You are on page 1of 12

Komunikasyon sa Akademikong Filipino

Kalikasan at Istruktura ng Wikang Filipino


Lahat ng wikang ginagamit ng anumang lahi sa daigdig ay binubuo ng mga tunog. Ang mga
tunog na ito ay tinatawag na ponema na matatalakay pa ng higit sa mga kasunod na pahina.

PONOLOHIYA
Ang ponema ay tumutukoy sa mga makahulugang tunog ng isang wika. Ang makaagham na
pag-aaral nito ay tinatawag na ponolohiya.
May dalawampu’t isang (21) ponema ang wikang Filipino, labing-anim (16) ang katinig at
lima (5) ang patinig. Ang mga katinig ay ang mga sumusunod: /p,b,m,t,d,n,s,l,r,y,k,g,n,ng,w/. Ang
patinig naman ay ang /a,e,i,o,u/.

MORPOLOHIYA
Tumutukoy ang morpolohiya sa makaagham na pag-aaral ng mga makabuluhang yunit ng
isang salita o morpema.
Ang morpema ay maaring isang ponema. Halimbawa nito ay ang /o/ at /a/ na sa ating wika
ay maaring mangahulugan ng kasarian.

Halimbawa:
maestro vs. maestro
abuga vs. abugada
Paulo vs. Paula
tindero vs. tinder
Angelito vs. Angelita

MGA PAGBABAGONG MORPOPONEMIKO


Ang pagbabagong morpoponemiko ay tumutukoy sa anumang pagbabago sa karaniwang
anyo ng isang morpema dahil sa impluwensiya ng kapaligiran nito. Ito ay may ilang uri.

a. Asimilasyon
Sangkot ng uring ito ang mga pagbabagong nagaganap sa /ng/ sa posisyong pinal dahil sa
impluwensiya ng ponemang kasunod nito.

2 Uri ng asimilasyon
1. Asimilasyong Parsyal - yaong karaniwang pagbabagong nagaganap sa ponemang /ng/ at nagiging
/n/ o /m/ o nanatiling /ng/ dahil sa kasunod na tunog.
Halimbawa:
[ pang ] + paaralan = pampaaralan
[ pang ] + bayan = pambayan
2. Asimilasyong Ganap - bukod sa pagbabagong nagaganap sa ponemang /ng/ ayon sap unto ng
artikulasyon na kasunod na tunog, nawawala pa rin ang unang ponema ng nilalapiang salita dahil sa
ito ay inaasimila o napapaloob na sa sinusundang ponema.
Halimbawa:
[ pang ] + palo = pampalo = pamalo
[ pang ] + tali = pantali = panali
b. Pagpapalit ng ponema
May mga ponemang nagbabago o napapalitan sa pagbubuo ng mga salita.

1. /d/--/r/
Ang ponemang /d/ sa posisyong inisyal ng salitang nilalapian ay karaniwang napapalitan ng
ponemang /r/ kapag patinig ang huling ponema ng unlapi.
Halimbawa:
ma+dapat = marapat
ma+dunong = marunong

2. /h/--/n/
Sa ilang halimbawa, ang /h/ bagamat hindi binabaybay o tinutumbasan ng titik sa pagsusulat
na panlaping /-han/ ay nagiging /n/.
Halimbawa:
/tawah/+-an---/tawahan/= tawanan

3. /o/--/u/
Ang ponemang /o/ sa huling pantig ng salitang-ugat na hinuhulapian o salitang inuulit ay
nagiging /u/.
Halimbawa:
dugo+an-----duguan
mabango-------mabangung-mabango

c. Metatesis
Kapag ang salitang ugat na nagsisimula sa /l/ o /y/ ay nilalagyan ng gitlaping -in-, ang /i/
at /n/ ay nagkakapalitan ng posisyon.
Halimbawa:
-in-+lipad = nilipad
-in-+ yaya = niyaya

d. Pagkakaltas na Ponema
May mga salitang nagbabago ng diin kapag nilalapian.
Halimbawa:
takip+an----takipan-----takpan
kitil+in = Kitilin---kitlin
e. Paglilipat-diin
May mga salitang nagbabago ng diin kapag nilalapian.
Halimbawa:
Basa+ -hin-------basahin
ka+sama+ -han------kasamahan
laro+an -------laruan (lugar)

f. Reduplikasyon
Pag-uulit ng pantig ng salita.
Halimbawa:
aalis matatas
magtataho pupunta
pupunta masasaya
naglalakad
SINTAKSIS
Ang pangungusap ay isang sambitlang may patapos na himig sa dulo.
Halimbawa:
Nanay! (panawag)
Aray! (nagsasaad ng damdamin)
Sulong! (utos)
Opo (panagot sa tanong)

