You are on page 1of 15

PANIMULA

Isa itong pagaaral o isyu na dapat bigyang pansin sa ating lipunan kanya-
kanyang opinyon, kanya-kanyang pinaglalaban. Ano nga ba ang LGBT?-Ang LGBT ay
inisyal na nagsasamang tumutukoy sa mga taong “lesbiyan, bakla, biseksuwal, at mga
transgender”.Ang katagang LGBT ay inilaan upang bigyang-diin ang pagkakaiba-iba ng
pagkakakilanlan base sa seksuwalidad at pangkasariang kultura na kung minsan ay
ginagamit upang tingnan ang kahit sino na hindi heterosekswal sa halip na eksklusibo sa
mga tao na homoseksuwal, biseksuwal at transgender. Ang panliligalig sa sekswal at
dahil sa kasarian ay mga uri ng diskriminasyon. Nakakasakit ito sa karangalan ng isang
tao, nararamdaman nilan na hindi sila ligtas, at ipinipigilan sila na maabot ang kanilang
buong kakayanan.

Ang sekswal na panliligalig o pang-aasar ng isang tao dahil sa kanilang


kasarian, o sekswal na oryentasyon ay hindi tinatanggap. Ito’y labag sa batas. Kung
yung mga pangit o lampa, at minsan yung mga may kapansanan ay binu-bully, sila
(LGBT) ay nakakaranas din ng ganoon. Kung yung mga kababaihan na ilang daang taon
nang pinaglalaban ang pagkakaroon ng pantay na karapatan ay napagkakaitan pa rin,
mas lalo na sila na unti-unti pa lang natatanggap ng lipunan. Kung ang "straight" ay
naloloko sa relasyon at paulit-ulit na nasasaktan at nate-take for granted, ganun din sila.
Kung yung mga Pinoy at Asians ay nakakatanggap pa din ng pambu-bully ng mga
racists sa modernong daigdig na ito, ganun din sila. ano ang "bottom line" nito? Tao rin
sila. Kagaya natin, nasasaktan, may nararamdaman, may pinaglalaban. Tao rin sila na
kailangan nating irespeto tulad din ng nais natin na irespeto tayo bilang tao.

1
KAUGNAY NA PAG-AARAL AT LITERATURA

Sa panahon ngayon karamihan sa atin ay hindi tanggap ang mga LGBT. Lagi
silang may nasasabing hindi maganda kahit hindi naman nila ito kilala. Sa tuwing sila’y nakikita
matinding diskriminasyon ang kanilang nararanasan sa ibang tao. Ayon kay Kerwin Ray
Marbella (2017), madami na siyang nakasalamuha na mga LGBT na nakakaranas ng matinding
diskriminasyon mula sa kapwa nila. May mga nakakasalamuha rin siyang LGBT na takot
maging totoo sa sarili nila dahil takot silang madiskrimina ang kanilang personal na pagkatao.

Hindi nya maipagkakaila na may LGBT na may respeto, may pakikitungo sa


kapwa at mabuting asal. At, meron namang walang respeto, mahirap pakitunguhan at may
masamang asal. May makasalamuha man tayo na mga ganitong LGBT, napakahalaga parin na
bigyan natin sila ng maayos na pakikitungo at respeto dahil di natin alam ang pinagdadaanan
nila.

Madaming LGBT na dumadanas ng matinding depresiyon dahil sa mga taong


nang huhusga sa kanila. Marami rin ang dumadanas ng matinding kalungkutan dahil sa
pakiramdam na walang tumatanggap sa kanila. Kaya upang makatulong sa kanila, imbis na sila’y
husgahan natin, pakitaan natin sila ng pagmamahal at pag-aalala. Sa ganon ay matutulungan
natin sila dahill mararamdaman nila na may karamay sila.

Sa mundo natin, hinding-hindi mawawala ang diskriminasyon, mapa-LGBT ka


man o hindi, kaya para sa kanila matuto sana tayo para ipaglaban ang sarili natin at tumayo sa
sarili nating paa. At para naman satin, matuto tayong rumespeto ng kahit anong personalidad ng
isang tao.

