You are on page 1of 25

KOMUNIKASYON

z SA SOCIAL MEDIA
z

 Mabils ang paglago ng social media sites gaya ng Facebook,


Twitter, at Instagram, laganap na ito sa lipunan lalo na sa
mga kabataan. Ayon kay Young (1996) may dalawang klase
ng tao ang gumagamit ng social network, ito ay ang
“dependent” na gumugugol ng 39 oras sa internet para sa
sosyal na pakikipag-usap at pakikihalubilo. Samantala and
“independent” naman ay kumukonsumo ng limang oras
lamang para sa “net surfing” o “e-mail”.
z
 Madali nang makasagap ngayon ng bagong balita
mula sa mga post sa social media at pagpapadala ng
pribadong mensahe gamit ito. Sinusugan ito ni Green
(2000), natural lang sa isang tao ang pakikipag-
ugnayan sang-ayon sa Hierarchy of Needs ni
Maslow. Kaya naman dito ipinapahayag ng ilang tao
ang kanilang damdamin na dito halos likas at alam
na matutugunan ng iba.
z

 Mapapansin na may kaniya-kaniyang paraan ang tao sa


pagpapahayag ng wika pakikipagkomunikasyon dahilan sa
pag-unlad ng kultura ng bansa. Ayon kay Pertierra (2002),
ang pagbabagong dulot ng teknolohiya ay nagbunga ng
pagpapakahulugan sa kultura. Kung may dagdag sa
teknolohiya ay may kaakibat na dagdag din sa kultura. Kaya
naman may dalawang mukha ang komunikasyon sa social
media, ang pagkakaroon ng kalakasan at kahinaan nito.
 Sa kalakasan nito, noon uso ang pagpapadala ng liham sa
z
tanggapan ng mga sulat at tumatagal ng isang linggo bago
makuha ang liham. Ngayon, isang pindot na lang ay maari
nang makausap at makita ang taong nasa malayo sa tulong
ng social media. Isa pang halimbawa noon ay ang mahirap
na pagkakaroon ng long distance relationship (LDR) dahil sa
paraan ng komunikasyon, ngayon ay hindi na ito sagabal sa
buhay ng tao. Maraming tao na rin ang nahahanap ang
nawawalang pamilya sa pamamagitan ng pagpopost ng
larawan sa facebook. Malaki rin ang tulong ng social media
sa mga mag-aaral dahil nakapagtatanong sila tungkol sa
kanilang aralin sa ibang kamag-aral gamit ang group chat.
 Isa naman sa kahinaan ng komunikasyon ngayon ang
paggamit
z ng mga salitang balbal o impormal na wika.
Makikita sa bawat pag-uusap ang pagpapaikli sa mga
komento o pahayag ng tao. Nang mauso ang teknolohiya,
bitbit nito ang mga kagamitang tinangkilik ng masa. Isa ang
pagkakaroon ng cellphone. Halos lahat ng tao ay mayroon
nito kaya hindi maitatanggi na madali na ang paraan ng
komunikasyon. Ngunit dahil dito, mas nasira ang wika dahil
sa paraan ng kanilang pananalita. "Dito na me, wer na u?",
"Nakita ko crush mo may kasamang iba. skl", at "Jgh from
school, ang init". Halos lahat ng nakikita sa social media ay
ganito na. Talamak na ang paggamit ng sablay na wika dahil
sa pag-usbong ng teknolohiya.
z
 Isa pa sa mga kahinaan ng teknolohiya ang pagkalantad ng
malalaswang imahe ng tao. Ayon sa ulat ng CSl/FBI
Computer Crime and Security (2000), sinasabi na 79 % ng
mga kabataan ang umaabuso sa social networking sites at
isa sa mga pag-abusong ito ay ang pagdownload ng
pornograpiya. Ang mga kumakalat na fake news ngayon ay
dagdag din sa mga kahinaan ng teknolohiya at social media.
Madaling kondisyunin ang tao batay sa nakikita at nababasa
lalo na sa internet.
z
SOCIAL MEDIA PLATFORMS
 Narito ang mga uri ng social media platforms
na ginagamit bilang pangkalahatan sa internet.

SOCIAL NETWORKING
 Gumagamit ito ng mga websites upang magkaroon ng
impormal na komunikasyon sa mga tao na may
parehong interes sa loob ng isang pangkat o networks.

