Professional Documents
Culture Documents
M1 Globalisasyon
M1 Globalisasyon
Ika-sampung Baitang
Ang globalisasyon ay katagang ginamit ng ilan upang ilarawan ang lumalawak na pandaigdig na
pa interdependence ng mga tao at mga bansa sa isa’t isa. Gayon na lamang kabilis ang takbo ng
prosesong ito sa nakalipas na dekada o higit pa, panunahin nang dahil sa malalaking pagsulong
sa teknolohiya. Sa naglaho na, nabuwag ang mga hadlang sa kalakalan, nagsama-sama ang
pangunahing mga stock market sa daigdig, at nagging mas mura at madali ang paglalakbay.
Sumibol ang konseptong globalisasyon noong dekada ’70. Ito ay hango sa salitang Ingles na
globalize na tumutukoy sa pagsibol ng pandaigdigang ugnayan sa mga sistemang
pangkabuhayan. Pinasikat ni Theodore Levitt ang katagang ito nang gamitin ito sa kanyang
artikulong “Globalization Market” na inilimbag sa isang isyu ng Harvard Business Review noong
1983.
Maliban sa pagkakagamit ni Levitt, marami pang pankahulugan ang salitang globalisasyon. Ilan
ditto ay ang mga sumusunod:
Ayon sa mga sosyologong sina Martin Albrow at Elizabeth King, ang globalisasyon ay
kabuuang proseso kung saan ang mga tao ay nagsasama sa iisang lipunan. Sa proseso
ring ito, lumiliit ang mundo at higit na nagging magkakaugnay ang mga tao sa iba’t ibang
panig ng mundo. Sa madaling salita, tumutukoy ang globalisasyon sa paglawak, paglalim
at paglaganap ng ugnayan sa mundo.
Tinukoy naman ng International Monetary Fund (IMF) noong 2000 na ang globalisasyon
ay pag-igting ng kalakalan, transaksyon, capital, pamumuhunan, pandarayuhan, at
paglaganap ng kaalaman, ideya, pananaw at ibang aspektong kultural.
Para naman sa World Bank (WB), ang globalisasyon ay ang paglago ng intergrasyon ng
mga ekonomiya at lipunan sa mundo.
Noong 2000, kinilala ng International Monetary Fund (IMF) apat na pangunahing aspekto
ng globalisasyon: (1) kalakalan at mga transaksiyon, (2) capital at paggalaw ng pamumuhunan
(investment movement), (3) igrasyon at paggalaw ng tao at ang (4) diseminasyon ng kaalaman.
Ang prosesong globalisasyon ay kaugnay ng ibapang mga isyu gaya ng global warming, cross-
boundary water and air pollution, at ang labis na pangingisda sa karagatan.
Tanging sa pagiging proseso, ang globalisasyon ay maituturing ding isang teorya. Ayon
kay Ronald Robertson - isa sa mga nagpasimula sa teorya ng globalisasyon. “Ang globalisasyon
ay isang pinabilis na kompresyon ng kontemporaryong mundo at pagpapatindi sa kamalayan sa
mundo bilang iisang entidad o bagay (singular entity). Sa pamamagitan ng globalisasyon, ang
pagiging natatangi (uniqueness) ng mga panlipunan at pangkulturang pagkakakilanlan at
tradisyon (societal and ethnic identities and traditions) ay waring hindi na napapansin dahil sa
bilis na pagkalat ng mga ideya sa mundo.
Unang Yugto: Ang Pag-usbong o Germanic Phase (1400-1750). Ito ang simula ng mga
internasyonal na relasyong pangkalakalan sa Europa. Sa mga panahong ito, ang mga simbahan
ay itinuturing na global o pang-internasyonal, dumating ang tinatawag na Enligthenment,
kumalat ang mga ideya tungkol sap ag-unlad, nagkaroon ng paglaganap ng humanism at
pagkamaksarili (individualism) at ginamit ang Gregorian Calendar na halos lahat ng mga bansa
sa Kanluran.
Ikatlong Yugto: Ang Take-off Phase (1875-1925). Ito ay ang panahon nang ang mga ideya
ukol sa katanggap-tanggap na pambansang lipunan (acceptable national soviety) ay lumitaw.
Nagkaroon ng dagliang pagtaas ng bilang at bilis ng komunikasyong global. Nagkaroon din ng
mga pandaigdigang kompetisyon gaya ng Olympics at Nobel Peace Prize, naganap at nabuo ang
League of Nations at iba pa.
Ikaapat na Yugto: Ang Pakikibaka para sa Dominasyon (1925-1969). Ang mga alitan at
digmaang may kaugnayan sa mga marupok na tuntunin ng prosesong globalisasyon ay naganap
sa may dulo ng take-off phase. Nagkaroon ng mga global o internasyonal na hindi
pagkakaunawaan o hindi pagkakasundo. Lumitaw ang mga isyu ukol sa Holocaust, bombing
atomika at United Nations.
Alin man sa mga sinasabi ng mga iskolar at sosyolohista ang gamitin ay nagpapatunay
lamang na ang globalization ay hindi isang kalagayang pangkasalukuyan lamang kundi nag-ugat
ito sa kagustuhan ng tao na mapaunlad ang sarili at kinabibilangang pangkat at matuklasan pa
ang iba niyang kakayahan.