You are on page 1of 19

Paunang Salita

Alam natin na ang pagbasa ay isang napakahalagang salik


pangkarunungan upang maisakatuparan ang mga ninanais sa buhay. Ito ay
isang behikulo upang maayos ang pamamaraang pangkumunikasyon lalo na
ngayong panahon ng pandemya. Bukod dito, ang pagbasa rin sa panahong ito
ay napakahalaga upang malaman at magkaroon ng sapat at natatanging
kaalaman tungkol sa mga pangyayari sa paligid at mga mahahalagang
impormasyon tungkol sa kasalukuyang banta ng kalusugan. Pero, kung ang
mag-aaral ay hindi bihasa sa ganitong larangan, mahihirapan siyang magkaroon
ng sapat na kaalaman tungkol dito na magbubunsod sa kanya ng pagiging
mangmang at salat sa karunungan. Dahil dito ang DepEd Memo.173 s, 2019 o
mas kilala sa tawag na “Hamon: Bawat Bata ay Bumabasa” na kailangang
mahasa ang bawat mag-aaral ng mga anim na elemento ng pagbasa tulad ng:
Wikang pasalita (Oral Language), Kamalayan sa Ponolohiya (Phonological
Awareness), Palabigkasan (Phonics), Talasalitaan (Vocabulary), Katatasan
(Fluency), at Pag-unawa sa Binasa (Comprehension). Sa tulong ng anim na
elementong ito, maging isang makabuluhan at epektibong mambabasa ang mag-
aaral kaakibat ang mga iba-ibang interbensyon. Bukod dito, nariyan din ang
Philippine Informal Reading Inventory (PHIL-IRI) para sa antas sekondarya na
siyang batayan ng mga guro sa lebel ng pagbasa ng mag-aaral.

Kung kayat, ang kontekstwalisadong babasahing ito ang siyang gagamitin


para sa PHIL-IRI na isasagawa ng mga guro sa antas sekondarya ng Schools
Division of Ilocos Norte.
KONTEKSTWALISADONG BABASAHIN PARA SA PHIL-IRI
DEVELOPMENT TEAM
Mga Awtor: Oscar R. Gamiao, Jr.
Dr. Editha R. Mabanag

Mga Illustrator: Jayson Dave A. Corpuz


Joey Brent Agcaoili
Leimar Padre

Mga Layout Artist: Edgar A. Daquioag


Ethel Joy R. Agpaoa

Quality Assurance Team: Jon Jon D. Garcia


Maricon Agpoon
Oscar R. Gamiao, Jr.

Management Team:
Dr. Editha R. Mabanag, Education Program Supervisor - Filipino
Dr. Jenetrix T. Tumaneng, Education Program Supervisor - LRMS
Mr. Ursino C. Pascua, Chief Education Supervisor - CID
Dr. Joye D. Madalipay, CESO VI, Asst. Schools Division Superintendent
Dr. Joann A. Corpuz, CESO V, Schools Division Superintendent

3
TALAAN NG NILALAMAN

Pamagat 1
Paunang Salita 3
Talaan ng Nilalaman 4
Barit
ni Dr. Editha R. Mabanag 5-6
Si Tonyong Kutsero at ang kanyang Pasahero
ni Oscar R. Gamiao, Jr. 7-9
Tinig
ni Dr. Editha R. Mabanag 10 - 14
Ang Susi
ni Oscar R. Gamiao, Jr. 15 - 19

4
Grade 7 Barit
ni Dr. Editha R. Mabanag

P
apalubog na ng araw, ito ang hudyat
ng pagtatapos ng maghapong
paghahanap ng binhi sa
pinakamainam na lupang maaring tubuan
nito. Habang lumisan ang gintong araw at
papalapit ang pagyakap ng dilim ay siyang
unti-unting pasimangot ng mga labi ng
munting binhi. Malaki-laki na ito at batid
niyang kailangan na niya ng lupang tutubuan,
ngunit “Saan?” Saan ako nabibilang?, ito ang
mga tanong na tumatakbo sa isip niyang
hapung-hapo sa pag-alala.

Sa pagputok pa lang ng bukang


liwayway ay agad itong naghanda, batid
niyang siya muli ay mapapasabak sa isang
maghapong paghahanap. Sa gitna ng
magulong lungsod, siya ay nakahanap ng
manganda-gandang lupa,kumpleto sa lahat
ng maaring kailanginin niya, batid niya maari
na itong pansamantalang tutubuan niya.

Siya nga ay tama, sagana sa lahat ang lupang napili niya, dagdag pa rito
ang ibang mabuting halamang nasa palibot niya, may mga ilan din ang sa
kanya’y kumukutya’t humuhusga ngunit patuloy pa rin ang pagyabong niya.
Pagkalipas ng ilang panahon ng tag-ulan at tag-init, tila ba may nararamdaman
siya, tila ba’y may kulang sa lupang napili niya, sa kanyang puso ay kuntento
na siya ngunit tila sadyang may kakaiba. Di man sigurado sa kanyang bukas,
nilisan niya ang lupang kanyang tinubuang pansamantala. At sa dakong hilaga
sila’y dinala ng kanyang mga paa. Sa malayo pa mang ay tanaw na niya ang mga
halamang wari’y kawangis niya, at kaagad, sa puso niya kakaibang kaluwagan
ang kanyang nadama, tila ba’y alam niyang dito siya’y tunay na yayabong .

Siya ay hindi nagkamali dito ay mainit siyang tinanggap ng Inang halaman


kasama ang pito pang sadyang malalago at matitingkad na mga halaman. At di
kalaunan siya ay lumaki at yumabong. Ang dating munting binhi ay isa na
ngayong Barit, isa sa pinakadekalidad na uri ng kawayan dahil sadyang matibay
at hindi nagpapatinag sa anumang unos.