PAGPAPALAWAK NG PANGUNGUSAP
Ang mga maaring gamiting pampalawak ng pangungusap ay
a.) paningit at b.) panuring (pang-uri at pang-abay) at c.) Kaganapan ng Pandiwa.

a. Mga paningit bilang pampalawak


Mga paningit o ingklitik ang tawag natin sa mga katagang isinasama sa pangungusap upang higit na
maging malinaw ang kahulugan nito.
TALAAN NG MGA PANINGIT
ba na ho po kasi naman lamang/lang sana nga
man

tuloy daw/raw pa yata muna rin/din pala

Ang mga paningit ay may tiyak na posisyon sa loob ng pangungusap. Ang mga katagang ka, ko at
mo ay maaring manguna sa paningit.
wastong gamit ng paningit:
1. Unang salitang may diin + paningit
Halimbawa:
Ang bata na ang tawagin mo.
Hindi man kayo matuloy ay dapat kang maghanda.

2. Unang salitang may diin+ka/ko/mo+paningit


Halimbawa:
Bakit ka nga ba hindi dumating?
Hinihintay ko naman siya ngunit talagang hindi siya dumating.
Alam mo ba ang dahilan ng kaniyang biglang pag-alis?

Sa ating talaan ang mga paningit ay mapapansing may mga paningit na malayang
nagkakapalitan tulad ng daw/raw at rin/din.
Sa kolokyal na gamit, ang daw at raw, din at rin ay malayang nagkakapalitan kahit na sa
anung kapaligirang ponemiko. Sa mga pormal na okasyon, may mga taong nagbibigay ng
pagkakaiba sa gamit ng daw at raw, rin at din. Ang daw at din ay ginagamit kapag ang sinundang
salita ay nagtatapos sa katinig maliban sa mga malapatinig na /w/ at /y/. Samantala ang raw at rin
ay ginagamit kapag ang sinusundang salita ay nagtatapos sa patinig o malapatinig na /w/,/o/,/y/.
Halimbawa:
1. Malaki raw ang hinihingi mo kaya hindi ka napagbigyan.
2. Swelduhan din daw ang ama niya.
3. Maswerte na rin naman ang batang yon.
4. Buhay raw ang nakulong sa minahan.
5. Kalabaw raw ni Kuya ang nawala.
Ang lamang ay pormal na anyo ng kolokyal na anyo ng lang.
Halimbawa:
1. Isasanguni po lamang naming ang taga pangulo ng komite ang hingil sa suliranin ng kasapi.
2. Iabot mo lang sa akin ang peryodiko bago ka umalis.

b. Mga Panuring bilang pampalawak


Dalawang kategorya ng mga salita ang magagamit na panuring, ang pang-uri na panuring sa
pangangalan o panghalip at ang pang-abay na panuring sa pandiwa, pang-uri o kapwa pang-abay.

Batayan ng Pangungusap
- Ang mag-aaral ay iskolar.
1. Pagpapalwak sa pamamagitan ng karaniwang pang-uri
- Ang matalinong mag-aaral ay iskolar.

2. Pagpapalawak sa pamamagitan ng pariralang panuring


a.) Ang matalinong mag-aaral sa klase ko ay iskolar.
b.) Ang matalinong mag-aaral sa klase ng kasaysayan ay iskolar.
c.) Ang matalinong mag-aaral sa klase ng kasaysayan ay iskolar sa pamantasan.
d.) Ang matalinong mag-aaral sa klase ng kasaysayan ay iskolar ng pamahalaan sa
pamantasan.
e. ) Ang matalinong mag-aaral sa klase ng kasaysayan na maging magtalumpati ay iskolar ng
pamahalaan sa pamantasan.

