You are on page 1of 15

10

Ikalawang Markahan-Modyul 11:


Pagtukoy sa Popular na Anyo ng Panitikan
na Karaniwang Makikita sa Social Media

May-akda: Aaron Paul Atienza


Marcerin R. Permejo
Tagaguhit: Paolo N. Tardecilla

City of Good Character


DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE
Alamin
Ang modyul na ito ay binubuo lamang ng isang aralin.

 Aralin 1 – Pagtukoy sa Popular na Anyo ng Panitikan sa Social Media

Sa pag-aaral ng modyul na ito, inaasahang maisasagawa mo ang


sumusunod:

A. nabibigyang kahulugan ang mga salitang karaniwang nakikita sa social


media;
B. natutukoy ang mga popular na anyo ng panitikan na karaniwang
makikita sa mga social media platforms; at
C. nakasisipi ng mga pahayag na binasa sa mga social media platform

Subukin
A. Isulat ang salitang TAMA kung wasto ang diwang ipinahahayag ng
pangungusap at MALI kung hindi.

______1. Ang Social Media ay tumutukoy sa sistema ng pakikipag-ugnayan sa


mga tao na sila ay lumilikha, nagbabahagi at nakikipagpalitan ng impormasyon at
mga ideya sa isang birtuwal na komunidad at mga network.
_______2. Ito ay tinatawag ding social networking dahil sa kapasidad ng mga social
networking sites na maging espasyo ng komunikasyon.

_______3. Ito rin ay itinuturing na isang pangkat ng mga Internet-based na mga


aplikasyon na bumubuo ng ideyolohikal at teknolohikal na pundasyon ng Web 2.0
na nagbibigay-daan sa paglikha at pakikipagpalitan ng nilalaman na binuo ng
gumagamit.
_______4. Bukod dito, ang social media ay may interactive platform na ang isang
indibidwal at mga komunidad ay maaaring magbahagi, lumikha, tumalakay at
baguhin ang nilalamang binuo ng gumagamit.
_______5. Ito ang nagbibigay daan sa isang matibay at malaganap na pagbabago
sa komunikasyon sa pagitan ng mga organisasyon, mga komunidad at mga
indibidwal.

_______6. Ang pangunahing benepisyo ng social media ay ang kakayahan nito na


magbigay ng pagkakataon sa gumagamit na makipag-ugnayan sa maraming tao
malapit man o malayo sa iyo.
_______7. Bukod sa mga kilalang social networking sites, may mga salita o termino
ring karaniwang nakikita sa social media.
_______8. Ang mga terninong engagement, filter, hashtag, share ay ilan lamang sa
mga karaniwang salitang nakikita sa social media.

City of Good Character


DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE 1
_______9. ‘Twitterati’ ang tawag sa gumagamit ng twitter na may napakalaking
bilang ng tagasunod o “followers” na laging nagpopost tulad ng mga artista at
“social influencers” atbp.

______10. Ang “Social networking”, “Microblogging”, “Photo sharing”, “Video


sharing” ay mga uri ng social media platforms

B. Basahin ang halimbawang diyalogo at sagutin ang mga tanong sa ibaba. Isulat
sa hiwalay na papel ang sagot.

Asa Ka Pa!

Ana: Cecil! Cecil! Wala tayong pasok bukas!


Cecil: Ha? Biyernes pa lang bukas ah!
Ana: Eto o. Kababasa ko lang sa Fb. Mismong si Pang. Duterte ang
nagdeklara na walang pasok ang lahat ng estudyante pati mga
empleyado.
Cecil: Talaga ba? Pabasa nga.
Iniabot ni Ana ang kanyang cell phone sa kapatid. Matapos ang
ilang saglit.
Cecil: Hay, naku Ana. ‘Wag ka magsaya diyan. Totoo nga na walang pasok
pero basahin mong mabuti yung petsa. 2019 pa yan. Masyado ka
lang natuwa sa nakalagay na walang pasok. Hindi mo binasa yung
buong impormasyon.
Ana: Oo nga. Paasa ‘to ah.
Cecil: Ikaw ang huwag umasa. Tapusin mo na iyang report mo.