At tulad ng lahat ng kawayan, ang Barit ay sadyang mapagpakumbaba at


matatag. Kasama ang mga iba pang Barit na ngayo’y kapamilya na niya. Hindi
sila napapasuko ng anumang tindi ng init ng sikat ng araw o malakas na bugso
ng ulan, lalo’t sila’y sama-sama at laging bukas sa anumang pagbabagong
dumating sa kanila. Ngayon, ang munting Barit ay may kakaibang galak at saya
sa kanyang puso sapagkat dito sa lupang kanyang piniling tinubuan ay batid

5
niya ay lubos-lubos pang lalago’t yayabong na nakapalibot ang mga mabubuting
mga halaman.

MGA TANONG:

Panuto: Basahing mabuti ang mga tanong at piliin ang tamang sagot sa
bawat bilang. Isulat ang titik nito.

1. Ano ang suliraning ng nagsasalasay sa unang bahagi ng kuwento?


A. kung saan siya nabibilang
B. kung saang lugar siya dadako
C. kung saang lugar mainam na tutubo
D. kung saan siya magpapalipas ng gabi

2. Saang lugar ang pinakamagandang pagtubuan ng Barit?


A. sa bundok C. sa ilog
B. sa lungsod D. sa bukid

3. Ano ang magandang katangian ng isang tao na maihalintulad sa Barit?

A. matayog C. mahangin
B. mayabang D. mapakumbaba

4. Bakit lumisan ang Barit sa lungsod at humanap ng ibang lugar?


A. dahil hindi mataba ang lugar na iyon
B. dahil siya’y pinapaalis sa lugar na iyon
C. dahil lalaki at yayabong sa lugar na iyon
D. dahil hindi yayabong at lalaki sa lugar na iyon

5. Ano ang kahulugan ng katagang “ang isang mabuting halaman ay tumutubo


sa mga lugar na nakapalibot ang mga mabubuting mga halaman”?
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________

6
Grade 8
Si Tonyong Kutsero at ang kanyang Pasahero
ni Oscar R. Gamiao, Jr.

U
maga pa
lamang ay
gising na
si Tonyo upang
kunin ang kanyang
kalesa. Marami ulit
ang kanyang
mga pasaherong
maghihintay sa harap
ng simbahan ng Santa
Monika. Hindi
magkaumal ang
kanyang asawa sa pagtatalak habang hinihigop niya ang kanyang mainit na
kape sabay sawsaw ng isang pandesal na binili niya sa kanto tres.

Mama, mama… pasakay sa kalesa mo! Pautal na sambit ng isang lalakeng


nakasuot ng lampas hanggang tuhod na damit at pantalong kupas na
tinernohan ng kanyang sapatos na butas ang gilid nito. Marahil kinakapos din
ang pasaherong ito sambit niya sa kanyang sarili. “Saan ang gawi anak?” Tanong
ni Tonyong Kutsero sa pasahero. “Dalhin mo nga ako sa San Juan”, pasigaw na
sagot naman ng lalaki. Ang San Juan ay bayang kinatatakutan dahil maraming
mga batang paslit na mandurukot. “Anong gagawin mo roon anak?” sambit
naman ni Tonyong Kutsero. “Wala kang pakialam tanda!” bulalas ng lalaki.
Agad-agad pinatakbo ni Tonyong Kutsero ang kanyang kalesa at halos
nahuhulog na ang lalaki kaya napapahawak na lamang siya sa gilid nito. O
tanda, nailampas mo na ako! Ano ka ba… Hindi mo ba alam ang iyong ginagawa?
Kilala mo ba ako? Ako lang naman ang maton ng San Juan… Ano ba? Sabay
suntok sa likod ni Tonyong Kutsero . Halos hindi nakagulapay ang matanda sa
tindi ng suntok ng lalaking kanyang pasahero. Napasubsob siya sa likod ng
kabayo at halos nabitawan nito ang kanyang hinahawakan. “Ának, bakit mo ako
sinuntok…Ano ang aking kasalanan? Kung lumapas ka man patawarin mo ako,
puwede ko naman itong ibalik upang wala tayong problema…” sambit ni
Tonyong Kutsero.

Hooooooooooooo...hooooo…sigaw ni Tonyong Kutsero upang tumigil ang


kanyang kabayo. Pero hindi pa rin tumitigi ang kabayo. Bumilis pa ito ng bumilis
hanggang sa napakabilis niyang takbo. Hindi na maawat pa ni Tonyong Kutsero
ang kanyang kabayo hanggang sa itoy, nag-iba ang kanyang itsura. Naging
hugis tao ang kabayo at nagkaroon ng mga matang mapupugay. Mga kamay na
halos nabalatan ng saging sa kaputian. Ang mukha niyang mala-Adonis at mala-
rosas na labi. “Anak, bakit ganyan mo kausap si Tonyong Kutsero? Huwag mong
pagsalitaan ng maaanghang na salita ang mga matatanda, anak. Sila ay
naghahanap- buhay ng marangal . Sila ay matanda na kaya’t kailangan mo
silang igalang at bigyang pagrespeto. Alam kong mayroon ka pang natatanging

