You are on page 1of 4

PANANALIKSIK TUNGKOL SA

LGBT
KABANATA I
• PANIMULA
Isa itong pagaaral o isyu na dapat bigyang pansin sa ating lipunan kanya-kanyang opinyon,
kanya-kanyang pinaglalaban. Ano nga ba ang LGBT?-Ang LGBT ay inisyal na nagsasamang tumutukoy sa
mga taong “lesbiyan, bakla, biseksuwal, at mga transgender”.Ang katagang LGBT ay inilaan upang bigyang-
diin ang pagkakaiba-iba ng pagkakakilanlan base sa seksuwalidad at pangkasariang kultura na kung minsan ay
ginagamit upang tingnan ang kahit sino na hindi heterosekswal sa halip na eksklusibo sa mga tao na
homoseksuwal, biseksuwal at transgender. Ang panliligalig sa sekswal at dahil sa kasarian ay mga uri ng
diskriminasyon. Nakakasakit ito sa karangalan ng isang tao, nararamdaman nilan na hindi sila ligtas, at
ipinipigilan sila na maabot ang kanilang buong kakayanan. Ang sekswal na panliligalig o pang-aasar ng isang
tao dahil sakanilang kasarian, o sekswal na oryentasyon ay hindi tinatanggap. Ito’y labag sa batas. Kung yung
mga pangit o lampa, at minsan yung mga may kapansanan ay binu-bully, sila (LGBT) ay nakakaranas din ng
ganoon. Kung yung mga kababaihan na ilang daang taon nang pinaglalaban ang pagkakaroon ng pantay na
karapatan ay napagkakaitan pa rin, mas lalo na sila na unti-unti pa lang natatanggap ng lipunan. Kung ang
"straight" ay naloloko sa relasyon at paulit-ulit na nasasaktan at nate-take for granted, ganun din sila. Kung
yung mga Pinoy at Asians ay nakakatanggap pa din ng pambu-bully ng mga racists sa modernong daigdig na
ito, ganun din sila. ano ang "bottom line" nito? Tao rin sila

You might also like