You are on page 1of 43

University of Caloocan City

Departamento ng Computer Studies


Kontekswalisadong Komunikasyon sa Pilipino
1
Kabanata I

MGA SULIRANIN AT KALIGIRANG PAG-AARAL

Panimula

Noon pa lamang ay may samu't-saring diskriminasyon na ang natatanggap ng mga

miyembro ng LGBTQ+. Sa panahon ngayon, lalo nang naging maugong ang samu’t-

saring usapan at isyung pumapatungkol sa kanila. Iba’t-ibang mga pangyayaring naghatid

ng diskriminasyon at pagsasawalang bahala sa mga karapatan ng mga miyembro ng

LGBTQ+. Kaya naman pilit na idinudulog ng mga miyembro ng LGBTQ+ ang

panukalang SOGIE Equality Bill. Ito ay isang panukalang magpapataw ng kaparusahan

sa mga magdudulot ng diskriminasyong nakabatay sa “Sexual Orientation” at “Gender

Identity or Gender Expression” panukalang poprotekta sa ikatlong kasarian.

Sa kasalukuyan may dalawang panukala na tumatalakay sa SOGIE Equality Bill.

Ito ay ang Senate Bill 159 o Anti Dicrimination Act at ang House Bill 258 o SOGIE

Equality Act. Ang Senate Bill 159 ay panukalang inihain ni senador Rissa Hontiveros na

kung saan naglalayong maparusahan ang sinumang magdudulot ng diskriminasyon sa

kahit sinumang miyembro ng LGBTQ+ layon din nitong maproteksyunan ang mga

karapatan ng mga nabibilang sa ikatlong kasarian. Layon naman ng House Bill 258 o

SOGIE Equality Act na inihain ng Bayan Muna Partylist na mabigyan ng pantay na

pagtingin ang bawat isa at karapatang hindi nalilimitahan ng kasarian, edad, at katayuan

sa buhay. Alinsunod dito ang samu’t sari ring opinyon o hating panig na patuloy na

nagpapabagal sa pagsasabatas ng panukalang ito. Ngunit ang bansang Pilipinas ay hindi


University of Caloocan City
Departamento ng Computer Studies
Kontekswalisadong Komunikasyon sa Pilipino
2
parin bukas sa ideya ng ikatlong kasarian sa kadahilanang kilala ang bansang ito bilang

isa sa mga pinakarelihiyosong bansa sa Asya.

Kaligirang Pangkasaysayan

Isa ang bansang Pilipinas sa mga bansang hindi pa rin bukas sa usaping SOGIE

Equality Bill. Ilan sa mga Pilipino ay hindi lingid ang kaalaman na parami na nang

parami ang nabibilang sa ikatlong kasarian. Dulot nito ang iba't-ibang bersyon ng

panukalang inihain sa senado upang maproteksyunan at mabigyan ng pantay na pagtingin

at karapatan ang mga nabibilang sa ikatlong kasarian.

Taong 2000, nang unang ihain ang pinakaunang bersyon ng SOGIE Equality Bill

ng dating senador na si Miriam Defensor Santiago at dating kasapi ng Akbayan Partylist

na si Loretta Rosales sa ilalim ng ikalabing-isang kongreso. Bilang pagsunod sa Batas

1987 na naghahayag ng pantay na karapatan at pagtingin sa bawat isa, kaya naman

samut-saring panukala na ang inihain sa kongreso patungkol sa pagbibigay ng pantay na

karapatan sa mga miyembro ng LGBTQ+ na ngayon ay magdadalawang dekada ng

ipinaglalaban sa kongreso. Muling inihain ang panukalang ito sa ikalabing-apat na

kongreso ngunit nakarating lamang ito sa lebel ng komite nang patuloy na naisawalang

bahala. Dumami ang bilang ng mga senador na sumang ayon sa panukalang ito at buong

tapang na inihaing muli ang SOGIE Equality Bill sa ikalabing-lima at ikalabing-anim na

kongreso at muling hindi naisabatas.

Dahil sa sunod-sunod na pagsasawalang-bahala tinangkang tumakbo sa Eleksyon

taong 2010 ng partidong "Ladlad" na kung saan may layuning maging kinatawan ng

LGBTQ+ Community, ngunit hindi ito sinang-ayunan ng Commission on Elections


University of Caloocan City
Departamento ng Computer Studies
Kontekswalisadong Komunikasyon sa Pilipino
3
(COMELEC). Taong 2013 ikatlo ng Agosto, ang Komisyon sa karapatang pantao ay

nagsagawa ng aksyon patungkol sa lumalalang kaso ng krimen na kaugnay ang ilang

miyembro ng LGBTQ+ at di nagtagal bago matapos ang buwan ng parehong taon, ang

kinatawan ng Laguna na si Sol Aragones ay inihain ang House Bill No. 2572 na

nagsasabing ang mga kasong kaugnay sa mga miyembro ng LGBTQ+ ay isang seryosong

kaso na lumalabag sa kanilang karapatang pantao. Matapos ang ilang buwan ay inihain

naman ng kinatawan ng Albay na si Grex Lagman ang suhestyon na magkaroon ng

pantay na karapatan na gaya ng normal na magkabiyak ang mga magkakabiyak na

nabibilang sa ikatlong kasarian. Ngunit alinman sa dalawang ito ay hindi naipasa ng

hukuman.

Taong 2014 nang may isang Transwoman na nagngangalang Jennifer Laude ay

pinaslang ng isang lalaking bahagi ng US Marine ikalabing-isa ng Oktubre. Ang kasong

ito ay muling nagbukas sa usaping magpasa na ng batas na poproteka sa karapatan nilang

mga miyembro ng LGBTQ+. Ang dating mayor ng Quezon City na si Herbert Bautista ay

pumirma sa ordinansyang pantay na pagtingin sa lahat ng kasarian buwan ng Nobyembre

28. Ito'y naglalayong mabigyan ng pantay na pagtingin at karapatan ang mga miyembro

ng LGBTQ+ sa alinmang pagkakataon sa trabaho, edukasyon, pampublikong serbisyo, at

mga akomodayson.

Taong 2016 habang nangangampanya, ang tumatakbo noon bilang senador na si

Manny Paquiao ay nasangkot sa isang isyu dahil sa kanyang tahasang pagsabi sa mga

magakakabiyak na may parehong kasarian na "Mas masahol pa sa Hayop" sa isang

Interbyu ng Bilang Pilipino. Bagama't tutol sa LGBTQ+ si Paquiao ay patuloy na nanalo

at naglingkod sa senado ng dalwang termino. Sa kabilang banda isa namang tagumpay


University of Caloocan City
Departamento ng Computer Studies
Kontekswalisadong Komunikasyon sa Pilipino
4
ang hatid ni Geraldine Roman para sa mga kamiyembrong LGBTQ+ nang siya'y manalo

bilang kauna-unahang miyembro mg ikatlong kasarian na naluklok sa kongreso noong

buwan ng Mayo sa parehong taon.

Taong 2018 ng magpahayag ng suporta ang limang senador kabilang sina Rissa

Hontiveros, Loren Legarda, Ralph Recto, Franklin Drilon, at Juan Miguel Zubiri sa

SOGIE Equality Bill. At tutol naman ang ibang senador kabilang sina Manny Pacquiao,

Joel Villanueva, at ang Presidente ng Senado na si Tito Sotto. Sa kasalukuyang taon

naman buwan ng Agosto ikalabing-tatlo, isang miyembro ng LGBTQ+ na nagngangalang

Gretchen Diez ang hinarang ng isang Janitres sa isang Mall ng tangkain nitong pumasok

sa kubeta ng mga Babae. Agad namang humingi ng kapatawaran ang nasabing Janitres

ngunit patuloy na ipinaglaban ni Gretchen Diez ang karapatan na para sa kanilang mga

miyembro ng ikatlong kasarian. Muli namang binuksan ni Rissa Hontiveros ang usapin

na maisabatas ang SOGIE Equality Bill na sya namang sinang-ayunan ni Imee Marcos at

Bong Go. Ngunit marami paring Senador ang tutol dito at sinundan pa ng pahayag ni

Sotto na "walang tyansa", na nangangahulugang walang posibilidad para sa kanya na

maipasa ang Panukalang SOGIE Equality Bill.

Nais ng mga mananaliksik na pag-aralan ang ganitong isyu upang mas magalugad

ang isyu sa hanay ng mga LGBTQ+ at ng panukalang SOGIE Equality Bill. Ito ay

isinagawa upang mas maunawaan ng mga respondante ang usapin ng ikatlong kasarian at

upang mas mapalawak ang kanilang kaisipan sa isyung kinakaharap ng mga LGBTQ+

members.
University of Caloocan City
Departamento ng Computer Studies
Kontekswalisadong Komunikasyon sa Pilipino
5
Batayang Teyoretikal

Ayon sa mga organisasyong siyentipiko gaya ng "American Psychological

Association", American Psychiatric Association, American Counseling Association,

National Association of School Psychologists, American Academy of Physician

Assistants, at National Education Association “Ang homosekwal na orientasyon ng isang

tao ay isang normal na orientasyon at ito ay isang katangian na hindi na mababago.”

Ayon sa American Psychology Association “Ang mga pampublikong pag-aaral

ng opinyon noong 1970s, 1980s at 1990 ay regular na ipinakita na, sa mga malalaking

bahagi ng publiko, lesbian, bakla at bisexual na tao ang target ng malakas na paghawak

ng negatibong saloobin. Kamakailan lamang, ang opinyon ng publiko ay lalong

sumasalungat sa diskriminasyon sa sekswal na orientation, ngunit ang mga pagpapahayag

ng poot sa mga lesyon at mga bakla ay nananatiling karaniwan sa kontemporaryong

lipunan ng Amerika. Ang pagkiling sa mga bisexual ay lilitaw na umiiral sa

maihahambing na mga antas. Sa katunayan, ang mga bisexual na indibidwal ay maaaring

harapin ang diskriminasyon mula sa ilang mga tomboy at gay pati na rin mula sa mga

heterosexual na tao.”

