You are on page 1of 30

PANANAW NG MGA MAG-AARAL SA BAITANG 11 SA MGA

PILING PAARALAN SA TRECE MARTIRES CITY HINGGIL SA

MGA UMIIRAL NA SALITA SA SOCIAL MEDIA

Sulating Pananaliksik,

na Iniharap kay Gng. Maribeth C. Rieta

Fakulti sa Kagawaran ng Filipino

Trece Martires City Senior High School

Trece Martires City, Cavite

Bilang Bahaging Pangangailangan sa

Filipino Pagbasa at Pagsulat Tungo sa Pananaliksik

Ikalawang Semestre, 2016 – 2017

Ipinasa nina:

Albert Y. Tubio

Alwin P. Platilla

John Mark Q. Ancheta

John Rendon L. Oaña

John Rex J. Corre

Jonhvic A. Ochave

Neil Bryan P. Matunog


Kabanata I

Ang Suliranin at Saligan ng Pag-aaral

Introduksyon

Sa lumalagong interaksyon ng mga tao sa ating kapaligiran, maituturing na isa

sa mga pinakamahalaganag salik ang teknolohiya. Ito ang siyang bumububay at

sumusuporta sa ating araw araw na pamumuhay. Mula pa noong unang panahon,

kasama na ng tao ang teknolohiya. Ang pagdiskubre ng apoy ay siyang una sa mga

pinakamahahalagang teknolohiya ng kabihasnan ng tao. Nagamit ang apoy sa pagluluto

ng mga pagkain, sandata, pampanatili ng temperatura ng katawan at pagtunaw sa mga

mahahalagang metal na siya namang pinagmulan ng mga kagamitang nakatutulong sa

mas madaling proseso ng pamumuhay. Isa sa mga metal na ito ay ang tanso at ginto.

Nagamit ang mga metal na ito sa paggawa ng sandata hanggang sa pagbuo ng mga

naglalakihang sasakyang panghimpapawid, pandagat at panlupa. Nagkaroon ng

malawakang interaksiyon sa pagitan ng bawat grupo at ito rin ang nagbunsod sa mga

mangangakal na magpalitan ng mga produkto. Mga sangkap na panluto, kagamitan sa

kusina at mga makabagong teknolohiya na kung saan sangkot na ang elektrisidad. Mga

kompyuter, telepono at iba pa. Nagamit ang makabagong teknolohiyang ito sa

pagpapaunlad ng ekonomiya at pangkomunikasiyon na aspeto. At habang tumatagal,

mas nagiging moderno ang teknolohiya ng tao. At bilang bahagi ng pagbabagong ito,

natuklasan ang social media. Ang social media ay naging parte na ng buhay ng tao sa

modernong panahon. Hindi maikakaila na halos lahat ng tao sa ating mundo ay ito ang

unang hinahanap mula pa lamang pagmulat ng mata sa umaga hanggang sa oras ng

pagtulog, sa paglalakad sa mga pasyalan, sa pagkain sa mamahaling kainan at sa kung


anu-ano pang gawain. Isa ito sa pinakamahalagang sector ng ating pamumuhay na

kung saan malaki ang naiaambag nito sa ating mga gawian. Halimbawa nito ay mula sa

mga komplikadong bagay tulad ng pagpapatayo ng mga gusali. Bilang pagtugon sa

pagpapatatag ng mga gawaing ito, naging kapaki-pakinabang ang komunikasiyon sa

pagpapanatili ng mga impormasyon, ideya at konsepto tungkol sa teknolohiya. Mula sa

ideyang ang komunikasiyon ay isang mahalagang sangkap ng teknolohiya, nabuo ang

ibat- ibang makinarya na siyang nagagamit para sa komunikasiyon gamit ang internet.at

mula sa sistemang ito. Nabuo naman ang ibat ibang libangan at kapakipakinabang na

apps sa internet na naging bahagi ng social media.

Ang social media ay terminong ginagamit para sa mga makabagong teknolohiya

na kumokonekta at nagiging daan para maka halubilo ng ibat ibang tao mula pa sa

malalayong lugar. Ito ay matuturing na pangunahing teknolohiyang umiiral sa ating

sibilisasyon. Hindi lamang ito nagagamit sa pang komunikasyon na aspeto. Nagagamit

rin ito bilang libangan at tagpuan ng mga kabataang sabik sa sosyal na pag lililang sa

isa’t isa na naging dahilan sa pagkakaroon ng uri sa mga wikang ginagamit. Bilang

resulta, naapektuhan nito ang pang araw araw na wikang ginagamit ng mga kabataan.

May mga salitang nabuo mula sa pag hahalo ng dalawang wika o kaya naman ng mga

wikang banyagang naging tanyag sa wikang Pilipino. Ang paggamit ng social media sa

pang-araw araw na pamumuhay ng mga mag-aaral ang isa sa mga nakakaapekto sa

wikang kanilang ginagamit. Ito rin ang isa sa mga nagbibigay daan upang makabuo ng

panibagong wika sa kasalukuyang panahon. Sa pagkakataong ito ay mauunawaan at

malalaman ang iba’t ibang persepsyon ng mga mag-aaral tungkol sa mga uri ng wikang

ginagamit nila sa loob ng social media na isasakatuparan ng pananaliksik na ito.


