You are on page 1of 2

GE 5 – Malayuning Komunikasyon

Aralin 2
Komunikasyon at Globalisasyon

Inaasahang Matutuhan:

• Maipaliwanag kung paaano nakaaapekto sa komunikasyon ang mga usaping kultural at pandaigdig
• Maláman ang impak ng komunikasyon sa lipunan at sa mundo

Ipahayag:
Sa mabilis na paglawak at pagbabago ng teknolohiya, masasabing ang mundo ay unti unti nang
nagiging isang malaking nayon. Mas nagiging malapit na ang bawat tao sa mundo bagamat ang agwat nila
ay magkalayo. Marahil narin sa pag-usbong ng makabagong teknolohiya, mas napapadali na ang ating
komunikasyon, transportasyon, at ang pagkakaroon ng interaksyon sa iba’t ibang panig ng mundo. Ang
prosesong ito ay ang tinatawag nating “globalisasyon”.
Ang globalisasyon ay ang konsepto ng paglakas ng interaksyon at integrasyon ng mga bansa,
ekonomiya, gobyerno, kultura at mga tao mula sa iba't ibang lugar.
Sa tulong ng globalisasyon, mas madadagdagan ang kaalaman ng mga tao tungo sa edukasyon ukol
sa komunikasyon. Mapapaigi ang komunikasyon ng mga tao at ang oportunidad na makapag aral ng ibang
lengwahe. Ang kultura ng mga karatig bansa ay lalong mapagbibigyan ng pansin uoang maibahagi ng kaga
dahan nito sa bansa. Tataas ang kredibilidad ng mga tao dahil mas matututunan ang lunggwahe at kultura
ng dayuhan na magbubunga ng kaalaman. Ngunit sa pagbubukas ng bansa sa iba pang bansa, at ang
kamalayan ng mamayan dito ay maaring magdulot ng negatibong epekto. Maaring masilaw ang mga
mamamayan at mag laan na lamang ng pokus sa ibang kultura. Sa pagusbong ng teknolohiya, mas
malilimitahan ang komunikasyon at mas mananaig and "virtual reality" o ang buhay sa social media.
Ang globalisasyon ay nauugnay sa komunikasyon, politika, ekonomiya, paglalakbay at popular na
kultura sa pamamagitan ng mga sumusunod:

• Sa komunikasyon: Napapadali ng globalisasyon at teknolohiya ang proseso ng komunikasyon


dahil napapabilis ang pakikipag-ugnayan sa ibang tao at ibang bansa sa pamamagitan ng cellphone,
social media (kagaya ng Facebook) at messaging apps (kagaya ng Viber).

• Sa politika: Nagiging mas madali at mas malawak ang interaksyon at integrasyon ng mga pinuno
mula sa iba't ibang bansa dahil sa konsepto ng globalisasyon. Ang halimbawa na lamang nito ay
ang ASEAN (Association of Southeast Asian Nations) kung saan nagpupulong ang mga miyembro
ng ASEAN at mga dialogue partners upang pag-usapan at solusyonan ang mga isyu sa rehiyon.

• Sa ekonomiya: Napapadali ang pag-usbong ng ekonomiya dahil sa lumalawak na globalisasyon


kung saan isa sa mga epekto nito ay ang pagdami ng OFW na nagpapataas ng GNP o Gross National
Product ng isang ekonomiya kagaya ng Pilipinas. Bukod dito, napapalago rin ng pagsulpot ng mga
multinational companies at transnational companies ang demand at ekonomiya sa isang bansa.

• Sa paglalakbay: Mas maraming tao ang nabibigyan ng pagkakataong maglakbay dahil mas madali
na ang pagbisita sa ibang bansa sa pamamagitan ng mga "low-cost airlines" na nagiging susi upang
makarating ang mga tao sa iba't ibang bansa.
Sa popular na kultura: Mas nagiging pamilyar ang mga mamamayan sa media at balita ng ibang
bansa dahil sa mga foreign TV channels, foreign TV series, Youtube, etc.