Ayon sa sunstar.com.ph na inilathala ni Rhoderic Aballanosa noong Agosto 25

2019 “Nagkaroon ng debate at argumento ukol sa Sogie Bill at mas lalong umingay ang

salita tulad ng "Respeto" at "pagkilala" at ang bill nagsimula sa malaking konsepto na

"Makatao" at "Respeto". Intriga sa argumento ay ang pangkalahatang karapatan

pangtao,Ang "Pagkakapantay-pantay" na iyon ang pangunahing pangangailangan ng

batas na para sa pantay na proteksyon.”


University of Caloocan City
Departamento ng Computer Studies
Kontekswalisadong Komunikasyon sa Pilipino
6
Balangkas Konseptuwal

Magsisimula ang pag-aaral sa paksa at pokus ng pananaliksik, ang SOGIE

Equality Bill. Sumunod dito bibigyang-tuon din ang mga napiling respondente ng pag-

aaral, ang mga mag-aaral na nasa unang taon ng kolehiyo sa kursong IT at magpapatuloy

ito sa pananaw ng mga mag-aaral hinggil SOGIE Equality Bill. Ang modelong batayan

na ginamit sa pag-aaral ay ang Input-Process-Output Model na makikita sa Paradigma 1

PINAGBATAYAN
PAMAMARAAN
 Ano-ano ang demograpikong
propayl ng mga mag-aaral ng  Sisimulan sa KINALABASAN
IT sa unang taon ng UCC pagsasagawa ng
paglilimbag ng  Inaasahan ng mga
Congress Campus sa edad,
seksyon at kasarian? sarbey-kwestyuner mananaliksik
 Sang-ayon ba ang mga mag- na naglalaman ng sa pag-aaral na ito
aaral ng IT sa unang taon ng demograpikong na matukoy kung
UCC Congress Campus sa propayl at ang ano ang
pagpapatupad ng SOGIE mismong nangingibabaw na
Equality bill? katanungan na pananaw ng mga
 Ano ang pananaw ng mga mag-aaral ng IT sa
sasagot sa mga
mag aaral ng IT sa unang taon unang taon ng
katanungan ng
ng UCC Congress Campus sa UCC Congress
pagsasabatas ng SOGIE mananaliksik
hinggil sa mga Campus hinggil sa
Equality Bill? SOGIE Equality
 Ano ang pananaw ng mga pananaw ng mga
mag-aaral ng IT sa Bill.
mag-aaral ng IT sa unang taon
unang taon ng  Matutukoy din kung
ng UCC Congress Campus
tungkol sa diskriminasyong UCC Congress sa papaanong paraan
kinakaharap ngayon ng mga Campus sa SOGIE makatutulong ang
LGBTQ+ members? Equality Bill. SOGIE Equality Bill
 Paano makakaapekto ang  Sumunod dito, ang sa pamumuhay ng
SOGIE Equality Bill sa paggawa ng mga mga LGBTQ+
pamumuhay ng LGBT talahanayan para sa Community
Community members kung
mga datos na members kung ito’y
ito'y maisabatas? maisabatas.
nakuha sa pag-
aaral.

Paradigma 1 Pinagbatayan, Pamamaraan at Kinalabasan ng Pag-aaral hinggil sa

pananaw ng mga mag-aaral sa SOGIE Equality Bill.


University of Caloocan City
Departamento ng Computer Studies
Kontekswalisadong Komunikasyon sa Pilipino
7
Ipinapakita sa unang kahon, ang mga pinagbatayang pag-aaral na hinango sa

paglalahad ng mga suliranin ng pag-aaral hinggil sa usaping SOGIE Equality Bill.

Inilalahad sa ikalawang kahon, ang mga pamamaraan ng pag-aaral.

Maisasakatuparan ang mga pinagbatayang pag-aaral sa pamamagitan ng pangangalap ng

mga datos at paglilimbag ng sarbey-kwestyuner na naglalaman ng demograpikong

propayl at ang mismong katanungan na sasagot sa mga katanungan ng mananaliksik

hinggil sa mga pananaw ng mga mag-aaral ng IT sa unang taon ng UCC Congress

Campus sa SOGIE Equality Bill. Pagkatapos, magsasagawa ng mga talahanayan para sa

mga datos na nakuha sa pag-aaral.

Ipinapakita naman sa kahon 3, ang mga kinalabasan ng pag-aaral na inaasahan ng

mga mananaliksik sa pag-aaral na ito ay matukoy kung ano ang nangingibabaw na

pananaw ng mga mag-aaral ng IT sa unang taon ng UCC Congress Campus hinggil sa

SOGIE Equality Bill at matukoy kung sa papaanong paraan makatutulong ang SOGIE

Equality Bill sa pamumuhay ng mga LGBTQ+ Community members kung ito’y

maisabatas.

Paglalahad ng mga Suliranin

Ang pag-aaral na ito ay may paksang “Sogie Bill, Persepsyon ng mga mag-aaral

na IT na nasa unang taon ng Computer Studies Department sa University of Caloocan

City at Epekto nito sa Pamumuhay ng LGBTQ+ Community Members” na naglalayong

sagutin ang mga sumusunod na suliranin:

1. Ano-ano ang demograpikong propayl ng mga mag-aaral ng IT sa unang taon

ng UCC Congress Campus?


University of Caloocan City
Departamento ng Computer Studies
Kontekswalisadong Komunikasyon sa Pilipino
8
1.1. Edad

1.2. Kurso

1.3. Kasarian

2. Sang-ayon ba ang mga mag-aaral na nasa unang taon ng kolehiyo sa kursong

IT sa Departamento ng Computer Studies sa pagpapatupad ng SOGIE

Equality bill?

3. Ano ang pananaw ng mga mag aaral na nasa unang taon ng kolehiyo sa

kursong IT sa Departamento ng Computer Studies sa pagsasabatas ng SOGIE

Equality Bill?

4. Ano ang pananaw ng mga mag-aaral na nasa unang taon ng kolehiyo sa

kursong IT sa Departamento ng Computer Studies tungkol sa diskriminasyong

kinakaharap ngayon ng mga LGBTQ+ members?

5. Paano makakaapekto ang SOGIE Equality Bill sa pamumuhay ng LGBTQ+

Community members kung ito'y maisabatas?

Layunin ng Pananaliksik

Ang pananaliksik na ito ay may pangunahing layuning malaman ang persepsyon

ng mga mag-aaral na nasa unang taon ng kolehiyo sa kursong IT sa Departamento ng

Computer Studies hinggil sa panukalang SOGIE Equality Bill at ang epekto nito sa

pamumuhay ng mga LGBTQ+ members kung ito’y naisabatas.

Ang mga sumusunod ay mga ispesikong layunin:

1. Malaman kung sang-ayon ba ang mga mag-aaral ng IT sa unang taon ng

UCC Congress Campus sa pagpapatupad ng SOGIE Equality bill.


University of Caloocan City
Departamento ng Computer Studies
Kontekswalisadong Komunikasyon sa Pilipino
9
2. Matukoy kung ano ang pananaw ng mga mag aaral ng IT sa unang taon ng

UCC Congress Campus sa pagsasabatas ng SOGIE Equality Bill.

3. Masuri kung ano ang pananaw ng mga mag-aaral ng IT sa unang taon ng

UCC Congress Campus tungkol sa diskriminasyong kinakaharap ngayon

ng mga LGBTQ+ members?

4. Makita kung papaaano makakaapekto ang SOGIE Equality Bill sa

pamumuhay ng LGBTQ+ Community members kung ito'y maisabatas.

Haypotesis/Asumpsyon

Ang haypotesis ng pag-aaral na ito ay sisimulan sa pagkukumpara ng mga

baryabols sa paksa ng pag-aaral. Sa pag-aaral na ito, ang SOGIE Equality Bill ay naka

depende sa pananaw ng mga mag-aaral na nasa unang taon ng kolehiyo sa kursong IT sa

Departamento ng Computer Studies at may kaugnayan ito sa epekto ng pamumuhay ng

mga LGBTQ+ members. Sa kabilang banda, walang kaugnayan ito kapag sinunod ang

mga mag-aaral base sa kanilang demograpikong propayl.

Para naman sa asumpsyon ng pananaliksik, bibigyang linaw ang mga baryabols

na nakapaloob sa paksa. Sa pag-aaral na ito, ang mga mag-aaral na nasa unang taon ng

kolehiyo sa kursong IT sa Departamento ng Computer Studies ang magsisilbing

respondente na magbibigay ng kanilang pananaw hinggil sa SOGIE Equality Bill at kung

sang-ayon ba sila sa pagpapatupad nito, sasagutin rin nila kung paano makakapekto ang

SOGIE Equality Bill sa pamumuhay ng mga LGBTQ+ members.


University of Caloocan City
Departamento ng Computer Studies
Kontekswalisadong Komunikasyon sa Pilipino
10
Saklaw at Limitasyon ng Pag-aaral

Ang tatalakayin lamang ng pananaliksik na ito ay ang persepsyon ng mga piling

mag-aaral na nasa unang taon ng kolehiyo sa kursong IT sa Departamento ng Computer

Studies hinggil sa SOGIE Equality Bill at epekto nito sa pamumuhay ng mga LGBTQ+

Community members. Ang pananaliksik na ito ay isinagawa sa unang semestre taong

panuruan 2019-2020 sa Unibersidad ng Lungsod ng Kalookan.

Kumakatawan dito ang pitumpung (70) mag-aaral na nagmula sa isang kurso ng

Computer Studies Department na Information Technology na kung saan may kabuuang

bilang ng mag-aaral na walumpu’t siyam (89) na taon sa kasalukuyan ay gagamitan

lamang ang pitumpung (70) bilang ng mga mag-aaral mula sa dalawang (2) pangkat ng

mag-aaral at hinati sa tatlumpu’t limang (35) mag-aaral kada seksyon. Ang edad ay

nililimitahan lamang sa 18 hanggang 20 na taon.

Kahalagahan ng Pag-aaral

Ang pag-aaral na ito ay may layong talakayin ang panukalang SOGIE Equality

Bill at talakayin ang mga dahilan kung bakit ito nais maisabatas. Layon din nitong

mabuksan ang kaisipan ng bawat isa ukol sa mga isyung kinakaharap ng mga nabibilang

sa LGBTQ+ members.

Sa mga Mag-aaral, ang pag-aaral na ito ay magbibigay ng kaaalaman at bukas na

kaisipan sa mga mag-aaral ukol sa kung paaano sila magiging sensitibo sa mga isyung

patungkol sa ikatlong kasarian.

