You are on page 1of 26

PANGHALIP (PRONOUN)

NI BB. ARMANI HEAVENIELLE C. CAOILE


MGA URI NG PANGHALIP
1. Panghalip na Panao (Personal Pronoun) - ay ipinapalit sa ngalan ng taong
nagsasalita, sa taong kausap, at sa taong pinag-uusapan. May kailanan ang
panghalip na panao. Ito ay maaaring isahan, dalawahan o maramihan, tulad ng
– ako, ko, akin, amin, kami, kayo, atin, inyo, kita, kata, mo, siya, kanila, siya,
kanya.

Halimbawa:
Ako ay may alagang aso.
Ikaw ba ay nag-aaral?
Siya ay mabait.
2. Panghalip na Pamatlig (Demonstrative Pronoun) - ay inihahalili sa
pangngalang nagtuturo ng lugar na kinalalagyan ng pangngalan. Inihalili rin nito
sa pangngalan na malapit o malayo sa nagsasalita, kinakausap o nag-uusap.
Malapit sa Nagsasalita
-ito/ire (Ito ay masarap na prutas. Ire ay ibinigay sa akin ng aking butihing ina.)
Malapit sa Kausap
-iyan (Iyan ang libro ko.)
Malayo sa Nag-uusap
-iyon (Iyon ang bahay nila Paulo.)
3. Panghalip na Panaklaw (Indefinite Pronoun) - ay mga panghalip na
sumasaklaw sa kaisahan at dami o kalahatan ng kinatawang pangngalan, tulad
ng - lahat, madla, sinoman, alinman, anuman, pawang.
a. Isa (Isa tayo sa pinagpala ng Diyos.)
b. Isapa (Isapa ang pagpuputol ng kahoy sa gubat.)
c. Lahat (Nagulat ang lahat sa naganap na pagsabog.)
4. Panghalip na Patulad – ay inihalili sa itinutulad na bagay.
Ganito/Ganire - Malapit sa nagsasalita

Ganito/Ganire ang paggawa niyan.


5. Panghalip na Pananong (Interrogative Pronoun) - inihahalili sa pangngalan
kung nagtatanong.
Halimbawa:
ano, ano-ano, sino, sino-sino, nino, alin, alin-alin.

Halimbawa:
a. pangtao (sino, kanino)
Sino ang may sala?
b. bagay, hayop, lugar (ano, alin)
Ano ang laman ng kahon?
c. bagay, hayop, lugar, tao (ilan)
Ilan sa inyo ang sasali sa paligsahan?
Ilang halaman ang ating dadalhin?
6. Panghalip na Pamanggit (Relative Pronoun) - Ito ay kataga o parirala ng
tagapag-ugnay ng dalawang kaisipan o pananalita. Ginagamit ang daw, raw,
umano, diumano, ani, sa ganang akin/iyo.

Halimbawa:
Ang pagpapatawad daw ang pinakamatamis na paghihiganti.
PANDIWA (VERB)
BAHAGI NG PANANALITA NA NAGSASAAD NG KILOS.
ASPEKTO NG PANDIWA
1. Perpektibo
Nagsasaad ito ng kilos o gawaing natapos na.
Halimbawa:
Nabatid mo ba ang tungkulin at pananagutan mo sa ating bansa?
2. Imperpektibo
Nagsasaad ito ng kilos o gawaing nasimula na ngunit ipinagpapatuloy pa rin.
Halimbawa:
Kailangang gisingin ang ating kamalayan sa nagaganap sa ating paligid.
3. Kontemplatibo
Nagsasaad ito ng kilos o gawaing isasagawa o magaganap pa lamang.
Halimbawa:
Madarama mo ang wagas na pakikipag-isa sa layunin ng makabuluhang pamumuhay kung maging tapat ka sa
iyong sarili.
4. Ka-pandiwa – kilos na katatapos lang gawin.
Halimbawa:
Kaliligo
POKUS NG PANDIWA – POKUS ANG TUMUTUKOY SA
UGNAYAN NG PANDIWA AT PAKSA/SIMUNO.

