You are on page 1of 15

PANG-ABAY

INIHANDA NI: AIRON ESTRADA


PANG-ABAY
Ang pang-abay ay bahagi ng
pananalita na nabibigay turing sa
pandiwa, pang-uri o sa iba pang pang-
abay.
MGA URI NG PANG-ABAY
1. PANG-ABAY NA PAMANAHON
2. PANG-ABAY NA PANLUNAN
3. PANG-ABAY NA PAMARAAN
4. PANG-ABAY NA PANG-ABAM
5. PANG-ABAY NA PANANG-AYON
6. PANG-ABAY NA PANANGGI
7. PANG-ABAY NA PANGGAANO O
PAMPANUKAT
8. PANG-ABAY NA PAMITAGAN
PANG-ABAY NA PAMANAHON
Ang pang-abay na pamanahon ay isang uri ng pang-abay na
nagsasaad kung kailan naganap o magaganap ang kilos na
taglay ng pandiwa. Ito ay tumutulong sa atin na maipakita
kung kailan naganap o magaganap ang isang pangyayari, kung
ito ay nangyayari sa kasalukuyan, sa nakaraan, o sa
hinaharap.
Halimbawa:
1. Sa susunod na linggo ay magkakaroon ng bakasyon sa
paaralan.
2. Tuwing linggo ay nagsisimba kami ng aming pamilya.
MAY 3 PANGKAT ANG PANG-ABAY
NA PAMANAHON
1. Pang-abay na Pamanahon na May Pananda
Ito ay gumagamit ng mga katagang nagbibigay tanda o
marka upang ipakita ang pamanahon . Ito ay ginagamitan ng
mga panandang nang, sa, noon, kung, kapag, tuwing, buhat,
mula, umpisa, o hanggang.
Halimbawa:
1. Alam mo ba kung bakit nawala si Carmen?
MAY 3 PANGKAT ANG PANG-ABAY
NA PAMANAHON
2. Pang-abay na Pamanahon na Walang Pananda
Ito ay ginagamitan ng mga panandang kahapon, kanina, ngayon,
mamaya, bukas, sandali, at marami pang iba.
Halimbawa:
1. Kahapon, nagkita kami ng aking mga kaibigan sa mall.

3. Nagsasaad ng Dalas
Ginagamitan ng mga salitang nagsasaad ng dalas katulad ng araw-
araw, taon-taon, tuwing, oras-oras, linggo-linggo.
Halimbawa:
1. Tuwing Agosto ay ipinagdiriwang natin ang buwan ng wika.
PANG-ABAY NA PANLUNAN
Tumutukoy sa pook na pinangyarihan o pangyayarihan ng kilos
sa pandiwa. Karaniwang ginagamit ang pararilang sa at kay.
Sa - ay ginagamit kapag ang kasunod ay pangngalang
pambalana o panghalip.
Kina/kay - ay ginagamit kapag ang kasunod ay pangngalang
pantanging ngalan ng tao.
Halimbawa:
1. Nakatira si Maria sa tabi ng ilog.
2. Nagpunta sila kina Ana upang ipagdiwang ang kaarawan.
PANG-ABAY NA PAMARAAN
Naglalarawan kung paano naganap, nagaganap, o magaganap
ang kilos na ipinahahayag ng pandiwa.
Ginagamit ang panandang "nang" o "na/-ng"

Halimbawa:
1. Si Jonel ay tumakbo nang mabilis.
2. Mataimtim siyang nagdasal para sa nalalapit niyang board
exam.
3. Sinagot ni Juan ang kaniyang Nanay nang mahinahon.
PANG-ABAY NA PANG-AGAM
Nagbabadya ng di-katiyakan sa pagganap sa kilos ng pandiwa.
Ginagamitan ito ng mga pariralang marahil, siguro, tila, baka,
wari, at iba pa.

Halimbawa:
1. Bukas pa siguro ang dating niya mula sa Cebu.
2. Baka sa susunod na linggo ay makapagbayad na ako ng
utang.
PANG-ABAY NA PANANG-AYON
Nagsasaad ng pagsang-ayon tulad ng oo, opo, tunay,
sadya, talaga, syempre, at iba pa.

Halimbawa:
1. Tunay ngang tama ang iyong hinala tungkol sa
kanyang ugali
2. Syempre ibibili kita ng pasalubong pag-uwi ko galling
sa Baguio.
PANG-ABAY NA PANANGGI
Nagsasaad ng pagtanggi o hindi pagsang-ayon. Tulad ng
hindi/di at ayaw.
Sa salitang ugat na tanggi, ang ibig sabihin nito ay
pagtutol o hindi pagpayag.

Halimbawa:
1. Hindi mabuti ang pakiramdam ko kaya hindi ako
makakasama sa inyo.
2. Ayaw ko sa kanya dahil mayabang ang kanyang ugali.
PANG-ABAY NA PANGGAANO
O PAMPANUKAT
Nagsasaad ng timbang o sukat, sumasagot sa tanong
na gaano o magkano

Halimbawa:
1. Nadagdagan ang timbang ko ng apat na kilo.
2. Umiinom ako ng walong basong tubig araw-araw.
PANG-ABAY NA PAMITAGAN
Nagsasaad ng paggalang. Gumagamit ito ng mga
katagang po, ho, opo, oho, pasintabi, maaari at
mawalang-galang.

Halimbawa:
1. Ano po ang bibilhin n'yo sa mall?
2. Opo Mrs. Dela Cruz, nakikinig po ako sa lahat ng
iyong sinasabi.
KONKLUSYON
Ang pang-abay ay bahagi ng pananalitang nagbibigay-
turing sa pandiwa, pang-uri o kapwa pang-abay.
Mahalagang pag-aralan natin ang pang-abay dahil
nagbibigay ito ng kaliwanagan sa tao upang mas
mauunawaan ang bawat pangyayari at kaisipan at
maipahayag ng tama ang kaisipang nais na mabigyan ng
pansin.
MARAMING SALAMAT
SA PAKIKINIG
ESTRADA, AIRON B.

You might also like