You are on page 1of 3

FILIPINO REVIEWER: Grade 6 second quarter

Panghalip (pronouns): ginagamit na panghalili sa pangngalan (used to take the place or


substitute for nouns)
Uri ng Panghalip (Types of pronouns)
1. Panghalip panao (personal pronouns)- Ito ay panghalili sa ngalan ng tao (Used to
substitute for names of a person.)
Halimbawa: ako (Me), ko (my), akin (mine), amin (ours), kami (we), kayo (you), atin(ours),
inyo (yours), mo (you), siya (him/her), kanila (theirs), kanya (his/hers)
2. Panghalip na Panaklaw (Indefinite Pronoun)- tumutukoy sa isang pangngalan na hindi
tiyak (Pertains to indefinite nouns).
Halimbawa: lahat/ pawang (all), madla (mass), sinuman (whoever), alinman (whichever),
anuman (whatever)
3. Panghalip na Pananong (Interrogative Pronoun)- mga salitang. ginagamit upang
magtanong (Words used in asking questions).
Halimbawa: ano (What), anu-ano (What are), sino (who), sinu-sino (who are), kanino
(whose), alin (which), alin-alin (which are)
4. Panghalip na Pamatlig (Demonstrative Pronoun)- mga panghalip na inihahalili o ipinapalit
sa pangngalang itinuturo (Pronouns used to refer to the nouns we are referring or pointing
to).
malapit sa nagsasalita (Close to the speaker): ito, ire, niri, nito, ganito, ganire
(This/these/here)
malapit sa kinakausap (Close to the one you’re speaking with): iyan, ayan, hayan, diyan
(That/Those/there)
malayo sa nag-uusap (Away from the speakers): ayun, hayun, iyon, yaon, doon
(That/those/there)

Pagsasanay: Bilugan ang panghalip na ginamit at tukuyin kung anong uri ng panghalip ang
ginamit.
1. Ako ay isang Pilipino.
2. Sino ba ang nagsabi maaaring lumiban?
3. Lahat ba ay nakapunta na sa paaralan?
4. Doon siya sa Phases nag-aaral.
5. Saan ba naiwan ang bata?
6. Gusto mo bang kumain?
7. Ito ay isang gantimpala ng Diyos sa mabubuting tao.
8. Anuman ang iutos ng amo ay ginagawa ng alila.
9. Nais na niyang bumukod.
10. Kaninong aso ba ang kumain ng karne sa tindahan?
Kaukulan ng Panghalip
1. Kaukulang palagyo: Panghalip na ginagamit bilang paksa o kaganapang pansimuno sa
pangungusap.
a. Paksa: kung ang panghalip ang pinag-uusapan sa pangungusap.
Halimbawa: Ako ay pupunta sa paaralan ng maaga.
b. Kaganapang pansimuno: Ang panghalip sa bahaging panaguri at ang paksa ay iisa
Halimbawa: Ikaw ang panganay sa magkakapatid ay masunuring bata.
c. Pamuno sa paksa: Ang panghalip na nasa bahaging paksa ay tumutukoy sa paksa
Halimbawa: Ang mga bata, sila, ay tinatawag ding mga anghel ng tahanan.
d. Panawag: Ang panghalip ay ginagamit na pantawag sa kausap.
Halimbawa. Ikaw, nais mo bang maging doctor?
2. Kaukulang paari: Nagsasaad ng pagmamay-ari. Ginagamit bilang paksa, panaguri at
panuring.
a. Paaring paksa: kung ito ang pinag-uusapan sa pangungusap.
Halimbawa: Ang iyo ay napakagandang disensyo para sa bahay.
b. Paaring panaguri: Kung ito ay nasa bahaging panaguri at ang paksa ay iisa
Halimbawa: Kanila ang palayang malawak.
c. Paaring panuring: nagsasaad ng pagmamay-ari sa pangngalan.
Halimbawa: Ang kanilang palayan ay malawak.
3. Kaukulang palayon:
a. Tuwirang layon- Sumusunod sa pandiwa. ang mga panghalip na ginagamit bilang
tuwirang layon na tagatanggap o tagaganap ng kilos.
Halimbawa:
Tagaganap ng kilos: Nagluto siya ng kanin.
Tagatanggap ng kilos: Binili ito ng tito.
b. Layon ng pang-ukol- sumusunod sa pang-ukol tulad ng “para sa” at “ayon sa”
Halimbawa: Nag-alay ng parangal ang pamahalaan para sa kanila.

PAGSASANAY: Bilugan ang panghalip na ginamit at tukuyin kung ano ang kaukulan nito.
1. Malayo ang aming tirahan sa paaralan.
2. Nagtungo siya sa palayan.
3. Kayo, naisip niyo din ba kung may magagawa kayo para sa bayan?
4. Ang aming bahay ay malaki.
5. Kanila ang lupaing nasa kabila ng bundok.
6. Ikaw ang sinabihan ng guro para maglinis.
7. May darating na panauhin ayon sa kanya.
8. Binigay niya ang lahat ng gusto ng asawa niya.
9. Ang kanya ay iniwan naming sa silid aklatan.

You might also like