You are on page 1of 21

Polyeto/Study Guide sa

Asignaturang Retorika

Filipino 3 – Masining na Pagpapahayag – Modyul 1

Isinagawa ni: Basi Mary Rose D.


BSED ENGLISH II

Ipapasa ni: Mr. Kendrick M. Kitane


BAHAGI NG PANANALITA

I. Mga Salitang Pangnilalaman (content words)


A. NOMINAL
1. PANGNGALAN (noun)- ay salitang tinutukoy ang ngalan ng
tao, bagay, pook, hayop o pangyayari.
Ayon sa Katangian / Kayariang Pansemantika
• Pantangi - tumutukoy sa tangi o tiyak na ngalan;
tinatawag itong proper noun o proper name.
Halimbawa: Mary Rose Basi, Niel Gerarcas
• Pambalana -karaniwan o balanang ngalan ng
tao, bagay, lugar, hayop at pangyayari
Halimbawa: lapis, papel, ibon, simbahan

Ayon sa Konsepto
a) Tahas - mga bagay na nakikita at maaaring
hawakan; kongkreto.
Halimbawa: kagubatan, prutas, gulay
b) Basal - diwa o kaisipan ang tinitukoy at hindi
materyal
Halimbawa: pagsisikap, pag-asa, pag-ibig
• Lansak - nangangahulugan ng bilang o dami na
pinagsama-sama nguinit ang bilang ay walang
katiyakan
Halimbawa: kumpol, klase
• Hango - pangngalang nakabatay sa isang
salitang basal.
Halimbawa: kaisipan, katapangan
• Patalinghaga - hindi tuwirang patungkol sa
bagay na pinangangalanan sa halip
inihahambing lamang sa bagay na kamukha o
katulad lamang
Halimbawa: kuripot (may bulsa sa balat),
naghihirap (isang kahig isang tuka)

Ayon sa Kasarian
• Panlalaki - lolo, tatay, bayaw
• Pambabae -lola, nanay, tiya
• Di-tiyak / Pambalana - kamag-anak, bunso,
kasama
• Walang Kasarian/ Pambalaki-bakuran, puno

Ayon sa Kailanan
• Isahan - ang, si, kay, ni
Halimbawa: Si Jane ay maganda.
• Dalawahan - sina, nina, kina
Halimbawa: Sina wendy at aries ang kumuha
sa bag ko.
• Maramihan - pangngalan na pinagsama-sama
ang mga bagay na magkakatulad.
Halimbawa: Kaibigan

Ayon sa Kaanyuan
• Payak – simple lamang
Halimbawa: talumpati, ligalig
• Maylapi - binubuo ng salitang-ugat na may
panlapi sa unahan, gitna, hulihan o magkabila.
Halimbawa: inagaw, taohan, iniwan
• Inuulit - pangngalang inuulit na maaaring may
panlapi o salitang-ugat lamang.
Halimbawa: bagay-bagay, haka-haka
d) Tambalan - pangngalang binubuo ng dalawang
salitang magkaiba na pinagsasama upang
maging isa at may gitling sa pagitan nito.
Halimbawa: silid-aralan, bahay kubo

Ayon sa Kaukulan
• Palagyo – Kapag piang-uusapan sa isang
pangungusap Halimbawa: Si Rosa ay pumunta sa
Simbahan.
• Paari – Kapag nagsasaad ng pag-aari.
Halimbawa: Ang Pagkain ni Diego ay paubos na.
• Palayon – Kapag ito ay ang tagatanggap ng
aksyon.
Halimbawa – Uminom si neneng ng Tubig.
2. PANGHALIP (pronoun) -panghalili sa pangngalan.
Mga Uri ng Panghalip
a) Panghalip Panao / Personal- Ipinapalit sa ngalan
ng tao.
• Panauhan – taong tinutukoy ng panghalip
Unang panauhan- tumutukoy sa taong
nagsasalita
- ako, ko, akin
Ikalawang Panauhan: tumutukoy sa taong
taong kinakausap
-ikaw, ka, mo, iyo
Ikatlong Panauhan: tumutukoy sa taong
pinag uusapan
-siya, niya, kanya

• Kailanan – dami o bilang ng tinutukoy. Ito


ay maaaring isahan, dalawahan at
maramihan.
Isahan- ako, ko, akin, ikaw, mo, iyo, sya
Dalawahan- kata, kita
Maramihan- kami, namin, natin, tayo, kanila

iii. Kaukulan –kakanyahan ng panghalip na


nagpapakita ng gamit nito sa pangunusap
• Palagyo -ginagamit na kaganapang
pansimuno.