Sa mga Magulang, ang pag-aaral na ito ay magbibigay ng kaalaman patungkol sa

isyu ng ikatlong kasarian sa loob man ng tahanan.


University of Caloocan City
Departamento ng Computer Studies
Kontekswalisadong Komunikasyon sa Pilipino
11
Sa Komunidad, ang pag-aaral na ito ay magbubukas sa kamalayan ng

Komunidad ukol sa panukalang SOGIE Equality Bill at kung papaano sila magiging

bukas sa mga isyung patungkol sa ikatlong kasarian.

Sa mga Alagad ng Simbahan, ang pag-aaral na ito ay makatutulong sa mga

Alagad ng Simbahan upang malaman nila na dumarami at mas dumarami pa ang mga

nabibilang sa ganitong kasarian. At mabuksan ang kanilang kamalayan kung bakit nabuo

ang panukalang ito.

Sa Pamahalaan, ang pag-aaral na ito ay naglalaman ng mga impormasyong

maaaring magbukas sa kaisipan ng Pamahalaan at isaalang-alang ang mga nakalap na

datos sa pagpasa ng panukalang SOGIE Equality Bill at upang malaman nila ang mga

epekto nito sa Pilipinas.

Sa mga Miyembro ng LGBTQ+, ang pag-aaral na ito ay nakatutulong upang

mas maunawaan ang kanilang katayuan/sitwasyon sa lipunan.


University of Caloocan City
Departamento ng Computer Studies
Kontekswalisadong Komunikasyon sa Pilipino
12
Katuturan ng mga Katawagan

Batas – Ito ay alituntunin o patakaran na ginagawa o binubuo ng mga nasa politikal na

posisyon. Sa pag-aaral na ito, isinusulong ang batas ngunit hindi pa tuwirang

naisasabatas.

Diskriminasyon – Ito ay paraan ng pagtrato ng isang tao o isang partikular na grupo ng

mga indibidwal lalo na sa masama o mas masahol na paraan dahil sa kanilang itsura,

kulay ng balat, kasarian, seksuwalidad at iba pa. Sa pag-aaral na ito, ang mga LGBTQ+

members ay nakararanas ng iba’t-ibang paraan ng diskriminasyon sapagkat hindi pa rin

tanggap sa iilan.

Kasarian – Ito ay pagkakakilala ng isang indibidwal sa pagiging lalaki o babae, na kaiba

sa tunay na kasariang biyolohikal (Lugunday,2013). Sa pag-aaral na ito, ito ay tumutukoy

sa babae o lalaki na tagatugon.

LGBTQ+ – Ito ay inisyal na nagsasamang tumutukoy sa mga taong “Lesbian, Gay,

Bisexual, Transsexual, at Queer”. Sa pag-aaral na ito, ang katagang LGBTQ+ ay inilaan

upang bigyang-diin ang pagkakaiba-iba ng pagkakakilanlan base sa seksuwalidad at

pangkasariang kultura na kung minsan ay ginagamit.

Ordinansa – Ito ay ang batas na ginagawa ng mga nasa lokal na pamahalaan tulad ng

Barangay at ng Lungsod at ito ay hindi nahahawakan ngunit nararamdaman lamang. Sa

pag-aaral na ito, magkakaroon ng ordinansa na nararapat sundin ng lahat para sa

pagkamit ng kabutihang panlahat ngunit hindi pa tuwiran.

Panukala – Ito ay mga suhestyon o mungkahi. Sa pag-aaral na ito, ay may ipinapanukala

na makakabuti para sa mga LGBTQ+ Community members.


University of Caloocan City
Departamento ng Computer Studies
Kontekswalisadong Komunikasyon sa Pilipino
13
Persepsyon – Ito ang hakbang sa pagkilala sa mga nakalimbag na simbulo at maging sa

pagbigkas nang wasto sa mga simbulong nababasa. Sa pag-aaral na ito, aalamin ang mga

persepsyon ng mga mag-aaral ukol sa isyung kinakaharap ng mga LGBTQ+ members.

Respondante – Ito ay

SOGIE Equality Bill– Ito ay inisyal na may ibig sabihing “Sexual Orientation Gender

Identity and Expression”. Sa pag-aaral na ito, panukalang inihain na kung saan

naglalayong maparusahan ang sinumang magdudulot ng diskriminasyon sa kahit

sinumang miyembro ng LGBTQ+ at layon din nito na maproteksyunan ang mga

karapatan ng mga nabibilang sa ikatlong kasarian.


University of Caloocan City
Departamento ng Computer Studies
Kontekswalisadong Komunikasyon sa Pilipino
14
Kabanata II

MGA KAUGNAYANG LITERATURA AT PAG-AARAL

Pag-aaral na Lokal

Ipinaliwanag ni Barahan (2017) na ang anti-diskriminasyon enactment ay

ipinakita labing walong taon na ang nakalilipas sa paunang paglipat ng mga lokal na

tagasuporta tulad ng Risa Hontiveros sa loob ng Kongreso na iminungkahi ang kanyang

bersyon na Anti-Discrimination sa Sexual Orientation at Gender Identity (SOGI). Ngunit,

ang panukalang batas ni Risa Hontiveros ay nakabinbin pa sa ilalim ng pangalawang

pagbasa sa Kongreso nang umakyat ang isang pagsalungat. Mayroong tatlong

pangunahing mga layunin na nag-aalis ng mga kilos sa diskriminasyon at upang

maprotektahan ang LGBTQ: Una, hindi ito nangangailangan ng karagdagang mga

karapatan, ngunit sa halip na isang pagpapatunay ng pag-alis at pagbabawal ng mga kilos

tungo sa LGBTQ (Bagas, 2016). Pangalawa, sinabi na (1987 Konstitusyon ng Pilipinas

Artikulo 2Section 11) "Pinahahalagahan ng Estado ang dangal ng bawat tao at

ginagarantiyahan ang buong paggalang sa karapatang pantao" (De Leon, 2007). Sa

wakas, ang House Bill 4982 na isinulat ni Geraldine Roman, Kaka Bag-ao et. al., ang

mga bersyon ng antidiscriminasyon ay nagbigay inspirasyon ng mga kahihinatnan na

pagbagay tulad ng City of General Trias na anti-LGBTQ diskriminasyon na ordinansa na

nagbibigay-diin sa mga pamamaraan upang parusahan ang lumabag sa ipinagbabawal na

kilos patungo sa LGBTQ.

Ang Pilipinas ay nanguna sa unang Pride Parade sa bansa at sa Asya. Ang unang

parada na ito ay itinuturing na isang mahalagang punto sa pagbabagong sa LGBT


University of Caloocan City
Departamento ng Computer Studies
Kontekswalisadong Komunikasyon sa Pilipino
15
panlipunang aktibismo sa Pilipinas; ito ay itinanghal noong ika-26 ng Hunyo, 1994, na

magkakasabay sa ika-25 anibersaryo ng Stonewall Riots sa New York. Ang isang maliit

na grupo ng humigit-kumulang animnapung mga tao ay dumaan sa isang pangunahing

daanan sa Metro Manila patungong Quezon Memorial Circle, ang puso ng

pinakamalaking lungsod ng Metro, na nagdadala ng mga bandila at mga banner na

nagpapahayag ng mga slogan tungkol sa "Gay Power" at "End Homophobia" (Batocabe,

2011, p. 24). Ang kasunod na mga parada ng pagmamalaki ay magpapatupad ng iba't

ibang mga tema bawat taon, ngunit palaging hinihingi ang mga karapatan para sa mga

LGBT ng Pilipino sa ilalim ng mga frameworks ng Universal Human Rights. Ang mga

parada ng pagmamataas ay maaaring maging napakaraming komersyal na mga

kaganapan, kasama ang mga sponsorship mula sa iba't ibang mga internasyonal na

kumpanya na pinapayagan na mag-market ng sodas, alkohol, condom, pampadulas,

damit, at pagiging kasapi sa gym. Tulad ng mga parada ng pagmamalaki sa mga bansa sa

Kanluran, ang parada ng pagmamalaki ng Pilipinas, ay hindi maiiwasang mahulog sa

isang mas neoliberal at pangunahing diskurso na nagdiwang ng mga ideya ng

pagkakaiba-iba at kalayaan sa sekswal, kasama ang mga karapatang pantao, ngunit

palaging nasa ilalim ng anino ng moderno, kalayaan sa lunsod, at maipagmamalaking

pang-ekonomiya. - Inton M. N. (March 23, 2017).

Sa pamilya Pilipino ay tanggap ang pagka homosekswal ng kanilang mga anak

dahil sa iba-ibang opiyon at paniniwala ukol dito. Para sa magulang na tradisyonal at

Katoliko, ang pagiging homosekswal ay kasalanan at sumpa kaya ikinahihiya nila ang

kanilang mga anak na homosekswal. Samantalang sa ibang mga magulang tanggap nila

ang kanilang anak na ganito. Para sa kanila ang pagiging homosekswal ay isang kahinaan
University of Caloocan City
Departamento ng Computer Studies
Kontekswalisadong Komunikasyon sa Pilipino
16
ng tao gaya ng kahinaan sa alak, sigarilyo, bawal na gamot, at pagtalik na kapag

nasobrahan at napabayaan ay maaring makasira sa pagkatao at sa relasyon nito sa ibang

tao.Sa simbahang katoliko ito ay paniniwalang isang kasalanan at imortal na bagay. Ayon

sa Roma I:26-27 ng Bibliya ang pagkahumaling sa kapwa lalaki ay isang nakakahiyang

bagay na may katumbas na parusa. Nabanggit din sa I Corinto 6:9-10 na ang mga

nahuhumaling sa kaparehong kasarian ay walang bahagi o lugar sa kaharian ng Diyos.

Homosekswalidad ang sumisira sa totoong ibig sabihin ng sekswalidad ng tao na babae at

lalaki lamang na naaayon sa plano ng Diyos. Tan R.M. & Tan K. et. al.

Ayon sa pag-aaral ng outragemag.com (2018) tatlongpung porsyento ng lesbian,

gay, bisexual, transgender at intersex ang naiulat na nakaranas ng karahasan, binu-bully

or na-didiskrimana ng ibang tao habang nasa trabaho dahil sa kanilang sekswal o

SOGIESC.