Paglalahad ng Suliranin

Nais tugunan ng pananaliksik na ito ang mga sumusunod na tanong:

1. Anu- ano ang umiiral na salita sa social media?

2. Anu-ano ang pananaw ng mga mag-aaral hinggil sa umiiral na salita sa social

media?

3. Ano ang kaugnayan ng mga tradisyunal na salita sa mga umiiral na salita sa

social media?

Layunin ng Pag-aaral

Ang pangkahalatang layunin ng pananaliksik na ito ay masuri at matukoy ang

iba’t ibang pananaw ng mga mag-aaral ng baitang 11 na mula sa Trece Martires City

hinggil sa umiiral na salita sa social media.

Ang pananaliksik na ito ay naglalayon na:

1. Matukoy ang mga umiiral na salita sa social media na kadalasang ginagamit

ng mga mag-aaral.

2. Mailahad ang iba’t ibang pananaw ng mga mag-aaral hinggil sa umiiral na

salita sa social media.


3. Mabigyang pansin ang kaugnayan ng tradisyunal na salita sa mga umiiral na

salita sa social media.

Kahalagahan ng Pag-aaral

Ang pananaliksik na ito ay magiging kapaki-pakinabang sa mga sumusunod:

Sa mga Mag–aaral. Sa pamamagitan ng pananaliksik na ito, magsisilbing

patnubay at gabay para makakuha ng karagdagang impormasyon hinggil sa salita

nakapaloob sa social media. Makatutulong din ito upang mamulat ang kaisipan ng mga

mag-aaral hinggil sa mga umiiral na salita sa social media.

Sa mga Guro. Upang bigyang – ideya ang mga guro tungkol sa Social Media na

kadalasang pinagtutuunang – pansin ng mga mag-aaral sa ngayon. Sa pamamagitan ng

mga ideyang napulot, maaaring gamitin at isagawa ang mga naging paraan upang

maunawaan ang mga mag-aaral hinggil sa kanilang saloobin sa social media.

Sa mga Magulang. Ang pananaliksik na ito ang magsisilbing gabay sa kanila

upang maunawaan at mabigyang pansin ang mga ikinikilos ng kanilang mga anak.

Magiging batayan rin nila ito sa pagkilala sa saloobin ng kanilang mga anak.

Sa mga Tagapangasiwa ng Paaralan. Ang resulta o ang kinalabasan ng pag –

aaral na ito ay makatutulong sa pagpapatupad ng mga programa, proyekto, mga gawain


at iba pang mga hakbang para makatulong sa mga mag – aaral na mapaunlad ang

kanilang pananaw tungkol dito.

Sa mga Mananaliksik sa Hinaharap. Ang pananaliksik na ito ay magsisilbing

gabay upang kung sakaling ang kanilang paksa ay kauri nitong pag – aaral ay may

mapagkukunan sila ng mga kaugnay ng literatura at karagdagang kaalaman.

Sa mga kasalukuyang kumuha ng Akademikong Track. Bilang mga

propesyunal sa hinaharap, ang pananaliksik na ito ay magsisilbing mapagkukunan ng

mga ideya at mga posibleng sitwasyong kanilang kalalagayan sa hinaharap. Sa paraang

ito, ang kanilang mga pananaliksik ay magiging epektibo at mapagtitibay dahil rito.

Saklaw at Limitasyon

Ang saklaw ng pananaliksik na ito ay ang mga pananaw ng mga piling mag-aaral

ng baitang 11 sa mga piling paaralan sa Trece Martires City hinggil sa mga umiiral na

salita sa social media. Ang mga mag-aaral na siyang gumagamit ng Facebook o Twitter

ay ang magsisilbing mga respondente. Dito lamang nakatuon ang pananaliksik na ito.

Ang anumang uri ng social media na hindi kabilang sa nabanggit ay hindi na sasaklawin

ng papanaliksik na ito.

Hindi sasaklawin ng pananaliksik na ito ang epekto at kadahilanan kung bakit sila

gumamit ng mga salitang umiiral sa social media nakapokus lamang ito sa kanilang mga

pananaw hinggil sa umiiral na salita sa social media


Konseptuwal na Balangkas

Ano-ano ang
Kaugnayan
umiiral na Umiiral na
ng tradisyon
salita sa salita
na salita
social
media?

Pananaw ng
mga mag-aaral
ukol sa edad,
kasarian, at iba
pa

Depinisyon ng mga Terminolohiya:

1. Social Media. Ito terminong ginagamit para sa mga makabagong

teknolohiya na kumokonekta at nagiging daan para maka halubilo ng ibat

ibang tao mula pa sa malalayong lugar.

2. Pananaw – Ito ay ang hinuha ng isang tao tungkol sa isang pangyayari o

bagay.

3. Wika. Isang sistema ng komunikasyon sa pagitan ng mga tao

sapamamagitan ng mga pasulat o pasalitang simbolo


4. Apps. Ito ay mga bagay na matatagpuan sa mga makabagong

teknolohiya na syang tumutulong sa pangangailangan ng tao kagaya ng

pakikipag-interaksyon, pampalipas oras at iba pa.

5. Internet. Ito ay magkakabit na mga computer network na maaaring

gamitin ng mga tao sa buong mundo.

