You are on page 1of 2

1

Mga Uri ng Tiyak na Sitwasyong Pangkomunikasyon


&Komunikasyon sa Social Media
Fili 101: Kontekstwalisadong Komunikasyon sa Filipino

Mga Uri ng Tiyak na Sitwasyong Pangkomunikasyon

1. Forum - maliit na kumperensya, karaniwang hinggil sa isang isyu, peryodiko atbp. na


nagbibigay ng pagkakataon para sa pagtalakay at pagbibigay ng opinyon
2. Lecture - mahaba at pormal na pahayag o talumpati hinggil sa isang paksa
3. Seminar - maliit na klase sa unibersidad para sa talakayan at saliksik ng mga eksperto
4. Workshop - sanayan na nagbibigay diin sa palitang-kuro, pakitang turo, at praktikum
5. Conference - regular na pagpupulong para sa isang talakayan, karaniwang
isinasagawa ng mga asosasyon o organisasyon
6. Roundtable - ilang tao na tinipon para sa isang talakayan hinggil sa isang paksa na
karaniwang nakaupo sa isang bilog na mesa
7. Meeting - pagtitipong nauukol sa pagpapasiya ng isang kapisanan o samahan
8. TV at Radio programs - alinmang palabas sa telebisyon at radyo gaya ng balita,
patalastas, dokumentaryo, drama, atbp.
9. Videoconference - live o nagaganap, biswal o nakikitang koneksyon ng dalawa o higit
pang tao na naninirahan sa magkaibang lokasyon para sa layunin ng komunikasyon
10. Social media - anyo ng elektronikong komunikasyon na ang users ay lumilikha ng
mga online na komunidad upang magbahagi ng impormasyon, ideya, mga personal na
mensahe, atbp.

Komunikasyon sa Social Media

 Social Media - Ito ay mga anyo ng elektronikong komunikasyon (gaya ng website


para sa socialnetworking at microblogging) na ang mga tagagamit o user ay lumilikha
ng mga online na komunidad upang magbahagi ng impormasyon, ideya, mga personal
na mensahe, at ibang nilalaman (gaya ng mga video).
 Hindi tulad ng mass media– balita, diyaryo, atbp. – na nagsisilbing one way,
nagpepresenta ng mga oportunidad ang social media para sa live na interaksyon sa
Internet.
 Ayon sa isinagawang pag-aaral ng GlobalWebIndex na inilabas nitong Enero 2018,
ang mga Pilipino ang may pinakamahabang oras na inilalaan sa paggamit ng social
media.
 Ito ang mga disorder, diperensya, o sakit sa pag-uugali ang maaaring mangibabaw
dulot ng iresponsableng paggamit ng social media: Attention Deficit Hyperactivity
Disorder (ADHD), narcissism, at stalking.

Talaan ng mga Popular na Social Networking Sites

1. Facebook - Sa ngayon, ito ang pinakapopular na social networking site na ginagamit


upang kumonekta sa iyong mga kapamilya, kaibigan, at kakilala at gayundin upang
magbahagi ng mga kaalaman, larawan, video, karanasan, at nararamdaman.
2. Twitter - Pangunahing katangian ng social networking site na ito ang mag-post ng
anumang mensahe na hindi hihigit sa 240 characters.
3. Instagram - Mga larawan ang kadalasang ibinabahagi sa social networking site na
ito.
4. LinkedIn - Nagpo-post ng kanilang resume, curiculum vitae, at mga karanasan sa
pagtatrabaho ang mga tagagamit ng social networking site na ito.
5. Wattpad - Ang mga tagagamit o users ng social networking site na ito ay
nagbabahaginan at nagbabasa ng mga akdang pampanitikan na kanilang isinulat.
‫סֵר ַא ְבנֵר‬-
- ‫אֲ בִינֵר‬
2

Mga Uri ng Tiyak na Sitwasyong Pangkomunikasyon


&Komunikasyon sa Social Media
Fili 101: Kontekstwalisadong Komunikasyon sa Filipino

6. Friendster - Ito ang ikalawang pinakabinibisitang website sa Pilipinas noong late


2000s at ang pinakapopular na social networking site sa bansa bago nauso ang
Facebook.
7. Myspace - Ito ang pinakasikat na social networking site sa buong mundo bago
nakilala at nauso ang Facebook.
8. Google+ - Ito ang social networking site ng pinakabinibisita o pinakagamiting search
engine sa Internet.
9. Academia.edu - Nagbabahaginan ang mga tagagamit ng social networking site na ito
ng mga isinulat nilang saliksik o research paper.
10. Snapchat - Ibinabahagi ng mga tagagamit ng social networking site na ito ang
kanilang mga larawan at video na kalauna'y nawawala na kapag nakita o na-viewed
na.
11. Tinder - Sa social networking site na ito, hinahayaan ang mga tagagamit na i-like (i-
swipe pakanan) o i-dislike (i-swipe pakaliwa) ang kapwa nila tagagamit.
12. Tumblr - Bukod sa pagpo-post ng mga larawan at video, pangunahing gamit ng
socialnetworkingsite na ito ang pagsusulat ng maiikling blog.
13. Pinterest - Dinisenyo ang socialnetworkingsite na ito upang makatuklas ng
impormasyon sa pamamagitan ng pagki-click sa isang larawan na tinatawag na “pin.”
14. WeChat - Ito ang pinakapopular na social networking site sa Tsina.
15. VK - Ito naman ang pinakapopular na social networking site sa Rusya.

Tips para sa Responsableng Paggamit ng Social Media


1. Huwag magbahagi ng impormasyon na hindi dapat ibinabahagi.
2. Mag-isip muna bago mag-click.
3. Huwag tumanggap ng friend requests sa lahat ng tao.
4. Tingnan at rebisahin ang settings ng iyong privacy.
5. Gawing katamtaman ang paggamit ng social media.

Talasanggunian:
[1] Almario, Virgilio S. (ed). (2016). UP Diksiyonaryong Filipino. Lungsod ng
Quezon: UP Sentrong Wikang Filipino-Diliman & Anvil Publishing,
Inc. mp. 371, 643, 689, 894, 1018, 1067-1068, 1119, 1141
[2] http://advertisingagencyph.com/the-responsible-use-of-social-media/
[3] http://en.wikipedia.org/wiki/List_of_social_networking_websites
[4] http://searchunifiedcommunications.techtarget.com/definition/video-conference
[5] http://socialbarrel.com/5-simple-tips-for-responsible-and-safe-use-of-social-
media/114232/
[6] http://wearesocial.com/blog/2018/01/global-digital-report-2018
[7] http://www.merriam-webster.com/dictionary/social%20media

‫סֵר ַא ְבנֵר‬-
- ‫אֲ בִינֵר‬

You might also like