You are on page 1of 14

PANG-ABAY

PANG ABAY
Ang pang-abay o lampibadyâ ay
mga salitang naglalarawan sa
pandiwa, pang-uri at kapwa pang-
abay.
MGA URI NG PANG ABAY
Pang-abay na Ingklitik
-Ang pang-abay na ingklitik na isang ring uri ng pang-abay ay maikling
kataga na walang kahulugan kung nag-iisa lamang ito ngunit
nakapagpapabago ng kahulugan ng pangungusap. Inilalagay ito sa
pagitan ng pangungusap upang mas lalong luminaw ang kahulugan nito.
-Ilan sa mga halimbawa nito ay ang man, kasi, sana, nang, kaya, yata,
tuloy, lamang/lang, din/rin, ba, pa, muna, pala, na, naman, at daw/raw.
Halimbawa:
Ako pala ang magdadala ng kaserola.
Ikaw yata ang kumuha ng kendi.
Pang-abay na parirala

-Ang pariralang pang-abay o tinatawag din na pang-abay na parirala ay


isang hanay ng dalawa o higit pang mga salita na may isang partikular na
kahulugan at natutupad ang pagpapaandar ng isang pang-abay.
Halimbawa:
•mahusay kumanta
Ang bata ay mahusay kumanta.
•malakas humalakhak
Naririndi ako sa kanya dahil siya ay malakas humalakhak.
Pamanahon
-Ang pang-abay na pamanahon ay nagsasaad kung kailan naganap,ginaganap o
gaganapin ang isang pangyayari o kilos.
Mayroon itong tatlong uri:
May pananda - nang, sa, noon, kung, kapag, tuwing, buhat, mula, umpisa, at
hanggang
Halimbawa: "Kailangan mo bang pumasok nang araw-araw?"
Walang pananda - kahapon, kanina, ngayon, mamaya, bukas, sandali, at iba pa
Halimbawa: Manonood kami bukas ng pambansang pagtatanghal ng dulang Pilipino.
Nagsasaad ng dalas - araw-araw, tuwing umaga, taun-taon, at iba pa
Halimbawa: Tuwing buwan ng Mayo ay nagdaraos kami sa aming pook ng
santakrusan.
Panlunan
-Ito ay nagsasaad ng lugar kung saan naganap ang pangyayari. Samakatuwid, ito ay
nagsasabi kung saan ginawa, ginagawa, at gagawin ang kilos sa pangungusap; sa
ibang pananalita ay tumutukoy ito sa pook na pinangyarihan, o pangyayarihan ng
kilos sa pandiwa. Karaniwang ginagamit ang mga pariralang may sa, kina o kay.
Halimbawa:
Maraming masasarap na ulam ang itinitinda sa kantina. ; Nagpaluto ako kina
Aling Inggay ng masarap na mamon para sa kaarawan.
Pamaraan
Ito ay naglalarawan kung paano naganap, nagaganap, o magaganap ang kilos na
ipinahahayag ng pandiwa. Ginagamit sa ganitong uri ng pang-abay ang mga
panandang nang, na, at -ng. Halimbawa nito ay magaling, mabilis, maaga, masipag,
mabait, at iba pa.
Sinakal niya ako nang mahigpit.
Pang-agam
-Ito ay nagbabadya ng hindi o kawalan ng katiyakan sa pagganap sa kilos ng
pandiwa. Ginagamit sa pangungusap ang mga pariralang marahil, siguro, tila, baka,
wari, parang, at iba pa.
Halimbawa:
Marami na marahil ang nakabalita tungkol sa pasya ng Sandiganbayan.
Kundisyonal
-nagsasaad ng kondisyon para mangyari ang kilos na isinisaad ng pandiwa
-ito ay may sugnay o pariralang pinangungunahan ng: kung, kapag o pag, pagka
Halimbawa:
bibilis kang magbasa kung magsasanay ka palagi
lalaki kang marunong kung nakikinig ka sa mga sinasabi ko.
Panang-ayon
-ito ay nagsasaad ng pangsang-ayon. Ginagamit ditto ang mga salitang oo, opo, tunay,
sadya, talaga, syempre
Halimbawa:
oo, sasama ako sainyo bukas.
Pananggi
-ito ay pang-abay na nagsasaad ng pagsalungat o di pagsang-ayon tulad ng hindi,
ayaw, wala, huwag
Halimbawa:
huwag tularan ang mga mali niyang ginawa