Halimbawa: Ang tagapamahal ng


donasyon ay siya.

• Paari - Ito ay nagsasaad ng pag-aari


ng isang bagay.
Halimbawa: kanila ang toldang
ginamit sa evacuation center.
• Palayon - Ito ay ginagamit bilang
layon ng pang-ukol at sumusunod sa
pandiwang nasa tinig ng balintiyak.
Halimbawa: Si Niel ay humalik sa akin.
• Panghalip na Pamatlig / Demonstratibo-
panghalip na ipinapalit o ihinahalili sa
pangngalang bagay o lugar na itinuturo.
• Kaurian –May apat na uri ang panghalip
na pamatlig.
• Pronominal - nagtuturo lamang sa
ngalan ng tao o bagay.
Halimbawa: Ito ang bag nina abby.
• Panawag-pansin o Pahimaton-
nagbibigaypansin o naghihimaton
sa bagay, tao o lugar.
Halimbawa: eto ang aking
kapalaran.
Patulad – naghahambing sa dalawa.
Halimbawa: Ganito rin ang
nangyari sa akin noon.
• Panlunan – nagsasaad ng
kinaroroonan ng tinutukoy na tao,
bagay, lugar, at iba pa. Halimbawa:
nariyan sa bag ang suklay ko.

B. PANDIWA (verb) - mga salitang nagsasaad ng kilos.


Aspekto ng Pandiwa
• Perpektibo-nagsasaad na tapos na ang kilos
Halimbawa: Ako'y pinoy na isinilang sa ating bansa
• Perpektibong Katatapos- katatapos lamang ng kilos
Halimbawa: Kaawit lamang ng klase ng ako'y
"Lupang Hinirang".
• Imperpektibo- kilos na laging ginagawa o
kasalukuyang nangyayari.
Halimbawa: Isinusulong ng mga mamamayan ang
sariling wika.
• Kontemplatibo- gagawin pa lamang ang kilos
Halimbawa: Paano natin matatamo ang pagkakaisa?
• neutral o pawatas- ang kilos ay nagaganap sa
anyong pautos o nasa anyong pawatas.
halimbawa: Gamitin natin ang wikang ating
minamahal.
Mahalin natin ang Wikang FIlipino.
Uri ng Pandiwa
• Pandiwang Payak – inilalagay na ito ay simuno.
Halimbawa: Lubos na mahirap ang nangungurakot sa
kaban ng bayan.
• Pandiwang Katawanin- ito ay pandiwang buo o
ganap ang diwang ipinapahayag.
Halimbawa: Nagtuturo G. Lapulapu
• Pandiwang Palipat – nangangailangan ng tuwirang
layon.
Halimbawa: nagpapatupad ng ordinansa ang alkalde.

Tinig ng Pandiwa (voice)


• Tahasan o Tukuyan (Active Voice) – ang paksa ng
pangungusap ang tagaganap ng kilos.
Halimbawa: Ang bata ay natulog sa kanyang kwarto.
• Balintiyak (Passive Voice) – ang paksa ay ang
tagatanggap ng kilos.
Halimbawa: Natulog sa kanyang kwarto ang bata.