Ayon sa pag-aaral ng United Nations (2018) na tumingin sa mga antas ng

diskriminasyon may kaugnay sa SOGIESC na tatlong bansang may pinakamataas na

porsyento ng mga LGBTI na nagrerekloma tungkol sa diskriminasyon sa oras ng trabaho.

Nangunguna ang Pilipinas na may dalawangput-walong porsyento na sinundan ng China

na may dalawangput isang porsyento at China na may labingtatlong porsyento.

Pag-aaral na Dayuhan

Ayon sa isinulat ni Charles Radcliffe (2016), sa kanilang representasyon sa datos

ng kanilang impormasyon na nangyayari sa indibidwal na karanasan na nagdudulot ng

trahedya sa kanilang buhay na maaring maging sanhi ng hindi pagkakaroon ng

malawakang produksyon ng bansa. Sa kadahilanang mas maraming mga LGBT na mas


University of Caloocan City
Departamento ng Computer Studies
Kontekswalisadong Komunikasyon sa Pilipino
17
pinipili na lamang manatili sa kani-kanilang tahanan kaysa bigyan ng importansya ang

edukasyon at ang iba naman ay mas pinipili na ding umalis sa kanilang trabaho.

Tinatayang may 32 bilyong dolyar kada taon ang nawawalang produksyon ng ekonomiya

sa India ng dahil sa deskriminasyon sa mga LGBT, ayon naman ito sa "Pilot Study

conducted for the World Bank". Ang parte ng solusyon ng mga gobyerno sa isyung ito ay

magpalaganap ng bagong batas at alituntunin na syang magbibigay proteksyon sa mga

kasapi ng LGBT na nakakaranas ng hindi pantay na pagtrato. Simula pa noong 1990's sa

tulong ng paghihikayat ng United Nations, may 45 bansa na hindi kasalanan ang

pagkakaroon ng relasyon sa kaparehong kasarian. Mahigit 30 naman ang sang-ayon at

legal na kinilala ang ganitong gawain at mahigit 60 naman ang hindi pa din tanggap ang

ganitong pamamaraan na syang ipinagbabawal saan mang lugar.

Ayon sa artikulo ni Rachel Dowd (2018), may mga ebidensyang nailabas na kung

saan ang mga kabataang LGBT ay nakakaranas ng karahasan at deskriminasyon ng dahil

sa SOGI. Halimbawa, ang ulat ng GLSEN na natuklasan na sa kanilang datos na

maraming ngang ganito ang nangyayari. Sa datos nilang may 85% na mga kabataang

LGBT ang nakakaranas ng masasakit na salita na nadudulot ng bullying na syang laganap

sa ating komunidad. Tinataya namang 58% ang nagpapahyag na hindi ligtas ang mga

estudyante na kasapi ng LGBT sa loob ng paaralan dahil sa kanilang sexual orientation at

may 43% ang dahilan naman ay ang kanilang pagkakakilanlan sa kanilang kasarian. Para

naman sa mga taong LGBT na nakakaranas ng pisikal na karahasan ng dahil sa SOGI ay

may datos na 40%. Ayon naman sa "Centers for Disease Control and Prevention" 2015

natuklasan nila na may 34% na kabataang LGBT ang nakakaranas ng pang-aabuso sa

loob ng paaralan at mayroon namang 28% ang nakakaranas ng pang-aabuso sa


University of Caloocan City
Departamento ng Computer Studies
Kontekswalisadong Komunikasyon sa Pilipino
18
pamamagitan ng teknolohiya. May mga "transgender" naman ang hindi nakaligtas sa

deskriminasyon ng sila ay bata pa at sa tulong ng "U.S. Transgender Srurvey" na

mayroong 54% ang nakaranas ng masasakit na salita, 24% naman ang pisikal na

karahasan at 17% naman ang mga "transgender" ang mas pinipiling lumibab sa klase sa

kadhilanan ng deskriminasyon. May suportang nakuha ang mga kabataang kasapi ng

LGBT ayon sa GLSEN na syang nagpapanatili ng deskriminasyon sa loob o labas man ng

paaralan. Dahil ang paglawak ng "bullying" sa loob ng paaralan ay maaring maging sanhi

ng laging pagliban sa klase, mababang marka, at pagbaba ng mga disiplinadong paaralan

na naglalayong ipagpatuloy ng mga kabataan ang kanilang pag-aaral sa kolehiyo. Hindi

lamang epekto sa edukasyon ang maaring maging sanhi ng deskriminasyin maari ding

pati ang kalusugan at emosyonal ng isang LGBT na nakakaranas ng ganito. Katulad na

lamang ng pagbaba ng kanilang tiwala sa sarili, paggamit ng mga ipinagbabawal na

gamot, pag-inom at paninigarilyo na magdudulot ng depresyon at maari pang ikamatay

ng isang tao. At ayon pa sa ulat ng "William Institute" 2014, na mas maraming

"transgender ang nakakaranas nito at may pagkakataon na nagtatangkang magpakamatay

na lamang.

Ayon naman sa kanilang pag-aaral maraming tao ang tumitingin ng normal,

pantay at walang pag-aalinlangan na makisalamuha sa kanilang napiling kasarian ngunit

may 14% pa rin ang hindi kayang pakisamahan ng maayos at negatibo ang tingin nila sa

kung ano man ang kanilang gawin. Sa kabilang banda nasa 43% ang suportado ang

LGBT, ito ay datos sa paningin ng babae at lalaki. Kung pag-uusapan naman ang

pesonalidad may 1.61% ang hindi sang-ayon sa ipinapakitang pag-uugali ng mga LGBT

na sila ay may sakit, baliw o walang magawang maganda sa sarili na syang kwinestyon
University of Caloocan City
Departamento ng Computer Studies
Kontekswalisadong Komunikasyon sa Pilipino
19
ng 1.74% na sang-ayon na pinandidirian ang kilos ng mga LGBT na kung saan hindi

tamang gawin. 2.51% ang sang-ayon sa pagsuporta ng LGBT, 3.28% ang mga

humahanga sa kanilang lakas na ipinapakita sa kabila ng pagdedeskriminasyon at

mayroon namang 3.20 ang sumang-ayon na may puwang ang mga LGBT at sila ay may

halaga sa ating bansa. Sa konklusyong ito naipapakita sa datos na maraming tao ang

humahanga at kinikilala ang mga LGBT sa ating komunidad na gayon pa man ay sana'y

magbigay liwanag sa mga taong hindi pa kaya g tanggapin ang mga LGBT sa ating

mundong ginagalawan. Dahil marami pa rin sa atin ay may mga negatibong pag-iisip

patungkol sa LGBT ngunit marami pa rin ang mga positibong pagtingin sa pagdami ng

kasapi ng LGBT Duhaylungsod et al.., Art Social Sci J 2018.

Ayon sa pag-aaral nina Ms. Gabi Calleja et. al. (2011), kung sa usaping

deskriminasyon sa loob naman ng pinagtatrabahuan may 60% na iniulat na mayroon pa

ding deskriminasyon na kahit may mga alituntunin na syang magbibigay proteksyon sa

mga taong dapat pantay ang pakikitungo sa isa't isa. Sa mga lugar na pinagtatrabahuan ng

mga LGBT maari din nilang palitan ang kanilang pangalan na naayon sa kanilang

kagustuhan at mailagay sa kanilang opisyal na dokumento sa alinmang pampublikong

serbisyo tulad nalang sa mga pabahay, pang kalusugan, sa pagkain at pang serbisyo. Ang

LGBT kahit na nasa labas man ng kanilang pinagtatrabahuan ay hindi pa din sila ligtas sa

pambabatikos na mayroong pagtawag ng hindi maganda pakinggan, mga hindi na angkop

na mga biro na minsan ay nakakasakit na, ang iba naman ay hindi na nakuntento pati

pagbibigay ng banta na syang mas ikinakabahala ng mga LGBT. Ang mga ito ay hindi

ligtas kahit saan man sila lumugar, lahat may pangungutya sa mata ng iba kahit pa mga
University of Caloocan City
Departamento ng Computer Studies
Kontekswalisadong Komunikasyon sa Pilipino
20
kataas-taasang mga kliyente, ka-opisina at maski ang amo nito ay maaring sila pa ang

magsimula ng deskriminasyon.

Ang paglaganap ng deskriminasyon sa buhay ng mga LGBT ay patuloy pa ding

pina-iigting sa kanilang buhay na itinalaga sa artikulo ni Sejal Singh at Laura Durso

(2017), na tinutukoy ng sentro ng "American Progress" na kahit saan mang magpunta sa

iba't ibang bansa ang mga LGBT ay patuloy pa din silang nakakaranas ng

deskriminasyon na talagang malaki ang epekto sa pagtingin nila sa kanilang buhay na

kanilang tinatamasa at bilang tugon ng mga LGBT ay mas ninais nilang baguhin ang uri

ng kanilang pamumuhay upang maiwasan ang deskriminasyon, sa pamamagitan ng

pagtatago ng kanilang tunay na saloobin. Lumipas na ang maraming taon at wala pa ding

matibay na aksyon na syang makakapagpanatili sa deskriminasyon kahit pa gonyerno o

estado pa ay mukhang walang maipatupad. Ang LGBT ay nananatiling nakakaranas ng

deskriminasyon mula sa 11% at 28% ang mga LGBT ang nawawalan ng promosyon nang

dahil lang sa kanilang sekswalidad. Mayroon namang mga "transgender" ang hindi

natatanggap, ipinagliban ang promosyon at minsan nasalo na ang kamalasan at inalis pa

sa trabaho. Ang deskriminasyon na kanilang nararanasan ay mas malaki ang epekto sa

kanilang pang araw-araw na pamumuhay na kung saan hindi sila maayos na makapag-

trabaho, pati pag-aaral ay nakaligtaan na at ang malala hindi kayang makisalamuha sa

ibang tao na mas delikadong pakinggan.

Literaturang Lokal

Ayon sa Artikulo ng Rappler.Com (2019), maraming Pilipino Online ang

sumang-ayon na ipatupad na ang batas na poprotekta at magbabawal sa diskriminasyon

sa mga nabibilang sa LGBTQ+. Ito ay matapos pagbawalan ang isang Transgender


University of Caloocan City
Departamento ng Computer Studies
Kontekswalisadong Komunikasyon sa Pilipino
21
Woman na si Gretchen Custodio Diez sa kanyang paggamit ng pambabaeng palikuran sa

isang mall sa Cubao noong martes Buwan ng Agosto labing-tatlo sa kasalukuyang Taon.