Ayon naman kay Miko Obtinario (2017), isang napakahalagang aspekto sa buhay
ang naaapektuhan nang dahil sa pang aalipusta sa ating LGBT community. Ito ay ang edukasyon.
Karamihan sa mga baklang mag aaral ay hindi na pumapasok sa eskwela dahil sa matinding pang
iinsulto na natatanggap ng mga ito. Pagkawala ng pinag aralan hanggang sa pagkawala ng

2
trabaho. Ito ang madalas na sinasapit ng LGBT. Dahil sa panunukso ng marami ay buong buhay
ng  tao ang nasisira, massging ang pamilya nito.”

TEORITIKAL NA BALANGKAS

Sa mga nakalipas na panahon, hindi bukas ang mga talakayan tungkol sa homo-
sekswalidad-sekswal na atraksyon sa mga tao ng sariling kasarian- kay’t ito ay bawal. Ang mga
kalalakihan at kababaihan na may homoseksuwal na oryentasyon ay tinutukoy bilang gay,
habang ang terminong lesbian ay tumutukoy sa mga kababaihan lamang Ang Homoseksuwalidad
ay inuri bilang isang sakit sa pag-iisip hanggang 1973, nang alisin ng American Psychiatric
Association ang "homosexuality" mula sa Diagnostic and Statistical Manual of Mental
Disorders. Pagkalipas ng dalawang dekada, ang bias at diskriminasyon laban sa mga gays at
lesbians ay umiiral pa, ngunit ang sekswal na oryentasyon ay tinalakay nang mas bukas at may
pagtanggap. Ang Amerikanong manunulat na si Alfred C. Kinsey ay nagsagawa ng malawak na
mga survey sa sekswal na pag-uugali noong 1950s, at tinatayang na ang humigit-kumulang 4%
ng mga lalaki at 3% ng mga babae ay eksklusibo na homosexual; gayunpaman, nalaman ng
kanyang pagsasaliksik na 37% ng mga lalaki at 28% ng mga kababaihan ang nagkaroon ng ilang
sekswal na karanasan sa isang tao ng kanilang sariling kasarian. Ang karamihan sa mga
mananaliksik noong dekada ng 1990 ay tinantiya ang porsyento ng populasyon na may
homosekswal na oryentasyon sa tungkol sa 5%, habang kinikilala na ang pagtatantya ay batay sa
mga pagpapakitang-kita, hindi mga estadistika. Ang apat na sangkap ng sekswalidad ng tao ay
biological sex, pagkakakilanlan ng kasarian (ang sikolohikal na kamalayan ng pagiging lalaki o
babae), sekswal na oryentasyon, at papel ng panlipunang kasarian (pagsunod sa mga kaugalian
sa kultura para sa feminine at panlalaki na pag-uugali). Ang orientasyong sekswal ay tumutukoy
sa pangmatagalang emosyonal, romantiko, sekswal, o mapagmahal na damdamin ng
pagkahumaling sa mga indibidwal ng isang partikular na kasarian. Ang oryentasyong sekswal ay
maaaring o hindi maaaring ipakita ng mga indibidwal sa kanyang pag-uugali, dahil ang mga
damdamin ng pagkahumaling ay maaaring repressed o hindi pinansin para sa anumang bilang ng
mga kadahilanan. Ang tatlong sekswal na orientations ay karaniwang kinikilala: homosexual,
atraksyon sa mga indibidwal ng sariling kasarian; heterosexual, akit sa mga indibidwal na