Pagbabanghay ng Pandiwa

• Unlapi- nasa unahan. Hal: umulan


• Gitlapi- nasa gitna. Hal. tumawag
• Hulapi- nasa hulihan. Hal: aralin
• Kabilaan – nasa unahan at hulihan.
Hal: mag-kasintahan
• Laguhan – nasa unahan, gitna, at hulihan.
Hal: magiinuman

Panagano ng Pandiwa (Mood)


• Infinitiv o Pawatas – binubuo ng salitang-ugat at
panlaping makadiwa. Hal: magsabi, umaawit
• Pautos – ginagamit sa pag-uutos o sa pakiusap. Hal:
umibig , igalang
• Paturol – nag-iiba ang pandiwa sa iba’t ibang aspekto.
Hal: tulong, tumulong, tumutulong, tutulong
• Pasakali – nagpapahayag ng pasubali o may himig ng
hindi katiyakan. Halimbawa: Baka matuloy kami
kung may sasakyan.

Kaganapan ng Pandiwa
Nakabatay ito sa kung ano ang kaganapan ng
pandiwa batay sa panaguri na siyang pagbabasehan
palagi.

1. kaganapang tagaganap- ito ang bahagi ng panaguri na gumaganap ng


kilos ng pandiwa.
Halimbawa: Kinakausap ni Itay ang batang makulit.
2. Kaganapang layon- Bahagi ito ng panaguri na nagsasaad ng bagay o
mga bagay na tinutukoy ng pandiwa.
Halimbawa: Tumatanggap ng parangal ang ale.
3. Kaganapang tagatanggap- Bahagi ito ng panaguri na nagpapahayg
kung sino ang tumatanggap ng kilos ng pandiwa.
Halimbawa: Nagtatrabaho ang mga magulang para sa kanilang mga
anak.
4. Kaganapang Ganapan- nagsasaad ng lugar na ginaganapan ng kilos ng
pandiwa.
Halimbawa: Naglalako siya sa lansangan.
5. Kaganapang Kagamitan- Nagsasaad ang bahaging ito ng pnaguri ng
bagay o instrumenting ginagamit upang maisagawa ang kilos ng
pandiwa.
Halambawa: Nagbigti siya sa pamamagitan ng isang matibay na
kumot.
6. Kaganapang Sanhi- ang bahaging ito ng panaguri ay nagsasaad ng
dahilan ng pagkakaganap ng kilos ng pandiwa.
Halimbawa: Napaiyak si Jose dahil sa matinding pagka dismaya.
7. Kaganapang Direksyunal- ang bahaging ito ng panaguri na nagtuturo
sa direksyon ng kilos na taglay ng pandiwa.
Halimbawa: Ang mga pagkain ay inilagay sa ilalim ng aparador.

C. PANURING (modifier) – nagbibigay turing o larawan sa ibang salita


upang lalong maging mabisa ang pahayag.
1. PANG-URI (adjective) -katangian o mga salitang naglalarawan.
Tungkulin ng Pang-uri
• Pang-uring nagbibigay-turing sa Pangngalan
Ang ulirang ama ay mapagparaya.
• Pang-uring nagbibigay-turing sa Panghalip
Tayong mga bata ay pag-asa ng bayan.
• Pang-uring maaaring paksa ng isang
Pangungusap
Ang mababait ay mahal ng Dios.
• Pang-uring maaaring isang kaganapang
pansimuno ng isang pangungusap
Mga mamahalin ang kanilang paninda.
• Pang-uring maaaring nagsasaad ng bilang sa
salitang binibigyang turing nito.

Ang dalawang hukom ay pawang Hapones.

Kayarian ng Pang-uri
• Payak- binubuo ng isang salita o salitang-ugat.
Halimbawa: tunay, dakila
• Maylapi - pinagsamang panlapi at salitang-ugat.
Halimbawa: ma + sigla = masigla
• Inuulit- binubuo ng pag-uulit sa salitang ugat o
pang-uring maylapi.
Halimbawa: kaya-aya, malakas na malakas
Tambalan - binubuo ng dalawang magkaibang salita
Halimbawa: ngiting- basing sisiw, taos-puso

Kailanan ng Pang-uri
• Isahan- isang bilang ng salitang binibigyang turing o
inilalarawan.
Halimbawa: Siya ay maganda.
• Dalawahan- nasa kailanang dalawahan ang pang-uri
kung ito’y nagbibigay-turing sa dalawa.
Halimbawa: Magkasing ganda sina lyla at Rica.
• Maramihan- naglalarawan nang higit sa dalawa.
Halimbawa: Maraming buga ang puno ng manga.

