You are on page 1of 4

A.

Magbigay ng isang sitwasyon kung kailan

Nagagamit ang antas ng komunikasyon na nasa ibaba.

1. Interpersonal
• Pakikipag usap sa kapatid, magulang, kaklase or guro
2. Pangmasa
•SONA, pagbabalita sa radyo o telebisyon
3. Pampubliko
•Seminar
4. Pang-orgnisasyon
• Org meeting, PTA meeting, student council meeting
5. Pangkaunlaran
•Seminar at symposium
6-10 Ano sa tingin mo ang pinagkaiba ng Pangmasa at Machine Assisted na Komunikasyon.

• Sa Pangmasa ginagamit ang teknolohiya upang makioag komunikasyon sa masa o sa marning tao
samantalang aa machine assisted na komunikasyon maaaring gingamit nila ang teknolohiya sa pakikipag
komunikasyon sa isa o higit pang tao lamang.

B. Ipaliwanag ang mga sumusunod:

1. Dayagram na binuo ni Dell Hymes.

• Binibigyang-halaga ni Dell Hymes (1972) ang tinatawag na etnograpiya ng komunikasyon na


nagsisilbing batayan para maikategorya at maunawaan ang iba’t ibang sitwasyon at konteksto ng
pakikipagtalastasan at pakikipag-ugnayan ng mga tao (Slembrouck, 2003). Ang salitang “etnograpiya” ay
mula sa larangan ng antropolohiya na nangangahulugang personal na pagdanas at pakikipag ugnayan sa
pamamagitan ngpaglahok, pagmamasid, at pakikipamuhay sa mga taong nasa ibang pamayanan.
Nararapat kung gayon na sa paglahok sa isang sitwasyong pangkomunikatibo aymasusing pahalagahan
ang sinabi ni Dell Hymes tungkol sa Speaking bilang kahingiansa isang maayos at mabisang
komunikasyon.

Narito ang iba’t ibang halimbawa at sitwasyong pangkomunikatibo: misa sa simbahan, tsismisan sa
kalye, tawaran sa palengke, debate satelebisyon, talumpati ng mga mambabatas sa Kongreso at marami
pang iba. Ang sitwasyong ito ay kumakatawan sa deskriptibong konteskto ng pag-uusap, na naglalaman
pa na mahalagang salik batay sa paliwanag ni Dell Hymes (1972) tungkol sa akronim na SPEAKING:

S-etting – Saan ang pook ng pag-uusap o ugnayan ng mga tao?


P -articipant – Sino-sino ang mga kalahok sa pakikipagtalastasan?

E-nds – Ano ang pakay o layunin ng pag-uusap?

A-ct sequence – Paano ang takbo ng usapan?

K-eys Ano ang tono ng pag-uusap? Pormal ba o di-pormal?

I-nstrumentalities – Anong tsanel ang ginamit?

N-orms – Ano ang paksa ng usapan?

G – enre – Ano ang diskursong ginamit?

2. Burke’s Dramatic Period

• Dito inilarawan kung paano binibigyang halaga ang ating pangaraw-araw na buhay at kung paano ang
pagkukwento sa mga pangyayaring naganap sa ating buhay.

ACT (Ano?), AGENT (Sino?), AGENCY (Paano), PURSPOSE (Bakit?), SCENE (Saan?)

3. Interaction Model

• Masasabi na higit na makatotohanan ang modelong ito sapagkat binibigyang tuon dito ang pidbak at
konteksto nito. Naniniwala ito sa prinsipyong “Sa bawat aksyon may reaksyon”

B. Ipaliwanag ang mga Papel ng Midya at Sosyal Networking sites

• Napakali sa ng papel ng midya at sosyal networking sites sa ating buhay dahil sa tulong ng mga ito mas
napapadali ang pakikipag komunikasyon natin sa ating pamilya o kaibigan, sa tulong din nito ay mas
mabilis nating nalalaman ang mga bagong impormasyon o balita sa ibat ibang panig man ng mundo lalo
na ngayon sa panahon ng pandemya na limitado ang pagkilos natin.

D. Ano-ano ang tatlong pangunahing uri ng media at ipaliwanag ito.

1. Print o nakalathala sa papel(pahayagan)

• Ito ay ang mga nakalimbag na publikasyon, tulad ng mga pahayagan, magasin, polyeto, atbp, ay
ginagamit bilang nakalimbag na media, na ginagamit bilang isang materyal na daluyan para sa
paghahatid ng impormasyon. Ito ang pinakalumang paraan ng komunikasyon.

Ang gintong panahon nito ay mula sa ika-19 na siglo hanggang sa unang kalahati ng ika-20 siglo. Sa
kasalukuyan, ito ay pa rin isang daluyan na nasisiyahan sa prestihiyo, ngunit ang interes ng
pangkalahatang publiko sa loob nito ay unti-unting tumanggi na lumipat sa iba pang media tulad ng
radyo, telebisyon at digital platform.

2. Broadcast (TV at Radyo)

• Ang broadcast ay ang komunikasyon na naka batay sa paggamit ng mga radio wave upang magpadala
ng mga tunog signal. Sa kahulugan na ito, ang pag-abot ng radyo ay mas malaki kaysa sa nakasulat na
pindutin.
Upang makinig sa kanilang mga pagpapadala, sapat na magkaroon ng isang aparato ng pagtanggap ng
alon sa radyo. Ang ilan sa mga pakinabang ng radyo ay ang dali-dali, kahusayan nito at ang mababang
gastos ng paggawa nito. Ito ay isang pag-imbento ng ika-19 na siglo na mayroon pa ring lakas at
ginagamit ang parehong analog at digital media.