7
kabutihan sa puso mo kaya mahalin mo ang iyong kapwa upang sa ganoon ay
mahalin ka rin nila katulad ng pagmamahal ng Diyos sa iyo.” Sinambit ng
kabayong hugis tao. Halos napanganga nang mangha ang lalaki sa kanyang
nakikita pati na rin ang matandang si Tonyong Kutsero. Napakaliwanag ang
mukha ng kabayong naghugis tao. “Para ikaw ay mabigyan ng aral, magmula
ngayon ikaw ay magiging isang matandang katulad ni Lolo Tonyong Kutsero.
Ikaw ay magiging kutsero para makita at maranasan mo ang sakripisyo nila sa
mga pasaherong katulad mo!” sambit ng kabayong hugis tao. At sa isang iglap
naging isang matanda ang lalaki. Ang kanyang katawang napakatikas ay naging
isang matandang halos di makagalaw. Mayroon ding lumitaw na kalesa at isang
kabayo. Lisanin mo ang kalesang ito. Magmula ngayon ikaw na ay magiging
kutserong mamamasada sa kalye. “Huwag niyo pong gawin ito sa akin, maawa
po kayo!” sambit ng lalaki. Hindi kailangan mong maranasan ang maging isang
kutsero upang alam mo ang hirap at maituwid ang iyong mapangahas na ugali.”
sagot naman ng kabayong hugis tao. Patawarin ninyo ako, tatanggapin ko ang
inyong parusa. Nawa’y mapatawad niyo po ako” marahang sagot ng lalaki.

Magmula noon, naging isang matanda na ang lalaking sumuntok at


nagbigay ng walang galang at hindi rumispeto kay Tonyong Kutsero. Nagpatuloy
naman si Tonyong Kutsero na namamasada bilang isang kutsero. Hanggang
sa…

Isang araw maaga muling bumangon si Tonyong Kutsero upang pumila


sa simbahan ng Santa Monika. Naghihintay muli ang kanyang mga pasahero.
Ngayon, isang teenager ang kanyang pasahero. Nakikita sa kanyang mukha ang
kasungitan nito. “Hoy tanda, dalhin mo nga ako sa San Juan” padabog na
sumakay ang teenager na ito. Napangiti si Tonyong Kutsero. “Isang tao na
naman ang mabibigyan ng aral” nasambit niya. Pinatakbo niyang muli ang
kanyang kabayo at ngumingiti na sana’y mayroon muling taong maitutuwid sa
tulong ng kanyang kabayong hugis tao.

MGA TANONG:

Panuto: Basahing mabuti ang mga tanong at piliin ang tamang sagot sa
bawat bilang. Isulat ang titik nito.

1. Ano ang pangalan ng matandang kutsero sa kuwento?


A. Leo
B. Rico
C. Cardo
D. Tonyo

2. Saang kumukuha si Tonyong Kutsero ng kanyang mga pasahero?


A. Simbahan ng Cebu
B. Simbahan ni Monika
C. Simbahan ng Moralesa
D. Simbahan ng Santa Monika

8
3. Sino ang nagparusa sa pasahero ni Tonyong Kutsero?
A. Aso
B. Ahas
C. Tigreng hugis tao
D. Kabayong hugis tao

4. Kung ikaw ang Kabayong hugis tao, papparusahan mo ba ang lalaking


pasahero ni Tonyong Kutsero?
A. Hindi, takot ako
B. Depende, dahil tao pa rin ito
C. Oo, sapagkat mali ang kanyang asal at gawi
D. Hindi, dahil ayaw kong parusahan ang mga lalaki

5. Ano ang aral na makukuha sa kuwentong nabasa?


________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________

9
Grade 9 Tinig

I
ni Dr. Editha R. Mabanag
ingatan ka, aalagaan ka, aking
inay ikaw ang nagbigay ng pag-
asa.”

Umaalingawngaw ang
tinig ni mama habang
ako’y kanyang kinakantahan
isang gabi. Hanggat narinig ko ang
kanyang malakas na paghinga,
malakas na pagsabi ng “masakit,
sobrang sakit” habang hawak niya
ang kanyang dibdib. Ako’y
nagulantang. Di alam kung saan ako
tatawag ng tulong. Di alam kung saan
patutungo. Hanggang narinig ko ang
malakas na sirena ng ambulansya
kaalinsabay ng pagdating ng mga
doktor. Aaaaahhhhhh. Di ko kaya. Di ko kayang bigkasin. Ayaw ko na… Ayaw
ko na! Bakit? Paano? Ano?
Malaki ang ngiti ni Kirsten matapos siyang kantahan ng kanyang ina.
Gawi na niya ito, lalo pa’t biniyayaan siya ng magandang boses. Kahit bata pa
lamang, tinuturuan na ni Aling Nora ang kanyang anak sa pag-awit dahil may
kaaya-aya rin itong tinig kagaya niya. Kaya naman, simula pagkabata ay hilig
na nilang mag-ina ang umawit. Marami rin ang nawiwili sa bata tuwing
kumakanta ito.

Isang masigabong palakpakan ang iginawad ng madla kay Kirsten


matapos niyang magtanghal sa entablado ng kanilang paaralan para sa
pagdiriwang ng Buwan ng Wika. Pagbaba niya sa entablado tanaw siya ng
kaniyang suportadong ina . “Napakahusay mo talagang umawit, anak,” papuri
sa kanya ng ina. Gayunpaman, binanggit ni Aling Nora na kailangan pang
paunlarin niya ang kaniyang pag-awit upang mas maganda ang kaniyang
pagtatanghal sa susunod na pagkakataon. Nangako si Kirsten na susundin niya
ang mga suhestiyon ng kaniyang ina at mas pagbubutihan pa ito upang lalo
siyang ipagmalaki. Masaya silang umuwi sa araw na iyon habang magiliw niyang
kinakantahan ang ina. Sa kanilang pag-uwi ibinigay ng kanyang ina ang
kanyang munting regalo. Ang isang panyo na may mukha ng Panginoon. “Kunin
mo ito Kirsten, gabay mo ito sa pagkuha mo ng iyong tagumpay balang araw.