Kabanata II

Mga Kaugnay na Literatura at Pag-aaral

Dayuhang Literatura

Sa pag-usbong ng panibagong henerasyon sa ating mundo, ang paggamit ng

mga makabagong teknolohiya ay lubos na laganap. Ang pagkakabuo ng social media

ang naging patunay sa pagbabago ng panahon na ito. Ang social media ay terminong

ginagamit para sa mga makabagong teknolohiya na nagpapahintulot sa mga tao na

mula pa sa iba’t ibang lugar na magkaroon ng koneksyon, ugnayan, gumawa at

magbahagi ng mga impormasyon (Lewis, 2010). Ito rin ay isang kasangkapan ng

komunikasyon (Howard at Parks, 2012) sa pamamagitan ng paggamit ng mga

technological devices gaya ng cellphone na kinakailanganan ng internet kung kaya

naman tinatangkilik ito ng mga kabataan sa panahong ito.

Ayon naman kina Kaplan and Haenlein (2010), ang social media ay grupo ng

Internet-based applications na bumubuo ng idyolohikal at teknolohikal na pundasyon na

Web 2.0, na may kakayahang gumawa at magpalitan ng mga ideya gamit ang internet.

Sa pamamagitan nito, nagkakaroon ng komunikasyon ang iba’t ibang mga tao na mula

pa sa magkakaibang lugar. Ayon kay Espina at Borja (1996), ang komunikasyon ay

isang makabuluhang kasangkapan upang maangkin ng bawat nilika ang kakayahang


maipaliwanag nang buong linaw ang kanyang iniisip at nadarama. Ang pagkakaroon ng

komunikasyon ang siyang magbibigay ng katatagan sa pagkakaunawaan at relasyon ng

mga tao sa lipunan.

Ang social media na marahil ang kadalasang kasama ng bawat isa ngayon sa

mga panahon na ito. Hindi maikakaila na halos lahat ng tao sa ating mundo ay ito ang

unang hinahanap mula pa lamang pagmulat ng mata sa umaga hanggang sa oras ng

pagtulog, sa paglalakad sa mga pasyalan, sa pagkain sa mamahaling kainan at sa kung

anu-ano pang gawain. Madalas itong gamitin ng mga mag-aaral dahil sa kakayahan

nitong pag-ugnayin ang mga tao. Sa pamamagitan ng Facebook, Twitter, Youtube at iba

pang mga social media, nakakapagpalitan ng saloobin, ideya, at impormasyon ang mga

taong gumagamit nito (Kent, 2010; Howard at Parks, 2012).

Ayon kina Howard at Parks (2012) na mula pa sa libro ni Carr at Hayes

(2015), “ang social media ay nahahati sa tatlong bahagi: (a) ang impormasyon ay

ginagamit bilang isang kagamitan at kailangan ng tao, (b) ang laman ng impormasyon

ay nasa digital na anyo ng balita, mensahe, at iba pa.; (c) ang mga tao ang siyang

gumagawa at gumagamit ng mga laman na digital” (p. 362).

Ayon naman kay Dwight (2015), "Ang social media ay tumutukoy sa sistema ng

pakikipag-ugnayan sa mga tao na kung saan sila ay lumilikha ng mga ideya sa isang

virtual na komunidad at mga network. Ito ay nagbibigay ng pagkakataon na

makipagugnayan ang mga tao malapit o malayo man." Isa itong patunay na sa

makabaging henerasyon ng mundo kasama ang teknolohiya, may pagkakataon ang

bawat tao na sumabay sa agos ng pamumuhay kasama ang social media.


Ang social media ay may malaking ginagampanan sa loob ng internet. Ito ay

sinang-ayunan ni Krauss (1992) mula sa libro nina Jones at Jungloed (2013), “ang mga

elektronik midya ay isang nerve gas dahil sa masamang epektong naidudulot nito”.

Sa paggamit ng social media, hinahayaan nito na makita ang mga listahan ng

koneksyon at makita pa ang ginagawang iba (Boyd at Ellison, 2007). Ginagamit ang

internet upang makalikha ng liham o mensahe upang makagawa ng isang

komunikasyon (Boyd, 2007).

Ayon kina Milroy at Lesley (1980), ang konseptong social network ay ipinakilala

sa larangan ng sosyolingwistika sa blog niyang Language and Social Network. May

malaking kahalagahan ang mga kapalit o katumbas ng paglalabas ng pagkakakilanlan

ng teknolohiya (Holmes, 1997).

Ang paggamit ng internet ay laganap sa publiko at maging sa mga kabataan

(Okrom, 2006). Ito ay binigyan pansin din nina Atkin at Krishnan (2012) na limitado

lamang ang halaga ng edukasyon sa social media dahil mas gusto ng mga mag-aaral na

gamitin ang mga ito sa personal na kagustuhan.

Ang pagkakaroon ng magkakaibang layunin ang nagbigay daan upang

magkaroon ng iba’t ibang uri ang social media. Ito ay mula kay Tim Grahl (2012), na

siyang kumilala sa uri ng mga social media: social networks, bookmarking sites, social

news, media sharing, microblogging, blog comments at forum.

