You are on page 1of 16

SECOND QUARTER

IN AP 10

ANYO NG
GLOBALISASYON
ARALIN 1:

KONSEPTO NG
GLOBALISASYON
GLOBALISASYON
- ay proseso ng mabilisang pagdaloy o paggalaw ng mga tao,
bagay, impormasyon at produkto sa iba’t-ibang direksyon na
nararanasan sa iba’t ibang panig ng daigdig.
- Ito ay tinitingnan bilang isang pangmalawakang integrasiyon o
pagsanib ng iba’t ibang prosesong pandaigdig
- ang tawag sa malaya at malawakang pakikipag-ugnayan ng
mga bansa sa mga gawaing pampolitika, pang-ekonomiya,
panlipunan, panteknolohiya at pangkultural.
SALIK NG GLOBALISASYON
1. pagkakaroon ng pandaigdigang pamilihan
2. paglago ng pandaigdigang transaksyon sa pananalapi, pag-
unlad ng mga makabagong pandaigdigan transportasyon at
komunikasyon
3. paglawak ng kalakalan ng transnational corporations
4. pagdami ng foreign direct investments sa iba’t ibang bansa
5. pagpapalaganap ng makabagong ideya at teknolohiya.
PROJECT 2.1
Gumawa ng poster na nagpapakita ng globalisasyon noon at sa
ngayon.
ARALIN 2:

DIMENSYON NG
GLOBALISASYON
BINAGO AT BINABAGO ANG PAMUMUHAY
NG TAO SA PAMAMAGITAN NG:
1. Sa komunikasyon, lahat ng tao ay gumagamit na ng cellphone,
upang mapadali nito ang transaksyon. Gumagamit rin ito ng
Internet.
2. Sa balita mayroon na tayong telebisyon, radio at iba pa para
maparating ang balita. May mga news network din na naghahatid
ng mga balitang pandaigdig tulad ng CNN, BCC at iba pa. Sila
din ang nakatulong sa globalisasyon dahil naiparating at
naipalabas nila ang mga balita sa iba’t ibang dako sa mundo
3. Sa Larangan ng teknolohiya, dahil sa globalisasyon,
nagkakaroon din ng pagkakataon makagawa ng ilang
trabahong online – based, kaya dumami ang call
center agents, maging ang home based online at ang
pinaka uso ngayon ang proseso ng barter ay sa
pamamagitan ng Facebook.
4.Sa paglalakbay milyon-milyong mga tao pumunta sa
ibang panig ng mundo, upang magbakasyon, mag-aral,
mamasyal o magtrabaho. Dahil sa higit na malayang
paglalakbay ng mga tao sa iba’t ibang panig ng mundo,
madaling kumalat ang iba’t ibang sakit tulad ng AIDS,
SARS, H1N1 FLU, Ebola at MERS-COV at sa
kasalukuyan ang kinatatakutan ang 2019 N- Corona Virus
5. Ang pag-unlad ng telekomunikasyon at information
technology tulad ng kompyuter,Internet at cellular phone
ay lalong nagpabilis sa takbo ng kalakalan.Mas maraming
free trade agreements ang naisulat na nagpapaluwag ng
kalakalan.
6. Sa politika mas madaling magpupulong-pulong ang mga
pinuno sa mga bansang kasapi sa organisasyon upang
magtulungan para sa kapakanan ng kanilang
pangangailanagan.
7. Sa larangan ng kultura ,ang daming popular na
kultura ang napapansin sa buong daigdig tulad ng
pakikinig ng mga musika ng Koreano kahit hindi
maintindihan,marami pa rin ang tumatangkilik.Dahil
sa globalisasyon, ang panonood ng K drama o soap
opera ay kinahihiligan na rin ng mga Pilipino at iba
pang bansa
8. Sa estilo ng pananamit halo-halo na rin.Halimbawa
ang mga kabataan sa iba’t ibang panig ng mundo
kadalsan nang nagsuot ng maong na pantalon o
jeans,t-shirt, sapatos na goma,sandals at iba pa.
kasama rin dito ang pagdadala ng mga negosyong
nagtitinda ng mga damit. Dahil dito, tumataas ang
kita ng mga negosyo kasama ang pagpapalaganap ng
pop culture

You might also like