Araw ng Linggo, araw ng kanilang pagsisimba. Malaki ang kaniyang ngiti


habang naghahanda dahil miyembro siya ng koro sa simbahan. Gustonggusto
niya ang umaawit lalo na kung para sa Panginoon. “Bilisan mo, Kirsten
mahuhuli na tayo sa misa.” Ang papa mo nauna na dahil ihahanda pa niya ang
mga kailangan ni Father Primo” sabi ng kaniyang ina. Nagmamadali silang
sumunod kay Mang Danteng pumunta sa simbahan.

10
Buong puso sa pag-awit si Kirsten habang sinasamba ang Diyos.
Ganadongganado namang tumutugtog sa piyano si Aling Nora dahil sa
napakalambing na tinig ng kanyang anak. Mababakas ang saya sa mukha ng
ina habang pinapakinggan nitong kumakanta. Pagkatapos ng misa agad-agad
na iniabot ng bata ang kanang kamay sa papa at mama niya upang magmano.
Nakatanggap naman muli si Kirsten ng papuri mula sa mga nagsisimba.
“Salamat po, magiingat po kayo parati,” matamis na ngiti ang kaniyang iginawad
sa mga nakimisa habang papalabas sila sa simbahan.

Puno ng galak ang kaniyang puso dahil naibahagi na naman niya ang
katangi-tangi niyang talento. Bukod sa pagiging miyembro ng koro sa
simbahan, naiimbitahan rin siyang kumakanta sa mga kasal, binyag,
kaarawan, anibersaryo at iba pang okasyon.

Bukod sa angkin niyang galing sa pag-awit, siya rin ay mabait at masipag


na bata. Sa kanyang murang edad, siya ay napakaresponsable. Tuwing matapos
ang misa naglilinis at nagliligpit siya sa mga kagamitan sa simbahan.

Kinabukasan nang makarating sa eskwela ay may ipinakilalang bagong


mag-aaral si Bb. Ramos, ang guro ng kanilang klase. “Siya si Kerwina ang inyong
bagong kaklase”, pakilala ni Bb. Ramos. “Ako si Kerwina, mahilig akong
tumugtog ng gitara,” pahayag niya sa klase bago tumungo sa kaniyang upuan.
Hindi matigil sa pagngiti si Kirsten dahil mukhang makasusundo niya ang
bagong kaklase sapagkat pareho silang may hilig sa larangan ng musika.

Nagpatuloy ang klase nila sa umagang iyon. Nang sumapit ang oras ng
meryenda ay agad na nilapitan ni Kirsten si Kerwina upang makipagkaibigan.
“Ako nga pala si Kirsten, gusto ko sanang makipagkaibigan,” magiliw niyang
inilahad ang kanang kamay sa kausap. “Ako naman si Kerwina, sige ba,”
marahang ngumiti ang babae habang nakikipagkamay. “Sa tingin ko ay
magkakasundo tayo dahil pareho tayong mahilig sa musika,” malumanay na
banggit ni Kirsten. “Tumutugtog ka rin ba?” Mukhang nasabik si Kerwina sa
ipinahayag ng bagong kaibigan. “May talento ako sa pagkanta,” tugon naman
ng isa.

Araw ng Sabado ay nagsimula sa pagsasanay si Kirsten. Kasama niya si


Aling Nora at ang kaibigang si Kerwina. Umayon silang lahat na kaniyang
aawitin ang “Susi” ng Ben & Ben. Masaya ang guro niya nang malamang mula
sa Pilipinas ang kaniyang kakantahin.

“Ika’y nakulong sa maling pag-iisip, pangarap mo raw mananatiling isang


panaginip...,” sinimulan ni Kirsten ang pag-awit. “Wala talagang katulad ang
iyong galing, Kirsten,” puri ni Kerwina sa kaniya pagkatapos ng pagsasanay niya
sa araw na iyon.

Ilang linggo na rin ang nakalilipas simula nang maghanda siya para sa
paligsahan. Tinutugtugan din siya ni Kerwina ng gitara habang umaawit ito.
Suportado si Kirsten ng mga taong nasa kaniyang paligid. May tiwala sila sa
kaniya na maiuuwi ang tropeyo.

11
Isang Linggo ay sinamahan siya ni Kerwina sa pagsisimba. Wala si Aling
Nora sapagkat masama ang kaniyang pakiramdam. Taimtim na ipinagdarasal ni
Kirsten ang kaniyang ina upang mapabuti ang kanyang kalusugan. Ngunit
parang hindi naririnig ng Panginoon ang kaniyang dasal.

Na kalauna’y umuwi na si Kirsten sa kanilang bahay. Agad na pumunta


siya sa kuwarto ng kanyang ina. Malayo pa lamang siya dinig na ni Kirsten ang
boses ng inang umaawit. Niyakap niya ito ng biglang… Araaaay, ang sakit-sakit
ng aking dibdib. Dinama ko ang kanyang noo, napakataas na ang kanyang
lagnat. “Inay, ano pong nangyayari sa inyo?” Uughhhh Ughhhh…. ang sakit ng
aking dibdib. Pa..ra..ng mama..tay na ako… kasabay ng malakas na paghingal
ng kanyang Ina. Umiyak na nang umiyak si Kirsten. Hindi alam kung nao ang
gagawin. Inaaaayyyyy! Inaaay ‘wag mo akong iwan. Ano pa ang silbi ng aking
buhay? Ano pa ang silbi ng aking talentong taglay kung wala ka inay.
Mahabaging langit, ‘wag niyo pong pahintulutan na mangyari ito. Inaaay!
Inaaaayyyy! Bumagsak ang aking ina sa sahig. Ako ay napasigaw at di ko na
alam ang gagawin. Hanggang sa narinig ko ang nakabibinging sirena ng
ambulasya. Wala na aking ina… Patay na siya… Sabi ng doktor na kumausap
sa aking ama, biktima siya ng nakamamatay na COVID-19. Lubos na nabahala
si Kirsten sa kanyang sinapit. Napaluha na rin ang kanyang ama sabay yakap
sa kanya, sapagkat kailanma’y hindi na nila makikita ang kanyang inay
magpakailanman.