3. Pagpapalawak sa pamamagitan ng iba’t ibang bahagi ng pananalita na gumaganap ng tungkulin


ng pang-uri.
a.) Pangngalang ginagamit na panuring
- Ang mag-aaral na babae ay eskolar.
b. )Panghalip na ginagamit na panuring
- Ang mag-aaral na babaing iyon ay eskolar.
c. pandiwang ginagamit na panuring
- Ang mag-aaral na babaing iyon ay nagtatalumpati ay eskolar.

DISKURSO

Diskurso ang tawag sa paggamit ng wika bilang paraan ng pagpaparating ng isang mensahe, ito
man ay pagpapahayag, pasulat o pasalita.

Paglalahad ay isang anyo ng pagpapahayag.

Konteksto ng Diskurso:
 Kontekstong Interpersonal - ito ay usapan pang magkaibigan.
 Kontekstong Panggrupo - pulong ng isang samahan pang mag-aaral.
 Kontekstong Pang-organisasyon - memorandum ng pangulo ng isang kompanya sa lahat ng
empleyado.
 Kontekstong Pangmasa - pagtatalumpati ng isang politico sa harap ng mga botante.
 ontekstong Interkultural - pagpupulong ng mga pinno ng mga bansang ASEA.
 Kontekstong pangkasarian - usapan ng mga mag-asawa.
Teorya ng Diskurso
Ang mga teorya ng diskurso ay hindi naiiba sa mga teorya ng komunikasyon.
 Speech act Theory - isang teorya ng wikang batay sa aklat na “how to things with words” ni
JL. Austin (1978).
 Ethnography of Communication - ito ay nauukol sa pag-aaral ng mga sitwasyon, gamit,
pattern at tungkulin.

Iba’t ibang teknik na maaring magamit sa participant obserbasyon:


1. Introspection
2. Delached observation
3. Interviewing
4. Philogy
5. Ethnosemantics
6. Etnomethodology
7. Prenomenelogy

 Communication Accomodation Theory - sinusuri ang mga motibasyon at kasikwens ng


pangyayari kung ang dalawang ispiker ay nagbabago ng estilo ng komunikasyon.
 Narrative Paradigm - ay naglalarawan sa mga tao bilang mga storytelling.

Komunikatib kompitens kasanayan expertise sa paggamit ng wika pasulat man o pasalita.

Mga Teorya ng Pinagmulan ng Wika


Maraming haka-haka tungkol sa pinagmulan ng wika. Bukod sa dami-daming teorya ng wika
ng iba’t-bang tao hindi pa din maipaliwanag kung saan, paano at kailan talaga nagsimula ang wika.
Tinatanggap ng mga dalubwika na hanggang sa ngayon ay wala pa ring katiyakan ang iba’t ibang
teorya tungkol sa pinagmulan nito. Isa itong palaisipang hanggang sa kasalukuyan ay hinahanapan
ng patunay subalit nanatili pa ring hiwaga o misteryo.
Teorya ang tawag sa siyentipikong pag-aaral sa iba’t ibang paniniwala ng mga bagay-bagay na
may mga batayan subalit hindi pa lubusang napapatunayan. Iba’t ibang pagsipat o lente ang
pinanghahawakan ng iba’t ibang eksperto. Ang iba ay siyentipiko ang paraan ng pagdulog
samantalang relihiyoso naman sa iba. May ilang nagkakaugnay at may ilan namang ang layo ng
koneksyon sa isa’t isa. Narito ang iba’t ibang teorya ng wika.

Tore ng Babel
Batay sa istorya ng bibliya, iisa lang ang wika noong unang panahon kaya’t walang suliranin sa
pakikipagtalastasan ng tao. Naghangad ang tao na higitan ang kapangyarihan ng Diyos, naging
mapagmataas at nag-ambisyong maabot ang langit, at nagtayo ng pagkataas-taas na tore.
Mapangahas at mayabang na mga tao, subalit pinatunayan ng Diyos na higit siyang
makapangyarihan, ginuho niya ang tore. Ginawang magkakaiba ang wika ng bawat isa, hindi na
magkaintindihan at naghiwa-hiwalay ayon sa wikang sinasalita. (Genesis 11:1-8)

