You are on page 1of 3

MGA DAHILAN NG GLOBALISASYON

Batay mismo sa depinisyon ng globalisasyon, ang pangunahing dahilan nito ay ang pagpapalitan ng mga
pananaw, produkto, ideya, at iba pang mga aspeto ng kultura ng mga tao mula sa iba’t ibang bansa.Dahil
sa pagpapalitang ito, nabuo ang konsepto at prosesong tinawag na “globalisasyon.”Ang paglago ng
teknolohiya, partikular ang pagkakaroon ng mga makabagong kasangkapang pantransportasyon (gaya
ng eroplano) at pangkomunikasyon (gaya ng smart phones at Internet) ay isa sa mga pangunahing
dahilan o salik sa globalisasyon.at madaling pagpapalitan at pagtutulungan (interdependence) sa mga
gawaing pangkultura, panteknolohiya, at pang-ekonomiya.

Nakatulong din nang malaki sa globalisasyon ang bumabang gastos (reduced cost) sa paglikha ng mga
transaksiyon o palitan (exchange), pati na rin ang pinabilis na pagkilos ng kapital (increased mobility of
capital). Kapag pinag-uusapan ang mga dahilan ng globalisasyon, hindi rin maiiwasan na talakayin ang
mga pangunahing institusyong may bahaging ginagampanan sa globalisasyon.

Ang pamahalaan, paaralan, mass media, multinational na korporasyon, NGO, at mga internasyonal na
organisasyon ay kabilang sa mga dahilan kung bakit nagkaroon ng globalisasyon at nanatiling mga salik
sa patuloy na pag-iral ng prosesong globalisasyon. Ang dahilan ng globalisasyon Ang primaryang dahilan
ng globalisasyon ay ang pagpapalitan ng mga pananaw, produkto, ideya, at iba pang mga aspeto ng
kultura ng mga tao mula sa iba’t ibang bansa. Isa sa mga pangunahing dahilan o salik sa globalisasyon
ang paglago ng teknolohiya, partikular ang pagkakaroon ng mga makabagong kasangkapang
pantransportasyon (gaya ng eroplano) at pangkomunikasyon (gaya ng smart phones at Internet).Sa
paggamit sa mga ito, nagkakaroon ng mabilis at madaling pagpapalitan at pagtutulungan
(interdependence) sa mga gawaing pangkultura, panteknolohiya, at pang-ekonomiya. (Basahin: Ang
Pagkakakilanlang Kultural ng Komunidad) Dahilan din ng paglaganap ng globalisasyon ang bumabang
gastos (reduced cost) sa paglikha ng mga transaksiyon o palitan (exchange), pati na rin ang pinabilis na
pagkilos ng kapital (increased mobility of capital) (Kaugnay: Ano ang Migrasyon?) Maituturing din na
dahilan ng globalisasyon Ang Mga Pangunahing Institusyon Na May Bahaging Ginagampanan Sa
Globalisasyon.

DIMENSIONS NG GLOBALISASYON

1.Pang-ekonomiyang Dimensyon ng Globalisasyon

Ang globalisasyong pang-ekonomiya o pang-ekonomiyang dimensyon ng globalisasyon ay tumutukoy sa


pagpapaigting, pagdaragdag, at pagpapalawak ng mga ekonomikong ugnayan sa buong mundo. Ang
pagnanasa para sa kapayapaan at seguridad sa kabuhayan ang nagtulak sa paglikha ng pandaigdigang
sistemang pang-ekonomiya.

Kultura ng Pilipinas: Ang Pagkakakilanlang Kultural at mga Produkto ng Komunidad

Ang Pagbibigay Serbisyo/Paglilingkod ng Komunidad at Karapatan ng Bawat Kasapi

Kahalagahan ng mga Paglilingkod o Serbisyo sa Komunidad: Mga Ahensiya ng Pamahalaan

Anyong Lupa at Tubig: Mga Tanyag sa Pilipinas

Pagtangkilik sa Sariling Produkto: Mga Pagdiriwang (Festivals), Proyekto, at Gawain


Light city landscape art Nasusuri ang Dahilan, Dimensyon at Epekto Ng Globalisasyon August 26, 2021

