You are on page 1of 27

WEEK 5

SOCIAL MEDIA

FILIPINO 10
Guro: Helson L. Bulac
KOMPETENSI:
Natutukoy at nabibigyang kahulugan ang
mga salitang karaniwang nakikita sa social
media
(F10 PT-IIg-h-75 )
LAYUNIN:
1. Nakikilala at nabibigyang-kahulugan ang isa sa mga
popular o halimbawa ng Social Media,

2. Nabibigyang-halaga ang tamang paraan at paggamit


nito sa makabuluhan at madiskarteng paraan;

3. Nakabubuo ng islogan batay sa mabuting paggamit ng


social media.
Tukuyin kung ang
sumusunod na anyo ng
panitikan ay nabibilang na
popular sa social media.
----------1.Wattpad
----------2.Fliptop
----------3.Alamat
----------4.Blog
----------5.Facebook
Social Media - ay tumutukoy sa sistema ng
pakikipag-ugnayan sa mga tao na kung
saan sila ay lumilikha, nagbabahagi, at
nakikipagpalitan ng impormasyon at mga
ideya sa isang virtual na komunidad
at mga network.
Mayroon tayong iba’t ibang uri ng Social
Media kabilang na dito ang tungkol sa
video social media, audio social media,
business social media, shoppable social
media, private, inspirational, discussion
forums at iba pa.
Mga Halimbawa ng Social Media
1. FACEBOOK------ito ay isang libreng social
network na nagbibigay daan sa mga gumagamit
na magkakaugnay-ugnay sa pamamagitan ng
pagpapadala ng mensahe, pagbabahagi ng
kanilang larawan upang ipagbigay alam sa
kanilang mga kaibigan ang tungkol sa kanilang
sarili.
2. TWITTER----ito ay tawag sa microblogging na
serbisyong nagbibigay kakayahan sa gumagamit nito
na magpadala at basahin ang mga mensahe na kilala
bilang tweets. Ito rin ay isang real-time na nagbibigay
kakayahan sa mga gumagamit upang agad na
makagawa at makapabahagi ng mga ideya at
impormasyon para mabigyang daan ang pag-uusap ng
publiko.
3. INSTAGRAM-----Ito ay isang uri ng social
media na may serbisyong magbahagi ng kanilang
larawan at video. Pinapayagan ang mga
gumagamit na mag-edit at magupload ng mga
larawan at maiikling video sa pamamagitan ng
isang mobile app.
4. YOUTUBE------ Ito ay isang website na
nagbabahagi ng iba-ibang video. Ang mga
gumagamit nito ay maaring manood at magbahagi
rin ng kanilang sariling video. Ang mga video na ito
ay maaaring bigyang reaksyion, ang dami ng husga
o likes at ng mga nakapanood ay parehong
nakalathala.Maaari ring mag-iwan ng komento ang
mga manoood sa karamihan ng video.
5. WATTPAD----- Ito ay isang website o app para sa
mga mambabasa at manunulat na maglathala ng
mga bagong kuwento na nilikha ng gumagamit sa
iba’t ibang ibang genre.Nilalayon nitong lumikha
ng mga pamayanang panlipunan sa pamamagitan
ng mga kuwento para sa mga baguhan at batikang
manunulat.
5. WATTPAD----- Ito ay isang website o app para
sa mga mambabasa at manunulat na maglathala ng
mga bagong kuwento na nilikha ng gumagamit sa
iba’t ibang ibang genre.Nilalayon nitong lumikha
ng mga pamayanang panlipunan sa pamamagitan
ng mga kuwento para sa mga baguhan at batikang
manunulat.
6. E-book -----Ayon kay Google: Ang e-book o
electronic book ay isang hindi nae-edit na text na
na-convert sa isang digital na format at ipinapakita
at binabasa sa isang electronic device, tulad ng
isang tablet o smartphone.
Paano magbabasa ng mga e-book? Mag-download ng e-
book software sa iyong computer.

Ang Kindle App, Caliber, at Adobe Digital Editions ay


ang pinakasikat na libreng software at lahat ay may mga
bersyon ng Windows at Mac. Kung ang iyong browser ay
Firefox ng Mozilla, maaari mong i-download ang
EPUBReader upang basahin ang mga ePub file sa
mismong browser mo.

Sa internet, sa pananalapi, mayroong dalawang uri ng


mga e-book na maaari mong i-download:bayad at libre.
Ang mga bayad na e-book ay karaniwang mga aklat na
nasa ilalim pa rin ng copyright na available sa isang
format ng e-book. Kabilang dito ang karamihan sa mga
bagong fiction na e-book. Kung mayroon kang Kidle
maaari kang bumili ng mga e-book mula sa Amazon.com.
7. Podcast----ay isang audio recording ng isang talakayan
tungkol sa isang particular na paksa, tulad ng negosyo o
paglalakbay na maaari mong pakinggan.

Ang mga podcast ay katulad sa anyo sa mga palabas sa


radio, ngunit umiiral bilang mga file na audio na
maaaring i-play ng mga tagapakinig sa kalooban
anumang oras, kahit saan.
Ang isang halimbawa ng isang podcast ay isang
palabas sa radyo na ibinahagi nang esklusibo sa
Internet at maaaring pakinggan sa iPod. Maaari
mong sabihin na ang isang podcast ay tulad ng
isang blog, nag-subscribe ka at tumanggap ng
media file.
Mga applications na maaaring gamitin upang
makarinig ng Libreng Podcast:

1. Spotify
2. Google Podcast
3. Amazon Music
4. Stitcher
5. PlayerFM
6. Castbox
7. Pocket Casts
8. YouTube
PAGLALAPAT
1. Ano ang Social media at mga halimbawa nito?
2. Paano ang tama at madiskarteng paraan sa paggamit ng social media?
3. Ano ang e-book at ang katangian nito?
4. Paano naiiba ang e-book sa iba pang namayaning panitikan ng
social media?
5. Ano ang kahulugan ng Podcast?
6. Ano ang mga applications ng Podcast na maaari
nating gamitin nang libre?
PAGLALAHAT

Sa inyong sariling pananaw may maganda


bang naidulot ang social media sa buhay ng
mga mag-aaral? Paano ang tamang paraan at
paggamit nito?Pangatuwiranan.
FREE RESOURCE PAGE
FREE RESOURCE PAGE

You might also like