You are on page 1of 13

ARALING PANLIPUNAN

KONTEMPORARYONG
ISYU
MELC-Based s.2020-2021
Week 1-2
KONSEPTO NG GLOBALISASYON
Aralin 1
ANO ANG
GLOBALISAYON
Globalisasyon
Ang globalisasyon ay
proseso ng mabilisang
pagdaloy o paggalaw ng
mga tao, bagay,
impormasyon at produkto
sa iba’t-ibang direksyon na
nararanasan sa iba’t ibang
panig ng daigdig.
(Ritzer,2011)
Itinuturing din ito bilang proseso ng inter-
aksyon at integrasyon sa mga pagitan ng mga
tao, kompanya, bansa o maging ng mga
samahang pandaigdig na pinabibilis ng
kalakalang panlabas at pamumuhunan sa
tulong ng teknolohiya at impormasyon.
Globalisasyon
Globalisasyon ang tawag sa
malaya at malawakang
pakikipag-ugnayan ng mga
bansa sa mga gawaing
pampolitika, pang-
ekonomiya, panlipunan,
pan-teknolohiya at
pangkultural.
ARALIN 2
DIMENSYON NG
GLOBALISASYON
Sa paglalakbay milyon-
milyong mga tao pumunta sa
ibang panig ng mundo, upang
magbakasyon, mag-aral,
mamasyal o magtrabaho.
Dahil sa higit na malayang
paglalakbay ng mga tao sa
iba’t ibang panig ng mundo,
madaling kumalat ang iba’t
ibang sakit tulad ng AIDS,
SARS, H1N1 FLU, Ebola at
MERS-COV at sa kasalukuyan
ang kinatatakutan ang
2019 N- Corona Virus.
Teknolohiya
Ang pag-unlad ng
telekomunikasyon at
information technology
tulad ng kompyuter,Internet
at cellular phone ay lalong
nagpabilis sa takbo ng
kalakalan. Mas maraming
free trade agreements ang
naisulat na nagpapaluwag
ng kalakalan.
Media
Sa balita naman mayroon na tayong
telebisyon, radio at iba pa para
maparating ang balita. May mga news
network din na naghahatid ng mga
balitang pandaigdig tulad ng CNN, BCC at
iba pa. Sila din ang nakatulong sa
globalisasyon dahil naiparating at
naipalabas nila ang mga balita sa iba’t
ibang dako sa mundo.
Politika
Sa politika mas madaling
magpupulong-pulong ang mga
pinuno sa mga bansang kasapi
sa organisasyon upang
magtulungan para sa
kapakanan ng kanilang
pangangailanagan.
Kultura
Dahil sa globalisasyon, ang
panonood ng K drama o soap
opera ay kinahihiligan na rin
ng mga Pilipino at iba pang
bansa.

You might also like