ayaw niyang sumagot sa mga chat ko
Panggaano
-nagsasaad ng timbang o sukat. Sumasagot sa tanong na gaano o magkano
Halimbawa:
tumaba ako nang limang libra
Kusatibo
-tawag sa pang-abay na nagsasaad ng dahilan ng pagganap sa kilos ng pandiwa
-binubuo ito ng parirala o sugnay na pinangungunahan ng dahil sa at sapagkat
Halimbawa
dahil sa mahal ng bilihin ay marami ang nagugutom sa Pilipinas.
Hiningal ako sapagkat hinahabol ako ng tao
Benepaktibo
-nagsasaad ng benepisyo para sa isang tao dahil sa pagganap sa kilos ng pandiwa o
layunin ng kilos ng pandiwa
Halimbawa:
mag-aroskaldo ka para sa maysakit
magbenta ka ng mga alaga mong manok para sa matrikula mo.
KAGANAPAN
-Ito ay pagsasagawa ng pandiwa na nagiging daan sa pagpapalawak o pagpapahaba
ng pangungusap sa bandang panaguri.
Kaganapang Tagaganap
-Ito ay bahagi ng panaguri na gumaganap sa kilos na isinasaad ng pandiwa.
-Pananda (ni at ng)
Halimbawa: Pinagalitan ni aling maria ang kanyang anak.
Kaganapang Layon
-Bahagi ng pang uri na nagsasaad ng bagay na tinutukoy ng pandiwa.
-Pananda (ng)
Halimbawa: Namil ng mga mamahaling alahas si Gina.
Kaganapan Ganapan
-Bahagi ng panaguri na nagsasaad ng lugar kung saan ginaganap ang pandiwa.
-Pananda (sa)
Halimbawa: Nag piknik ang mga anak ni Delos Reyes sa tabing dagat.
Kaganapang Tagatanggap
-Ito ay bahagi ng panaguri na nagpapahayag kung sino ang nakikinabang sa kilos ng
pandiwa.
-Pananda (para sa at para kay)
Halimbawa: Namili ng mga mamahaling alahas si Gina.
Nagluto ng sinigang si Diagbel para sa mga bata.
Kaganapang Kagamitan
-Bahagi ng panaguri na nagsasaad kung anong bagay ang kinasangkapan o ginagamit
upang maisagawa ang pandiwa.
-Pananda (sa pamamagitan, gamit ang)
Halimbawa: Sinugpo niy ang kilusap sa pamamagitan ng gamot na ito.
Kaganapang Sanhi
-Bahagi ng pang uri na nagsasaad ng dahilan ng pagkakaganap ng kilos pandiwa
-Pananda (dahil, dahil sa)
Halimbawa: Yumaman si Ida dahil sa sipag at tiyaga.
Kaganapang Direksyon
-Bahagi ng panaguri na nagsasaad ng direksyon sa pandiwa.
-Pananda (sa, kay)
Halimbawa: Nagtatanong si Lisa kay Jun.
Pumunta sa Paaralan si Kris.
ASPEKTO NG PANDIWA
-Ang aspekto ng pandiwa ay nagpapahayag kung kailan naganap o nangyari ang isang
kilos o galaw. Inilalarawan nito kung ang kilos ay naganap na, magaganap pa lamang o
kung ipagpapatuloy pa ang kilos na kasalukuyang ginagawa.
Aspektong pangnakaraan o perpektibo
-Ito ay nagsasaad ng isang kilos na kung saan na ito ay tapos na, o naganap na.
Ginagamitan din ito ng mga panlaping na, nag, um, at in.
Halimbawa: Kanina ikinasal ang kaibigan kong taga Canada.
Noong 1989 ako ipinanganak.
Aspektong perpektibong katatapos
-Ang aspektong ito ng pandiwa ay nagsasaad ng kilos na sandali lamang pagkatapos ito
ginawa.
Halimbawa: Kalalabas ko lang ng Ospital.
Aspektong pangkasalukuyan o imperpektibo
- Ito ay pandiwang kasalukuyan mong ginagawa o present sa Ingles
Halimbawa: Si nanay ay nagsasaing ng kainin
si juan ay nagbabasa ng libro
Aspektong panghinaharap o kontemplatibo
-ito ay nagpapahayag na ang kilos ay hindi pa nasisimulan o naisasagawa. Ito ay
gagawin pa lamang. Tintawag din itong panahunang panghinaharap o aspektong
magaganap.
Halimbawa: Magluluto kami ng adobo bukas
Maglalaba ako sa susunod na linggo
THANKYOU

You might also like