You are on page 1of 16

Ang homosekswal ay romantikong atraksiyon, atraksiyong seksuwal o gawaing seksuwal sa mga kasapi ng magkatulad na kasarian.

Ito ay bahagi ng katangian o katauhan ng isang tao. Bilang isang seksuwal na arientasyon, tumutukoy ang homoseksuwalidad sa "permanenteng pagnanais na makaranas ng seksuwal, magiliw, o romantikong atraksiyon" pangunahin o natatangi sa mga taong katulad na kasarian. "Tumutukoy din ito sa pagkakakilanlang pampersonal o panlipunan batay sa mga nabanggit na atraksiyon, at mga kilos na ipinapakita nila. Nagmula ang salitang homoseksuwal sa pinagsamang salitang Griyego at Latino, na ang unang bahagi ay hango sa Griyegong salita na homos, katulad kaya nangangahulugang mga kilos seksuwal at pag-ibig sa pagitan ng dalawang kasapi ng magkatulad na kasarian. Isa ang homoseksuwalidad sa tatlong pangunahing kaurian ng oryentasyong seksuwal, kasama nang bisekswalidad at heterosekswalidad. Ang panghuhusga at diskriminasyon laban sa mga taong homoseksuwal at biseksuwal o tinatawag na homopobia gayunman ay nagpapakita ng isang malaking epekto pang-silohikal, at mas lalong nakasisira sa mga batang homoseksuwal at biseksuwal.

Ang karapatang pantao ng mga homosekswal ay magkakaiba sa iba't ibang bansa sa mundo. Kabilang sa karapatang pantao na pinaglalaban ng mga homoseksuwal ang karapatang ihayag ng malaya ang kanilang kalooban o freedom of expression, karapatang sibil na maikasal at makamit ang mga benepisyo na ibinibigay ng estado sa mga kasal na heteroseksuwal at mga anak nito, karapatang mabuhay ng malaya at walang diskiminasyon.

Ang pag-aaral na ito ay mahalaga upang malaman nila ang tungkulin ng bawat taong nakakasalamuha ng mga homosekswal. Sa mga mag-aaral, mahalagang malaman nila ang usaping ito para makaiwas sila sa problema. Sa komunidad, mahalagang malaman nila ang usaping ito upang maging alerto sa ganitong uri ng pakikipagrelasyon at pakikipagtalik. Sa mga alagad ng Simbahan, upang malaman nila na dumarami na ang ganitong uri ng relasyon sa ating. Sa pinuno ng Pamahalaan, mahalaga upang malaman nila ang epekto nito sa ating bansa at ang mga sakit ng idinudulot nito.

Ayon sa mga organisasyong siyentipiko gaya ng "American Psychological Association", American Psychiatric Association, American Counseling Association, National Association of School Psychologists, American Academy of Physician Assistants, at National Education Association. Ang homosekwal na orientasyon ng isang tao ay isang normal na orientasyon at ito ay isang katangian na hindi na mababago. Sa isang pagsasaliksik ng mga siyentipiko, ang sukat ng utak ng mga lalaking homosekswal ay natagpuan na katulad ng sukat ng utak ng mga babaeng heterosekswal. Ang isa pang pagkakapareho ang bilang ng mga nerves na nagdudugtong sa dalawang hemisphere ng utak ng tao ay pareho sa bilang ng mga lalaking homosekswal at babaeng heterosekswal. Ang utak naman ng babaeng homosekswal o lesbiyana ay katulad ng utak ng mga lalaking heterosekswal kung saan ang kanang hemisphere ng utak ay higit na malaki kaysa sa kaliwa.

Homosekswal

Tanggap ng Lipunan Tanggap ng Simbahan

Tanggap ng Pamilya

Inilalahad sap ag aarala na ito ang ibat ibang nararanasan na suliranin ng mga homosekswal na hindi naiiwasan. Diskriminasyon tulad ng harassment, bullying, pagpapahirap at iba pa. Ang ibat ibang uri ng sakit na kanila nakukuha tulad ng STD, STI, at VD na talagang nakaksama sa kanilang kalusugan. Ang pag tanggap sakanila ng mga lipunan. Ang pag tanggap ng kanilang pamilya. Ang pag tanggap ng Simbahan.

Ang isinasagawang pag-aaral ay tumatalakay sa mga homosekswal na kalalakihan at ang kanilang estado sa lipunan. Tinatalakay din sa pag-aaral na ito ang mga pangyayari sa kanilang buhay, malaman nila sa kanilang mga sarili na sila ay mga homosekswal at kung tanggap ba sila ng kani-kanilang mga pamilya. Pagtanggap ng lipunan na nakapalibot sa kanila,at ang pagtanggap nila sa kanilang sarili nilang desisyon. Tinatalakay din sa pag-aaral na ito ang kanilang mga pang-araw-araw na pamumuhay, kung papaano ba sila nakakatulong sa kanilang pamilya at nakaimpluwensya nga ba ang kanilang pagiging homosekswal sa kanilang pang-arawaraw na ginagawa sa kanilang buhay. Ang mga respondente sa aming pananaliksik ay karamihang mga estudyante. Iniayos namin ang mga datos ayon sa dalawang pangkat. Ang una ay ayon sa age bracket ng mga sumagot sa aming sarbey. Ang unang grupo ay mga may edad 13 15. Ang pangalawang grupo ay edad 16 19. Ang pangalawang pangkat ay ayon sa kasarian ng mga respondente. Karamihan sa aming mga napagkuhanan ng impormasyon ay mga estudyante sa Samar State University.