3
kabaligtaran kasarian; bisexual, atraksyon sa mga miyembro ng alinmang kasarian. Sa
pamamagitan ng kasaysayan, ang iba't ibang mga teorya ay iminungkahi tungkol sa pinagmulan
at pag-unlad ng oryentasyong sekswal. Naniniwala ang maraming siyentipiko na ang
oryentasyong sekswal ay hugis para sa karamihan ng mga tao sa isang maagang edad sa
pamamagitan ng mga kumplikadong pakikipag-ugnayan ng biological, sikolohikal, at sosyal na
mga kadahilanan. Sa karamihan ng mga kaso, ang oryentasyong sekswal ay lumilitaw para sa
karamihan ng mga tao sa unang pagbibinata nang walang anumang naunang sekswal na
karanasan. Maraming mga ulat na naitala sa pamamagitan ng mga tao recounting mga pagsisikap
upang baguhin ang kanilang mga sekswal na oryentasyon mula sa homosexual sa heterosexual
na walang tagumpay. Para sa mga kadahilanang ito, naniniwala ang mga psychologist na ang
oryentasyong sekswal ay hindi isang nakakamalay na pagpipilian na maaaring boluntaryong
nagbago.

Bilang karagdagan, ang siyentipikong pananaliksik na higit sa 30 taon ay


nagpapatunay na ang homosekswal na oryentasyon ay hindi nauugnay sa emosyonal o sosyal na
mga problema. Batay sa pananaliksik na isinagawa noong dekada ng 1960, ang mga
psychologist, psychiatrist, at iba pang mga propesyonal sa kalusugan ng isip ay nagpasiya na ang
homoseksuwalidad ay hindi isang sakit, sakit sa isip, o emosyonal na problema. Ang proseso ng
pagkakakilanlan ng pagkakakilanlan para sa mga lesbians at gay na lalaki, kadalasang tinatawag
na "paglabas," ay natagpuan na malakas na nauugnay sa sikolohikal na pagsasaayos. Ang pag-
usapan ang sekswal na oryentasyon ay isang tanda ng positibong kalusugan sa isip at malakas na
pagpapahalaga sa sarili para sa isang gay na lalaki o lesbian. Sa isang 1989 na pambansang
survey, halos kalahati ng mga taong gay at lesbian na sinuri ay iniulat na ang target ng ilang uri
ng diskriminasyon o karahasan sa panahon ang kanilang buhay. Ang mahalagang proteksyon
mula sa diskriminasyon at at karahasan para sa gay at lesbian na tao ay mahalaga. Ang ilang mga
magulang na may kapansin-pansin ay naghanap ng therapy upang tulungan ang kanilang anak na
baguhin ang kanyang oryentasyong sekswal, lalo na kapag ang pagpasok sa homoseksuwalidad
ay tila nagdudulot ng malaking sakit sa emosyon ng bata. Sa katunayan, nagkaroon ng mga ulat
ng mga kaso kung saan matagumpay ang naturang therapy; gayunpaman, maraming mga
kadahilanan sa mga ulat na ito ang nagiging sanhi ng mga sikologo na tanungin ang mga resulta.
Una, wala sa mga kaso na ito ang naiulat sa pamamagitan ng mga mananaliksik sa kalusugan ng
mga layunin sa isip; sa halip, marami sa mga ulat tungkol sa sekswal na oryentasyon na binago

4
sa pamamagitan ng therapy ay nabuo sa pamamagitan ng mga organisasyon na ideolohikal na
sumasalungat sa homosekswal na oryentasyon. Bilang karagdagan, ang mga ulat ay hindi
pinapayagan para sa isang makatotohanang follow-up na panahon.

PAGLALAHAD NG SULIRANIN

Ang mga sumusunod na katanungan na ito ay nais matugunan ng mga


mananaliksik.

1. Ano ang mga iba't ibang kasarian na nakapaloob sa LGBTQ?

2. Ano ang mga epekto ng diskriminasyon sa mga LGBTQ?

3. Paano maiiwasan ang pagdidiskrimina sa ating komunidad?

4. Anong nangyayari sa mga taong nadidiskrimina dito?

5. Nakakabawas ba ng tiwala sa sarili kung lagi silang nadidiskrimina?

5
HAYPOTESIS

Ang pag aaral na ginawa sa pananaliksik na ito ay mahalaga para mas


maintindihan o maunawaan at mas mapalawak ang kaalaman tungkol sa diskriminasyon ng mga
LGBT sa eskwelahan dahil sa kanilang oryentasyong sexual at identidad sa kasarian na nagiging
dahilan sa nangyayaring pagdiskrimina sa mga LGBT sa komunidad na nakakaranas ng pisikal
na abuso, pasalitang harassment, atakeng sexual at cyber bullying na nagdudulot ng depresyon at
nakakabawas ng tiwala sa kanilang sarili. Halos sa mga estudyanteng LGBT sa Pilipinas ay
kadalasang target ng pangungutya at naaabuso sa paaralan.