3. Digital Media (internet,mobile phone , tablet at laptop)

• Ang digital media ay ang mga gumagamit ng Internet para sa pagpapakalat ng nilalaman at
impormasyon. Lumitaw sila sa pagtatapos ng ika-20 siglo, salamat sa pag-unlad ng science sa computer
at mga bagong impormasyon at teknolohiyang komunikasyon, at mula noon, nagdulot sila ng isang
rebolusyon sa paraan ng pagkonsumo, paggawa at pakikipag-ugnay sa mga tao sa impormasyon.

Ang Internet ay kumakatawan sa isang paglipat sa paradigma ng unidirectional na komunikasyon


patungo sa isang modelo ng multidirectional, sapagkat pinapayagan at hinihiling nito ang aktibong
pakikilahok ng gumagamit. Hindi lamang tinutukoy ng gumagamit ang kanilang mga paghahanap, ngunit
isang generator ng nilalaman.

E. Ano-ano ang mga batayang tungkulin ng media at ipaliwanag ito.

1.Magbahagi ng impormasyon

- isa sa pangunahing tungkulin ng media ag ay ang pag babahagin ng napapanahong impormasyon sa


mga mamayan upang maging updated ang mga tao sa nagyayari sa pamayanan.

2. Magsuri ng mga pangyayari

- tungkulin din mg media na alamin ang mga napapanahong isyu o pangyayari sa komunidad uoang
maibahagi nila ito sa mga tao

3. Mang- aliw - isa pa sa mga tungkulin ng media ay mag bigay aliw at maibsan ang inip o kalungkutan
ng mga tao

4. Maghayag ng mga pangyayari at opinyon

- kagaya ng pag babahagi ng impormasyon tungkulin din ng media na ipahayag ang kanilang opinyon at
mga mahalagang pangyayari na nagaganap sa komunidad

5. Magsagawa ng kampanya at adbokasiya

- malaki ang gampanin ng media sa kampanya at adbokasiya kaya tungkulin nila na magsagawa ng
tamang at nararapat na kampanya ukol sa mga pagpapabuti ng lipunan

6. Mga sanggunian

- media ang ating pangunahing sangguinian sa impormasyon na nais nating malaman kay dapat na
siguraduhin ng media na tama ang kanilang impormasyon na pinapahayag

F. Ano-ano ang mga sosyal networking sites at ipaliwanag ito isa isa.

1. Mobile Apps -Ito ay mga software applications na maaring iinstall gamit ang selpon sa pamamagitan
ng internet. Sa panahon ngayon marami na ang naglipanang aplikasyon. Halimbawa nito ay edukasyong
agham, wika, matematika atbp.
2. Portable Voice Amplifier – Ito ay magaan na mikropono at speaker na ginagamit upang mapalakas at
marinig ng maayos ang itinatalakay ng tagapagsalita.

3. VV- Talker – Ito ay ginagamit para sa mga pipi at bingi na nakakatulong na makapaglinang ng boses ng
isang pipi sa pamamagitan ng vibration na nasasagap ng teknolohiyang ito mula sa nagsasalita o
nagtuturo sa kanya.

4. Edu – Chat – Isang paraan upang mapabilis ang komunikasyon sa mga mag aaral sa pamamagitan ng
paggamit ng facebook , messenger at telegram. Maari din sila ditong magpadala ng kanilang awtput.

5. Blogging -Ito ay pagsusulat o pagbabahagi ng kwento o literature ng isang tao gamit ang makabagong
teknolohiya. Kadalasan itong ginagamit upang lalong mapalaganap ang sulat o likha ng isang tao sa
pamamagitan ng mga sikat na blog tulad ng worldpress at blogger.

6. Podcasting -Ginagamit ito bilang pagrerecord ng boses na maaring live o recorded. Layunin nitong
mahatid ang mensahe sa pamamagitan ng audio pormat. Maaari itong i-download at mapakinggan kahit
saan ka mang lugar.

7. Infographic -Sakaling ang simpleng salita ay hindi makuha ng mga mag-aaral lalo na kung sila ay hindi
sanay gamitin ang wikang Filipino, maaring gamitin ito sapagkat nakatutulong ito sa paghahatid ng mga
mensahe sa paraan ng paggamit ng biswal at makukulay na letra upang makuha ang atensyon ng iyong
awdyens.

8. Edu – Conference – Kung ikaw naman ay nasa malayong lugar upang magbakasyon o kaya naman ay
nagkaroon ng pagkakasabay sa isang gawain maari mong gamitin ang Skype. Ito ay paraan ng
pakikipagkomunikasyon kahit nasaang lugar ka gamit ang bidyo chat basta’t mayroon ka lamang
magandang signal ng internet

9. Drop Box – Kung nagkaroon ng virus ang laptop mo at USB ay huwag mag-alala kung maglilipat kia ng
FILE sapagkat ito ang gawain ng apps na ito. Ginagamit ito para maitago ng ligtas ang iyong files, larawan
o kahit bidyo. Sakali mang magkaroon ng sakuna tulad ng baha, lindol o sunog ligtas parin ang iyong file
na nakatago dito.

G. Ipaliwanag ang negatibo at positiong epekto ng Sosyal networking sites sa buhay ng tao.

• Ang positibong epekto ng sosyal networking sites sa buhay ng tao ay napoadali nito ang pakikipag
komunikasyon at iba pa nating gawain, marami rin tayong nalalaman na bago sa tulong ng mga sosyal
networking sites samantalang ang negatibong epekto nito ay minsan nagdudulot ito ng mga fake news
at nagsasanhi ng pagiging tamad ng mga tao lalo ng mga kabataan.

H. Magtala ng iba pang sosyal networking Sites na nakakatulong sa iyo sa edukasyon o


Pakikipagkomunikasyon.

• Google, Twitter, Instagram, Telegram, Microsoft, Canva, Facebook at YouTube.

You might also like