Mga Tanong:

1. Sino ang magkausap?


2. Bakit tuwang-tuwa si Ana?
3. Nangyari na rin ba ito sa iyo o sa iyong kakilala? Mabigay ng maikling
salaysay ukol dito.
4. Anong mensahe tungkol sa pagbabasa ng post sa social media ang
ipinaaalala ng binasang usapan?

Pagtukoy sa Popular na Anyo


Aralin
ng Panitikan sa Social Media

Sa araling ito ay pag-aaralan mo ang pagtukoy sa mga popular na anyo ng


panitikan na karaniwang nakikita sa social media. Upang ito ay malinang,
kailangan mong gawin nang matapat ang lahat ng gawain.

City of Good Character


DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE 2
Balikan

Kilalanin kung anong uri ng social media platform ang tinutukoy sa bawat
bilang. Isulat sa unang hanay ang katawagan at ang titik ng simbolong nasa
ibaba para sa ikalawang hanay.

Katawagan Simbolo Deskripsyon


1. Pinakatanyag na online social
media website sa Pilipinas na
ginagamit sa pakikipag-
ugnayan sa kahit sinong tao
saan mang parte ng daigdig.
2. Nagbibigay pahintulot sa
mga gumagamit na kumuha ng
mga larawan at bidyo.
3. Ang mga gumagamit ay
nakapagpo-post at nakikipag-
ugnayan sa pamamagitan ng
mga tweets.
4. Website ito na nagbabahagi
ng mga bidyo. Ang may account
ay maaaring mag-upload,
makanood at makapagbahagi
ng mga bidyo.
5. Naglalaman ng mga pins o
larawang tungkol sa iba’t ibang
bagay na makatutulong sa
pagtuklas at paghahanap ng
mga ideya.

a. b. c. d.

e. f.

City of Good Character


DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE 3
Tuklasin

A. Panimula

Suriin ang larawan. Anong mensahe ang nais ipahiwatig ng imahe?

“Think before you click.”

Mensahe ng larawan:

___________________________________________________________

B. Pagbasa

Basahin at unawain ang ang seleksyon. Sagutin nang pasalita ang mga
tanong sa bahaging “Pag-unawa sa binasa.”

Responsableng Paggamit ng Social Media


ni Rev. Fr. Anton Pascual
Mga Kapanalig, sa bilis ng daloy ng balita at impormasyon ngayon sa internet at
social media, nagagawa pa ba nating alamin kung saan galing ang mga ito?

Noong 2016, tinatayang mahigit 54 milyong Pilipino (o kalahati ng ating


populasyon) ang gumagamit ng internet. Ang paggamit ng social media, katulad ng
Facebook, ang sinasabing pangunahing ginagawa ng mga may access sa internet, sa
computer man o sa kanilang smartphone. Sa katunayan, tayong mga Pilipino raw ang
pinakababád sa Facebook: ang isang karaniwang Pilipinong may access sa internet ay
nakauubos ng halos apat na oras sa Facebook sa loob lamang ng isang araw!
Hindi na nga maikakaila ang lawak at dami ng naabot ng social media at ang
papel nito sa pagpapadaloy ng impormasyon at balita sa panahon natin ngayon. Isang
patunay ng impluwensya ng social media ang naging gamit nito noong nakaraang
eleksyon dito sa ating bansa at maging sa Amerika. Naging tulay ang Facebook at
ibang social media platforms gaya ng Twitter sa pagpapalaganap ng mga impormasyong