Mga Uri ng Pang-uri


• Pang-uring Panlarawan – mga pang-uring ginagamit sa
paglalarawan ng direkta. Hal. Makukulay, malayo
• Pang-uring Pantangi – may anyong pangngalang
pantangi na naglalarawan sa pangnglan. Hal. Sapatos
Marikina, sukang Iloco
• Pang-uring Pamilang – mga nagsasaad ng bilang. Hal.
isa, dalawa, tatlo, libo

Kaantasan ng Pang-uri
• Lantay- Walang paghahambing na nagaganap.
Madilaw ang bulaklak.

• Pahambing- naghahambing ng dalawang pangngalan o


panghalip
• Magkatulad- patas o pareho ang mga pinagtutulad,
Hal: magkasinlaki, kapwa masama
• Di-magkatulad- di-magkatulad o may higit na
katangian ang pinaghahambing sa salitang
inihahambing
• Palamang- nakahihigit sa isang
pinagtutulad. Halimbawa:
Mas mabuti kaysa, lalong mabigat
• Pasahol –kulang ang katangian ng isang
itinutulad. Halimbawa: Lalong
matangkad si Roy kaysa kay Ruben.
c) Moderasyon/Katamtaman- pag-uulit ng pang-uring
may panlaping ma-, sa paggamit ng salitang medyo na
sinusundan ng pang-uri. Halimbawa: Medyo masarap
ito.
• Pasukdol- kaantasan na nagsasaad ng katangiang
namumukod at walang hihigit pa. Halimbawa:
Pinakamabuti pa rin ang mga larong nagsasama ng
ibang tao tulad ng patintiro at iba pa.

Mga Uri ng Pang-uring Pamilang


• Patakaran / Kardinal – payak na mga bilang; isa, dalawa,
• Panunuran / Ordinal – nagpapakita ng pagkakasunod-
sunod; unang, pangalawa
• Pamahagi – paghahati-hat o praksiyoni; tig-aanim,
kalahating
• Palansak / Papangkat – nagsasaad ng bukod na pagsasama-
sama ng anumang bilang; apatan, isa-isa
• Pahalaga – nagsasaad ng halaga; isang milyong, sandaang
libong
• Patakda – nagsasaad ng tiyak na bilang, dami o halaga na
wala kundi iyon hanggang doon lamang; aapat, sasampung
2. PANG-ABAY (adverb) - nagbibigay-turing o naglalarawan sa
pandiwa, pang-uri at kapwa nito pang-abay.
Halimbawa:
• Panturing sa pang-uri
Halimbawa:
1. Hindi mahirap ang gawaing pinagtutulungan.
2. Sadyang tahimik ang buhay sa nayon.
• Panturing sa pandiwa
Halimbawa:
1. Seryosong magsalita ang pangulo sa klase.
2. Makataong magdesisiyon ang hukom ng korte.
Panturing sa kapwa pang-abay
Halimbawa:
1. Totoong mahinahong magpaliwanag ang batang
nakasaksi sa pangyayari.
2. Ang nangyari ay sadyang madaling paniwalaan.
Mga Uri ng Pang-abay
• Pang-abay na Pamaraan (Adverb of Manner) -
naglalarawan sa pandiwa.
Hal. Siya ay mabilis tumakbo..

• Pang-abay na Panlunan (Adverb of Place) -


nagsasaad kung saan naganap, ginaganap o gaganapin ang
isang pangyayari o kilos.
Hal: Natutulog sya sa kwarto.

• Pang-abay na Pamanahon (Adverb of Time) -


nagsasaad kung kailan naganap, ginaganap at gaganapin
ang isang pangyayari o kilos.
Hal: Pupunta ako bukas sa bahay ng aking kaibigan.
• May pananda
Nang, sa, noon, kung, kapag, tuwing, buhat, mula,
umpisa, hanggang
Hal: Mula noon hindi ko na ulit nakikita si Jessa.