Bow-wow
Ayon sa teoryang ito, maaring ang wika raw ng tao ay mula sa panggagaya sa mga tunog ng
kalikasan. Ang mga primitibong tao diumano ay kulang na kuang sa mga bokabularyong magagamit.
Dahil dito, ang mga bagay-bagay sa kanilang paligid ay natutunan nilang tagurian sa pamamagitan
ng mga tunog na nilikha ng mga ito. Marahil ito ang dahilan kung bakit ang tuko ay tinatawag ng
tuko dahil sa tunog ng nalilikha ng nasabing insekto. Pansinin ang mga batang natututo pa lamang
magsalita. Hindi ba’t nagsisimula sila sa panggagaya ng mga tunog, kung kaya’t ang tawag nila sa
panggagaya ng mga tunog, ung kaya’t ang tawag nila sa aso ay aw-aw at sa pusa ay miyaw. Ngunit
kung totoo ito, bakit iba iba ang tawag sa aso halimbawa sa iba’t ibang bansa gayong ang tunog na
nalilikha ng aso sa Amerikana man o sa Tsina ay pareho lamang.

Ding Dong
Kahawig ng teoryang bow-wow, nagkaroon daw ng wika ang tao, ayon sa teoryang ito, sa
pamamagitan ng mga tunog na nalilikha ng mga bagay bagay sa paligid. Ngunit ang teoryang ito ay
hindi limitado sa mga kalikasan lamang kung di maging sa mga bagay na likha ng tao. Ayon sa
teoryang ito, lahat ng bagay ay may sariling tunog na siyang kumakatawan sa bawat isa at ang
tunog niyon ang siyang ginagad ng mga sinaunang tao na kalauna’y nagpabagu-gabo at nilapatan ng
iba’t ibang kahulugan. Tinatawag din ito ni Max Muller na simbolismo.

Pooh-pooh
Unang natutong magsalita ang mga tao, ayon sa teoryang ito, nang hindi sinasadya ay
napabulalas sila bunga ng mga masidhing damdamin tulad ng sakit, tuwa, sarap, kalungkutan, takot,
pagkabigla at iba pa. Pansinin nga naman ang isang Pilipinong napabulalas sa sakit. Hindi ba’t siya’y
napapa-Aray! Samantalang ang mga Amerikano ay napapa-ouch! Anong naibubulalas natin kung
tayo’y nakadarama ng tuwa? Ng sarap? Ng takot?

Yo-he-ho
Pinaniniwalaan ng linggwistang si A.S. Diamond (sa Berel, 2003) na ang tao ay natutong
magsalita bunga diumano ng kanyang pwersang pisikal. Hindi nga ba’t tayo’y nakalilikha rin ng
tunog kapag tayo’y nakalilikha rin ng tunog kapag tayo’y nag-eeksert ng pwersa. Halimbawa, anong
tunog ang nililikha natin kapag tayo’y nagbubuhat ng mabibigat na bagay, kapag tayo’y sumusuntok
o nangangarate o kapag ang mga ina ay nanganganak?

Yum-yum
Katulad ng teoryang ta-ta, sinasabi rito na ang tao ay tutugon sa pamamagitan ng pagkumpas
sa alinmang bagay na nangangailangan ng aksiyon. Ang pagtugong ito ay isinasagawa sa
pamamagitan ng bibig ayon sa posisyon ng dila. Katulad halos ng teoryang ta-ta ang paliwanag ng
mga proponent ng teoryang ito sa pinagmulan ng wika.

Ta-ta
Ayon naman sa teoryang ito, ang kumpas o galaw ng kamay ng tao na kanyang ginagawa sa
bawat partikular na okasyon ay ginaya ng dila at naging sanhi ng pagkatuto ng taong lumikha ng
tunog at kalauna’y nagsalita. Tinatawag itong ta-ta na sa wikang Pranses ay nangangahulugang
paalam o goodbye sapagkat kapag ang isang tao nga namang nagpapaalam ay kumakampay ang
kamay nang pababa at pataas atulad ng pababa at pataas na galaw ng dila kapag binibigkas ang
salitang ta-ta.

Sing-song
Iminumungkahi ng linggwistang si Jesperson na ang wika ay nagmula sa paglalaro, pagtawa,
pagbulong sa sarili, panliligaw at iba pang mga bulalas-emosyunal. Iminungkahi pa niya na taliwas
sa iba pang teorya, ang mga unang salita ay sadyang mahahaba at musical, at hindi maikling bulalas
na pinaniniwalaan ng marami.