Magmula noon, tumigil sa paglilingkod bilang laygo si Mang Dante.


Nawala ang kaniyang interes sa pagsisilbi sa simbahan. Ganun din si Kirsten
unti-unting kinain ng kalungkutan. Nagsimula siyang tumanggi sa pagkanta sa
simbahan at mga iniaalok na pagkanta sa mga iba’t ibang okasyon.

Ilang linggo ang nakalipas ngunit sariwang-sariwa pa sa kaniya ang


huling pagpaalam niya sa ina nang siya’y pumasok sa paaralan. Hindi niya
akalain na ito pala ang huli nilang pagyakap at pag-usap sa isa’t isa.

“Titser, pasensya na po ngunit hindi ko na kayang ipangatawanan ang


ating eskwela sa darating na paligsahan. Makabubuti pong humanap na kayo
ng ipapalit sa akin,” malungkot na pahayag ni Kirsten. Nagulat si Kerwina sa
sinabi ng kaibigan. Mapanglaw na pumayag ang guro dahil alam niyang hindi
pa niya tanggap ang pagkawala ng kanyang ina.

Nang malaman ni Kerwina ang desisyon ng kaibigan ay labis na niyang


kinukumbinse si Kirsten upang ipagpatuloy ang pagsali sa paligsahan. Sa
kabila ng pagpupursige ng kaibigang pabalikin siya sa pagsali, matatag na ang
desisyon ni Kirsten. Kalakip ng kaniyang pag-atras sa nasabing paligsahan ay
ang pagtalikod niya sa larangan ng musika. “Ayaw ko nang kumanta! Hindi
naman ako mapapakinggan ng aking ina!” Iyan ang sambit ni Kirsten kay
Kerwina nang isang araw na pilitin siyang muli ng kaibigan. Sobrang nalungkot
si Kerwina sa narinig na pagsuko mula sa kaibigan.

Isang araw sa eskwela ay napag-alaman nina Kirsten at Kerwina na hindi


na makasasali ang paaralan sa paligsahan dahil walang mapiling bagong
kakatawan na papalit kay Kirsten. Dahil sa nalaman, agad na dumalaw si

12
Kerwina sa bahay nina Kirsten. Kinausap niya ito nang masinsinan. “Kaya mo
talagang isuko ang pangarap mo? Ang pangarap ninyo ng nanay mo? Ititigil mo
ba talaga ang pagawit? Sa tingin mo ba ay matutuwa ang iyong inay kapag
nalaman niyang dahil sa kaniya tatalikuran mo ang musika? Kakalimutan mo
ang talento mo dahil lang sa isang pagsubok?” Napaiyak si Kirsten at pinag-
isipan niyang mabuti ang mahabang sinabi ng kaibigan.

“Pagsubok lamang ‘yan, Kirsten. Huhubugin niyan ang pagkatao mo at


patatatagin ka. Huwag mong talikuran ang talentong ipinagmamalaki ng iyong
ina. Saan man siya naroroon ngayon lalong nasisiyahan kapag nakikita kang
ipinagpapatuloy mo ang naiwan niyang pamana at alaala sa kanya.”
Naliwanagan si Kirsten sa mga sinabi ng kaibigan. Napagtanto niyang mas
gugustuhin ni Aling Mara kung pauunlarin pa niya ang kaniyang talento.

Naghanda siyang muli para sa paligsahan. Kinausap niya ang guro upang
ipaalam na handa na siyang sasabak na ikinatuwa naman ng kanyang guro.
Puspusan muli ang paghahanda ni Kirsten. Tuwing naalala niya ang kanyang
ina, lalo niyang pinabuti ang kanyang pag-eensayo.

Dumating na ang araw ng paligsahan. Walang kabang nararamdaman si


Kirsten nang tumuntong siya sa entablado. Tanaw niya ang ama, kaibigan at
ang mga sumusuporta sa kaniya.

“Balikan kung bakit ba nagsimula, bago mo sabihin na ayaw mo na...,”


kinanta niya ang huling bahagi ng piyesa habang nakangiti sa kanila. Malaki
rin ang ngiting isinukli ng ama nang tanghalin siyang kampiyon. Napaiyak si
Kirsten dahil sa tuwa. Naalala niya ang kaniyang ina dahil kung buhay sana
siya, siya ang unang bumati sa kanya. Pinasalamatan niya ang lahat ng
gumabay sa kanya sa pagharap ng pagsubok sa buhay lalong lalo na ang
Panginoon.

Dito nagsimula ang unti-unting pagbabago ng kanilang buhay. Natanggap


na nila ang maagang paglisan ni Aling Mara.

Lumaki si Kirsten kasama ang ama at maraming paligsahan ang kaniyang


sinalihan. Naitanghal na kampiyon sa “The Voice”. Gumanda ang kanilang
buhay. Matagal man pumanaw ang kaniyang ina ngunit sa kanyang puso at
isipan ay buhay na buhay pa dahil sa bawat awit at tagumpay na kaniyang
nakakamit ay iniaalay niya itong lahat sa ina na gumabay sa kanya upang
maging isang napakahusay na mang-aawit. Sa bawat panalo niya pumupunta
siya sa isang sulok ng entablado, sabay kuha ng panyong iniregalo ng ina sa
kanya at palagi niyang sinasabi “ Inay, para sa iyo ang aking tagumpay.”