 Halimbawa: Facebook, Google+, at Linkedln


z
Facebook
 inilunsad ng grupo ni Mark 2004 bilang isang
eksklusibong site para sa mga mag-aaral sa
Harvard. Ito ang pinakasikat at
pinakaginagamit sa lahat ng social media
sites dahil sa simpleng pamamaraan ay
nahahanap at nakakausap ang mga taong
nasa malalayong lugar sa pamamagitan ng
Facebook Zuckerberg noong pag-add sa
kanilang account.
z
Google +

 itinatag nina Larry Page at Sergey Brin noong


1996 bilang hanguan ng pangkalahatang
kaalaman. Ginagamit ito upang humanap ng
mga impormasyon at datos sa pamamagitan
ng search engine ng google. Marami
z
Linkedin

 Inilunsad ni Jeff Weiner noong 2009 upang


gamitin sa paghahanap ng impormasyon sa
isang kumpanya at nais na trabaho.
z

MICROBLOGGING
 Inilalagay dito ang mga maiikling impormasyon at
bagong datos sa isang social media site. Maaari
ding mag-subscribe, magbigay ng pribado at
pampublikong mensahe ang mga gumagamit sa
ibang tao. Dito rin nauso ang paggamit ng mga
hashtags na naglalaman ng iba't ibang paksa.

 Halimbawa: Twitter at Tumblr


z Twitter
 Itinatag nina Jack Dorsey, Noah Glass, Biz
Stone at Evan Williams bilang Twitter
isang instrumento ng komunikasyon sa
mga tao sa pamamagitan ng pag-follow sa
kanilang account at paggamit ng mga
hashtags na may kasamang opinyon o
kuro-kuro na makikita ng ibang tao kapag
hinanap nila ito sa search engine ng
naturang social media site.
z
Tumblr

 Itinatag ni David Karp noong 2007 na


pagmamay-ari na ng Oath Inc. Ginagamit
upang maglagay ng mga larawan, inensahe,
bidyo, mga sipi sa libro at audio na inilalagay
sa kanilang blog na tumatalakay ng kanilang
nais na paksa.
z
BLOGGING (PAGGAMIT NG MGA
WEBSITES)
 Inilalagay dito ang mga sariling opinyon,
artikulo at kuwento tungkol sa nais na
paksa ng mga blogger. manunulat sa
internet o blogger
 Halimbawa: Wordpress at Blogger
z
WordPress

 Binuo WordPress Foundation noong 20013


ginagamit ngayon upang lumikha ng bagong
blog, website o aplikasyon na magagamit sa
pagsulat ng sariling paksa.
z
Blogger

 Sinimulang buoin ng Pyra Labs at


pagmamay-ari ng Google noong 1999. Tulad
ng wordpress, ito rin ay lumilikha ng mga
website at blog na malayang nagagamit ng
sinoman dahil hindi kailangan ng anomang
code sa Blogger pag-iinstall nito.
z
PAGBABAHAGI NG LARAWAN

 Nakapagbabahagi dito ang sinoman sa


pampubliko o pampribadong account ng kahit
anong larawan.

 Halimbawa: Instagram, Flickr, Snapchat at


Pinterest at Pahina
z
Instagram

 Binuo nina Kevin Systrom, Mike Krieger at ng


Facebook na ginagamit ngayon sa
pagbabahagi ng mga larawan o bidyo na
makikita ng sinoman kung nakapampubliko
ang kanilang account. Maaari na ring
makipag-usap sa ihang tao sa pamamagitan
ng direktang mensahe.
z
Flickr

 Binuo nina Stewart Butterfield at Caterina


Fake noong 2004 at tulad ng Instagram,
maaari ding magbahagi ng mga larawan at
bidyo.
z
Snapchat

 Binuo nina Evan Spiegel, Bobby Murphy at


Reggie Brown noong 2011, dating mga mag-
aaral ng Stanford University. Ginagamit ito sa
pagbabahagi ng larawan ng tao na nilalagyan
ng filter na mababago ang panlabas na anyo
ng sinoman na haharap sa kamera. Maaaring
magaya ang anyo ng alinmang hayop, tao at
iba pa.
z
Pinterest

 Itinatag ni Ben Silbermaan at ginagamit


ngayon upang magbahagi ng mga larawan na
may paksa upang tumulong sa mga taong
magbabasa nito. Halimbawa ng nilalaman
hito ay mga recipe, mga tips sa buhay,
inspirasyon ng tao at iba pang ideya. sa ong
z

PAGBABAHAGI NG BIDYO

 pampubliko o pampribadong account ng kahit


anong bidyo. Nakapagbabahagi dito ang
sinoman sa

 Halimbawa: YouTube, Vimeo, at Periscope


z
Youtube

 Itinatag nina Jawed Karim, Chad Hurley at


Steve Chen noong 2005. Ginagamit ito upang
magbahagi ng mga bidyo na o wala. Tube
makikita ng publiko, may account man
Kadalasang mapapanood dito ang trailer ng
mga papalabas na pelikula at kanta.
z
Vimeo

 Itinatag nina Jake Lodwick at Zach Klein


noong 2004 at ginagamit ngayon upang
magbahagi ng mga bidyo partikular na ng
mga maikling pelikulang ipinagbibili rin ng
Vimeo

You might also like