City of Good Character


DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE 4
nais kumbinsihin ang mga tao na paniwalaan ang agenda, plataporma, at mga plano
ng mga kandidato. Naging daan din ang mga ito sa pagpapalaganap ng mga balita at
impormasyong walang malinaw at mapagkakatiwalaang batayan para lamang gawing
propaganda ng ilang pulitiko. Tinagurian ang mga itong “fake news,” mga balitang
gawa-gawa lamang at ipinakakalat sa internet ng mga tinatawag na trolls. Maliban sa
panloloko sa mga tao, ang paglaganap ng “fake news” ay umabot sa paggamit ng
masasakit na salita laban sa kapuwa dahil na rin sa pagbabaluktot sa katotohanan. At
kahit matagal nang tapos ang eleksyon, laganap pa rin ang fake news at patuloy ang
mga trolls sa paninira sa mga kritiko ng kanilang kandidato at sa pagtatanggol rito.
Bahagi na nga ang fake news sa paghubog ng opinyon ng publiko.
Upang maiwasang lumalâ pa ang paglaganap ng mga pekeng impormasyon, may
isang senador na nagpanukalang panagutin ang mga namumuno sa mga kumpanya
ng mga social media platforms na hinahayaang kumalat ang mga fake news.
Samantala, inihain naman ng isang senador na imbestigahan ang mga trolls na
responsable sa pagpapalaganap ng mga mapanlinlang at mapanirang impormasyon.
Mga kapanalig, may batas man o wala, tayo mismo ay makatutulong na ituwid
ang mga maling impormasyon sa social media kung responsable ang paggamit natin ng
mga ito. Bago tayo mag-share o mag-like ng nababasa natin sa Facebook, alamin
muna natin kung saan nagmula ang mga ito. Kung hindi tayo mag-iingat, nagiging
tulay tayo sa pagpapakalat ng kasinungalingan at hindi lamang tayo ang
mapapahamak; madadamay din ang mga taong pinadalhan natin ng pekeng balita.
Gaya ng mga itinuturo sa atin ng Catholic social teaching, ang paggamit ng media—
kasama na ang social media—ay dapat na nakaugat sa layuning itaguyod ang
kabutihan ng ating kapuwa, ang kanilang halaga at dignidad. Hindi natin ito
nagagawa kung pinapatulan nating lumaganap ang mga fake news at kung nakikisali
tayo sa paninira sa iba, lalo na kung wala namang malinaw na basehan.
Mga Kapanalig, mahalaga ang tamang impormasyon sa pagpapalago at
pagpapatibay ng demokrasya. Kung may impormasyon tayong hawak, nakakalahok
tayo sa mga usaping hinaharap ng ating bayan. Kaya’t mahalagang sa harap ng
maraming mapagkukunan natin ng impormasyon at ng iba’t ibang pananaw,
nagagawa nating kilatisin ang mga batayan ng ating mga nababasa sa social media,
nang sa gayon, ang tunay na katotohanan ang ating naibabahagi.
Ayon nga kay Pope Francis, hindi nakasalalay sa teknolohiya ang pagiging tunay
o totoo ng ating komunikasyon, ng ating pakikipag-ugnayan sa iba. Tunay ang
komunikasyong nagmumula sa ating mga puso at sa wastong paggamit natin sa mga
kaparaanang mayroon tayo—kasama na nga rito ang social media.
Sumainyo ang katotohanan.
Mula sa: https://www.veritas846.ph/responsableng-
paggamit-ng-social-media/

C. Pag-unawa sa Binasa
1. Ano ang paksang tinalakay sa akda?
2. Ayon sa sumulat, ano ang epekto ng paggamit ng social media?
3. Anong solusyon ang ipinahihiwatig ng sumulat?
4. Sang-ayon ka ba sa kaisipang nakapaloob sa akda? Ipaliwanag ang iyong
sagot.

City of Good Character


DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE 5
5. Bilang isa sa milyon-milyong Pilipino na gumagamit ng mga social media
apps, ano ang maitutulong mo upang hindi lumala ang pagkalat ng fake
news?

