You are on page 1of 4

FILIPINO 5

1st Quarter – Week 1

Pangngalan
Ang Pangngalan ay salita o lipon ng mga salitang tumutukoy sa pangalan ng tao,bagay,hayop,pook o
pangyayari.

Dalawang Uri ng Pangngalan

Pangngalang Pantangi - Ito ay sadya,tiyak o tanging tawag sa tao,bagay,hayop,lugar o pangyayari. Ito


ay nagsisimula sa malalaking titik

Halimbawa: Quezon City, Bb.Bahaghari, Perlas ng Silangan

Pangngalang Pambalana - ito ay karaniwang tawag so tao, bagay, hayop, lugar, o pangyayari.

Halimbawa: dayuhan, bansa, kaisipan, lakas, sapatos

Piliin sa ibaba ang iyong sagot kung ito ay Pambalana o Pantangi.

Pangngalang Pambalana Pangngalang Pantangi

sapatos , Adidas, Nike, paaralan, Quezon City Elementary School, guro , Bb.Reyes, Gng.Cruz, kapatid,
Jose, aso, Bantay, lolo, Lolo Nestor, Canduman Christian Academy Inc.

Panghalip - Ang panghalip ay salitang pamalit sa pangngalan.

Mga Uri ng Panghalip

1. Panghalip na Panao (Personal Pronoun)


-ipinapalit sa ngalan ng taong nagsasalita, sa taong kausap, at sa taong pinag- uusapan.
Tsart ng mga panghalip na panao
Pinapalitang Ngalan ng Bilang o Kailanman
Tao/panauhan Isahan Dalawahan Maramihan

Taong Nagsasalita Ako, akin,ko Tayo, kami, natin,


naming, atin, amin,
Kayo, inyo, ninyo

1
FILIPINO 5
1st Quarter – Week 1

Taong Kausap Ikaw, ka,iyo, mo Kita , kata

Siya, niya, kaniya Sila, nila, kanila


Taong Pinag-uusapan
 2. Panghalip na Pamatlig (Demonstrative Pronoun)
- Inihahalili sa pangngalang nagtuturo ng lugar na kinalalagyan ng pangngalan.
malapit sa nagsasalita malapit sa kinakausap malayo sa nag-uusap
ito, ire, niri, nito, ganito, ganire Iyan, niya, ayan, hayan diyan ayun, hayun, iyon, yaon, niyon,
noon, doon 
3. Panghalip na Pananong (Interrogative Pronoun)
- mga panghalip na nagsasaad ng tanong.
Halimbawa: ano, anu-ano, sino, sinu-sino, nino, alin, alin-alin

4. Panghalip na Panaklaw (Indefinite Pronoun)


- ito ay pangsaklaw o pangsakop.
Halimbawa:  lahat, madla, sinuman, alinman, anuman, pawing, karamihan

5. Panghalip na Pamanggit
- mula sa salitang "banggit" o "pangsabi" Halimbawa:  na, -ng

Pagsasanay 1

A. Panuto: Salungguhitan ang panghalip sa pangungusap at tukuyin ang uri nito kung ito ba ay
panghalip na Panao, Pamatlig, Pamaraan, Pananong, Panaklaw o Pamanggit.

1. Doon ay masagana sa prutas at gulay.

2. Nanahimik ang lahat pag dating ng guro.

3. Ako ay isang magalang na mag- aaral.

4. Tayo ay magtutulungan para sa kaunlaran.

5. Karamihan sa taga Calamba ay nanood ng Paligsahan.

6. Ako ay nag-aaral sa Canduman Christian Academy Inc.

7. Sinu-sino kaya ang dadalo sa aking kaarawan bukas?

8. Ang bahay namin ay malapit sa paaralan.

9. Nakatulog ako diyan sa sala kagabi dahil sa sobrang antok at puyat.

10. Itong hawak kong pera ay napulot ko sa may kalsada.

2
FILIPINO 5
1st Quarter – Week 1

B. Magbigay ng tig-iisang halimbawa ng Uri ng mga Panghalip sa isang pangungusap.

Pagsasanay 2

Makinig ng balita sa inyong bahay tungkol sa mga sariwang isyu ng bansa. Gamit ng mga Pangngalan
iugnay ang sariling karanasan sa napakinggang balita. Isulat ito sa ibaba.

3
FILIPINO 5
1st Quarter – Week 1

Pagsasanay 3
Gamitin nang wasto ang mga pangngalan at panghalip sa pagtalakay tungkol sa sarili,sa mga tao,hayop,
lugar, bagay at pangyayari sa paligid, sariling karanasan sa pamamagitan ng paggawa ng sanaysay o tula.
Isulat ito sa ibaba.

You might also like