Isang Hashtag ang isinulong ng mga "Netizens" sa Twitter, ang hashtag na

#SOGIEEqualityNow ay agad na nangibabaw kinabukasan matapos ang nangyaring

diskriminasyon sa nasabing LGBTQ+ member na si Diez. Laman ng Hashtag na ito ang

kahilingan na aprubahan na ang panukalang SOGIE. Para sa ilang gumagamit ng Twitter,

ang kasong ito ay normal na sa bansang Pilipinas. Marami ang nag-aalalang magpatuloy

pa ang kasong ito kung hindi parin maipapatupad ang batas na magpoprotekta sa ikatlong

kasarian. Ang Janitres na pumigil kay Diez ay nagpaabot ng paumanhin sa pamamagitan

ng sulat at nangakong siya'y handang buksan ang kaisipan sa pantay na kasarian sa

ikatlong kasarian. Ang iba nama'y nagpahayag na hindi sapat ang SOGIE Bill, mungkahi

niila na dapat ding mabigyan ng sapat na kaalaman ang mga tao patungkol sa karapatan

ng ikatlong kasarian.

Ayon sa artikulo ni JC Punongbayan (2019), maging sa paaralan ay talamak ang

diskriminasyon sa mga miyembro ng ikatlong kasarian. Nakakalungkot na maging ang

mga mag-aaral na miyembro ng LGBTQ+ ay nakakaranas ng diskriminasyon dulot ng

kanilang sariling kaibigan at kamag-aral pisikal man o berbal. Ang mas malala pa ay sa

mismong mga guro pa at opisyal ng paaralan nanggaling ang diskriminasyong ito. Mga

kadalasang dahilan ng diskriminasyong ito ay ang kakaibang paraan ng pananamit at

iba't-ibang istilo ng buhok ng mga nabibilang sa ikatlong kasarian. Dagdag pa rito ay ang

pagkalat ng mga opisyal ng paaralan ng maling paratang sa mga miyembro ng LGBTQ+.

Sa katunayan sa isang "hearing" na dinaluhan ni Senador Risa Hontiveros patungkol sa


University of Caloocan City
Departamento ng Computer Studies
Kontekswalisadong Komunikasyon sa Pilipino
22
panukalang SOGIE, isang guro ang nanakot na ibabagsak ang buong klase kung patuloy

na magsusuot ng hindk angkop ma kasuotan ang kanilang kamag-aral na transgender.

Ayon kay Jemy Gatdula (2019), Ang problema patungkol sa ikatlong kasarian ay

dumarami. Ngunir ang usaping ito ay talaga namang makabuluhan. "Pitumput-tatlong

porsyento ng mga Pilipino ay sang-ayon na dapat ng tanggapin ang mga homosekswal sa

ating lipunan","Ngunit hindi nabanggit ng Senate Bill 689 na Animnaput-limang

porsyento ng Pinoy ang nagsasabing ang homosekswalidad ay immoral". Pinatunayan ng

Datos na ito na ang kahit naniniwala na ang mga Pinoy na dapat ng tanggapin ang mga

Homosekswal, ay hindi parin buong puso ang kanilang pagtanggap dito.

Ayon kay JC Punongbayan (2019), isang transwoman naman na nagngangalang

Roi Galfo ang nakaranas ng pamamahiya sa publiko tatlong taon na ang nakalipas dahil

sa kanyang paggamit ng palikuran para sa mga babae sa kompanyang kanyang

pinagtatrabahuan. Base sa isang sarbey na naganap noong Setyembre 2018, labing-pito

lamang ang porsyento ng mga kumpanya na may polisiyang nagbabawal sa

diskriminasyon.

Ayon kay Maila Ageer (2019), may labin-limang Senador ang nagoahayag ng

pagtutol sa panukalang SOGIE at isa na rito ang punong senado na si Vicente "Tito"

Sotto 111. Pinahayag ni Sotto na ang panukalang ito ay hindi tiyak ang pagsasabatas.

Dagdag pa nito na "Amin ng pinag-aralan ng ialng beses ang panukalang ito at masasabi

na naming hindi ito nararapat maisabatas, paulit-ulit na lamang tayo sa usaping ito",

"Sapat na ang mga naaprubahang batas upang maproteksyunan ang karapatan ng bawat

isa.
University of Caloocan City
Departamento ng Computer Studies
Kontekswalisadong Komunikasyon sa Pilipino
23
Literaturang Dayuhan

Ayon sa artikulo ni Geneva (2019), ang mandato ay naglalayong baguhin batay sa

“United Nations Human Rights Council” na magtatalaga na ang mandato ay patungkol sa

pagbibigay proteksyon laban sa karahasan at deskriminasyon. Ang batayan ng “United

Nations Human Rights Council” sa pagbabago ng mandato ay batay sa datos na

nanggaling sa suporta ng mga hindi kasapi ng pamahalaan ng may 1,312 na bilang na

mula sa 174 na mga Estado at teritoryo. Ang resulta ng botohan 27 para sa sang-ayon, 12

naman sa di sang-ayon at 7 sa hindi bumoto. Sa katunayan ang mandato mula pa noong

2016, ang tungkulin ng “UN INDEPENDENT EXPERT” sa SOGI ay pagpapatupad ng

mga batas na matagal ng nailunsad patungkol sa pangkalahatang karapatang pantao.

Maisasagawa lamang ito sa pamamagitan ng pakikipag-usap sa Estado,

pakikipagtulungan sa UN at ang pagkilala sa rehiyonal na mekanismo upang matugunan

ang karahasan at deskriminasyon. Maraming bansa sa buong mundo ang pinag-usapan

ang gawain na ito kasama na dito ang Argentina, Georgia, Mozambique at Ukraine.

Tinalakay nila ang epekto ng pagkakaroon at pagdami ng relasyon ng parehong kasarian

na walang pagkilanlan sa legal na kasarian na mayroong babae at lalaki lamang. Ang

kahalagahan ng pagkolekta ng mga datos na may patungkol sa SOGI sa komunidad at

mga halimbawang gawain na nagpapakita ng pag-usbong ng deskriminasyon na dapat ay

mapanatili.

Ayon sa GLSEN (2014), ang mga mag-aaral na nabibilang LGBTQ na nag-aaral

sa mga paaralan may mga patakarang “anti-bullying o anti-discrimination” ay mas

nailalayo sa diskriminasyon at krimen kaysa sa mga kabataang LGBT na nasa paaralan

na walang “Anti-Bullying o Anti-Discrimination”. Ang mataas na porsyento ng


University of Caloocan City
Departamento ng Computer Studies
Kontekswalisadong Komunikasyon sa Pilipino
24
pambubully at diskriminasyon ay nagdudulot o nauuwi sa mababang grado at pagliban sa

klase . Kaugnay din ito ng pagtaas ng mga posibilidad ng mga negatibong kinalabasan sa

kalusugan at mga mapanganib na pag-uugali, tulad ng mas mababang pagpapahalaga sa

sarili, mas mataas na antas ng pagkalumbay, at pagtaas ng porsyento ng pag-inom ng

alkohol, paninigarilyo, at paggamit ng iba pang ipinagbabawal na gamot. Natagpuan ng

isang ulat ng Williams Institute noong 2014 na mahigit sa kalahati ng mga transgender na

may sapat na gulang na nakaranas ng panggigipit o pambu-bully sa paaralan ay nag-ulat

ng habambuhay na mga pagtatangka sa pagpapakamatay.

Ayon sa The New York Times (2018), pagkatapos gawing legal ang same-sex

marriage noong 2003, ang pagpapatingin ng mga bakla na kung saan ay lumilibot sa iba't

ibang bansa. Sa ibang mga Estado ayon sa kanilang datos na nay pitong porsyento ng

mga kalalakahihang LGBT ay nababawasan ang pagpapakamatay ng mga ito. Sa buong

bansa, ang pagiging legal ng pagkakaroon ng same sex marriage ay para magkaroon ng

malaking tyansa na ang mga sakit ay mapanatili. Sa kabilang banda, may mga Estado na

ipinagbabawal ang ganitong pamamaraan dahil sa lalong paglaki ng bilang ng mga taong

nakakaranas ng problema sa kanilang kalusugan tulad ng anxiety, paggamit ng mga alak

at pag iiba ng pag-uugali.

Ayon sa ulifeline.org (2018) ang pag-aaral patungkol sa sarili at pakikisama sa

ibang tao ay mahirap naman talagang gawin. Ang ganitong klaseng pamamaraan ay

mahirap para sa mga LGBT na kung saan ang mga estudyante ay mas madaling masanay

sa paligid. Sa katotohanan ang mga LGBT ay kayang harapin ang mga kakaibang isyu

patungkol sa mga mental na kalusugan. Ang deskriminasyon na nararanasan ng mga

LGBT ay kaya man nilang harapin kahit na ang nararamdaman nilang responsibilidad sa
University of Caloocan City
Departamento ng Computer Studies
Kontekswalisadong Komunikasyon sa Pilipino
25
kanilang pamilya o komunidad ay maaring magdulot ng malaking epekto sa kanilang

paghihirap na mararanasan patungkol sa emosyonal na kalusugan at maari ding itong

lumala tulad na lamang ng depresyon, takot, paggamit ng mga ipinagbabawal na gamot at

mas ikinakabahala ng marami ay ang pagpapakamatay upang maiwasan ang

deskriminasyong kanilang nararanasan.

Ayon sa thelancet.com (2018) Ang China ay tahanan ng pinakamalaking lesbian,

bakla, bisexual, at transgender (LGBT) populasyon. Makalipas ang isang dekada, ang

mga LGBT ay hindi nakikita at nagtatago sa lipunang Tsino. Bagaman ang ligal na pag-

uusig ay napawalang-bisa noong 1997, ang diskriminasyon laban sa mga LGBT ay

nananatili pa rin. Tinatantya ng kulturang Tsino ang responsibilidad ng filial para sa

pagpapalaki ng mga anak at pagpapatuloy ng linya ng pamilya; ang hindi pagtupad nito

ay maaaring maging isang panlipunang paglabag. Ang patakaran ng "one child policy"

(pinagbawal noong 2015) ay lumikha ng malakas na responsibilidad sa mga indibidwal

ng LGBT, bilang nag-iisang anak kailangan niyang ipagpatuloy ang kanilang lahi. Ang

panggigipit na mag-asawa ay nagresulta sa mga pangkat ng Tongqi (asawa ng mga bakla)

at Tongfu (asawa ng mga lesbians).


