You are on page 1of 1

Gawain 3

1. Mag-interbyu ng isang miyembro ng komunidad ng LGBTQ. Alamin ang mga karaniwang hirap at sakit
na kanyang nararanasan.
Ayon sa aking nainterbyu na miyembro ng komunidad ng LGBTQ, ang mga karaniwang hirap at
sakit na kanyang nararanasan niya ay diskriminasyon, bullying dahil sa kanilang kasarian, at ang mas
malala pa ay sa mga pisikal na pananakit. Ang kadalasang sinasabi daw nila ay “SALOT DAW SILA SA
LIPUNAN”. Halos lahat ng miyembro ng LGBTQ ay nakararanas ng hindi patas na pagtrato dahil sa
kanilang pagkilos, na nagiging sanhi ng kanilang depresyon at iba pa

2. Magsaliksik tungkol sa SOGIE Bill at iba pang mga kaugnay na babasahin mula sa mga
mapagkakatiwalaan, makabuluhan at kapaki-pakinabang na sanggunian. Pagkatapos, sumulat ng isang
akademikong sanaysay gamit ang mga datos at impormasyong iyong nakalap.
Ang ibig sabihin ni Sogie ay sekswal na Orientasyon at Pagpapahayag ng Pagkilala sa Kasarian.
Tinatawag din itong anti-descrimination bill. Ang panukalang batas na ito ay ipininalabas ng phillipine
kongres upang mapagbigyan ang anumang mga kilos sa descriminasyong ito ay nauugnay sa pang-
ekonomiya o pampublikong akomodasyon laban sa mamamayan batay sa bias ng kasarian.
Matunog ang SOGIE BILL o Sexual Orientation gender identity and expression Bill dahil sa inggay na
ginawa ni Gretchen Diaz kung saan ay hindi siya pinapasok ng isang security guard sa banyo ng mga
babae kahit sa isa na siyang transgender woman. Dahil sa isyung iyon ay maraming mamamayan ang
nabulabog sa sa usaping discrimination na nagyayari sa ating bansa. Ipinagsisigawan ng mga ito na dapat
na isakatuparan ang SOGIE bill upang matigil na ang pagkakaroon ng diskriminasyon dito.
Ang Sexual Orientation ay may paliwanag nakung saang kasarian ka nagkakagusto (Romantik man o
seksual) homosexual: same gender; heterosexual: opposite gender; bisexual: both genders; pansexual: all
genders; and asexual: no attraction. Ang gender identity naman ay ikaw ang kumilala ng sarili mong
kasarian hindi ito nakabase sa kasarian mo ng pagkapanganak. Sa madaling salita, hindi ang mga
maselang bahagi ng iyong katawan ang masasabi ng iyong Karapatan bagkus kung ano ang tingin mo sa
sarili mo ay puwede mong isabuhay. At ang panghuli ay ang Expression. Ito ay kung paano mo gusting
ipakilala ang iyong sarili sa ibang tao.
Ang nilalaman ng panukalang ito ay ang pagbibigay respeto sa bawat kasarian ng ating makakasalamuha.
Tinutulungan tayo nito na makamit ng bawat tao ang pantay pantay na trato ano man ang kasarian nito
sapagkat hindi lamang ito sa mga miyembro ng LGBTQ community. Kagaya ng lamang na hindi na
pwedeng mamili ng mga aplikante base sa kasarian ang mga kumpanya lalo’t na kung hindi naman ito
makakaapekto sa trabahong papasukan. Maaaari rin itong gamitin ng mga kalakihan upang maprotektahan
nila ang kanilang pagkalalaki.

You might also like