6
KAHALAGAHAN NG PAG AARAL

Ang pag-aaral na ito ay napakahalaga sa kadahilanang ito ay pwedeng maging


patnubay at gabay ng mga tao sa mga LGBT. Sa pananaliksik na ita, mas mauunawaan ng mga
tao ang mga LGBT at mas maiintindihan ang mga bagay na nauugnay dito.

Magsisilbi rin itong gabay at makaktulong sa mga sumusunod:

Sa mga kabataan- makaktulong itong mas maunawaan nila ang mga ka-edad nila na kabilang sa
LGBT at maiwasang apihin ang mga ito.

Sa mga magulang- makakatulong ito sa mga magulang upang maintindihan nila ang kanilang
mga anak at tanggapin ang mga ito at upang mas mapalapit sila sa kanilang mga anak

Sa komunidad- mahalagang malaman nila ang usaping ito upang maging alerto sa ganitong
uring pakikipagrelasyon at pakikipagtalik.

Sa pinuno ng Pamahalaan- mahalaga upang malaman nila ang epekto nito sa ating bansa at ang
mga sakit ng idinudulot nito.

7
SAKLAW AT DELIMITASYON

Ang pagaaral na ito ay tungkol sa pagdidiskrimina sa mga LGBT (lesbian, gay,


bisexual, transgender). Tinatalakay sa pagaaral na ito kung paano nakakaapekto sa mga LGBT
ang pagkukutya sa kanila at kung paano nila ito nalaampasan sa tulong ng mga magulang,
kaibigan, guro at mga taong sumusuporta sa kanila . Karamihan sa mga respondante ng aming
pananaliksik ay mga estudyante.

8
METODOLOHIYA NG PAG-AARAL
Sa kabanatang ito gumamit ang mga mananaliksik ng mga talatanungan na
kanilang inihanda at ipinasagot sa mga mag-aaral na nagmula sa Guagua National Colleges,
nakapaloob dito ang mga iba't ibang kasarian ng mga LGBTQ komunidad. Nabuo ang pag-aaral
ng mga mananaliksik dahil sa pamamagitan ng pagsasarbey ng mga katanungan. Ang mga
mananaliksik ay naghanda ng mga katanungan na kaugnay sa kanilang pag-aaral na naglalayon
na makapangalap ng mga impormasyon upang malaman ang magiging epekto na kabilang sa
mga LGBTQ komunidad.

KATANUNGAN:

1. Bilang isang LGBTQ, kanink ka unang nagtapat ng iyong tunay na kasarian?

2. Tanggap ka ba nila?

3. Nahihiya ka ba saiyong kasarian?

4. Naranasan mo na bang makutya o naabuso dahil sa iyong kasarian?

5. Alin sa mga ito ang iyong naranasan?

6. Ano ang naging epekto nito sa iyo?

7. Nalagpasan mo ba ito?

8. Importante ba ang suporta at payo ng igong6mga magulang, kaibigan, at mga taong malapit sa
iyo?

9. May plano ka ba balang araw na magpapalit ng kasarian o “sex change”?

10. Kung makakapili ka kung ano ang iyong kasarian gusto mo bang maging ganap na
lalaki/babae?

9
RESULTA
Sa 50 na katao na aming binigyan at pinasagutan ng aming talatanunganan narito ang
resulta ng aming pagsasarbey.

Kasarian
2%

20%

28% Tomboy

Bakla

Baysekswal

Pansekswal

50%

Sa unang tanong na ito 40% ang sa magulang, 50% sa kaibigan, 6% sa kapatid, 2% sa


sarili, at 2% sa kanyang tito.

