You are on page 1of 2

DON HONORIO VENTURA STATE UNIVERSITY

Cabambangan, Villa de Bacolor, Pampanga, Philippines


Tel. No. (6345) 458 0021; Fax (6345) 458 0021 Local 211
URL: http://dhvsu.edu.ph

Tiyak na Halimbawa ng mga Antas ng Komunikasyon/TIyak na mga sitwasyong pangkomunikasyon

1. Pangkatang Komunikayson/Interpersonal na Komunikasyon – nagaganap sa pagitan ng dalawa o higit pang mga tao.

2. Pampublikong Komunikasyon – nagaganap sa pagitan ng isang tagapagsalita at maraming tagapakinig.

3. Pangmadla/Pangmasang Komunikasyon – nagaganap sa pagitan ng maraming kalahok kung kaya’t kinakailangang


gumamit ng mass media, katulad ng radyo, dyaryo, telebisyon at maging ng social medya.

Tiyak na Halimbawa ng mga ito:

1. Lektyur at Seminar – maliit ng pagpupulong na sa pagitan 20-70 kalahok.


Uri ng Seminar:
a. Mini Seminar - karaniwan ay kakaunti ang bilang ng mga dumadalo at simple lamang ang paksang tatalakayin
b. Medyor - isinasagawa ito ng mga institusyon o mga kagawaran tungkol sa isang partikular na paksa.
c. Nasyunal - Isinasagawa ito sa antas na pambansa. Isang dalubhasa ang karaniwang inaanyayahan na magbahagi ng
kanyang kaalamansa seminar na ito.
d. Internasyunal Seminar – Mga internasyunal na ahensya o organisasyon ang nagsasagawa ng seminar na ito.

2. Worksyap - Ang pagsasagawa ng worsyap ay isa sa pinakamabisang paraan ng pagbabahagi ng kaalaman at kasanayan sa ibangtao.
(hands on practice)

3. Roundtable at Small Group Discussion - Mainam na balangkas ang roundtable at small group discussion, na kalimitang
kinasasangkutan ng tatlo hanggang 12 kalahok, upang makapagbahagi ng kaalaman tungo sa paglutas ng isang isyu o suliranin.

4. Pulong/Miting - Mahalaga sa kahit anong organisasyon o samahan ang pagsasagawa ng pulong upang talakayin ang mahahalagang
agenda nito

5. Programa sa Radyo at Telebisyon

TELEBISYON – pinakamakapangyarihang uri ng komunikasyon.

Uri ng mga palabas sa telebisyon:

a. Balita

b. Dokumentaryo

c. Drama/Komedya

d. Variety Show

RADYO – pinakadinamikong anyo ng komunikasyon.

Uri ng program sa radyo:

a. AM (amplitude modulation)

b. PM (frequency modulation)

6. Video Conferencing - ang interaksyon sa pagitang ng dalawa o higit pang tao na nasa magkaibang lokasyon, sa pamamagitan ng
pagtatawagan na magkasamang video.
DON HONORIO VENTURA STATE UNIVERSITY
Cabambangan, Villa de Bacolor, Pampanga, Philippines
Tel. No. (6345) 458 0021; Fax (6345) 458 0021 Local 211
URL: http://dhvsu.edu.ph

7. Social Media - na ginagamit ng mga tao upang makapagdala ng mensahe sa isa’t isa, magpaskil ng mga larawan, magpahayag ng
mga larawan, magpahayag ng mga sentimiyento, opinion o kuro, at magbenta at bumili ng mga produkto at iba’t iba pa

Uri ng Social Media Platforms:

1. Social Networking - Ito ay ginagamit ng mga websites para magkaroon ng impormal na komunikasyon ang mga tao na may parehong
interes sa loob ng isang grupo o networks. Halimbawa, Facebook, Google at LinkedIn.

Facebook – noong 2004 ay inilunsad ito ng grupo ni Mark Zuckerberg bilang isang eksklusibong site para sa mga mag-aaral sa Harvard.
Ito ang itinuring na pinakasikat at pinakaginagamit sa lahat ng social media sites dahil sa simpleng pamamaraan ay nahahanap at
nakakausap ang mga taong nasa ibang lugar sa pamamagitan lamang ng pag-add sa kanilang account.

Google+ - noong 1996 at itinatag ito nina Larry Page at Sergey Brin bilang hanguan ng pangkalahatang kaalaman. Sa pamamagitan ng
search engine nggoogle ay ginagamit ito para humanap ng mga impormasyon at datos. Ginagamit ito sa paghahanap ng aklat, balita,
larawan, mapa at iba pa.

LinkedIn –Inilunsad ito ni Jeff Weiner noong 2009 upang gamitin sa paghahanap ng impormasyon sa isang kumpanya at nais na trabaho.

2. Microblogging - Ang mga maiikling impormasyon at bagong datos sa isang social media site ay inilalagay dito. Halimbawa, Twitter o
X.

Twitter – ito ay itinatag nina Jack Dorsey, Noah Glass, Biz Stone at Evan Williams bilang isang instrumento ng komunikasyon sa mga
tao sa pamamagitan ng pagfollow sa kanilang account at paggamit ng hashtags na may kasamang opinion o kuru-kuro na makikita ng
ibang tao kapag hinanap nila ito sa search engine ng naturang social media site.

3. Pagbabahagi ng Larawan – Halimbawa, Instagram, SnapChat at Pinterest.

Instagram – ito ay binuo nina Kevin Systrom, Mike Krieger at ng Facebook na ginagamit ngayon sa pagbabahagi ng mga larawan at
bidyo na makikita ng sinoman kung nakapubliko ang account. Sa pamamagitan ng direktang mensahe ay maari na ring makipag-usap
sa ibang tao.

Snapchat – ito ay ginagamit sa pagbabahagi ng larawan ng tao na nilalagyan ng filter upang mabago ang panlabas na itsura ng tao. Ito
ay binuo nina Evan Spiegel, Bobby Murphy at Reggie Brown noong 2011.

Pinterest – ginagamit ito upang magbahagi ng mga larawan na may paksa upang tumulong sa mga taong magbabasa nito. Halimbawa
ng mga nilalaman nito ang mga tips sa buhay, resipi, inspirasyon ng tao at iba pang ideya.

Pagbabahagi ng Bidyo

Youtube – may account man o wala ay maaring magbahagi ng mga bidyo na makikita sa publiko. Kadalasang mga trailer ng mga
papalabas na pelikula at kanta ang mapapanood dito. Itinatag ito nina Jawed Karin, Chad Hurley at Steve Chen noong 2005.

Tiktok – binuo ni Zhang Yiming noong 2012. Site na maaaring magtampok ng aliw at entertainment sa mga gumagamit nito.

You might also like