University of Caloocan City
Departamento ng Computer Studies
Kontekswalisadong Komunikasyon sa Pilipino
26
Kabanata III

DISENYO AT PAMAMARAAN NG PANANALIKSIK

Disenyo ng Pananaliksik

Ang pag-aaral na ito ay sumasailaim sa Quantitative method sa paraang Purposive

Sampling na pamamaraan ng pananaliksik ang gagamitin na disenyo ng mga

mananaliksik na kung saan ipapaliwanag, ipapakita o ilalarawan ang mga kaganapan o

mga impormasyon, datos, makakalap ng mga mananaliksik na may batayan hinggil sa

mga pananaw ng pitumpung (70) mag-aaral na nagmula sa unang taon ng kolehiyo sa

kursong IT sa Departamento ng Computer Studies hinggil sa SOGIE Equality Bill at

epekto nito sa pamumuhay ng mga LGBTQ+ Community members.

Pamamaraang Ginamit sa Pananaliksik

Sa pag-aaral na ito, ang paraan na ginamit ng mga mananaliksik ay ang paggawa

ng talatanungan na naglalaman ng demograpikong propayl at ang mismong katanungan

na sasagot sa mga katanungan ng mananaliksik hinggil sa mga pananaw ng mga mag-

aaral ng IT sa unang taon ng UCC Congress Campus sa SOGIE Equality Bill. Dumaan ito

sa pagsusuri ng tagapayo at iniwasto ang mga pagkakamali. Pagkatapos iniwasto ay

vinalideyt na ang talatanungan. Pagkatapos maivalideyt ang talatanungan ay humingi ang

mga mananaliksik ng permiso sa pamamagitan ng sulat sa mga respondente at mga

eksperto sa pagtutuos. Kasabay nito ang pamamahagi ng talatanungan. Matapos ang

sarbey, inayos at sinuring mabuti ang mga datos na nakalap upang maanalisa. Sumunod

dito, ang paggawa ng mga talahanayan para sa mga datos na nakuha sa pag-aaral.
University of Caloocan City
Departamento ng Computer Studies
Kontekswalisadong Komunikasyon sa Pilipino
27
Teknik sa Pagkuha ng Sample o Kalahok sa Pag-aaral

Ang pananaliksik na ito ay ginamitan ng non-random convenient sampling, kung

saan ang mga piniling respondente ay batay sa kanilang availability at easy access. Ang

napiling respondente sa pagsusuring ito ay ang mga mag-aaral na nasa unang taon ng

kolehiyo sa kursong IT sa Computer Studies Department. Nahahati sa dalawang pangkat

ang kursong Information Technology sa unang taon, kinuha ng mga mananaliksik ang ¾

ng respondenteng nakalkula sa kabuuang total na populasyon ng IT sa unang taon na

nagresulta ng pitumpung (70) na mag-aaral at hindi buong populasyon ng IT sa

Departamento ng Computer studies. Ang populasyon ay masyadong malaki at

imposibleng isama ang bawat indibiduwal.

Ang mga respondenteng ito na may kabuuang bilang na pitumpu (70) ay ang mga

mag-aaral na mula sa unang taon ng kolehiyo sa kursong IT sa Computer Studies

Department na kukuhanan ng kanilang pananaw idea, impormasyon, datos o detalye

patungkol sa pananaliksik o pag aaral ng isasagawa.

Sa pitumpung (70) respondente, kailangan may alam patungkol sa SOGIE

Equality Bill mapababae man o lalaki. Ang mga respondente ay kinakailangang nasa

edad 18-20 taong gulang sapagkat ito ang edad na karamihan sa mga mag-aaral na nasa

unang taon ng kolehiyo.

Instrumentong Ginamit sa Pananaliksik

Ang mananaliksik ay gumamit ng talatanungan o survey questionaire bilang

pangunahing instrumento sa pagkalap ng mga datos na magagamit upang makuha ang

mga pananaw ng mga mag-aaral tungkol sa SOGIE Equality Bill. Ipapasagot ito sa 70 na
University of Caloocan City
Departamento ng Computer Studies
Kontekswalisadong Komunikasyon sa Pilipino
28
mag-aaral nasa unang taon ng kolehiyo sa kursong IT sa Departamento ng Computer

Studies.

Ang talatanungan ay nahahati sa dalawang pangkat: ang demograpikong propayl

at ang survey ukol sa paksang pinagaaralan. Ang survey ay nagbigay ng iba’t ibang

persepsyon sa mga mag-aaral hinggil sa SOGIE Equality Bill. Pagkatapos itong

masagutan ng mga respondente ay agad na gagawin ang pagkuha ng bahagdan sa bawat

sagot sa mga katanungan at agad ding gagawa ng mga grap at interpretasyon na nakabase

sa sagot ng mga repondente.

Ang mga instrumentong ginamit ng mga mananaliksik ay ginawa ng may pag-

iingat upang maiwasan ang mga pagkakamali at maisagawa ng maayos ang mga pagkalap

ng mga importanteng impormasyon na makakatulong sa bawat isa.

Paraan ng Pangangalap ng Datos

Ang mananaliksik ang mismong nangalap ng mga impormasyon upang lubos na

maunawaan ang mga saklaw at mga posibilidad sa pag-aaral upang matiyak ang kalidad

ng ipipresentang datos. Para sa pag-apruba, ang mga mananaliksik ay nagsumite ng

pamagat at paglalahad ng suliranin, matapos maaprubahan, ang mga mananaliksik ay

naghanap ng mga kaugnay na literatura. Gumawa ng kwestyoner ang mga mananaliksik

at nag pakonsulta sa kanilang propesor.

Ginamit dito ang talatanungan sa pagkolekta ng mga datos upang mas mapadali sa

mga mananaliksik maging sa mga tagasagot. Ang mananaliksik ay nagsagawa ng

maikling oryentasyon sa mga mag-aaral at sinisiguro ang pagiging kompidensyal ng mga

nakakalap na datos bago ang pamamahagi ng talatanungan upang mas makapagpahayag


University of Caloocan City
Departamento ng Computer Studies
Kontekswalisadong Komunikasyon sa Pilipino
29
ang mga sasagot ng tanong. Nangalap ang mga mananaliksik ng datos sa pamamagitan ng

sarbey kwestyoneyr sa 70 na respondente at ang mga datos na nakalap ay inalisa ng

mabuti at ang resulta ay inilahad sa paglalagom, konklusyon at rekomendasyon.

Estadistikal Tritment

Ang estatiskang pamamaraan na gagamitin ay ang pagkuha ng porsyento o

bahagdan upang makuha ang resulta ng pag-aaral na ito. Batay sa nabilang na tugon ng

mga respondente sa bawat katanungan, maaari nang makita ang prekwensi sa bawat

bilang na tugon. Ang pagkuha ng kabuuang bahagdan ay:

𝑓
% = 𝑥 100
𝑛

Kung saan ang:

% = bahagdan

f = bilang ng sagot, n = bilang ng respondente

Sa pag-aaral na ito, ginamit ng mananaliksik ang Slovin’s formula upang tukuyin

ang bilang ng respondanteng tutugon sa talatanungan.

Pormula: n = N / (1 + Ne²) Aplikasyon:

n = Kabuuang Bilang ng Sampol n = N / (1 + Ne²)

N = Kabuuang Populasyon = 411/ (1 +411* .10²)

e = Inaasahang Kamalian = 411/ 5.11

= 70
University of Caloocan City
Departamento ng Computer Studies
Kontekswalisadong Komunikasyon sa Pilipino
30
Ang tritment sa pag aaral na ito ay sumasagot sa talatanungan ng mga

mananaliksik na gamit ang pormulang Slovin’s at Mean Formula.

∑ 𝑓𝑥
Mean Pormula: 𝑥̅ = 𝑁

𝑥̅ = tugon ng bilang ng mag-aaral

Σ = pinagsasama ng tugon

Fx = nagrerepresenta sa indekasyon ng mga mag-aaral

N = nagrerepresenta sa kabuuang bilang ng mananaliksik

Talahanayan Blg. 1
Likert Scale

Mean Value Weighted Mean Berbal na Simbolo


Interpretasyon
Lubos na
4.20 – 5.00 5 LS
Sumasang-ayon
3.40 – 4.19 4 Sumasang-ayon S
Di-Gaanong-
2.60 – 3.39 3 DGS
Sumasang-ayon
2
1.80 – 2.59 Di-Sumasang-ayon DS

Lubos na Di-
1.00 – 1.79 1 LDS
Sumasang-ayon
University of Caloocan City
Departamento ng Computer Studies
Kontekswalisadong Komunikasyon sa Pilipino
31
Kabanata IV

PAGLALAHAD, PAGSUSURI AT INTERPRETASYON

Presentasyon ng mga Datos

Ang kabanatang ito ay naglalaman ng mga resultang nakalap sa sarbey

kwestyuner na sinagutan ng mga mag-aaral sa nasa unang taon ng kolehiyo sa kursong IT

sa Departamento ng Computer Studies.

1. Propayl ng mga Respondente

Talahanayan Blg. 1.1


Frequency at Distribusyon ng Bahagdan ng mga Respondente
Ayon sa Edad

Edad Bilang Bahagdan


18 27 38.57%
19 33 47.14%
20 10 14.29%
Kabuuan 70 100%

Ang Talahanayan Blg. 1.1 ay naglalaman ng edad ng pitumpung (70) mga

respondente. Nakasaad dito ang bilang at bahagdan ng mga respondente ayon sa kanilang

edad. Sila ay mula 18 hanggang 20 na taong gulang. Ipinapakita rito na mas marami ang

mga respondenteng may edad 18 na may bilang na 33 o 47.14%. Sumunod ang bilang ng

mga respondenteng may edad 18 na may 27 katao o 38.57%. At ang pinaka-kakaunting

bilang ay ang may edad na 20 na may 10 katao lamang o 14.29%.