Suriin

Ang Social Media ay tumutukoy sa sistema ng pakikipag-ugnayan sa mga tao


na kung saan sila ay lumilikha, nagbabahagi at nakikipagpalitan ng impormasyon at
mga ideya sa isang virtual na komunidad at mga network. Ito rin ay itinuturing na
isang pangkat ng mga Internet-based na mga aplikasyon na bumubuo ng ideyolohikal
at teknolohikal na pundasyon ng Web 2.0 na nagbibigay-daan sa paglikha at
pakikipagpalitan ng nilalaman na binuo ng gumagamit.
Bukod dito, ang social media ay may interactive platform na ang isang indibidwal
at mga komunidad ay maaaring magbahagi, lumikha, tumalakay at baguhin ang
nilalamang binuo ng gumagamit. Ito ang nagbibigay daan sa isang matibay at
malaganap na pagbabago sa komunikasyon sa pagitan ng mga organisasyon, mga
komunidad at mga indibidwal.
Maliban sa mga salitang karaniwan ng nakikita sa social media, may mga uri ng
social media platfoms rin ang kadalasang nakikita at na-access tulad ng sumusunod:
Facebook – Ito ay isang social networking site na ginagamit sa pakikipag-ugnayan sa
ibang tao, kaibigan, kapamilya at maaari ring magbahagi ng mga larawan, bidyo at
impormasyon
Twitter – ito ay isang “online microblogging service” na naghahatid ng maiikling
mensahe sa pamamagitan ng “personal computer” o “mobile phone”
Instagram – Ito ay nakatuon sa pagbabahagi ng mga larawan at bidyo gamit ang mobile
app.
Tumblr – dito maaaring bumuo ng mga blogs at ibahagi sa mga tagasubaybay at sa
mga kaibigan.
Youtube – Ito ay isang “video sharing website” na madaling mapanood.
Messenger – isang “mobile messaging app” na ginagamit sa pagpapadala ng mensahe,
pagbabahagi ng larawan, video, audio recordings at group chats
Wattpad – isang “online storytelling community” na mababasa ang mga nailathalang
babasahin.
Tiktok - isang “short-form, video-sharing app” na nagbibigay-daan sa mga gumagamit
nito na lumikha at ibahagi ang kanilang 15 second videos sa kahit anong paksa.

Kung tutuusin, sa usapin ng anyo ng panitikan ay wala naman halos itong pinag-iba
sa mga anyo ng panitikang Pilipino tulad ng maikling kuwento, dula at iba pa. Ang
kapansin-pansin ay ang pagiging maikli ng mga akda kaysa karaniwang makikita sa
mga libro.

Pagbibigay puna sa mga nababasa sa Social Media


Kung dati ay print media at broadcast media lang, ngayon ay napakapopular ng
mga social media sites. Ilan lamang sa mga ito ang Facebook, Twitter, Youtube at
Instagram. Napakadaling gumawa ng account kaya naman hindi lamang isa kundi
marami ang account ng isang tao sa mga social media sites na ito.
Tandaan lamang na importante ang tamang paggamit at wastong kaalaman sa
paggamit lalo na sa pagpost at paglalagay ng mga puna o komento.

City of Good Character


DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE 6
Ang nasa ibaba ay bahagi ng artikulong “Ano nga ba ang tamang paraan ng
paggamit ng social media?” ni Ken Lerona (2016).

1. Tandaan na ang social media at ang internet ay isang publikong lugar.


2. Ang social media ay lugar para sa pagkakaibigan at pagkakaunawaan.
3. Ugaliing basahin nang buo at maigi ang nilalaman ng artikulo bago
magkomento o mag-share.
Narito ang ilang mga gabay na tanong upang mas maunawaan natin ang
ating mga binabasa:
• Ano ang pangunahing paksa ng artikulong ito?
• Ano ang mga sumusuportang ideya sa pangunahing paksang ito?
• Ano ang gustong ipahiwatig ng manunulat/potograpo/may-akda ng
gawang ito?
• Lahat ba ng mga naisulat/ipinapakikta/nailathala ay suportado ng
siyentipikong pagsusuri, ebidensya at patunay?
• Pantay ba sa lahat ng panig ang mga anggulo sa akdang ito?
• Maari ko bang beripikahin at i-cross check sa iba pang mga sources ang
mga sinasabi at kine-claim ng awtor sa artikulong ito? Sumusuporta ba sa
claim na ito ang iba pang mga sources? O salungat ang mga ito?
• Itong akda/imahe/video ba ay diretsong pagpahayag ng
katotohanan/kaganapan (facts)? O ito ba ay pagpapahayag lamang ng may-
akda ng kanyang sariling opinyon?
• Paano ito makaka-apekto sa akin at sa aking pang-araw-araw na
pamumuhay?
• Ano ang ibig sabihin artikulong ito sa mga bagay-bagay na kasalukuyang
nangyayari sa ating lipunan?
4. Iwasang mag-share ng hindi beripikadong mga artikulo o memes.
5. Maging responsable sa lahat ng oras.