Ayon kay Webster (1974, 536), ang wika ay isang sistema ng komunikasyon sa

pagitan ng mga tao sa pamamagitan ng pasulat o pasalitang simbolo. Ang paggamit ng

social media sa pang-araw araw na pamumuhay ng mga mag-aaral ang isa sa mga

nakakaapekto sa wikang kanilang ginagamit. Ito rin ang isa sa mga nagbibigay daan

upang makabuo ng panibagong wika sa kasalukuyang panahon. Sa pagkakataong ito ay


mauunawaan at malalaman ang iba’t ibang persepsyon ng mga mag-aaral tungkol sa

mga uri ng wikang pinauunlad sa loob ng mga social media na naging layunin sa

pananaliksik na ito.

Kasabay ng pabago-bagong panahon ay gayun ding pagbabago ng wikang

ginagamit sa nasabing panahon dahil ang wika ay nagbabago na ayon kay Henry

Gleason. Dinamiko ang wika na kung saan ito ay nagbabago ngunit hindi ito

nababawasan at ito ay nadaragdagan. Hindi ito maiiwasan dahil sa pagiging malikhain

at pagkakaroon ng malawak na pag-iisip ng mga kabataang Pilipino. Maraming kultura

at wika na din ang namamanipesta ng mga Pilipino mula sa iba’t ibang bansa nang dahil

sa mga social media.

Ayon sa libro ng “Komunikasyon sa Makabagong Panahon” ni Rolando A.

Bernales, ang pagkakaroon ng antas ay isa pang katangian ng wika. Tulad ng tao, ang

wika ay nahahati sa iba’t ibang kategorya ayon sa kaantasan nito. Ang antas ng wikang

pumapaloob sa social media ay ang balbal.

Sa panahon ngayon, halos lahat ng tao ay gumagamit ng mga social media.

Bawat isa ay nagtataglay ng mga cellphone, computer, tablet at iba pang mga digital

technologies na kailangan upang magamit ang mga Social Media. Karamihan sa mga

gumagamit nito ay mga kabataang nagtataglay ng galing at karunungan tungkol sa mga

bagay na ito marahil sa henerasyong ito sila pinanganak. Ang iba sa mga ito ay dito na

nakadepende ang kanilang pamumuhay. Sa social media rin nakabatay ang mga mag-

aaral sa kanilang mga gawain sa loob ng paaralan. Dito sila nangangalap ng

impormasyon, nakikipagpalitan ng ideya, nagsasabi ng saloobin at nagbabahagi ng mga

kaalaman. Ang karanasan ng mga mananaliksik bilang isang mag-aaral ay isa rin sa

naging tulay upang ang pananaliksik na ito ay mapagtibay.


Ang pag-usbong ng modernong teknolohiya ay makikita rin natin ang

patuloy na pag-usbong at pag-unlad ng ating wika. Kasabay ng pag-unlad ng lipunan

mula sa pagbabagong pananamit ay naging pag-unlad ng ating wika na marahil ay

bunga ng pagtaas ng kalidad ng teknolohiya, pakikisabay ng marami sa uso at paggamit

ng labis sa karapatang kalayaan sa pagpapahayag. Ang mga ito ay madalas na makikita

at maririnig sa mga telebisyon, radio, makabagong teknolohiya at maging sa mga

pahayagan.

Sa pagbabago ng panahon, pagdating o pag-imbento ng mga bagong salita,

mga bagong paraan upang daan sa komunikasyon ng tao. Katulad na lang ng

pagkakaiba-iba ng mga salita na naiimbento ng isang grupo sa isang komunidad na

nagiging sanhi ng hindi pagkakaintindihan o pagdidiskriminasyon sa isa’t isa. Ang

paglalahad ng damdamin at isipan sa publiko sa pamamgitan ng social media sites kung

saan nagiging hindi maganda hinggil sa pagpipintas ng iba at paghuhusga. Dahil dito

nakapag-ulat ang GMA 7 News, na ang mga batang namulat sa makabagong

teknolohiya o dahil sa mga millinnials ang syang nagpapamalas ng angking galling sa

paggamit ng salitang “slang” o pinapaikli nito ang mga salita. Samakatuwid ang wikang

Filipino ang mas higit na nauunawaan at ginagamit ng mga tao maging sa iba’t ibang

larangan gaya ng talk show, variety show, telenovela at iba pa. Gayunpaman ay

masasabi na hindi na dapat pagtalunan pa ang pagiging lingua franca sa media sa

wikang Filipino, at dahil dito na nga siguro ang wikang syang nag-uugnay sa iba’t ibang

rehiyon na bumubuo ng bansa.

Sa panahon ngayon, labis na mga salita na ang nabuo mula sa araw-araw na

pakikipagtalastasan ng mga tao. May mga lumang salita na nagkaroon ng makabagong

kahulugan at may mga salita rin na bago at nabuo ng mga tao. Sila ay nakabubuo ng

mga salitang ito dahil sa pag-uusap na humahantong sa pagnanais ng bago at mas


modernong mga salita. Nagkaroon narin ang mga Pilipino ng botohan ukol sa

pinakaginamit at nagustuhang salita kada dalawang taon.