University of Caloocan City
Departamento ng Computer Studies
Kontekswalisadong Komunikasyon sa Pilipino
32
Talahanayan Blg. 1.2
Frequency at Distribusyon ng Bahagdan ng mga Respondente
Ayon sa Kasarian

Edad Bilang Bahagdan


Babae 17 11%
Lalaki 53 89%
Kabuuan 50 100%

Ang Talahanayan Blg. 1.2 ay naglalaman ng kasarian ng pitumpung (70) mga

respondente. Nakasaad dito ang bilang at bahagdan ng mga respondente ayon sa kanilang

kasarian. Ipinapakita dito na mas marami ang mga respondenteng lalaki na may bilang na

53 katao o 68%, kaysa sa bilang ng mga babae na 17 katao o 32%.

Talahanayan Blg. 1.3


Frequency at Distribusyon ng Bahagdan ng mga Respondente
Ayon sa Seksyon

Seksyon Bilang Bahagdan


BSIT1-A 35 50%
BSIT1-B 35 50%
Kabuuan 70 100%

Ang Talahanayan Blg. 1.3 ay naglalaman ng seksyon ng pitumpung (70) mga

respondente. Nakasaad dito ang bilang at bahagdan ng mga respondente ayon sa kanilang

seksyon. Ipinapakita dito na pantay ang pagdistribyut ng frequency para sa kukuning

respondent. Ang BSIT1-A at BSIT1-B ay mayroong tig-35 o 50 na bahagdan.


University of Caloocan City
Departamento ng Computer Studies
Kontekswalisadong Komunikasyon sa Pilipino
33
2. Ebalwasyon sa SOGIE Equality Bill

Talahanayan Blg. 2.1


Sang-ayon ba ang respondante sa pagpapatupad ng SOGIE Equality Bill sa
Pilipinas?
Sang-ayon ba ang respondante sa
Berbal na
pagpapatupad ng SOGIE Equality Bill Bilang Bahagdan
Interpretasyon
sa Pilipinas?

Oo 22 31.43% Sumasang-ayon
Hindi
48 Sumasang-ayon
Hindi 68.57%

Kabuuan 70 100%

Ang Talahanayan Blg. 2.1 ay naglalaman tungkol sa tanong na “Sang-ayon ba ang

respondante sa pagpapatupad ng SOGIE Equality Bill sa Pilipinas?” sa pitumpung (70)

mga respondente. Nakasaad dito ang ilang, berbal na interpretasyon at bahagdan.

Maraming mga respondante ang nagsabing hindi sila sang-ayon sa pagpapatupad ng

SOGIE Equality Bill sa Pilipinas na mayroong bilang na 48 o 31.43%. Samantalang 22

naman ang nagsabing sang-ayon sa pagpapatupad nito na may 68.57 na bahagdan.

Talahanayan Blg. 2.2


Ano sa iyong palagay ang mangyayare sa kung maisabatas
ang SOGIE Equality Bill sa bansang Pilipinas?

Palagay kung ano ang mangyayare kung


Weighted Berbal na
sakaling maisabatas ang SOGIE Equality Bill Ranggo
Mean Interpretasyon
sa bansang Pilipinas
1. Kapag naipatupad ito, mabibigyang pansin Di-Gaanong-
at linaw ang karapatan ng bawat isa sa 3.09 Sumasang-ayon 2
LGBTQ+ community.
2. Dapat lamang na ipatupad ito nang sa gayon Di-Gaanong-
2.9 4
ay mabawasan ang mga nakatatanggap ng Sumasang-ayon
University of Caloocan City
Departamento ng Computer Studies
Kontekswalisadong Komunikasyon sa Pilipino
34

diskriminasyon sa LGBTQ+ community.


3. Hindi na dapat pang ipatupad ito dahil Di-Gaanong-
iisang komunidad lang naman ang 2.97 Sumasang-ayon 5
makakukuha ng benepisyo.
4. Ang pagpapatupad nito ay sayang lamang Di-Gaanong-
sa pondo at oras ng gobyerno dahil ito'y 3.04 Sumasang-ayon 3
walang katuturan lamang.
5. Hindi na dapat ito pagsayangan ng panahon
ng gobyerno sapagkat matagal naman nang
Di-Gaanong-
tanggap sa lipunan ang mga LGBTQ+
3.34 Sumasang-ayon 1
community, bagkus unahin na lamang ang
iba pang isyung kinakaharap ngayon ng
bansa.

Ang Talahanayan Blg. 2.2 ay naglalaman tungkol sa pananaw kung ano ang

mangyayare kung sakaling maisabatas ang SOGIE Equality Bill sa bansang Pilipinas ng

pitumpung (70) mga respondente. Nakasaad dito ang weighted mean, berbal na

interpretasyon at ranggo. Unang ranggo ang ikalimang pahayag na mayroong 3.34

weighted mean. Sumunod, ang unang pahayag na mayroong 3.09 weighted mean.

Samantalang, ang ikaapat na pahayag ay mayroong 3.04 weighted mean. Habang ang

ikalawang pahayag ay mayroong 2.9 weighted mean. At panghuli sa ranggo, ang ikatlong

pahayag na mayroon lamang 2.97 na weighted mean. Ang berbal na interpretasyon ng

lahat ng pahayag mula una hanggang sa ikalima ay di-gaanong-sumasang-ayon ang mga

respondente sa mga nasabing mangyayare.


University of Caloocan City
Departamento ng Computer Studies
Kontekswalisadong Komunikasyon sa Pilipino
35
Talahanayan Blg. 2.3
Ano ang iyong pananaw tungkol sa diskriminasyong kinakaharap ng mga LGBTQ+
members?

Pananaw tungkol sa diskriminasyong Weighted Berbal na


Ranggo
kinakaharap ng mga LGBTQ+ members Mean Interpretasyon
1. Dapat maging responsable at irespeto ng
mga nakapaloob sa LGBTQ+ community Sumasang-ayon
3.8 2
ang karapatan ng bawat isa sa labas ng
nasabing komunidad.
2. Hindi karapat-dapat na dinidiskriminato
ang bawat miyembro ng LGBTQ+ Sumasang-ayon
4.04 1
community dahil sila'y tao lamang at may
pakiramdam.
3. Iilan sa mga heterosexual ay naiilang pa
din sa mga LGBTQ+ members kaya dapat Sumasang-ayon
3.7 3
ay mag adjust ang mga miyembro ng
LGBTQ+.
4. Dapat ay ipinaglalaban ng mga LGBTQ+
community ang kanilang karapatan nang sa
gayon ay makita ng mga nasa labas ng Sumasang-ayon
3.43 4
nasabing komunidad na hindi dapat
nakatatanggap ng diskriminasyon ang
LGBTQ+ community.
5. Karapat-dapat lamang na makatanggap ng
diskriminasyon ang bawat isa sa LGBTQ+ Di-Sumasang-
community dahil hindi naman nila 2.3 ayon 5
nirerespeto ang kanilang sariling katawan
at seksuwalidad.

Ang Talahanayan Blg. 2.3 ay naglalaman tungkol sa pananaw hinggil sa

diskriminasyong kinakaharap ng mga LGBTQ+ members ng pitumpung (70) mga

respondente. Nakasaad dito ang weighted mean, interpretasyon at ranggo. Unang ranggo

ang ikalawang pahayag na mayroong 4.04 weighted mean. Sumunod, ang unang pahayag

na mayroong 3.8 weighted mean. Samantalang, ang ikatlong pahayag ay mayroong 3.7

weighted mean. Habang ang ikaapat na pahayag ay mayroong 3.43 weighted mean. At

panghuli sa ranggo, ang ikalimang pahayag na mayroon lamang 2.3 na weighted mean.

Ang berbal na interpretasyon ng mula una hanggang sa ikaapat na pahayag ay sumasang-


University of Caloocan City
Departamento ng Computer Studies
Kontekswalisadong Komunikasyon sa Pilipino
36
ayon sa mga pahayag na nabanggit ngunit sinabi ng mga respondente na hindi sila sang-

ayon sa ikalimang pahayag.

Talahanayan Blg. 2.4


Sa papaanong paraan, makatutulong ang SOGIE Equality Bill sa pamumuhay at
karapatan ng bawat isa sa LGBTQ+ community?

Paano makatutulong ang SOGIE Equality


Weighted Berbal na
Bill sa pamumuhay at karapatan ng bawat Ranggo
Mean Interpretasyon
isa sa LGBTQ+ community?
1. Mas lalong mabibigyang pansin ang Di-Gaanong-
karapatan ng bawat isa sa LGBTQ+ 2.99 Sumasang-ayon 3
community.
2. Lalaki ang ulo ng iilan sa LGBTQ+ Di-Gaanong-
community dahil sa pribiliheyong 3.34 Sumasang-ayon 1
naibibigay nito.
3. Mas marerespeto ang karapatan ng bawat Di-Gaanong-
isa sa LGBTQ+ community. 3.16 Sumasang-ayon 2

4. Makakatulong ang ito sa paghahanap ng Di-Gaanong-


trabaho para sa mga LGBTQ+ community. 2.99 Sumasang-ayon 3

5. Magiging ugat ito para kutyain at gawing Di-Gaanong-


katatawanan ang mga miyembro ng 2.84 Sumasang-ayon 4
LGBTQ+ community.

Ang Talahanayan Blg. 2.4 ay naglalaman tungkol sa pananaw kung paano

makatutulong ang SOGIE Equality Bill sa pamumuhay at karapatan ng bawat isa sa

LGBTQ+ community ng pitumpung (70) mga respondente. Nakasaad dito ang weighted

mean, interpretasyon at ranggo. Unang ranggo ang ikalawang pahayag na mayroong 3.34

weighted mean. Sumunod, ang ikatlong pahayag na mayroong 3.16 na weighted mean.

Samantalang, ang una at ikaapat na pahayag ay mayroong parehas na weighted mean na

2.99. At panghuli sa ranggo, ang ikalimang pahayag na mayroon lamang 2.84 na

weighted mean. Ang berbal na interpretasyon ng lahat ng pahayag ay di-gaanong-


University of Caloocan City
Departamento ng Computer Studies
Kontekswalisadong Komunikasyon sa Pilipino
37
sumasang-ayon ang mga respondente na makakatulong ang SOGIE Equality Bill sa

LGBTQ+ Community members.