KABANATA II
KAUGNAY NA LITERATURA AT PAG-AARAL

Kaugnay na Literatura at Pag-aaral

Ayon sa mga siyentipiko at sa pagkakaunawang medikal, ang oryentasyong seksuwal ay hindi pinipili, bagkus ay isang komplikadong pagsasama ng mga dahilang biolohikal at pangkapaligiran. Bagamat mayroon pa rin naniniwala na ang mga gawaing homoseksuwal ay "hindi natural" ipinapakita ng mga pagsasaliksik na ang homoseksuwalidad ay isang halimbawa ng normal at natural na kaurian ng seksuwalidad ng tao at hindi ng isang epekto ng negatibong pag-iisip. Ang depinisyon ng homosekswalidad ay maraming interpretasyon. Ito ay maaaring batay sa kaalaman ng nakararami o galing sa siyentipikong pag-aaral. Subalit ang karamihan ng interpretasyong ito sa tunay na depinisyon ng homosekswalidad ang nagbibigay ng maraming pananaw sa mga tao sa ibang bansa(Stryker 2006). Para sa isang bansa gaya ng Romano saklaw sa kapangyarihan ng simbahang katoliko,itinuring ang homosekswalidad na isang sakit kaya naman ginawan ng karapatang solusyon ito sa pagtatalaga ng isang batas ng nag-uutos na ang lahat ng kalalakihan makikitaan ng pagsasagawa ng homophobic acts ay sumailalim sa mga pagsusuri at therapy.

Sa kabanatang ito Ang mga pamamaraang ng pangangalap ng isang datos ay nagsisimula sa paggawa ng mga talatanongan at sinundan ito ng pagsususurvey upang maiwasto ang aming ginagawang pag-aaral patungkol sa homosekswal. Personal namin itong kinalap sa Samar State university upang matugunan ang aming hinahanap na mga kasagutan at upang malaman naming kong ilang persentahi ang tumatanggap sa mga homosekswal sa ating lipunan. Ang desinyo ng pag-aaral Na aming ginamit ay deskriptibo- analitik dahil naaayon ito sa ibang mga studyanting may kapareho nitong pamumuhay. Maaaring maraming mga masasamang epikto ito sa kanila tulad ng kanilang kalusogan, pamumuhay at pakikitungo sa ibang tao. Ang mga talatanongan papel na naglalaman ng mga katanongan patungkol sa homosekswal ang ginamit naming upang malaman namin kong tanggap ba sa lipunan ang homosekswal at ang mga talatanogan papel din ito ang ginamit namin at pumunta kami sa ibat ibang departaminto saSamar State University para sa aming survey upang mapag- alaman namin ang damdamin at pagtangap ng lipunan sa mga homosekswal, ilang mga studyante sa Samar Satate University idad 13-15 at idad 16- 18 ang aming nakapanayam mula sa haiskul, college of nursing, college of engineering, at college of education ito ang ,mga kursong tumugon sa aming inihandang mga katanungan sila ang nakiayon sa Gawain namin upang Makita namin kung persentahi ng lipunan sa pagtanggap sa mga homosekswal.

Ang pangunahing ginamit namin sa pananaliksik ay gumawa kami ng kwestyoneyr at pagsusurvey. Ito ay upang magkaroon kamin ng updates Na mga impormasyon ukol sa pagtanggap ng lipunan sa bakla or homosekswal sa kanilang damdamin at sa kanilang pananaw tungkol homosekswalidad at dito naming benase ang aming pag-aaral sa resultang kinalabasan ng pagsusurvey namin sa ibat-ibang departamento ng samar state university.

KABANATA IV
Interpretasyon ng mga Datos
12

10

Oo
Hindi Siguro

0 Payag sa same sex relationship Kasalanan ba ito sa mata ng Diyos Suliranin ba ito sa Lipunan Magiging sanhi ba ito ng iba't ibang sakit

KABANATA V Rekomendasyon at Konklusyon Sa mga taong aming nabigyan ng talatanungan at sa aming nagawang pag susurbey pitong porsyento ang pumapayag sa same sex relationship, siyam ka porsyento ang hindi, at tatlong porsyento ang hindi sigurado. Labing isang porsyento naman ang sa tingin nila ito ay kasalanan sa mata ng Diyos, limang porsyento ang hindi, at tatlong porsyento ang hindi rin sigurado. Sampung porsyento naman ang tingin nila na ito ay suliranin sa lipunan, limang porsyento ang hindi, at apat na porsyento ang hindi rin sigurado. At sampung porsyento naman ang tingin nila ito ay magiging sanhi ng ibat ibang sakit, 1 porsyento ang hindi nakaka-alam, at walong porsyento naman hindi sigurado o hindi alam. Kung pagbabasihan ang aming nakalap na mga impormasyon at datos, sinasabi dito o nakasaad sa unang column na mas marami ang hindi payag o pabor sa same sex relationship, pangalawa naman ay ang tingin nila ito ay kasalanan sa mata ng Diyos, pangatlo marami din ang pabor na ito ay suliranin sa ating lipunan at pang-apat marami din ang pabor na ito ay magiging sanhi ng ibat ibang sakit. Karagdagan pa nito base sa aming nakalap sa aming nakalap na mga datos may kakulangan sa pag bibigay ng impormasyon ukol sa mga sakit na nakukuha ng mga nakikipag talik sa kaparehong kasarian. Hindi rin sila payag sa same sex relationship, at ito ay suliraning n gating lipunan.

THANK YOU

You might also like