• Walang pananda
Kahapon, kangina, ngayon, mamaya, bukas,
sandali,atb. Hal: bukas ng umaga ay may
pupuntahan kami.
• Nagsasaad ng dalas
Araw-araw, tuwing, taon-taon, buwan-buwan
Hal: tuwing araw ng pasko lamang sya umuuwi.

• Pang-abay na Pang-agam - nagbabadya ng di-


katiyakan sa pagganap sa kilos.
Hal: Tila ay di na sya uuwi sa pinas.
• Pang-abay na Panang-ayon - nagsasaad ng pagsang-
ayon (tunay, sadya, talaga, oo, opo)
Hal: tunay kong mamahalin ang aking kaibigan.
• Pang-abay na Pananggi - nagsasaad ng pagtanggi,
tulad ng hindi / di at ayaw.
Hal: Hindi nagging madali kay rona ang pagkawala ng
kanyang kapatid.

• Pang-abay na Panggaano o Pampanukat – nagsasaad


ng timbang o sukat. Sumasagot sa tanong na gaano o
magkano.
Hal: Tumaas ng isang kilo ang aking timbang ngayong
buwan.

• Pang-abay na Benepaktibo - nagsasaad ng


kagalingang dulot para sa isang tao.
Hal: Binilhan ng fries ang kanyang jowang tinutuyo.

• Pang-abay na Kawsitibo o Kusatibo - nagsasaad ng


dahilan. Ito ay binubuo ng sugnay o pariralang nagsisimula
sa dahil sa, sapagkat atbp.
Hal: Bumagsak sya sa eksam sapagkat hindi sya nagaaral.

• Pang-abay na Kondisyonal - nagsasaad ng


kondisyon para maganap ang pandiwa.
Hal: Magiging magaan ang iyong buhay kung ikaw ay
makatapos ng pag-aaral
• Pang-abay na Panulad - katangian na napapaloob sa
pangungusap
Hal: Mas maputi at makinis si Angelika kay Rose.

• Pang-abay na Pananong - ginagamit sa pagtatanong


ukol sa panahon, lunan, nilang o halaga.
Hal: gaano kabigat ang iyong alagang aso?

• Pang-abay na Panunuran - sunod-sunod na hanay o


kalagayan tulad sa mga salitang muna, bago at saka.
Hal: Kahuli-hulihan si Tina sa hanay ng mga pumipila sa
labas.

• Pang-abay na Pamitagan - nagpapakita ng paggalang


o pagsasaalang-alang tulad ng mga salitang po, opo, ho at
oho.
Hal: kelan po ba tayo uuwi?

• Pang-abay na Panturing – nagsasaad ng pagtanaw


ng utang na loob.
Hal: Ikaw yung pinuntahan ko dito at salamat na lang at
nandito ka.

• Pang-abay na Pangkaukulan - pinangungunahan ng


tungkol, hinggil o ukol.
Hal: Pinag uusapan naming ang tungkol sa
pagkakahiwalayan ng kanyang mga magulang.

• Pang-abay na Kataga o Ingklitik – mga kataga na lagging sumusunod sa unang


salita ng kayariang kinabibilangan.
Hal: Sana ay magiging mabuti ang kanyang pamumuhay
roon sa ibang bansa.

II. Mga Salitang Pangkayarian (function words)

1. PANG-UGNAY (connectives) – ang mga nag-uugnay sa mga ipinahahayag;


nakatutulong ito upang maging maluwag ang pagbigkas ng mga pangungusap
A. PANGATNIG (conjunction) – mga salitang nag-uugnay ng dalawang
salita, parirala o sugnay
Halimbawa :
• Mahal ko ang aking nanay at tatay.
• Maglalaro sana ako ngunit tinawag ako ni ate.