University of Caloocan City
Departamento ng Computer Studies
Kontekswalisadong Komunikasyon sa Pilipino
38
Kabanata V

LAGOM NA NATUKLASAN, KONKLUSYON AT REKOMENDASYON

Paglalagom

Ang pangunahing layunin ng isinasagawang pananaliksik ay ang malaman ang

persepsyon ng mga mag-aaral na nasa unang taon ng kolehiyo sa kursong IT sa

Departamento ng Computer Studies hinggil sa panukalang SOGIE Equality Bill at ang

epekto nito sa pamumuhay ng mga LGBTQ+ members kung ito’y naisabatas.

Batay sa sarbey na isinagawa, mayroong pitumpung (70) mga mag-aaral na nasa

unang taon ng kolehiyo sa kursong IT sa Departamento ng Computer Studies ang naging

respondente na sumagot sa sarbey-kwestyuner. Buhat sa mga naging kasagutan ng mga

respondente, nakagawa ng interpretasyon ang mga mananaliksik ukol sa paksang pinili.

Batay sa Edad ng respondante, mayroong 33 na respondante na may edad na 19

taon ang nakilahok na may malaking bahgdan na 47.17 na halos kalahati ng buong

sample at kaunti lamang ang nasa 20 taon na may 14.29 na bahagdan.

Batay sa Kasarian ng respondante, halos lahat ng sumagot ng survey ay puro

kalalakihan na mayroong 53 o 89%. Samantalang mayroon namang 17 katao o 11% na

kababaihan.

Batay sa Seksyon, naging balanse ang pagkuha ng sample sa bawat pangkat na

mayroong 35 na mag-aaral ang kinuha sa BSIT1-A at 35 ulit ang kinuha sa BSIT1-B na

mayroong 50 na bahagdan.
University of Caloocan City
Departamento ng Computer Studies
Kontekswalisadong Komunikasyon sa Pilipino
39
Kukunin lamang ng mga mananaliksik ang may mataas na weighted mean sa

kadahilanang halos magkakalapit ang resulta na lumabas sa nasabing mga pananaw ng

mga responadante. Narito ang paglalagom para sa ebalwasyon sa pananaw ng SOGIE

Equality Bill:

Batay sa pananaw ng mga respondante kung sang-ayon ang respondante sa

SOGIE Equality Bill, halos kalahati ng buong sample o 48 katao ay hindi sumang-ayon

sa pagsasabatas ng SOGIE Equality Bill sa Pilipinas habang may 22% na sumang-ayon.

Batay sa pananaw ng mga respondante kung ano ang mangyayare kung

maisabatas ang SOGIE Equality Bill sa Pilipinas ay dapat na hindi na ito pagsayangan ng

panahon ng gobyerno sapagkat matagal naman nang tanggap sa lipunan ang mga

LGBTQ+ community, bagkus unahin na lamang ang iba pang isyung kinakaharap

ngayon ng bansa na may 3.34 na weighted mean sa interpretasyon na di-gaanong-

sumasang-ayon.

Batay sa pananaw ng mga respondante tungkol sa diskriminasyong kinakaharap

ng mga LGBTQ+ members, may mataas na weighted mean ang pananaw na “Hindi

karapat-dapat na dinidiskriminato ang bawat miyembro ng LGBTQ+ community dahil

sila'y tao lamang at may pakiramdam.” na may 4.04 na weighted mean sa interpretasyong

sumasang-ayon subalit di sila sumasang-ayon na makatanggap ng diskriminasyon ang

bawat isa sa LGBTQ+ community dahil hindi naman nila nirerespeto ang kanilang

sariling katawan at seksuwalidad na mayroong 2.3 weighted mean.

At huli batay sa pananaw ng mga respondante kung paano makatutulong ang

SOGIE Equality Bill sa mga LGBTQ+ members ay lalaki lamang ang ulo ng iilan sa
University of Caloocan City
Departamento ng Computer Studies
Kontekswalisadong Komunikasyon sa Pilipino
40
LGBTQ+ community kung ito’y maisabatas dahil sa pribiliheyong naibibigay nito na

mayroong 3.34 na weighted mean.

Konklusyon

Mula sa mga nakuhang resulta ng mga mananaliksik sa kanilang pagsarbey, ito

ang mga nabuong konklusyon:

1. Ang kadalasang edad ng mga respondante ay may gulang na 19 taon.

Karamihan sa mga ito ay mga kalalakihan. Parehas lamang ang distribusyon

sa paghati ng sample sa bawat seksyon na mayroong 35 na respondante sa

bawat seksyon.

2. Karamihan sa mga respondante ay kalalakihan na hindi sumang-ayon na

ipatupad ang panukalang SOGIE Equality Bill dahil base sa kanilang mga

pananaw ay hindi na dapat ito pagsayangan ng panahon ng gobyerno, bagkus

unahin na lamang ang iba pang isyung kinakaharap ngayon ng bansa.

3. Karamihan sa mga respondante ang sumang-ayon na hindi dapat

dinidiskriminato ang bawat miyembro ng LGBTQ+ community members

sapagkat sila'y tao lamang at may pakiramdam. Sa kabilang banda, hindi sila

sang-ayon na makatanggap ng diskriminasyon ang bawat isa sa LGBTQ+

community dahil hindi naman nila nirerespeto ang kanilang sariling katawan

at seksuwalidad.

4. Ayon sa mga respondante, ang epekto ng SOGIE Equality Bill kung ito’y

maisabatas ay lalaki lamang ang ulo ng iilan sa LGBTQ+ community dahil sa

pribiliheyong naibibigay nito kaya’t di sila gaanong sang-ayon na ipatupad

ito.
University of Caloocan City
Departamento ng Computer Studies
Kontekswalisadong Komunikasyon sa Pilipino
41
Rekomendasyon

Kaugnay ng mga kongklusyong nabanggit, buong pagpapakumbabang

inirerekomenda ng mga mananaliksik ang mga sumusunod:

Sa Presidente ng Pilipinas

Magpahayag, tulad ng ginawa dati, laban sa bullying, ulitin ang sinabi niyang ang

bullying ng kabataang LGBTQ+ ay nakakasakit at di-katanggap-tanggap.

Magpahayag ng suporta sa batas kontra-diskiriminasyon at gumawa ng batas na

magbabawal ng diskriminasyon ayon sa identidad sa kasarian, pati sa edukasyon,

trabaho, pangangalagang pangkalusugan, at mga akomodasyong pampubliko.

Para sa Kagawaran ng Edukasyon

Gumawa ng sistema para matipon at mailathala ang datos tungkol sa bullying ayon sa

identidad sa kasarian sa mga paaralan. Iwasto ang mga forms para mas malinaw ang

kaibahan at mairekord ang mga insidente ng bullying na ayon sa kasarian, at isama

ang ganitong kategorya sa lahat ng forms na konektado sa bullying, pang-aabuso, o

karahasan laban sa mga bata.

Agad na rebyuhin ang kurikula, pati mga teksbuk at materyal panturo, upang

masigurong kasama ang mga isyung LGBTQ+. Alisin ang nilalamang mapanlait sa

mga LGBTQ+ at isama ang nilalaman na angkop para sa mga LGBTQ+ at

nagsusulong ng respeto para sa iba’t ibang kasarian.


University of Caloocan City
Departamento ng Computer Studies
Kontekswalisadong Komunikasyon sa Pilipino
42
Mag-isyu ng order sa mga eskuwelahan na irespeto ang identidad sa kasarian ng mga

estudyante kaugnay ng kanilang dress code, akses sa pasilidad, at partisipasyon sa

kurikular at ekstrakurikular na aktibidad.

Magsagawa ng pagsasanay kasama ang LGBTQ+ rights groups kung magagawa,

para maging pamilyar ang mga kawani ng DepEd na nasa sa dibisyon at distrito na

lebel sa terminilohiya at mga isyung LGBTQ+.

Sa Mga Lokal na Opisyal

Magsabatas ng lokal na mga ordinansa na magbabawal ng diskriminasyon ayon sa

oryentasyong sexual at identidad sa kasarian, pati sa edukasyon, trabaho,

pangangalagang pangkalusugan, at akomodasyong pampubliko.

Ipalaganap ang mga patakaran at regulasyon sa implementasyon upang masigurong

nagagamit at naipapatupad ang umiiral na ordinansa kontra-diskriminasyon.

Sa mga Administrador ng Eskuwelahan

Pagtibayin ang mga patakaran kontra-bullying at kontra-diskriminasyong magsasama

sa identidad sa kasarian, na magpapaliwanag sa mga estudyante kung paano

magsusumbong ng mga insidente ng bullying, at tukuyin talaga kung ano ang

pananagutan kapag nang-bully.

Magsagawa ng training, kasama ang sibiko at panlipunang grupong LGBTQ+ kung

puwede, para sa mga komiteng pumoprotekta sa mga bata at sa mga kawani ng

eskuwelahan para masigurong sensitibo sila sa mga pangangailangan at kahinaan ng

mga LGBTQ+. Ang mga training ay dapat magpaalam sa kawani ng eskuwelahan


University of Caloocan City
Departamento ng Computer Studies
Kontekswalisadong Komunikasyon sa Pilipino
43
tungkol sa tamang mga terminolohiya, mga uri ng pambu-bully at disriminasyong

kinahaharap ng mga LGBTQ+, mga karapatang tinatamasa ng katabaang LGBTQ+ sa

ilalim ng lokal at internasyonal na batas, at ang resources at mga serbisyong

makukuha ng kabataang LGBTQ+.

Magpalaganap ng mga alituntuning nagtuturo sa kawani ng paaralan na irespeto ang

identidad sa kasarian ng mga estudyante patungkol sa dress code, akses sa pasilidad,

at partisipasyon sa mga kurikular at ekstrakurikular na aktibidad.

Ipagunita ang mga okasyon tulad ng Human Rights Day na may pagpoprograma na

magtataguyod ng karapatang pantao at pagrespeto para sa mga kasarian sa mga

eskuwelahan.

Siguraduhing ang mga eskuwelahan ay may resources na madaling makukuha ng mga

LGBTQ+, tulad na lang ng mga libro at printed na materyal, akses sa mga tagapayo o

iba pang kawaning makakatulong, at resources sa kurikulang bukas at tumatanggap sa

mga LGBTQ+.

You might also like