Hey you!
Hawig ito ng teoryang pooh-pooh. Iminungkahi ng linggwistang si Revesz na bunga ng
interpersonal na kontak ng tao sa kanyang kapwa tao ang wika. Ayon kay Revesz, nagmula ang wika
sa mga tunog na nagbabadya ng pagkakakilanlan (Ako!) at pagkakabilang (Tayo!). Napapabulalas
din tayo bilang pagbabadya ng takot, galit o sakit (Saklolo!). Tinatawag din itong teoryang kontak.

Coo coo
Ayon sa teoryang ito, ang wika ay nagmula sa mga tunog na nalilikha ng mga sanggol. Ang mga
tunog dawn a ito ang ginaya ng mga matatanda bilang pagpapangalan sa ma bagay-bagay sa paligid,
taliwas sa paniniwala ng marami na ang mga bata ang nanggagaya ng tunog ng mga matatanda.

Babble Lucky
Ayon sa teoryang ito, ang wika raw ay nagmula sa mga walang kahulugang bulalas ng tao. Sa
pagbulalas ng tao, sinuwerte lamang daw siya nang ang mga hindi sinasadya at walang kabuluhang
tunog na kanyang nalikha ay naiugnay sa mga bagay-bagay sa paligid na kalaunan ay naging
pangalan ng mga iyon.

Hocus Pocus
Ayon kay Boeree (2003), maaring ang pinanggalingan ng wika ay tulad ng pinanggalingan ng
mga mahikal o relihiyosong aspeto ng pamumuhay n gating mga ninuno. Maari raw kasing noo’y
tinatawag ng mga unang tao ng mga hayop sa pamamagitan ng mga mahikal na tunog na kalaunan
ay naging pangalan ng bawat hayop.

Eureka!
Sadyang inimbento ang wika ayon sa teoryang ito. Maari raw na an gating mga ninuno ay may
ideya ng pagtatakda ng mga arbitraryong tunog upang ipakahulugan sa mga tiyak na bagay. Nang
ang mga ideyang iyon ay nalikha, mabilis na iyong kumalat sa iba pang tao at naging kalakaran sa
pagpangalan ng mga bagay-bagay (Boeree, 2003).

La-la
Mga pwersang may kinalaman sa romansa. Ang salik na nagtutulak sa tao upang magsalita.

Ta-ra-ra-boom-de-ay
Likas sa mga sinaunang tao ang mga ritwal. Sila ay may mga ritwal sa halos lahat ng gawain
tulad ng pakikidigma, pagtatanim, pag-aani, pangingisda, pagkakasal, pagpaparusa sa nagkasala,
panggamot, maging sa paliligo at pagluluto. Kaakibat ng mga ritwal na iyon ay ang pagsasayaw,
pagsigaw at incantation o mga bulong. Ayon sa teoryang ito, ang wika raw ng tao ay naguugat sa
mga tunog na kanilang nilikha sa mga ritwal na ito na kalauna’y nagpapabagu-bago at nilapatan ng
iba’t ibang kahulugan.

Mama
Ayon sa teoryang ito, nagmula ang wika sa mga pinakamadadaling pantig ng
pinakamahalagang bagay. Pansinin nga naman ang mga bata. Sa una’y hindi niya masasabi ang
salitang mother ngunit dahil ang unang panitg ng nasabing salita ang pinakamahalaga diumano, una
niyang nasasabi ang mama bilang panumbas sa salitang mother.

Rene Descartes
Hindi pangkaraniwang hayop ang tao kung kaya’t likas sa kaniya ang gumamit ng wika na
aangkop sa kaniyang kalikasan bilang tao. May aparato ang tao lalo na sa kaniyang utak gayundin sa
pagsasalita upang magamit sa mataas at komplikadong anta sang wikang kailangan niya hindi
lamang para mabuhay bagkus magampanan ang iba’t ibang tungkulin nito sa kaniyang buhay.
Plato
Nalikha ang wika bunga ng pangangailangan. Necessity is the mother of all invention. Sa
paniniwalang ito, gaya ng damit, tirahan at pagkain, pangunahing pangngangailangan din ng tao ang
wika kung kaya’t naimbento ito ng tao.