1. Pokus sa actor o tagaganap


Ang gumaganap ng kilos ang paksa.
Halimbawa:
Nagpalipad ng saranggola ang bata.
Pandiwa tagaganap
Umawit ng Lupang Hinirang ang mga mag-aaral.
2. Pokus sa layon
Tuwirang layon ang paksa ng pangungusap.
Halimbawa:
Tinatakpan nito ang lahat ng daanang hangin ng ating katawan.
Pandiwa tagaganap layon
3. Pokus sa benepaktibo o pinaglalaanan.
Ang pinaglalaanan ng kilos ay ang paksa.
Halimbawa:
Pinagmamalasakitan ng may-ari ang mga kabataang nalulong sa paninigarilyo.
Pandiwa tagaganap tagatanggap

Tinulungan ng mabuting samaritano ang mga gutom sa lasangan.


4. Pokus sa ganapan o lokatib
Ang ganapan o ang pinangyarihan ng kilos ang paksa ng pangungusap.
Halimbawa:
Ang tindahang binibilhan mo ng sigarilyo ay nagsara.
Ganapan tagaganap pandiwa
Ang Cafetearia na lagi mong pinupuntahan ay may nahanap na bangkay.
5. Instrumental o pananangkapan na pokus.
Ang instrumento o gamit ang paksa sa pangungusap.
Halimbawa:
Ipampunas mo ang basahang bagong laba.
Pandiwa tagaganap gamit
Ipambibili ko ng bagong damit ang sweldong natanggap.
6. Kawsatibong pokus/pokus sa sanhi.
Ang dahilan o sanhi ang paksa ng pangungusap.
Halimbawa:
Ikinamatay ng tiyuhin mo ang kanser sa baga.
Pandiwa tagaganap sanhi
Ikinagalit ng kanyang ina ang kanyang pagtakas.
7. Pokus sa Direksyon
Ang paksa ay nagsasaad ng direksyon.
Pinasyalan nila ang silangan.
Pandiwa Tagaganap direksyon
KAGANAPAN NG PANDIWA
KAGANAPAN NG PANDIWA

Ito ay ang tawag sa bahagi ng panaguri na binubuo o nagbibigay


ng ganap na kahulugan sa pandiwa at magagawang paksa ng
pangungusap kung babaguhin ang pokus ng pandiwa (Ugnayan ng
Pandiwa at Panaguri).
1. KAGANAPANG TAGAGANAP

• Bahagi ito ng panaguri na gumaganap sa kilos na ipinahahayag ng pandiwa.


Halimbawa:
Ikinatuwa ng mga mamamayan ang maringal na pagdiriwang ng kalayaan ng
bansa.

Kinantahan ni inay ang aking bunsong kapatid.


2. KAGANAPANG LAYON

• Bahagi ng panaguri na nagsasaad ng bagay na tinutukoy o ipinahahayag ng pandiwa.

Naghanda ng palatuntunan ang mga guro at mag-aaral, sa pagdating ng mga


panauhin.

Tumanggap ng parangal ang mga mag-aaral.


Nagpamahagi sila ng tulong sa mga nasalanta ng bagyo.

Nagluto ng sinigang si Nica para sa mga bata.


3. KAGANAPANG TAGATANGGAP
• Bahagi ng panaguri na nagpapahayag kung sino ang nakikinabang sa kilos na
isinasaad ng pandiwa.

Nagbigay ng donasyon ang kanilang samahan para sa mga biktima ng sunog.

Nagbigay inspirasyon ang aking pumanaw na kapatid sa mga sundalong


lumalaban.
4. KAGANAPANG GANAPAN

• Bahagi ng panaguri na nagsasaad ng lugar na siyang pinanggaganapan ng


kilos na ipinahayag ng pandiwa.

Nanood ng pagtatanghal sa plasa ang mga kabataan.

Tumanggap ng parangal sa eskwelahan ang mga mag-aaral.


5. KAGANAPANG KAGAMITAN

• Bahagi ng panaguri na nagsasaad kung anong bagay o kagamitan ang


ginagamit upang maisagawa ang kilos na ipinahahayag ng pandiwa.

Iginuhit niya ang larawan ni Rizal sa pamamagitan ng lapis.

Isinara niya ang pinto sa pamamagitan ng kanyang paa.

Binungkal niya ang lupa gamit ang pala.


6. KAGANAPANG SANHI

• Bahagi ng panaguri na nagsasaad ng dahilang pagkakaganap ng kilos na


isinasaad ng pandiwa.

Nagwagi sila sa pakikihamok dahil sa katatagan ng kanilang loob.


Napaluha si Lady dahil sa matinding sakit.
SALAMAT!

You might also like