Di pa nasisikatan ng araw abala na si Kirsten upang pumanhik sa


kanyang opisina. Oo, naging matagumpay rin si Kirsten sa kanyang napiling
propesyon pero di pa rin niya kinalimutan ang kanyang talento sap ag-awit.
“Kerwina, mayroon na bang nagsumite ng kanilang mga papeles, aprobahan ko
na upang maibigay na natin ang tulong ng ating opisina.” Tanong niya sa
kanyang ka-opisina at matalik niyang kaibigan. “Kirsten inilagay ko na sa iyong
mesa ang mga papeles ng mga napili nating bibigyan ng iskolarship,” sambit

13
naman ni Kerwina. Masayang-masaya ang magkaibigang tumutulong sa mga
kapos-palad na mayroong natatanging talento. Tinutostosan nila nag kanilang
pag-aaral. “Hay! Kailanman di ko malilimutan ang aking nanay, kung nandito
sana siya malamang napakasaya niya,” buntong hininga ni Kirsten. “Huwag
mag-alala anak, alam kung ginagabayan tayo ng iyong ina araw-araw, sabay
yakap ni Mang Dante sa anak.

MGA TANONG:

Panuto: Basahing mabuti ang mga tanong at piliin ang tamang sagot sa
bawat bilang. Isulat ang titik nito.

1. Saan pumupunta si Kirsten tuwing Linggo?


A. sa plasa C. sa ilog
B. sa simbahan D. sa paaralan

2. Ano ang ginagawa ni Kirsten sa simbahan?


A. pari C. laygo
B. tagalinis D. umaawit

3. Ano ang ginawa ni Kirsten upang lalong mapahusay ang kaniyang pag-awit?
A. Umiiyak palagi
B. Magsanay araw-araw
C. Makikipaglaro palagi
D. Magsisimba tuwing Linggo

4. Aling pahayag ang nagsasaad ng kahalagahan ng hindi pagsuko sa mga


pagsubok sa buhay?
A. Pagsubok lamang ‘yan, Kirsten, huhubugin niyan ang pagkatao mo at
patatagin ka”.
B. “Ayaw ko nang kumanta! Hindi na rin ako mapapakinggan ng aking
ina!”
C. “Kakalimutan ma ang talent mo dahil lang sa isang pagsubok?”
D. “May talento ako sa pagkanta”.

5. Kung ikaw ang nasa kalagayan ni Kirsten, gagawin mo rin ba ang ginawa
niyang pagsuko sa pangarap? Bakit? o bakit hindi?
__________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________

14
Grade 10 Ang Susi
ni Oscar R. Gamiao, Jr.

H
uwag…huwag mong
kunin. Maawa ka sa
sarili mo! Huwag!”

Bakit titig na titig ka sa


akin? Siguro’y ika’y nabibighani
sa aking angking kagandahan. Oo,
galing ako sa isang angkan ng
mayayaman. Kung ako’y inyong
pagmasdan, ang katawan ko’y
punong-puno ng alahas dahil
regalo ito ng aking papang
nagtatrabaho sa ibang bansa.
Inhinyero ang aking papa,
samantalang mangangalakal
naman ang aking mama.
Kung kagamitan at dunong ang
pinag-uusapan, walang
makatatalo sa akin. Maski sa
aming paaralan, ako ang bida. Ako
ang pinaguusapan sapagkat ako
palagi ay angat sa lahat ng bagay.
Ika nga nila, wala pang naisilang
na tatalo sa akin.

Masaya kaming mag-anak. Nakatira kami sa isang mansyon. Magara ang


loob at puno ng mga kagamitang babasagin. Mula sa durungawan hanggang sa
likod bahay ay makikita mong marangya ito. Hindi rin basta-basta ang mga
aming mga kagamitan tulad ng mga painting na binili pa ng aking papa sa ibang
bansa. Mga gamit sa kusinang pawang porselana at mga kobyertos na yari sa
ginto at pilak na minana pa ng aking mga magulang sa mga yumao naming
kamaganak. Maunawain at maalaga naman ang aking mama dahil noong bata
pa ako, ibinibigay niya ang lahat ng aking ninanais. Nag-aral ako sa isang
pribadong paaralan sa Maynila at gradwado ng isang mataas na kurso. Oo,
mayamn kami. Mayroon kaming sinasabi sa buhay.

“Anak, magpakabait ka. Alagaan mo ang iyong sarili, luluwas na ako sa


Amerika at doon na ako magtatrabaho.” Ito ang habilin ng aking papa sa
kanyang pag-alis. “Papa, bakit po kayo aalis? Sino na lamang aking kasama dito
papa? Oo, nandito si mama subalit mas maigi pa rin kung kompleto tayo. Papa,
huwag kang aalis, mas masaya ako kapag narito ka. Marami tayong pera subalit
walang kabulohan ang mga iyon kung wala po kayo.” Sambit ko sa aking papa
sa kanyang pag-alis. Umiiyak din ang aking mama, pero nakapagdesisyon na
siyang aalis. “Anak, asawa ko, huwag kayong iiyak. Sa aking pag-alis baon ko
ang ating pangarap na mabigyan ko pa kayo ng mas mabuting buhay.”