Jose Rizal
Kung lahat ng likas na bagay ay galing sa Poong Maykapal, bakit hindi ang wika? Naniniwala
ang pambansang bayani na kaloob at regalo ng Diyos ang wika ng tao.

Charles Darwin
Nakikipagsapalaran ang tao kung kaya’t nabuo ang wika. Survival of the fittest, elimination of
the weakest. Ito ang simpleng batas ni Darwin. Upang mabuhay ang tao, kailangan niya ng wika. Ito
ay nakasaad sa aklat na Lioberman (1975) na may pamagat na “On the Origin of Language”,
sinasaad dito na ang pakikipagsapalaran ng tao para mabuhay ang nagtuturo sa kanya upang
makalikha ng iba’t ibang wika.

Wikang Aramean
Naniniwala na lahat ng wika ay nagmula sa kanilang wika, ang Aramean o Aramaic. May
paniniwalang ang kauna-unahang wikang ginagamit sa daigdig ay ang lenggwahe ng mga Aramean.
Sila ang mga sinaunang taong naninirahan sa Syria (Aram) at Mesopotamia. Tinatawag na Aramaic
ang kanilang wika.

Haring Psammaticus
Sinasabi sa paniniwalang ito na bilang hari ng Ehipto, gumawa ng isang eksperimento si
Psammaticus kung paano nga ba nakapagsasalita ang tao. May dalawang sanggol siyang pinalaki sa
loob ng kweba at mahigpit na ipinag-utos na hindi ito dapat makarinig ng anumang salita. Sa tagal
ng panahon nakapagsalita raw ng “Bekos” ang dalawang bata na ang ibig sabihin ay tinapay. Sa
maikling sabi, likas na natututunan ng tao ang wika kahit hindi ituro ang pinanghahawakan ng
teoryang ito.
Alin sa mga teoryang ito ang wasto? Hindi nating matutukoy. Kaya nga teorya ang tawag sa
mga ito, mga haka-naka lamang na mahirap patunayan at husgahan. Ang pagpipili na ang isa ang
tama ay tiyak na hahantong lamang sa walang hanggang pagtatalo. Bawat teorya ay may sari-
sariling kalakasan at kahinaan na maaring maging batayan upang ating paniwalaan o di kaya’y
tanggihan. Magkagayon man, mahalaga ang bawat isa sa pagtatalakay sa pinagmulan ng wika.

KAHULUGAN NG WIKA

Ang wika ay kalipunan ng mga salita na ginagamit ng isang lipunan.

Kapangyarihan ng Wika
a. Ang wika ay maaring makapagdulot ng ibang kahulugan
 Anumang pahayag ng isang interlokyutor ay maaring makapagdulot ng ibang
kahulugan o interpretasyon sa mga tatanggap ng mensahe nito.
b. Ang wika ay humuhubog ng saloobin
 Sa pamamagitan ng wika, nagagawa ng tao na hayagang alisin ang mga negatibong
paniniwala na sa kanyang palagay ay hindi makapagdudulot ng mabuti sa kanyang
kapwa.
c. Ang wika ay nagdudulot ng polarisasyon
 Ito ay ang pagtanaw sa mga bagay sa magkasalungat na paraan. Halimbawa nito ay
masama at mabuti, mataas at mababa, pangit at maganda at iba pa.
d. Ang kapangyarihan ng wika ay siya ring kapangyarihan ng kulturang nakapaloob nito
 Kailanman ay hindi maikakaila na kakambal ng wika ang kultura.

Gampanin ng Wika
a. Impormatib
 Ang wika ay impormatib kung naggagawa nitong makapaglahad ng impormasyon
tungo sa tagatanggap nito.
Halimbawa: Si Leo Oracion ang kauna-unahang Pilipinong nakaakyat sa tuktok ng Bundok
Everest na pinakamataas sa buong mundo.
b. Ekspresib
 Nagagawa nitong makapagpahayag ng saloobin o makapagpabago ng emosyon.
Halimbawa: Napasaya ko ngayon….
c. Direktib
 Nagiging direktib ang wika kung hayagan o di hayagan nitong napapakilos ang isang
tao upang isagawa ang isang bagay.
Halimbawa: Pakipuntahan naman si Mr. Francisco sa kanyang opisina.
d. Perpormatib
 Ang perpormatib na gamit ng wika ay higit pa sa pasalitang anyo ng komunikasyon. Ito
ay kinapapalooban din ng kilos bilang pansuporta sa isang pahayag.
Halimbawa: Kapag ang isang tao ay nagsabi ng “paalam”, kaakibat nito ang pagkawy ng
kanyang kamay sa direksyon ng taong kinakausap.
e. Persweysib
 Persweysib ang wika kapag nagagawa nitong makahikayat ng tao tungo sa isang
paniniwala.
Halimbawa: Ang pahayag ng mga salesperson sa loob ng mal na nanghihikayat na bilhin ang
kanilang produkto.