Sa ikalawang tanong naman, 12% ang sumagot ng hindi sila tanggap sa kasarian nila at
88% naman ang sumagot na tanggap sila.

10
Sa ikatlong tanong, 10% sa mga LGBT ang nahihiya daw sakanilang kasarian at 90%
naman ang nagsabing hindi daw sila nahihiya.

Sa ika-apat na tanong, 28% ang nagsabing nakaranas na daw sila ng pangungutya ng


dahil sakanilang kasarian at 72% naman ang hindi pa nakaranas

Sa ika-limang tanong, 44% ang pisikal silang inaabuso, 14% ang nakaranas ng pasalitang
harassment, 8% ang nakaranas ng atakeng sexual, 6% ang nakaranas ng cyber bullying, at 28%
ang hindi sumagot dahil hindi pa sila nakaranas.

Sa ika-anim na tanong, 27% ang na depres, 4% ang naisip na magpatiwakal, 36% ang
nakaranas ng pagkawalan ng tiwala sa sarili, 2% ang mas naging matatag, 2% ang hindi na
lamang pinansin, 2% ang naisip na itago na lamang at 27% naman ang hindi sumagot.

Sa ika-pitong tanong,70% ang sumagot ng oo nalagpasan daw nila ito, 2% ang hindi ang
sinagot, at 28% ang mga hindi sumagot.

Sa ika-walong tanong, 98% ang nagsabing importante ang suporta nila, 2% at ang
nagsabing hindi.

Sa ika-siyam na tanong, 14%ang mayroong planong mag pa sex change, at 86% naman
ang wala.

11
At sa ika-sampung tanong, 50% ang nagsabing gusto nilang maging ganap na

lalaki/babae, at 50% din ang nagsabing hindi .

12
KONKLUSYON

Ang LGBTQ ang pagkakilanlan ng iba't ibang kasarian na isa sa mga isyu na
dapat bigyang pansin sa ating lipunan ngayon. At dapat gawan ng hakbang upang matugunan
ang karapatang pantao ng mga sangkot sa LGBTQ. Dahil karamihan ay nakararanas ng malupit
na pagtrato, harrasment mapa-salita o sexual, at diskriminasyon sa eskuwelahan na dapat
bigyang pansin ng mga guro at opisyales lalo na sa sekundaryan paaralan.

13
REKOMENDASYON

Nagsimula ang pananaliksik na ito sa layunin ng mga mananaliksik na ibahagi ang


kanillang mga nakalap na impormasyon sa mga kabilang sa LGBTQ na nakakaranas ng
pagdidiskrimina.

1. Ang mga awtoridad sa mga bawat antas ng gobyerno ay dapat gumawa ng hakbang para
matugunan ang pagiging ligtas, pagka-pantay turing, at pagkaaron ng akses sa edukasyon.

2. Ang bullying at diskriminasyon ay hindi dapat ipagbalewala at dapat bigyang pansin ng mga
guro.

3. Ang mga administrador ng eskuwelahan ay dapat magpatupad ng parusa sa sinomang mang


abuso sa mga sangkot sa LGBTQ.

4. Hindi dapat ang mga guro ang magsimula ng pagturo na ang pagiging LGBTQ ay kasalanan o
di-natural.

5. Dapat silang bigyang respeto at sila'y may karapatang pantao rin lamang tulad natin.

14
Kurikulum Vitae

Name: Honey Rose N. Moncupa


Address: Concepcion, Lubao, Pampanga
Email. rose.jin_01@rocketmail.com
Phone:09192236312

Age: 17
Date and birth: June 1 2000
Sex: Female
Religion: Born Again
Nationality: Filipino
Weight: 60
Height 5’2
Mother's: Rosiel Moncupa
Father's: Jorge Moncupa

Basic Education: Guagua National Colleges


2017-2018
Secondary: Guagua National Colleges
2013-2017
Primary: Lubao Institute
2007-2013

15

You might also like