15
Lumuwas ang aking papa, malungkot ang buong bahay sa kanyang
pagalis. Pati rin si mama ay naging malungkot na rin. Mayroong pagkakataong
nakikita ko siyang umiiyak sa kanyang silid. Tinatanong ko rin sa aking sarili,
bakit kaya pumunta pa sa ibang bansa ang aking papa? Maganda naman ang
aming buhay dito sa Pilipinas. Aaaaaaahhh. Napabuntong-hininga na lamang
ako.

Halos tatlong taon ko ng hindi nakasama ang aking papa. Sa una, siya ay
tumatawag pa sa aking messenger at nag-uusap din sila ni mama. Nagbibigay
ng limpak na salapi sa tuwing kataposan ng buwan. Lumaki na akong laki sa
layaw. Naibibigay ang lahat sa akin at nagpakakasasa sa perang ibinibigay ng
aking papa. Subalit, kailanman hindi ako naging masaya.

Sa kalauna’y nagulantang ang buong daigdig dahil sa balita sa TV at radio


na mayroong isang sakit na lumaganap sa Tsina na naapektuhan na ang buong
sangkalupaan. Lumagapak ang langit sa aking mama noong nabalitaan niyang
isa ang aking papa ang nagkasakit sa sakit na di nakikita. Ito ang COVID 19.
Ang masahol, hindi na naming siya natatawagan. Dumagundong ang pighati sa
aking puso, “ Bakit nga ba ito nangyari Diyos ko? Kung tunay na ikaw ay
mahabagin, bakit mo pinahintulutan ito?” “Mama paano na tayo? Paano na ang
aking kinabukasan? Paano na ang aking mga pangarap na gustong matupad?”
Ito ang mga tanong na sinabi ko sa aking mama. Subalit, …subalit,… subalit…
wala akong narinig na boses niya. Hindi siya umiimik na kahit gaano kalakas
ang aking boses. Mama, napaano ka na? Anong nagyari sayo? Mama, lumaban
ka! Ito ang mga katagang nasabi ko sa kanya.

Oo, sa murang edad, ganito na ang aking nalalasap. “Bathala, bakit ganito
ka? Bakit? Bakit?”

Pagkalipas ng maraming buwan, patuloy pa rin ang lockdown sa buong


bansa, halos wala nang nakalalabas sa kani-kanilang bahay. Patuloy pa rin ang
pagtatangis ng aking mama. Bawat araw, nasa durungawan siya ng aming
tahanan, nakatingin sa malayo, na para bang hinihintay ang pagdating ng aking
papa. Naghirap na rin kami. Wala na rin kaming makakain at panustos sa aking
pag-aaral. Hirap-na hirap ang aming kalagayan. Naghihikahos ang aming tiyan
at umaasa na lamang sa mga ibinibigay ng aming mga kamag-anak at kaibigan.
Ang aking mama ay nagumpisa ng nagkasakit. Tuliro, hindi umiimik nakatingin
sa malayo, at palaging umiiyak. Ang durungawan ng aming bahay ang palagi
niyang pinupuntahan. Nagbabasakaling bumalik ang aking papa. Hay naku
Bebang my loves wala na ang iyong asawa. Na COVID na siya sa Amerika. ‘Wag
mo na siyang isipan pa. Ito ang pahayag ng isa naming kapitbahay na si Mang
Tonyo.

Si Mang Tonyo ay kilalang mayaman din sa aming bayan. Marami siyang


paupahan at mayroon din tindahang malaki sa tapat ng kanyang bahay. Sa
aming kalye, siya lamang ang nagtitinda kuyng kaya’t kilala siya. Si Mang Tonyo
din ay maangas ang mukha. Palaging nakabukas ang botones ng kanyang polo
at nakasuot ng maong na short kaalinsabay ng kanyang paghithit sa kanyang
suakong napakalaki. “Huwag kang mag-alala Bebang my loves nandito naman
ako. Tiyak kung pupunta ka sa akin paliligayahin kita bibigyan pa kita ng pera!”

16
Halakhak lamang ang nasambit ng aking mama kaalinsabay ng pagkoskos niya
ng kanyang mahabang buhok. Tumilansik naman ang laway ni Mang Tonyo
sabay ng paghagod niya ng kanyang lalamunan. Dinig na dinig ko ang mga
panlalait na ito, kung kayat, ako ay napasigaw kay Mang Tonyo. “Mang Tonyo!
Bawiin mo mga sinabi mo sa aking mama, babalik si papa. Naniniwala akong
babalikan niya kami. Malupit kayo! Malupit kayo sa amin! Gustohin niyo bang
makikita kaming naghihirap? Guntohin niyo bang nakikita kaming may
kapighatian? Nasaan ang inyong konsensya Matandang Tonyo?” Mga salitang
nasambit ko sa matanda. “Pilar, Pilar, Pilar… Wala na ang iyong papa . Di mo
alam na usap-usapan sa bayan na lugmok na kayo sa kahirapan. Napakarami
niyo ng utang sa bangko sa susunod na buwan, kukunin ko na ang inyong
bahay kung di makapagbayad ng interes ang iyong maganda, maputi, at
masarap mong mama.” “Tingnan mo siya, wala siyang imik tapos
humahalakhak nang wala namang nakatutuwa? May sinto-sinto na ‘yan.”
Malakas na sambit ni Mang Tonyo sa akin. Umiyak ako nang umiyak…

Napakalupit ang mga tao! “O sige sa inyo na aming bahay!” “Opppppssss.