Tungkulin ng Wika
a. Instrumental
 Nagagawa ng wika na magsilbing intrumento sa mga tao upang maisagawa o
maisakatuparan ang anumang naisin.
Halimbawa:
Adrian: Nais ko sanang maipadama sa iyo kung gaano kita kamahal.
Jenifer: Ganun ba? Sige, walang problema.
b. Regulatori
 Nangyayari naman ito kapag nagagawa ng wika na kontrolin ang mga pangyayari sa
kanyang paligid.
Halimbawa:
islogan ng MMDA: Bawal Umihi Rito. Multa: Php. 500.
c. Representasyonal
 Ang wika ay ginagamit upang makipagomunikeyt, makapagbahagi ng mga pangyayari,
makapagpahayag ng detalye, gayundin, makapagpadala at makatanggap ng mensahe
sa iba.
Halimbawa:
Dominic: Alam mo ban a ang salitang goodbye ay namula sa pahayag na God be with ye?
Jaja: A, talaga?
d. Interaksyonal
 Ipinaliliwanag dito na nagagawa ng wika na mapanatili at mapatatag ang relasyon ng
tao sa kanyang kapwa. Kabilang dito ang pang-araw-araw na pagbati at pagbibiruan.
Halimbawa:
Sandy: Aba, ang hitad kong sister, wis na ang pagka-chaka doll.
Aubrey: Siyempre, salamat po Doc yata ang drama ko.
e. Personal
 Nagagamit din ang wika upang maipahayag ang personalidad ng isang indibiduwal
ayon sa sarili niyang kaparaanan.
Halimbawa:
Geser: Talaga? Nanalo ako ng limang milyon sa lotto? Yahooo…
Nelo: Balato naman diyan.
f. Heuristic
 Ang wika ay tumutulong din upang makapagtanto ang tao ng iba’t ibang kaalaman. Ilan
sa mga ito ang pagsagot sa mga tanong, pagtanaw sa mga argumentasyon at
konklusyon bilang kongkretong kaalaman at pagtuklas sa mga bagay-bagay sa paligid.
Halimbawa:
Gicko: Ngayon ko lang nalaman na ang Dalmatian ay isang wika, at hindi basta wika, ito ay
isang halimbawa ng patay na wika o frozen language.
Nixan:A, oo. Namamatay kasi ang wika kapag hindi ito sasailalim sa pagbabago. Bawat wika
sa mundo ay kinakailangang makaangkop sa pagbabago ng panahon, upang patuloy
itong mabuhay at umunlad. Ang wikang latin ay isa rin sa halimbawa ng patay na
wika.
g. Imahinatibo
 Isa sa mga kagandahang dulot ng wika ay nagagawa nitong hayaan ang isang tao na
mapalawak ang kanyang imahinasyon na tumutulong a kanya upang siya ay maging
artistic.
Halimbawa:
Shimy: Rex, kung sakaling may makilala kang genie, ano ang hihilingin mo sa kanya?
Rex: Syempre, ang makalipad tulad ng isang ibon para makapaglakbay ako sa paraang gusto
ko at makita ang buong mundo. At higit sa lahat, ang kalayaang magawa ang gusto ko tulad ng
isang ibon.

Kahalagahan ng Wika
Mahalaga ang wika dahil ito ang batay ng pakikipag-ugnayan at pakikipagtalastasan tungo sa
pagkakaunawaan at pagkakaintindihan sa sangkatauhan. Mawawlan ng saysay ang gawain ng
sangkatauhan kung wala ang wika. Dahil ang wika bilang pakikipag-ugnayan ay ginagamit sa
pakikipagkalakalan, diplomatikong pamamaraan ng bawat pamahalaan at pakikipagpalitan ng
kaalaman sa agham, industriya at teknolohiya. Ang wika bilang pakikipagtalastasan ay ginagamit sa
pagtungo, paghahanapbuhay at paninirahan sa ibang bansa.

