You are on page 1of 1

GUHIT NA NAGHIHIWALAY

DIRETSAHAN
Ni: Christian Mark A. Ayala

Sa patuloy na pagkakaroon ng mga isyung kinasasangkutan ukol sa relasyon ng estado at


simbahan o anumang denominasyong pangrelihiyon tila nalilimutan na yata ng nakakarami ang Artikulo
II Seksyon 7 ng 1978 Konstitusyon na tuwirang naghihiwalay sa dalawang panig. Ayon dito “Hindi dapat
labagin ang paghihiwalay ng simbahan at ng estado”.

Gayunpaman, matutunghayan sa nakaraang insidente sa bansa ang panunuligsa at matinding


impluwensya ng simbahan sa estado mula sa pagpapatupad ng batas hanggang sa panahon ng eleksyon.
Isang halimbawa na ang isinagawang rally ng INC sa harap ng DOJ at nakarating sa EDSA. Na nagbigay ng
pahirap sa maraming mamamayan. Ang kanilang ipinaglalaban ay ang pangingialam ng DOJ sa isang
miyembro na nagsampa ng kaso laban sa ilang mataas na opisyal ng INC. At sinasabi nilang ang
problemang iyon ay “internal problem” daw at di dapat pakialaman ng estado. Aba teka! Tila yata
nakakalimutan nyo na ang inyong miyembro ang lumapit sa DOJ, nagreklamo, kaya dapat lamang
aksyonan ito. Tapos ang hiling pa ay magresign si Sec. De Leima na sa aking tingin ay ginagampanan lang
ang sinumpaang tungkulin. Eh di wow!

Wag nating baluktutin ang kahulugan ng “Seperaston ng Simbahan at Estado”. Una sa lahat, ang
simbahan ang nakatira sa loob ng estado, hindi ang estado ang nagsusumiksik sa simbahan. Ang batas ng
simbahan ay hindi sakop lahat ng mamamayan ng bansa. Ang batas ng bansa sa kabilang banda ay
sumasakop sa lahat ng mamamayan kahit may pinaniniwalaang ka mang Diyos o wala. Oo! Sabihin na
nating may “religous freedom”, pero ang kalayaang iyon ay function na ng estado hindi ng simbahan.
Tsaka anong klaseng religous freedom ang pinag-uusapan natin kung mismong mga religous groups, sila
mismo sumusuway sa batas meron sila. Eh di wow uli!

Sa mga pagkakataong nagtutunggali ang mga pinaninindigan ng estado at simbahan, mayroon


pa nga bang linyang nagtatakda ng malinaw na naghihiwalay ng dalawang panig na ito? Kung patuloy
ang pangingialam ng simbahan sa kilos ng estado, anong hinaharap meron tayo? Kung di malinaw ang
guhit na iyon para sa lahat,baka panahon na para linawin ang guhit na iyon.

You might also like