https://medium.com/@ken.lerona/paano-nga-ba-ang-tamang-paraan-ng-pag-
gamit-ng-social-media-fa41e64041df

Pagyamanin
A. Ihanay ang mga social networking sites na madalas mong
gamitin. Lagyan ito ng bilang 1 hanggang 5. Magbigay ng maikling
paliwanag sa ginawang paghahanay.

Bilang Social Networking Sites Paliwanag

City of Good Character


DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE 7
B. Maliban sa mga social media platforms na nabanggit tukuyin naman natin
ngayon ang kahulugan ng mga termino o salitang karaniwang nakikita sa
social media.

1. Avatar =
2. Chat =
3. Direct message =
4. Filter =
5. Hashtag =
6. Selfie =
7. Viral =
8. Trending =
9. Repost =
10.Post =

C. Iguhit ang kung tamang i-post ang patalastas o bawat pangyayari sa

social media at ang iguhit kung hindi tama. Magbigay ng maikling


paliwanag sa iyong sagot.

1. Selfie ng isang artista na napalilibutan ng mga mamahaling bag.


Paliwanag:

2. COVID- 19 positive ang iyong kapitbahay. Ayon ito sa isa ring


kapitbahay.
Paliwanag:

3. Nais maningil ng utang na may katagalan nang di nababayaran ng


iyong kaibigan sa kakilala mo rin.
Paliwanag:

4. Isang organisasyon ang nanghihingi ng donasyon para sa mga taga-


Cagayan.
Paliwanag:

5. Pasok sa top ten ang iyong pinsan sa katatapos lang na Board Exam.
Paliwanag:

D. Magtala ng limang kasipan na dapat isaalang-alang bago mag-post ng


puna o komento sa social media.

City of Good Character


DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE 8
Isaisip

A. Ilahad ang kaugnayan ng mga salitang nasa loob ng iba’t ibang hugis.

_________________________________________________
_________________________________________________

Isagawa

A. Bumuo ng sariling repleksiyon ayon sa epekto ng paggamit ng Social Media sa mga


kabataan. Isulat sa isang hiwalay na papel.

Gawing gabay ang pamantayang ito.

Mga Pamantayan Napakahusay Mahusay Katamtaman Nangangailangan


5 4 3 ng pagsasanay
2

Maayos ang
pagkakasunod-sunod ng
kaisipan
Natukoy ang layunin at
mensahe ng paksa
Malinaw na naiugnay
ang natutuhan sa
sariling buhay
Kabuoang Puntos

B. Bumuo ng isang islogan. Kung maaari ay i-post ito sa iyong facebook. Ang
islogan ay tungkol sa kahalagahan ng responsableng paggamit sa social media.

City of Good Character


DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE 9
Pamantayan ng pagmamarka:
Kalinawan ng mensahe ------ 10 puntos
Pagkamalikhain --------------- 10 puntos
Kabuoan ------------------------- 20 puntos

Tayahin
A. Isulat ang mga social media platforms na tinutukoy sa bawat bilang.
______________1. Ito ay tumutukoy sa sistema ng pakikipag-ugnayan sa mga
tao na kung saan sila ay lumilikha, nagbabahagi at nakikipagpalitan ng
impormasyon at mga ideya sa isang virtual na komunidad at mga
network
______________2. Ito ay isang social networking sites na ginagamit sa
pakikipag-ugnayan sa ibang tao, kaibigan, kapamilya at maaari ring
magbahagi ng mga larawan, video at impormasyon
______________3. Ito ay isang online microblogging service na nagdadala ng
mga maikling mensahe sa mga tagatanggap gamit ang personal computer
o mobile data.
_____________4. Ang tuon nito ay nasa pagbabahagi ng larawan at video
gamit ang mobile app.
____________5. Dito maaaring bumuo ng mga blog at ibahagi sa mga
tagasubaybay at sa mga kaibigan.
____________6. Ito ay isang “video sharing website” na madaling mapanood
____________7. Isang “mobile messaging app” na ginagamit sa pagpapadala ng
mensahe, pagbabahagi ng larawan, video, audio recordings at group chats.
____________8. Isang “online storytelling community” kung saan mababasa
ang mga nailathalang babasahin.
____________9. Isang “short-form, video-sharing app” na nagbibigay-daan sa
mga gumagamit nito na lumikha at ibahagi ang kanilang 15 second
videos sa kahit anong paksa.
____________10. Isang instant messaging app na ang pangunahing gamit ay
pagpapadala ng mga salita, emojis at larawan sa kausap.