Noong nakaraang taon ayon sa ABS-CBN News Channel (2016), “fotobam” ang

salitang pinili ng mga propesor at mga dalubhasa sa larangan ng wika. Ang salitang

fotobam ay ang tawag sa isang bagay na nakakagulo sa isang larawan. Ang pinaka

sumikat na fotobam sa ating bansa ay ang pagtatayo ng Torre de Manila sa likod ng

monumento ni Jose Rizal. Ang salitang ito ang napili sapagkat ito daw ay tumatak na sa

mga pinoy at madalaw din namang ginagamit. Sinundan naman ito ng salitang “hugot”

na mula sa lumang salita ay nagkaroon ng makabagong kahulugan. May mga pag-aaral

naman na nagsasabi na hindi lamang naman tungkol ang mga wikang pinauunlad ng

social media sa paraan ng paggamit nito sa pakikipagtalastasan kundi dapat ding

bigyang pansin ang genre o mga lingwahe na kanilang ginagamit. Ito ay malaking

patunay na nananatiling buhay at masigla ang ating mga wika.

Sa pagbabago ng panahon, pagdating o pag-imbento ng mga bagong salita,

mga bagong paraan upang daan sa komunikasyon ng tao. Katulad na lang ng

pagkakaiba-iba ng mga salita na naiimbento ng isang grupo sa isang komunidad na

nagiging sanhi ng hindi pagkakaintindihan o pagdidiskriminasyon sa isa’t isa. Ang

paglalahad ng damdamin at isipan sa publiko sa pamamagitan ng social media sites

kung saan nagiging hindi maganda hinggil sa pagpipintas ng iba at paghuhusga. Dahil

dito nakapag-ulat ang GMA 7 News, na ang mga batang namulat sa makabagong

teknolohiya o dahil sa mga millinnials ang syang nagpapamalas ng angking galling sa

paggamit ng salitang “slang” o pinapaikli nito ang mga salita. Samakatuwid ang wikang

Filipino ang mas higit na nauunawaan at ginagamit ng mga tao maging sa iba’t ibang

larangan gaya ng talk show, variety show, telenovela at iba pa. Gayunpaman ay

masasabi na hindi na dapat pagtalunan pa ang pagiging lingua franca sa media sa


wikang Filipino, at dahil dito na nga siguro ang wikang syang nag-uugnay sa iba’t ibang

rehiyon na bumubuo ng bansa.

Ayon sa naiulat ng ABS-CBN News, mayroong sampung sikat na salita ang

biglang umusbong sa buong mundo at kilalang kilala ito ng mga Pilipino dahil narin sa

pag-unlad ng makabagong teknolohiya ngunit ang mga salitang ito ay nabibilang sa

balbal na wika. Sa katunayan, hindi na maikakailang maraming salita ang umusbong

kasabay ng pag-usbong ng mga makabagong teknolohiya. Ang paglitaw ng mga

salitang ito ay may taglay nang ibang kahulugan dahil sa maraming impluwensiya, isa

na dito ang media dahil sa maraming Pilipino ang kaisa sa internet, nagkakaroon ng

malawakang pagpapahayag ng damdamin at kaisipan kaya umusbong narin ang mga

salitang bago at tanging naiintindihan lamang ito ng mga taong aktibo sa social media.
Kabanata III

Disenyo at Paraan ng Pananaliksik

Sa kabanatang ito, makikita ang iba't ibang paraan upang masuri at mailahad

ang konklusyon mula sa mga datos na nakalap ng mga mananaliksik. Naglalaman din

ito ng mga formula at mga pamamaraan o teknik sa pagkakalkula ng mga datos.

Disenyo ng Pag-aaral

Ang pananaliksik na ito ay ginagamitan ng deskriptibong metodolihaya ng

pananaliksik. Ayon kay Sanchez sa aklat ni Alipio Garcia, ang deskriptibong

pananaliksik ay kinabibilangan ng lahat ng mga pag-aaral na magpapakahulugan sa

kasalukuyang katotohanan na may kinalaman sa kaligiran at kalagayan ng anumang

paksa. Ayon naman kay James P. Key (1997), ang pamamaraang ito ay kumukuha ng
mga impormasyong hinggil sa kasalukuyang kalagayan ng isang pangyayari para

mailarawan kung ano ang nagaganap. Isa sa mga metodo maaaring gamitin ang

pamamaraan na ito ay ang paggamit ng mga talatanungang papel na tutugon sa kung

ano ang pananaw ng mga kalahok. Masasabing ang kasalukuyang pag-aaral ay isang

deskriptibong pananaliksik sapagkat naglalayon ito na tukuyin at alamin ang persepsyon

ng mga mag-aaral hinggil sa mga wikang ginagamit na pinauunlad ng social media na

kailangang pagtuunan ng pansin sa kasalukuyang panahon.

Mga Respondente

Ang pananaliksik na ito ay nangangailangan ng mga mag-aaral ng baitang 11 sa

mga paaralan ng Trece Martires City Senior High School, Amore Academy at Saint Jude

Parish School upang tumugon sa gagawing pananaliksik. Ang mga respondente ay

dapat gumagamit ng facebook o twitter para makalahok sa gagawing sarbey at

magsisilbing respondente sa gagawing pananaliksik. Kung hindi matugunan ang mga

nasabing katangian, ang mga magaaral ay hindi makakalahok bilang respondente sa

gagawing pananaliksik.

Ang kabuuang populasyon ng mga mag-aaral na kukuhanan ng sampol sa

gagawing pananaliksik ay 2,282. Ang mga napiling paaralan ay ang Trece Martires City

Senior High School, St. Jude Parish School at ang Amore Academy. Ang bilang ng mga

mag-aaral sa baitang 11 ng Trece Martires City Senior High School ay 782 habang sa

Amore Academy naman ay 1,100, at sa Saint Jude Parish School ay 400.