Mahalaga na nasusuri ang dahilan, dimensyon at epekto ng ng globalisasyon. Isa ito sa mga paksang
tinatalakay sa araling Mga Kontemporaryong Isyu. Ang pagsusuri sa dahilan, dimensyon at epekto ng ng
globalisasyon ay isang bago, subalit mahalagang paksa o isyu ng talakayan. Ang dahilan, dimensyon at
epekto ng globalisasyon

Bilang nabubuhay sa kasalukuyang panahon na dominado ng globalisasyon, dapat na makaagapay tayo


sa mga hamon at epekto ng prosesong ito. Narito ang dahilan, dimensyon at epekto ng ng globalisasyon
ayon sa lektura at pagtalakay ng propesor at book author na si Prof. Jensen DG. Mañebog:

2.Pampulitikang Dimensyon ng Globalisasyon

Ang globalisasyong pampulitika ay ang pagpapalakas at pagpapalawak ng mga ugnayang pampulitika sa


buong mundo. Nakapaloob sa dimensyong pampulitika ng globalisasyon ang mga aspeto tulad ng
modernong sistema ng nation-state at ang mahalagang papel nito sa mundo ngayon, mga epekto ng
globalisasyon sa soberanya ng estado, at ang papel ng pandaigdigang pamamahala. Kasama rin sa
Pampulitikang Dimensyon ng Globalisasyon ang lumalaking epekto ng mga intergovernmental na
organisasyon, direksyon ng pandaigdigang sistemang pampulitika, pandaigdigang daloy ng migrasyon, at
mga patakarang pangkapaligiran. Nakaugnay ang pampulitikang pinagmulan ng globalisasyon sa
kasaysayan ng United Nations. Dahil sa natatanging internasyunal na kalikasan nito at sa mga
kapangyarihang ipinagkaloob sa Charter nito, ang samahan ay makakagawa ng aksyon sa maraming
mahahalagang isyu, at makapagbibigay ng kaparaanan para sa member states nito.

3.Sosyo-Kultural na Dimensyon ng Globalisasyon

Ang Sosyo-Kultural na Dimensyon ng Globalisasyon o ang pangkulturang globalisasyon ay ang


pagpapalakas at pagpapalawak ng mga daloy ng kultura sa buong mundo. Halimbawa ng Sosyo-Kultural
na Dimensyon ng Globalisasyon ang paglaganap ng ilang mga cuisine tulad ng mga fast food ng Amerika.
Ang dalawang pinakamatagumpay na pangdaigdaigang fast food outlet, ang McDonald’s at Starbucks, ay
mga kumpanyang Amerikano na may libu-libong sangay sa iba’t ibang panig ng mundo.Ang ekolohikal na
dimensiyon ng globalisasyon. Narito ang bahagi ng paliwanag ni Prof. Jensen DG. Mañebog ukol sa
ekolohikal na dimensiyon ng globalisasyon: Nakatuon ang ang ekolohikal na dimensiyon ng globalisasyon
sa mga epekto ng mga pandaigdigang unyon sa mga isyung pangkapaligiran. Kinikilala ng dimensiyong
ito na mayroong hindi maiiwasang ugnayan sa pagitan ng sangkatauhan at ng ating planeta o ng
mundo.’“Tumutukoy ang ekolohikal na globalisasyon sa mga pandaigdigang isyung pangkapaligiran na
kinabibilangan ng paglaki ng populasyon, akses sa pagkain, pagbaba ng pandaigdigang biodiversity,
pagbabago ng klima na dulot ng tao, at pagkasira ng pandaigdigang kapaligiran.’ “Isang katotohanan na
nakakaapekto ang globalisasyon sa ekolohiya. Halimbawa, dahil sa pagtaas ng antas ng globalisasyon,
hindi sinasadyang naipakilala o nadala ng mga tao ang ilang uri ng mga hayop, halaman, at maging mga
sakit sa ibang lokalidad.’“Sinasabi rin na ang proseso ng globalisasyon ay nagpapataas sa hindi
mapigilang paglaki ng populasyon, labis na padron ng pagkonsumo sa mayayamang bansa, kakulangan
sa pagkain, pagbaba ng biodiversity, global warming, at pagbabago ng klima.” …
MABUTI AT DI MABUTING DULOT NG GLOBALISASYON

You might also like