Teka lang Pilar. Nakikita mo ba ang aking hinahawakan?” “Napakabastos mo
Mang Tonyo! Wala kang awa sa akin. Kailanman hindi mo ako makukuha sa
ganyang paraan.” “ Umalis ka saking harapan matanda! Umalis ka na!” sigaw
kong umiiyak sa kanya. “Naku naku naku Pilar! ‘wag masyado! Teka may
kukunin ako.” Sabay pasok ang kanyang palad sa kanyang bulsa. “Heto ang
susi, kung gusto mong pumunta sa aking bahay, pumunta ka lang, kasama ang
susing ito. Dadaan ka sa likod para walang makakita sayo. Isabit ko ‘to sa inyong
pintuan. Hahahahahh!” Halakhak ni Tandang Tonyo kasabay ng kanyang
paglisan. Kinuyom ko ang aking palad, sabay tingin sa aking walang imik na
mama. “Hinding-hindi ko yan gagawin,” nasambit ko sa aking sarili.

Tumawag sa akin ang dati kong kaklase na si Isabel. Kriiingggg! “Oh Pilar
buti sinagot mo ang aking tawag. Noon pa kita tinatawagan. May paligsahan ng
pagsulat at sabi ni maam, kahit wala ka na sa paaralan puwede ka pa rind aw
sumali. Ito ay ang Gawad Palanca. Sa susunod na buwan na ang pagpasa ng
manuskipto. Alam kong magaling ka at mayroon kang talento dito. Baka palarin
ka malaki din naman ang premyo.” “Isabel, salamat sa pagtawag mo, talagang
kailangan ko ito. Salamat.Salamat.” “O sige bes, di kita mabibisita, dami pang
gwardiya sa daan. Kaya lang kita tinawagan dahil dito.” “Salamat ng marami
bes,” sagot ko naman sa kanya.

Biglang nagpugay ang aking mga mata, at nabigyan ako ng pag-asa.


Bagong normal nga naman. Tama, gagamitin ko ang aking talento at kasanayan.
Isa itong hamon sa akin. Balang araw aahon kami. Hindi ko hayaang dumampi
sa aking palad ang lintik na susing iyan!

“Aaaraaay! Ang sakit sakit!” malakas na tugon ng aking mama. Napatakbo


ako sa kanya. Nakita kong puno na ng dugo ang ilong ng aking mama at higit
sa lahat, at higit sa lahat… umaapoy na ang kanyang lagnat! “Mama,”
mahabaging langit, ano ang aking gagawin? Sino ang aking tatawagan? Wala
naman si papa. Diyos naming nasa langit, mahabag ka nawa sa akin! Dumating
ang aking tiya sa aming bahay. Pilar, kailangang madala ang mama sa ospital!

17
Tawagan ko na ang kapitan, baka anon a ito! Pero wala po kaming pera tiya.
Wala po I isang sentimo! Anak, magdasal ka sa Diyos. May pag-asa

Tinawagan ko lahat ng aking mga kakilala upang humingi nang tulong.


Hanggang nakita ko ang susing nakasabit sa pintoan. Tama sabi ko sa aking
sarili. Pinunasan ko ang aking luha.Nagbihis, at walang patumanggang kinuha
ang susi. Ito na ang aking gagawin.Patawad Ama, Patawad!

Tumunog ang aking cellphone. “Magandang araw! Malugod na pagbati


sayo Pilar sa pagkapanalo mo sa Gawad Palanca dahil sa isinumite mong
kuwentong pinamagatang “ Sanay nandito siya” Ang iyong premyo ay dadalhin
sayo bukas sa pamamagitan ng inyong LGU. Salamat.”

Binasa ko ito, kinukuyom ang aking palad ang susi . Nandito na ako sa
pintoan ni Mang Tonyo. Pero hindi ko ito itinuloy. Salamat papa ginabayan mo
ako!

MGA TANONG:

Panuto: Basahing mabuti ang mga tanong at piliin ang tamang sagot sa
bawat bilang. Isulat ang titik nito.

1. Sino ang matandang gustong tumulong sa pamilya ng pangunahing tauhan?

A. Tandang Gary C. Tandang Antonio


B. Tandang Tonyo D. Tandang Lodipus

2. Kung ikaw si Bebang sa kuwento, tanggapin mo ba ang alok ni Tandang


Tonyo?
A. Hindi, sapagkat marangal akong babae
B. Oo, sapagkat Malaki ang maitutulong nito sa aming pamilya.
C. Oo, sapagkat maiibsan ang problemang kinasasangkotan ng
pangunahing tauhan
D. Hindi, sapagkat hindi ko itataya ang aking dangal para lang maibsan
ang problemang hinaharap.

3. “Binasa ko ito, kinukuyom ang aking palad ang susi . Nandito na ako sa
pintoan ni Mang Tonyo. Pero hindi ko ito itinuloy. Salamat papa ginabayan
mo ako.” Ano ang nais ipahiwatig ng huling bahagi ng kuwento?
A. Walang awa ang kanyang ama sapagkat naghihirap na sila.
B. Kinukuyom niya ang susi sapagkat ayaw mabuksan ang pinto.
C. Nagpapasalamat siya sa Diyos dahil sarado ang pintoan ni Mang
Tonyo.
D. Nagpapasalamat siya sa papa niya sapagkat ginabayan niya ito na
hindi ituloy ang kanyang binabalak.

18
4. Kung ikaw ang pangunahing tauhan sa kuwento, ano ang gagawin mo kung
naranasan moa ng kanyang kalagayan?

A. Mamalimos sa lansangan
B. Magtrabaho sa gabi, mag-aral sa umaga
C. Kausapin ang pamahalaan na tumulong sa mga gastos sa bahay
D. Gamitin ang talentong ibinigay ng Diyos nang mabuti at marangal.

5. Kung gusto mong baguhin ang wakas ng kuwento, paano mo ito


wawakasan?

________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________

19

You might also like