Ang sistema ng quota sampling ang ginamit ng mga mananaliksik sa pagpili ng

mga respondente sa pag-aaral na kung saan ay tinitiyak muna ang mahalagang


katangian ng populasyon at saka pipili ng sampol na sang-ayon sa itinalagang quota.

Kinuha ng mga mananaliksik ang eksaktong bilang ng mga respondente sa

pamamagitan ng Slovin’s Formula na kung saan ang ginamit na margin of error ay 10%

mula sa kabuuan na populasyon ng mga mag-aaral na 2,282. Kumuha ang mga

mananaliksik ng siyamnapu’t anim (96) respondent upang tumugon sa gagawing

pananaliksik. Ang sukat ng sampol ay nakuha ng mga mananaliksik sa pamamagitan ng

pormulang ito:

Kung saan: n – sukat ng sampol


n = N / 1 + (Ne)2
N – sukat ng populasyon

e – kinikilalang margin of error

(porsyentong ipinapahintulot dahil

hindi buong populasyon)

n= 2,282 . n= 2,282 .
1 + (2,282) (0.1)2 23.82

n= 2,282 . n= 96
1 + (2,282) (0.01)

Instrumento ng Pananaliksik
Isinagawa ang pananaliksik na ito sa pamamagitan ng pamimigay ng mga

talatanungan o survey na isa sa magiging datos na tutugon sa mithiin ng mga

mananaliksik. Ang mga datos na nakalap ng mga mananaliksik sa silid aklatan ng

Cavite State University, at maging ang mga impormasyon mula sa internet ay

nakatulong sa kanila upang mabigyang katuparan ang layunin ng pananaliksik. Ang

pagkuha din sa dyaryo at magasin ay isa sa mga ginamit na sanggunian sa

pangangalap ng datos.

Tritment ng Datos

Sa pagsasalin ng mga datos bilang impormasyon na nakuha, itatala ng mga

mananaliksik ang mga ito sa isang talahanayan ng mga sagot. Susuriin nang mabuti ng

mga mananaliksik ang mga sagot sa bawat tanong sa pamamagitan ng pagbilang ng

porsyento sa bawat sagot ng bawat tanong. Ang mga porsyento ay makukuha sa

pamamagitan ng pormyulang:

%= bilang ng tugon________ X 100


Kabuuang bilang ng mga tumugon

Matapos makuha ang mga porsyento, magsasagawa ang mga mananaliksik ng

pagsasaayos ng mga kabuuang porsyento. Matutugunan ito sa pamamagitan ng

pagpasasalin sa isang table na kung saan ay gumagamit ng porsyento upang ikumpara

ang mga impormasyon sa pinakamadaling paraan. Ang bawat tanong ay may katumbas

na isang table. Sa ganitong paraan, mapapadali ang pagsusuri ng mga mananaliksik sa

resulta. Maingat na itatala ng mga mananaliksik ang resulta upang maging wasto at

mapagtibay ang pananaliksik.


Kabanata IV

Presentasyon at Interpretasyon ng mga datos

Ang kabanatang ito ay tumatalakay sa mga datos na nakalap ng mga

mananaliksik. Ang mga datos na nakalap ay iprepresenta sa pamamagitan ng Bar

Graph at Pie Graph. Magkakaroon ng ebalwasyon at interpretasyon sa mga datos na

nakalap

Unang Bahagi:

Sa bahaging ito makikita ang mga salitang umiiral sa Social Media ayon sa mga

tugon ng mga respondente. Bilang bahagi ng pagsasaayos ng mga datos, narito ang
grapikong nagpapakita sa mga bahagdan ng mga salitang madalas na nakikita ng mga

magaaral sa Social Media:

Mga nangungunang Salita na Umiiral sa Social Media


70

60

50

40

30

20

10

0
Edi Wow Pabebe Hugot Mema Charot Beast Forever Don't me Beh Senpai
mode

Mga nangungunang Salita na Umiiral sa Social Media

Grapiko 1.0

Ang grapiko 1.0 ay nagpapakita ng bahagdan ng mga salitang karaniwang

umiiral sa Social Media. Makikita na karamihan sa mga salitang ito ay wikang banyaga

at iba naman ay salitang Filipino.

Ikalawang Bahagi:

Sa bahaging ito makikita ang mga pananaw ng mga respondente hinggil sa mga

salitang umiiral sa Social Media. Gumamit ang mga mananaliksik ng Pie Graph upang

ipresenta ang mga datos na nakalap.


Ang mga salitang umiiral sa Social Media ay nag -
papadali sa aking pagkatuto.
Lubos na Sang-ayon Sang-ayon Alinlangan
Hindi Sang-ayon Lubos na hindi Sang-ayon

5%5%
6%

39%

46%

Grapiko 1.1

Ayon sa grapiko 1.0, sa 96 na respondente, 46 na bahagdan ang nagaalilangan

kung napapadali ba ng mga salitang umiiral sa social media ang kanilang pagkatuto, 39

na bahagdan ang sumasang-ayon, 6 na bahagdan ang hindi sumasang-ayon, 5

bahagdan ang lubos na hindi sumasang-ayon at 4 na bahagdan ang lubos na

sumasang-ayon. Inilalarawan ng grapiko sa itaas na karamihan ng mga magaaral ay

hindi sigurado kung nakatutulong ba talaga ang mga salitang umiiral sa social media.