Dalawang Panlahat na Pangkat


• Pangatnig na nag-uugnay sa magkatimbang nay unit o Panimbang-
naguugnay ng mga salita, parirala at sugnay na magkatimbang o mga
sugnay na kapwa makapag-iisa.
Hal: Gusto kong bumili ng bagong damit ngunit napakamahal.
• Pangatnig na nag-uugnay sa di magkatimbang na yunit o
Pantulong –naguugnay ng dalawang sugnay na hindi timbang na ang
ibig sabihin ay pantulong lamang ang isang sugnay.
Hal: Bago ako naging guro, marami pa akong pinagdaanan.

Mga Uri ng Pangatnig


• Pandagdag o Adisyon – pagpupuno o pagdaragdag ng impormasyon;
at, saka, at saka, ni, o, man, pati
• Pagbibigay-Eksespyon – pagbubukod o paghihiwalay o pagsasali;
maliban sa, puwera, huwag lang, kundi lang, bukod sa, lamang
• Pagbibigay-Sanhi / Dahilan – magbigay katwiran at magsabi ng
kadahilanan; dahil sa, sapagkat, palibhasa, kasi, kaya, mangyari
• Paglalahad ng Bunga / Resulta –kinalabasan o kinahihinatnan; kaya,
tuloy, bunga
• Pagbibigay-Layunin – hangarin o naisin; ganoon / gayon, nang, upang,
para
• Pagbibigay-Kondisyon – nagsasaad ng kondisyon o panubali; kapag,
kung, sakaling, sandaling, basta
• Kontrast / Pasalungat –pag-iba / pagkontra / pagtutol; pero, ngunit, sa
halip, datapwat, bagamat, samantala
• Pagbibigay Kongklusyon - panghuling pananaw o opinyon;
samakatuwid, kung kaya, kaya, kung gayon, anupa’t
• Pagpapatotoo –nagsasaad ng patunay; sa totoo lang, sa katunayan

B. PANG-ANGKOP (ligature) – mga katagang nag-uugnay sa panuring at


salitang tinuturingan.
Mga Uri ng Pang-angkop

Na –ginagamit kapag ang salitang sinusundan ay nagtatapos sa katinig


maliban sa n.
Halimbawa: Dapat na magtanim pa ng maraming puno.

Ng-ikinakabit kapag ang salitang sinusundan ay nagtatapos sa patinig


Halimbawa: Ang mabuting anak ay mahal sa Dios.

g-ikinakabit sa sinusundang salitang nagtatapos sa katinig na n.


Halimbawa: Kaysarap balikan ang ating nakaraan.

C. PANG-UKOL (preposition) - Ang mga pang-ukol ay inuugnay sa lugar,


direksyon at kinauukulan.

Iba’t ibang Pang-ukol

ng alinsunod sa
ni/nina laban kay
kay/kina ayon kay
laban sa para kay
ayon sa ukol kay
para sa tungkol kay

Mga Anyo ng Pang-ukol. May dalawang anyo ang pang-ukol. Ang una
ay ang mga pang-ukol na may isang salita lamang habang ang pangalawa ay
ang mga salitang may dalawang salita.
Mga Gamit ng Pariralang Pang-ukol. Narito ang mga gamit ng
pariralang pang-ukol:
• Bilang Pangngalan – Ang para sa inyo ay hindi pa naipadala.
• Bilang Pang-uri – Para sa mga bisita ang pagkainginihanda.
Bilang Pang-abay – Sina Jane ay puputa sa States.

2. PANANDA (Markers)

• PANTUKOY (article/ determiner) - katagang ginagamit sa pagtukoy ng


pangngalan.
Mga Uri ng Pantukoy
• Pambalana – ginagamit na pananda sa pangngalang pambalana.
• Pantangi- ginagamit na pananda sa pangngalang pantangi.