Limang Antas ng Wika


1. pabalbal - wikang balbal ay ginagamit sa lansangan. Ito rin ang pinakamababang antas ng
wika.
Halimbawa: Chicks (dalagang bata pa.)
Orange (beinte pesos)
2. lalawiganin - ang pangalawang antas ng wika. Ito ay kabilang sa antas ng mga salitain ng
mga katutubo sa lalawigan.
Halimbawa: Papanaw ka na? (Aalis ka na?)
Nakain ka na? (Kunain ka na?)
Buang! (Baliw!)
3. kolokyal - wikang sinasalita ng pangkaraniwang tao ngunit bahagyang tinatanggap ng
lipunan.
Halimbawa: Nasan, pa’no, sa’kin, kelan
Meron ka bang dala?
4. pampanitikan - ito ang pinakamyamang uri, madalas itong ginagamitan ng mga salitang may
iba pang kahulugan. Ginagamit dito ang mga idioma, tayutay atbp.
Halimbawa: Kahati sa buhay
Bunga ng Pag-ibig
Pusod ng damdamin
5. pambansa/neutral - laman pa rin ng mga pagtatalo kung ano ang kasama sa antas na ito.
Marami ang nagsasabing wikang Filipino ang wikangpambansa, samantalang tagalog naman
ang sa iba, ngunit wikang Filipino pa rin ang naitala bilang wikang pambansa.
Halimbawa: Asawa, anak, Tahanan

Pangunahing gamit ng wika


1. Pangalan o labeling
2. Interaksyon
3. Transmisyon
Apat na Makrong Kasanayan
1. pakikinig
2. pagsasalita
3. pagbasa
4. pagsulat

Mga Pangangailangan sa Nabasang pagsasalita


1. Kaalaman
 kailangan alam mo ang paksa ng isang usapan
 Kailangan may sapat kang kaalaman sa bokabularyo
 kailangan may sapat kang kaalaman sa gramatika
 kailangan may sapat ka ring kaalaman sa kultura ng iyong kausap.

2. Kasanayan
 Dapat may sapat siyang kasanayan sa pag-iisip ng mensahe sa pinakamaikling
panahon.
 kailangan may sapat siyang kaalaman at kasanayan sa paggamit ng mga
kasangkapan sa pagsasalita ng mga kasangkapan sa pagsasalita tulad ng mga
kasangkapan sa pagsasalita tulad ng tinig, tindig, galaw, kumpas at iba pang anyong
di-berbal
 Kailangan may sapat siyang kasanayan sa pagpapahayag sa iba’t ibang genre tulad
ng pagsasalaysay, paglalarawan, paglalahad at pangangatwiran.

Mga Kasangkapan sa Pagsasalita


1. tinig
2. bigkas
3. tindig
4. kumpas
5. kilos

PAGBASA
Depinasyon
Tumanga et al., (1997)
 ang pagbasa ay interpretasyon ng mga nakalimbag na simbolo ng kaisipan.
Austero et al., (1999)
 Ang pagbasa ay pagkakilala at pagkuha ng mga ideya at kaisipan sa mga sagisag na
nakalimbag upang mabigkas ng pasalita.

Uri ng Pagbasa batay sa Layunin


1. Iskiming o mdaling pagbasa (skimming)
 ginagamit ang pagbasang ito upang madaling makalap ang pinakamahalagang
impormasyon o ang pinakabuod/ideya ng binasa.
2. Iskaning o mapagmasid na pagbasa
 ginagamit ang pagbasang ito upang hanapin ang isang partikular na impormasyon na
kinakailangan.
3. Masaklaw o ekstensibong pagbasa
 ginagamit ang pagbasang ito upang makakuha ng pangkalahatang pag-unawa sa isang
paksa.
4. Masikhay/Masinsin o intensibong pagbasa
 ginagamit ang pagbasang ito sa mga may kaiksiang teksto upang makakuha ng mga tiyak na
impormasyon.

Mga Hakbang sa Pagbasa


1. persepsyon
2. pag-unawa
3. reaksyon
4. integrasyon o asimilasyon

You might also like