Samantala, sumunod naman sa pinakamarami ang mga sumasang-ayon. Ipinahahayag

ng grapikong ito na ayon sa pananaw ng mga magaaral, maaring nakatutulong ang mga

salitang umiiral sa social media sa kanilang pagkatuto o kaya naman ang mga salitang

ito ay walang mabisang kaugnayan sa pagkatuto ng mga magaaral.


Napagti ti bay ng mga salitang umiiral sa Social Media
ang relasyon sa aking pamilya.
Lubos na Sang-ayon Sang-ayon Alinlangan
Hindi Sang-ayon Lubos na hindi Sang-ayon

6% 2%

13%

44%

34%

Grapiko 1.2

Ang grapiko 1.1 ay nagpapakita ng mga bahagdan ng pagsang-ayon ng mga

magaaral tungkol sa pagpapatibay ng mga salitang umiiral sa social media ng relasyon

nila sa kanilang pamilya. 44 na bahagdan ang sumasangayon na napagtitibay ang

kanilang relasyon sa pamilya ng mga salitang kanilang nakuha mula sa social media, 34

na bahagdan ang nagaalinlangan, 14 na bahagdan ang hindi sumasang-ayon, 6 na

bahagdan ang lubos na hindi sumasang-ayon at 2 na bahagdan ang lubos na

sumasang-ayon. Ipinapahayag ng grapikong ito na karamihan sa mga respondent ay

sumasang-ayon na napagtitibay ng mga salitang umiiral sa social media ang relasyon

nila sa kani-kanilang pamilya. Samantala, pumapangalawa sa pinakamarami ang hindi

sigurado kung napagtitibay ba talaga ang relasyon ng pamilya sa isa’t-isa gamit ang

mga salitang umiiral sa social media.


Mahalaga ang mga salitang umiiral sa Social Media.
Oo Hindi

43%

57%

Grapiko 1.3

Ang grapiko 1.2 ay nagpapakita ng bahagdan ng kahalagahan sa mga magaaral

sa kanilang sarili ng mga salitang umiiral sa social media . 43 na bahagdan ang hindi

sumasang-ayon at 57 na bahagdan naman ang sumasang-ayon. Ipinapahayag nito na

karamihan sa mga magaaral ay pinapahalagahan ang mga salitang umiiral sa social

media at ang mga natitirang bahagi ay hindi sumasang-ayon dito.

Grapiko 1.4
Ang grapiko 1.3 ay nagpapakita ng bahagdan ng pananaw ng mga magaaral
Nagugustuhan mo ba ang mga salitang umiiral sa
Social Media?
Oo Hindi

45%
55%

hinggil sa mga salitang umiiral sa social media. 55 na bahagdan ang hindi sumasang-

ayon na kanilang nagugustuhan ang mga salitang umiiral sa social media at 45 na

bahagdan naman ang nagsasabing nagugustuhan nila ito. Ipinapahayag nito na mas

maraming magaaral ang hindi nagugustuhan ang mga salitang umiiral sa social media.

At ayon sa tugon ng mga magaaral, ang patingin bilang isang magandang impluwensiya

ang mga salitang umiiral sa social media, ay hindi tinatanggap bilang nangungunang

pananaw sa pagkakataong ito, bagkus karamihan sa mga magaaral ay tinitanaw ang

mga salitang ito na hindi kalugod-lugod sa kanilang pansariling kapakanan.


Naiinti ndihan mo ba ng mabuti ang mga salitang umi -
iral na nakapaloob sa Social Media?
Oo Hindi

42%

58%

Grapiko 1.5

Ang grapiko 1.4 ay nagpapakita ng bahagdan ng tugon ng mga magaaral hinggil

sa pananaw na may kalinawan ang mga salitang umiiral sa social media sa bokubolaryo

ng mag-aaral. 58 na bahagdan ang nagsasabi na hindi nila naiintindihan ang mga

salitang umiiral sa social media at 42 na bahagadan naman ang nagsasabi na

naiintidihan nila ang mga ito. Ipinahahayag lamang nito na karamihan sa mga magaaral

ay hindi naiintindihan ang mga salitang umiiral sa social media at kaunti lamang ang

nakakaintindi ng mga ito. Sa kabuuan, marami sa mga magaaral ang hindi nakakaintindi

ng mga salitang umiiral sa social media.


Natutulungan ka ba ng mga salitang umiiral sa Social
Media sa pakikipag-usap ng madali sa iba mong kaki -
lala?
Oo Hindi

32%

68%

Grapiko 1.6

Ang grapiko 1.5 ay nagpapakita ng bahagdan ng tugon ng mga respondente

hinggil sa kanilang pananaw sa mga umiiral na salita sa social media. 68 na bahagdan

ang nagsasabi na natutulungan sila ng mga salitang umiiral sa social media sa

pakikipagusap nila ng madali sa iba pang tao at 32 na bahagdan naman ang nagsasabi

na hindi sila natutulungan ng mga salitang ito. Ipinapahayag nito na ang mga salitang

umiiral sa social media nagpapadali ng komunikasyon sa iba ng mga magaaral.

