You are on page 1of 5

Flow:

Intro: Tungkol sa mga problema at issues.

· Gender Norms and Roles

· Gender Discrimination

· Sexism and Misogyny

Mid: Programa at Pagdiriwang

· Awareness Days

· Same-sex Marriage

· SOGIE Bill

End: Pagtanggap

· Gender Equality

· Gender Neutrality

NOTE: Pwede po kayong magbasa sa video pero huwag niyo pong ipahalata. Thanks.

DEADLINE: March 01, 2022, 12 midnight.

Pagkakapantay-pantay Para sa Lahat

INTRO:

STEPHANIE: Sabi nila, upang matutuhan mong mahalin ang iyong sarili,
kailangan mo muna itong mahanap, mahanap ang totoong ikaw. Matutuhan ang
iyong mga nais. Gumalaw, magsalita, at manamit nang iyong ninanais. (VOICE
OVER)

STEPHANIE: Dahil sa kagustuhan na mahanap ang sarili, sa kalagitnaan ng


iyong paghahanap, bigla nang mag-aalinlangang alamin ang totoo dahil mayroon
nang pagdududa na nabubuo na nagsasabi sa iyo na parang mayroong mali.
Ipagsasawalang bahala mo ito, magpapatuloy ulit sa paghahanap, at tatanungin ulit
ang sarili kung “anong nga ba ang mga nais ko”. May kamalian ba sa iyo? Wala, mali
ito, dahil ito ang sinasabi ng lipunan. Tumanim na ito sa isipan ng mga tao kung
kaya’t bakit hindi natin itanong sa ating isipan? “Papaanong naging mali ito?”(VOICE
OVER)
STEPHANIE: Marami nang mga tao ang nahihirapan dahil sa mga masasakit
na salita, pangmamata, hindi pantay na pagtrato, at hindi pantay na opurtunidad na
ibinibigay. Tila, nadaragdagan din ang mga kaso ng karahasan at ilegal na
prostitusyon ukol dito. (VOICE OVER)

STEPHANIE: Ang diskriminasyon ay nangyayari dahil sa hindi pagtanggap at


pang huhusga. Mabubuwag ang diskriminasyon pagdating sa mga pagkakaiba-iba
ng kasarian kung ang bawat isa ay magbibigay ng paggalang at respeto sa mga
kasarian. (VOICE OVER)

STEPHANIE: Buksan natin ang ating mga mata sa tunay na kamalian sa ating
lipunan. Hindi natin dapat na hilain pababa at sirain ang kumpiyansa sa sarili ng
mga tao. Kailangan na nating tapusin ang mga norms, roles, stereotypes, sexism,
feminism, at misogyny sa ating bansa at sa buong mundo. (VOICE OVER)

STEPHANIE: Ang mga iniatas ng lipunan na ikaw! Ang idinikta ng lipunan na


iyong suotin! Ang idiniklara ng lipunan na iyong gawin! Ang pagtanggi ng lipunan sa
iyong mga kakayahan! Ang pagkontra ng lipunan sa iyong nais na ibigin! Ang
pagbasura ng lipunan sa iyong opinyon! Ang lahat nang iyon ay dapat nang tapusin.
(VIDEO)

MID:

TORRES: (ALT: IRA) Ang lahat ay nagnanais ng kalayaan, ngunit bakit natin
ipinagkakait sa mga tao ang kalayaan na tumindig bilang tunay na sila sa lipunan.
Na wala nang pangamba at takot. Oo, lahat tayo ay iiba, ngunit pare-pareho nating
kailangan ng pantay na suporta ng bawat isa. (VOICE-OVER)

TORRES: (ALT: IRA) Mas ipatibay pa natin ang mga batas na nagpoprotekta sa
mga taong minamaliit at hinaharass dahil sa kanilang gender. Bigyan natin ng
pansin ang mga isyung pangkasarian upang mas mamulat tayo sa mga totoong
nangyayari sa ating lipunan at kung gaano natin kailangan itong masolusyonan.
(VOICE-OVER)
IRA: Ang pagsasabatas ng same-sex marriage ay magbibigay ng pantay na
karapatan sa mga same sex couples, parehong karapatan na natatamasa ng mga
heterosexual couples na kasal. Sa pamamagitan ng batas na ito, mas magiging
katanggap-tanggap sa lipunan ang mga same-sex couples, na magiging daan
upang mabawasan ang nangyayaring diskriminasyon sa kanila. (VOICE-OVER)

IRA: Ang pagsasabatas rin ng SOGIE Bill o Anti-discrimination Law ay


makakatulong upang mabuwag ang diskriminasyon sa iba't-ibang kasarian. Ang
batas na ito ay magiging daan upang maiwasan ang diskriminasyon sa mga
kasarian. Ipinagbabawal ng batas na ang diskriminasyon pagdating sa anumang
aspeto ng pagtatrabaho, sa eskwelahan, sa pamayanan, o sa lipunan. May nararapat
na kaparusahan sa mga taong lalabag sa nasabing batas. (VOICE-OVER)