B. Sundin ang panuto sa ibaba:


1. Humanap ng isang post sa facebook o anomang social media account
mo na may mabuting epekto sa babasa. I-screen shot ito o di kaya’y
sipiin ang mensaheng binanggit. Ipaliwanag ang mabuting maidudulot
nito.

2. Pumili rin ng isang post na may negatibong epekto sa ibang tao. I-


screen shot ito o di kaya’y sipiin ang mensaheng binanggit. Ipaliwanag
ang masamang maidudulot nito.

City of Good Character


DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE 10
Narito ang dalawa pang gawaing magpapahusay sa iyong kasanayan.
Pumili lamang ng isa at isagawa.

1. Sumipi ng tatlong makabuluhang pahayag mula sa post ng iyong mga


kaibigan sa Facebook. Magbigay ng positibong komento ukol dito.

2. Mag-post ng isang mensahe sa iyong account. Siguraduhing ito ay may


katotohanan at makabuluhan. Magbigay ng puna bilang sagot sa
unang tatlong komento sa iyong post.

Muli ay natapos na naman ang isang aralin! Hinahangaan ko ang iyong


pagsisikap na matapos ang bawat gawain. Pagpapalain ka sa mabubuting
ginagawa mo.

Susi sa Pagwawasto

City of Good Character


DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE 11
City of Good Character
DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE 12
Sanggunian

https://medium.com/@ken.lerona/paano-nga-ba-ang-tamang-paraan-ng-
pag-gamit-ng-social-media-fa41e64041df
https://seeklogo.com/vector-logo/157893/pinterest-badge
https://seeklogo.com/search?q=facebook+logo
https://seeklogo.com/search?q=youtube+logo
https://seeklogo.com/search?q=twitter+logo
https://seeklogo.com/search?q=instagram+logo
https://seeklogo.com/search?q=snapchat+logo
https://smallbiztrends.com/2016/05/popular-social-media-sites.html
https://buffer.com/library/social-media-sites/
https://internetatsocialmedia.wordpress.com/socialmedia/
https://www.britannica.com/topic/Twitter
https://www.mediaupdate.co.za/
https://blog.hootsuite.com/social-media-glossary-definitions/

City of Good Character


DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE 13
Bumubuo sa Pagsulat ng Modyul

Manunulat: Aaron Paul C. Atienza (Guro, PHS)


Mga Editor: Ma. Grace Z. Cristi (Guro, THS)
Adelwisa P. Mendoza (Guro, CISSL)
Kimberly M. Capuno (Guro, MHS)
Tagasuri Panloob: Galcoso C. Alburo (EPS, Filipino)
Tagasuri Panlabas:
Tagaguhit: Paolo N. Tardecilla (Guro, KNHS)

Tagalapat: Jee-jay B. Canillo (Guro, NHS)


Tagapamahala:
Sheryll T. Gayola
Pangalawang Tagapamanihala
Pinunong Nanunuparan - Tanggapan ng Tagapamanihala

Elisa O. Cerveza
Hepe – Curriculum Implementation Division
Pinunong Nanunuparan - Tanggapan ng Pangalawang
Tagapamanihala

Galcoso C. Alburo
Superbisor sa Filipino

Coney Ivy A. Gamatero


Superbisor sa LRMDS

City of Good Character


DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE

You might also like