Ang pagbabago ng mga salita sa paglipas ng panahon ay may malaking

responsibilidad sa kaugnayan ng tradisyunal na salita at ng mga salitang umiiral sa

social media ng kasalukuyang panahon. Sa pamamagitan ng ibat ibang aspetong

nakaaapekto sa pagunlad ng mga nakasanayang salita, nabuo ang mga panibagong

salitang ngayo’y nagagamit sa pakikipagkomunikasiyon sa personal o maging sa social

media. Ang mga tradisyunal na salita ay makakikitaan ng mga orihinal na istruktura nito
at pormal ito kung pakinggan at gamitin. Samantala ang mga bagong salitang umiiral sa

social media ay ang resulta ng mga prosesong nagpabago mula sa orihinal na istruktura

ng mga tradisyunal na salita papunta sa mga bagong salitang may malayong istruktura

kaysa sa orihinal. Ang mga bagong salitang nagawa ay tinatawag na kolokyal na mga

salita. Halimbawa, ang pariralang “may maigawa” dahil sa kolokyalismo ay napalitan ng

“mema”. May mga bagong salita rin ang iba ang kahulugan mula sa orihinal na salita

nito. Nagmula ito sa paghahambing ng katangiang ipinahahatid ng salita sa nahahawig

na pangyayaring kaugnay nito.


Kabanata V

Lagom, Konklusyon at Rekomendasyon

Lagom

Sa kabuuan, ang mga nakalap na datos ay naisaayos at natuklasan ang mga

layuning inaasam sa pananaliksik na ito. Batay sa mga naitalang datos sa kabanata IV,

maraming magaaral ang nakakahalubilo ng mga salitang umiiral sa social media. Ayon

sa grapiko 1.0 –na nagpapakita ng 10 pangunahing mga salitang umiiral sa social

media- malaking bahagdan ng mga magaaral ang may kaalaman sa mga salitang ito.

Nagagamit ng mga magaaral ang mga salitang ito sa pangaraw-araw na

pakikipagtalastasan sa social media.

Sa pangalawang bahagi, natuklasan ang mga pananaw ng mga magaaral hinggil

sa umiiral na salita sa social media. At ayon sa unang tanong na naglalayong

mapatunayan ang pananaw na nakatutulong ang mga salitang umiiral sa social media

sa pagkatuto ng isang indibidwal, nanguna ang tugon na nagaalinlangan ang mga

magaaral kung ang pananaw na ito ay totoo. Base rin sa natapos na ebalwasyon ng

mga datos, natuklasan na ang mga respondente ay may pananaw na mapagtitibay ng

mga salitang umiiral sa social media ang relasyon nila sa kani- kanilang pamilya. Isa rin

sa mga pananaw na natuklasan ay ang pagtingin ng mga magaaral na maaring may

mahalaga sa kanila ang mga salitang umiiral sa social media. Ngunit, kahit na

karamihan sa mga respondente ay may pananaw na may halaga sa kanila ang mga

salitang ito, marami rin ang tumugon at tinatanaw ang mga salitang ito bilang mga

salitang hindi kalugod-lugod sa kanilang pansariling kapakanan. At dahil dito, marami sa

mga magaaral ang hindi nakakaintindi ng mga salitang umiiral sa social media. Ngunit,
isang mabisang instrumento ang mga salitang ito upang mapadali ang

pakikipagkomunikasyon ng mga magaaral sa iba ayon na rin sa kanilang pananaw.

Konklusyon

Ang natuklasan ng mga mananaliksik sa pag-aaral na ito ay marami ng mga

salita ang umiiral sa social media sa panahon ngayon at karamihan dito ay ngayon pa

lamang narinig dahil narin sa pag-usbong ng makabagong panahon. Maraming mag-

aaral ang nagsasabi na ang mga salitang ito ay mahalaga para sa kanila at

natutulungan sila nito para mapadali ang pakikipag-usap sa ibang tao ngunit karamihan

sa mga salitang ito ay hindi nagugustuhan at nauunawaan ng ibang mag-aaral.

Sa pagtatapos ng pananaliksik na ito, napagtanto ng mananaliksik na tila

nakakalimutan na ng mag-aaral ang tradisyunal na salita dahil nga sa mga salitang

umiiral sa Social Media.

Rekomendasyon

Ang mga natuklasang pananaw ng pagaaral na ito ay maaaring makatulong sa

pagoobserba ng mga magulang sa mga aksiyon na dapat nilang gawin bilang suporta sa

pagkatuto ng kanilang mga anak. Makatutulong rin ang mga natuklasang pananaw ng

pananaliksik na ito sa mga guro na nais solusiyonan ang mga problema sa

pakikipagtalastasan ng mga magaaral sa pangakademikong larangan.

At bilang solusyon para sa unti- unting pagkawala ng mga orihinal na salitang

Filipino, inirerekomenda ng mga mananaliksik na magsagawa ng mga programang

magpapanumbalik sa paggamit ng mga kabataan ng mga orihinal na salita.


Inirerekomenda rin ng mga mananaliksik na manipulahin ang pagtangkilik sa mga

salitang umiiral sa social media at pahalagahan ang mga orihinal na salitang Filipino.

You might also like