IRA: Sa patuloy na paghahanap ng kalayaan, marami na ring taong


matapang na naipapahayag ang kanilang sarili. Dumating ang ilang taon at
nagkaroon na rin tayo ng mga pagdiriwang na kumikilala sa mga taong lumalaban
para makuha ang equality at pantay na pagtanggap ng lipunan at mga pagdiriwang
bilang kamalayan sa mga isyung dapat nating bigyan ng pansin. (VIDEO)

· No Name-Calling Week, (ika-3 linggo ng Enero)

· Aromantic Awareness Week, (buong linggo pagkatapos ng ika-14 ng Pebrero)

· Isa rin sa kilalang kaganapan ay ang International Women’s Day tuwing ika-8 ng
Marso,

· sa ika-31 naman ng Marso ang International Transgender Day of Visibility.

· Isa namang sexual assault awareness month ang Abril na iginugunita bilang
aksyon upang maipalaganap ang kamalayan sa epekto ng harassment sa mga
LGBTQIA+, ito ay itinatawag na Day of Silence.

· Sa ika-26 rin ng Abril iginugunita ang Lesbian Visibility Day

· Sa ika-17 ng Mayo, ito ang “International Day Against Homophobia, Transphobia,


and Biphobia”

· Isa ring kilalang buwan ang Hunyo dahil ito ay itinaguriang Pride Month

· Sa Hulyo 14 naman ang International Non-Binary People’s Day

· Sa Agosto 9 naman, International Day of the World’s Indigenous Peoples

· Sa Agosto 26 naman ay ang Women’s Equality Day

· Intersex Awareness Day, Octubre 26


· Asexual Awareness Week (huling buong linggo ng Oktubre)

· International Day for the Elimination of Violence Against Women, Nobyembre 25

· International Day of Persons with Disabilities, Disyembre 3

· Human Rights Day, Disyembre 10

(VOICE-OVER)

CHRISTINE: Marami pang paraan ng pagkilala sa naranasan ng mga taong


ito. Sa grupo ng LGBTQIA+, ang mga bandila nila na nakabase sa sexual orientation
ay isang paraan ng pagkilala sa kanila na parte sila ng lipunan. (VOICE-OVER)

OUTRO:

POCHOLO: Ang gender equality para sa lahat ay matagal na nating inaasam.


Kahit ito ay matagal na proseso, dapat na tayong kumilos ngayon kahit na pa-unti-
unti dahil kailangan na ng magandang pagbabago. (VOICE-OVER)

CHRISTINE: Tulad ng “kabataan ang pag-asa ng bayan” simulan na rin nating


sugpuin ang mga kamalian sa lipunan dahil maaari itong maitanim sa isipan ng
kabataan bilang kasapi ng lipunang ito. Habang maaga pa ay turuan na natin ang
ating kabataan ng mga magagandang payo upang sa susunod na henerasyon ay
maputol na ang mga stigma at maling pagiisip. (VIDEO)

POCHOLO: Ngayon ay ipinalalaganap ang terminolohiyang makatutulong sa


pagbibigay ng ideyang dapat matutuhan nating maging gender blind at gender
neutral upang makamit natin ang equality na ating ninanais. Maaari nating gamitin
ang mga terminolohiyang mayroong “person” o “people” imbis na “man” o “woman”.
Halimbawa ay “congressperson” imbis na “congressman”. (VOICE-OVER)

CHRISTINE: Mas ipinahayag naman ng LGBTQIA+ na ang pagnanais ng isang


tao na matawag sa kaniyang nais na panghalip o pronouns ay isang malaking
respeto. Sa ganitong paraan, maaari tayong magtanong, at kung magkamali man,
atin na sanang tandaan ang kanilang panghalip o gumamit ng gender neutral na
salita. (VOICE-OVER)
ALL: Marami pa tayong dapat na matutuhan upang maging handa sa mga
pagbabago ngunit ang pagbabagong ito ay maaari na nating simulan nang paunti-
unti hanggang sa makamit na natin ang equality o pagkakapantay-pantay para sa
lahat. Kailangan na nating umusad bilang iisa! Wala nang dapat na mahuli’t
magtago at wala nang dapat na nahaharrass at nadidiskrimina dahil dito. Tandaan
na tayong lahat ay magkakaiba ngunit pare-pareho tayong nais ng kalayaan at
suporta. Pare-pareho tayong nagnanais “gender equality”! (VIDEO)

#KalayaanAtGenderEquality

You might also like