayuning ,agamit
ang 4ilipino sa Opisyal na mgaTransaksiyon! Komunikasyon! at Korespondensiya 7
*a ilalim ng programang ,T(-,F2! naging dagdag na wikang panturo sa antas na K-+ angibang mga wikang katutubo . sa kasalukuyan!
kas:ma ang TagalogJ
WIKANG OPI* AFAng opisyal na wika ay isangwika o lenggwa$e na binigyan ng bukod-tanging istatus sasaligang batas ng mga
bansa! mgaestado! at iba pangteritoryo Ito ang wikang kadalasang ginagamit sale$islatibong mga sangayng bansa! bagamaLt
$ini$iling din ng batas sa maraming bansa na isalin dinsa ibang wika ang mga dokumento ng gobyerno Ang mga
kinikilalangwikang minoritaryo ng pama$alaan ay madalas dinmapagkamalan na wikang opisyal *ubalit! ang isang wikang
opisyal nakinikilala ng isang bansa! tinuturo sa mga paaralan! at ginagamit sa mgaopisyal na komunikasyon ay $indi
kinakailangang isang wikang opisyal Halimbawa! angWikang Fadino at*ardo *ardinianJ saItalya at
angWikang,irandessa Portugal ay opisyal na kinikilalang mga wikang minoritaryolamang! $indi mga wikang opisyal Kala$ati ng
mga bansa sa mundo ay may mga wikang opisyal Ang ilan aymay iisang wikang opisyal lamang! tulad saAlbanya!4ran#e!
oFit$uania!ka$it na la$at ng mga bansang ito ay may mga katutubong wika ringginagamit Ang ilan ay may $igit sa isang wikang
opisyal! tulad saACg$anistan!(elurus!(elgium!(oli1ia!0anada!2ritrea!4inland!India!Paraguay!*out$ ACri#a! at*witDerland *a ilang
mga bansa! tulad ngIraE!Italya!Rusya at2spanya! mayroongisang wikang opisyal para sa buong bansa! subalit may mga ko-opisyal
nawika rin sa mga importanteng re$iyon Ang ilang mga bansa! tulad ngAustralia!Alemanya!Fu"embourg!*weden!Tu1alu!
at2stados Unidos aywala ni isang wikang opisyal Ang mga wikang opisyal ng ilang mga dating kolonya! lalo na4ren#$ oIngles!
ay $indi mga pambansang wika o ang wikang may pinakamaraminggumagamit sa mga dating kolonyang iyon
*amantala! san$i ngnasyonalismo! angGaeilge ang 6pambansang wika7 ngRepublika ng Ireland at ito ang unang wikang opisyal!
maski na ito ayginagamit lamang ng maliit na ba$agi ng populasyon Ang Ingles! naginagamit ng mayoriya! ay ang pangalawang
wikang opisyal *aligang (atasng Ireland! Artikulo ;J WIKANG PA,(AN*AAng
pambansang wika
ay isangwika odiyalektoJ na natatangingkinakatawan ang pambansang pagkilanlan ng isangla$i at obansa Ginagamit ang
isang pambansang wika sapolitikal atlegal na diskurso attinatatalaga ngpama$alaan ng isangbansa ,ay ma$igit sa isang
pambansang wika ang ilan sa mga bansa! katulad sa0anada na gumagamit ngPranses atIngles Hindi dapat ipagkamali
angpambansang wika sa namamayaning wika! na sinasalita ng karami$an ngmga tao sa loob ng teritoryo ng isang bansa
Pilipinas
Gayumpaman! $indi nag-iisa ang 4ilipino! bilang opisyal na wika ng Pilipinas!ang saligang batas ng .;9 ay nagtakda ngIngles!
bilang isa rin sa opisyalna wika! kung pa$i$intulutan ng batas
Ang wika ay isang bahagi ng pakikipagtalastasan na ginagamit araw-araw. Kalipunan ito ng mga simbolo, tunog, at
mga kaugnay na bantas upang maipahayag ang nais sabihin ng kaisipan. Tinatayang nasa pagitan ng 6,000
hanggang 7,000 ang mga wika sa daigdig, depende sa kung gaano katiyak ang pangahulugan sa "wika", o kung
paano ipinag-iiba ang mga wika at mga diyalekto. Ang siyentipikong pag-aaral ng wika ay tinatawag na lingguwistika.
Nag-ugat ang salitang wika mula sa wikang Malay. Samantalang nagmula naman sa Kastila ang isa pang katawagan
sa wika: ang salitang lengguwahe. Tinatawag ding salita ang wika. Katulad ng language - tawag sa wika sa Ingles -
nagmula ang salitang lengguwahe sa salitang lingua ng Latin, na nangangahulugang "dila", sapagkat nagagamit ang
dila sa paglikha ng maraming kombinasyon ng mga tunog, samakatuwid ang "wika" - sa malawak nitong kahulugan -
ay anumang anyo ng pagpaparating ng damdamin o ekspresyon, may tunog man o wala, ngunit mas kadalasang
mayroon.
Mga anyo ng wika
Pinakapayak sa mga anyo ng wika ang paggamit ng mga salita o pagsasalita. (Tingnan ang mga sining na
pangwika). Subalit kabilang din rito ang pagsusulat, mga wikang pasenyas, larangan ng musika, sining
ng pagpipinta, pagsasayaw, at maging ang matematika. "Wika" ang lahat ng mga ito kung gagamitin ang malawakan
na kahulugan ng wika. Sa ilang pagkakataon, tinatawag ding dila(piguratibo), salita, diyalekto, o lingo (sariling-wika
ng isang grupo, [bigkas: ling-gow, mula sa Ingles]) ang wika.[1]
Mga antas
Kabilang ang mga sumusunod sa mga kaantasan ng wika:
Mga Kagamitan