Mga Pananda sa Pantukoy


• Nominatib (Panandang Ang)– simuno ng pangungusap
• Posesib (Panandang Ng) – nagpapakilala ng may-ari
• Objektib (Panandang Sa) – layon ng pang-ukol
Pananda Pambalana Isahan Pantangi Isahan
Maramihan Maramihan
Nominatib ang ang mga si sina
Posesib ng ng mga ni nina
Objektib sa sa mga kay kina

Wastong Gamit ng Pantukoy


• Kapag isahan ang pangngalan, ang pantukoy ay dapat pang-isahan din.
Halimbawa:
Si Julian Felipe ang bumuo ng himig ng kantang Lupang Hinirang.
• Kung maramihan ang simuno, ang pantukoy ay dapat pangmaramihan
din.
Halimbawa:
Ang mga niluto nina Nene at Alicia ay para kina Juan at Pedro.
• Ang pangngalang pambalana na isahan ay nangangailangan ng
pantukoy na isahan at pambalana.
Halimbawa:
Ang magandang bistida ay suot ni Ariane.
• Kung ang pangngalang pambalana ay pangmarami, ang pantukoy ay
pangmaramihan din.
Halimbawa:
Ang mga pagkain sa ibang bansa ay iba din sa mga pagkain sa
pilipinas.
• Maaaring gumamit ng dalawang pantukoy kung ang ikalawa'y umuuri
sa unang pangngalan.
Halimbawa:
Ang mga Katipunero ang nagtatag ng katipunan.

Kailanan ng Pantukoy
• Isahan – isang bagay lamang ang tinutukoy; ang, ng, si
• Maramihan – higit sa isang bagay ang tinutukoy; ang mga, ng mga, sina

• PANGAWING / PANGAWIL (linking / copulative) - Ang “ay” ang katagang


ginagamit na tagapag-ugnay ng simuno at panaguri sa di-karaniwang ayos ng
pangungusap.

Halimbawa:
Ako ay galing sap ag eehersisyo.
Si President Rudrigo Duterte ay isang napakagaling Na Pangulo.

Ang aking Repleksyon

Sa aking pag-aaral sa araling ito marami akong natutuhan sa kabuuhan ng


leksyon. Naging mas malawak ang aking kaalaman tungkol sa mga bahagi ng
pananalita. Lubos ko ring natutunan ang mga bahagi at kung ano ang pinagkakiba nito
sa isa’t isa. Ito ay nakakatulong sa akin sa pagbuo ng mga salita na nakabatay sa kung
ano at alin ang dapat gamitin upang maiwasan ang pag gamit ng mga maling salita.
Napaka importanteng malaman ito sapagkat ito ay nagagamit sa ating komunikasyon.
Ang pag gamit ng mga tamang salita ang nagiging kasangkapan sa pagkakaunawaan
ng mga tao. Magagamit rin ito sa iba’t ibang pagkakataon, kasama na ang mga gawaing
pang akademiko tulad ng aking ginawa ngayon.

Ang opinion ko sa araling ito ay hindi naman masyadong mahirap sapagkat ito
ay maayos na naipapahayag ng aming guro. Ang nilalaman ng module ay maayos na
nailahad at nagiging mas madali itong maintindihan dahil binigyan ito ng mga
halimbawa upang lubos naming maintindihan.
Pagsasanay sa Mga bahagi ng Pananalita
Panuto: Isulat sa papel ang tamang sagot sa mga sumusunod na tanong.

Test I. tukuyin kung anong Bahagi ng Pananalita ang inilalahad.


1. Ito ay salitang tinutukoy ang ngalan ng tao, bagay, pook, hayop o pangyayari. d
a) Pang-ukol
b) Pang-abay
c) Pandiwa
d) Pang-uri
2. Ito ay katagang ginagamit sa pagtukoy sa tao, bagay, lunan o pangyayari. d
a) Pang-uri
b) Pangawing
c) Panghalip
d) Pantukoy
3. Ito ay bahagi ng pananalitang nagbibigay turing sa pandiwa, pang-uri, o kapwa
pang-abay. a
a) Pang-abay
b) Pandiwa
c) Panghalip
d) Pantukoy
4. Ito ay mga katagang nag-uugnay sa mga katagang nag-uugnay sa panuring at
salitang tinuturingan. c
a) Pangngalan
b) Pantukoy
c) Pang-angkop
d) Panghalip
5. Ito ay nag-uugnay sa mga ipinahahayag; nakatutulong ito upang maging
maluwag ang pagbigkas ng mga pangungusap. a
a) Pang-ugnay
b) Pang-ukol
c) Panghalip
d) Pantukoy
6. Ito ay bahagi ng pananalitang nag uugnay sa pangngalan, panghalip, pandiwa at
pang-abay na pinag-uukulan ng kilos, gawa, ari, balak o layon. b
a) Pang-abay
b) Pang-ukol
c) Pangawing
d) Pandiwa