Ebolusyon ng Komunikasyon
Sa paanong paaran kaya naipahahayag ng ating mga ninuno noong unang panahon ang kanilang mga
idea at mensahe?
Maliban sa internet na ating kadalasang ginagamit ngayon sa pakikipagkomunikasyon ay marami pa
ang naunang anyo ng komunikasyon bago mapunta sa mobile web.
GE 5 – Malayuning Komunikasyon

• Unang naging midyum ng komunikasyon ang pagsusulat. Mabagal lamang ang proseso lalo na
kung nasa malayo o ibayong lugar ang susulata mo. Aabot ng isang buwan bago matanggap ang
sulat mo at aabot nanaman ng isa pangbuwan bago matanggap ang sagot. Kadalasang mga iskolar
na nakakapag-aral noong unang panahon lamang ang may kaalaman sa pagsulat sapagkat
itinuturing na mabigat na kasalanan at walang karapatang matuto ang mga taong mababa
ang estado sa buhay. Ang mga aklat noong unang panahon ay manu-manong paulit-ulit na sinusulat
upang makapaglimbag ng maraming aklat. Mabagal ang proseso kaya matagal bago
makapaglimbag ng mga babasahin o libro.
• Nang kalaunan ay naimbento ang printing press, kaya’t ang pagprodyus ng mga aklat ay naging
mas mabilis at mas madali. Unang nailimbag na aklat na resulta ng printing press o mass production
ay ang bibliya.
• Sunod na dumating bilang midyum ng komunikasyon ay ang mass communication, napara sa madla
o sa lahat.
Halimbawa nito ay ang mga dyaryo at magasin.
• At mas lalong napadali ang komunikasyon nang dumating ang telegraph ni Alexander Graham
Bell. Hindi mo na kailangang pisikal na ipahatid ang mensahe Ito ay gumagamit ng cable at
kuryente kaya gaano man kalayo ang kausap ay tiyak namakakarating ang iyong mensahe.
Napalawak pa ang mga bagay para sa komunikasyon at hindi na kinailangan ng kable,tinawag itong
radio communication. Nakapaghahatid ito sa madla ng mgaa bagong polisiya, mga
napapanahong balitamaging lokal man o internasyonal.
• Napalawig pa ito at kalaunan ay nagkaroon na ng biswal na pagpapahatid ng mensahe sa
pamamagitan ng telebisyon. Ito ay nagsilbing portal upang makita ng mga tao ang mga bagay na
dati ay naririnig athindi pa nila nalalaman mula sa iba’t ibang panig ng daigdig.
• Panghuli ay ang internet na nagawan ng mobile web at naging world wide web. Ito ay hindi
midyum kundi isang hypermedia kung saan ito ay pinagsama-samang midyum.
Halimbawa nito ay ang Yahoo, gmail, facebook, twitter, Instagram at iba pa.

Hindi maikakaila na malaki ang naging ambag ng mga nabanggit na midyum sa laranganng
komunikasyon lalong-lalo na ang mass communication sa anyo ng mass media sanangyaring globalisasyon
noon, ngayon at sa darating pang panahon.

Pagtatasa:
Panuorin ang bidyo na “Connected, But Alone?” no Sherry Turkle sa link na ito -
https://youtube.com/watch/v-t7Xr3AsBEK4. Pagkatapos ay sagutan ang mga sumusunod:
1. Paano nakakaapekto ang teknolohiya sa komunikasyon?
2. Ipaliwanag ang konsepto ng “Alone Together”.
3. Bakit ito pinamagatang “Connected but Alone?
4. Anu-ano ang epekto ng globalisasyon sa paraan ng pakikipag-usap ng tao?
5. Ipaliwanag ang konsepto ng “Goldilocks Effect”.
6. Ano ang pinagkaiba ng “conversation” at “connection”?
7. Ipaliwanag ang konsepto ng “I share therefore I am”.
8. Ano ang kabuuang mensahe ng bidyo?

Mga Reperensiya:
• Kontekstwalisadong Filipino sa Malayuning Komunikasyon ni Acorpa, J., Soriano, M., et al (2018)
• https://www.slideshare.net/CNuggets/komunikasyon-56876352

You might also like