Test II: Basahing mabuti ang mga panungusap at tukuyin kung ano Bahagi ng
Pananalita ang inilalahad nito.
I
7. Si Rose ay naglilinis ng bahay. c
a) Pang-uri
b) Pang-abay
c) Pandiwa
d) Pangngalan
8. Si Marie ay maganda. a
a) Pang-uri
b) Pang-abay
c) Pandiwa
d) Pangngalan
9. Niyakap ko sya ng mahigpit. b
a) Pang-uri
b) Pang-abay
c) Pandiwa
d) Pangngalan
10. Matamis ang inihaing manga ni Aling Merna. a
a) Pang-uri
b) Pang-abay
c) Pandiwa
d) Pangngalan
11. Ako ay galing sa banyo. d
a) Pantukoy
b) Pang-abay
c) Pang-angkop
d) Pangawing

Test III. tukuyin kung anong Aspekto ng pandiwa ang inilalahad sa bawat
pangungusap.
12. Ako'y pinoy na isinilang sa ating bansa. a
a) Perpektibo
b) Perpektibong katatapos
c) Imperpektibo
d) Kontemplatibo
13. Kaawit lamang ng klase ng ako'y "Lupang Hinirang". b
a) Perpektibo
b) Perpektibong katatapos
c) Imperpektibo
d) Kontemplatibo
14. Isinusulong ng mga mamamayan ang sariling wika. c
a) Kontemplatibo
b) Perpektibo
c) Imperpektibo
d) Perpektibong katatapos
15. Ito ay kilos na laging ginagawa o kasalukuyang nangyayari. a
a) Imperpektibo
b) Perpektibo
c) Perpektibong katatapos
d) Kontemplatibo

Test IV. Tukuyin kung anong uri ng Pang-abay ang inilalahad ng bawat pangungusap.

16. nagsasaad ng kondisyon para maganap ang pandiwa. a


a) Pang-abay na Kondisyonal
b) Pang-abay na Pananong
c) Pang-abay na Panunura
d) Pang-abay na Panulad
17. ginagamit sa pagtatanong ukol sa panahon, lunan, nilang o halaga. d
a) Pang-abay na Panula
b) Pang-abay na Panunuran
c) Pang-abay na Pamitagan
d) Pang-abay na Pananong
18. nagpapakita ng paggalang o pagsasaalang-alang tulad ng mga salitang po, opo,
ho at oho.
a) Pang-abay na Pang-agam
b) Pang-abay na Panang-ayon
c) Pang-abay na Pananggi
d) Pang-abay na Pamitagan
19. nagbabadya ng di-katiyakan sa pagganap sa kilos.
a) Pang-abay na kondisyonal
b) Pang-abay na Pananong
c) Pang-abay na Pang-agam
d) Pang-abay na Pamitagan
20. Nagsasaad ng pagtanggi, tulad ng hindi / di at ayaw.
a) Pang-abay na Pang-agam
b) Pang-abay na Pananggi
c) Pang-abay na Pananong
d) Pang-abay na Kondisyonal

Tsiklest/Answer key:
1. D
2. D
3. A
4. C
5. A
6. B
7. C
8. A
9. B
10. A
11. D
12. A
13. B
14. C
15. A
16. A
17. D
18. D
19. C
20. B
• Standards – Gagamitin ang tseklist sa ibaba sa pagmamarka (100/100):

Pabalat (10 puntos)

Nilalaman (10 puntos)

Mga Bahagi ng Pananalita (50) limang puntos sa bawat bahagi

Mga Repleksyon (10 puntos)

Sampol na Pagtataya (20)

You might also like