You are on page 1of 4

Globalisasyon

(Critical analysis)

Ang Globalisasyon ay ang pagbabago, kaakibat ng pagbabagong ito ay ang mga hamon
kung paano tutugunan ng bawat pamahalaan sa daigdig ang mga suliraning naidudulot ng
globalisasyon. Mga isyu sa lipunan na napag-iwanan na ngunit hindi pa lubusang natugunan
bagkus patuloy pang lumalala lalo na sa mga usapin sa paggawa.

Ang mga manggagawang Pilipino ay humaharap sa iba't ibang anyo ng suliranin: mababang
sahod, kawalan ng seguridad sa pinapasukang kompanya, 'job-mismatch' bunga ng mga 'job-
skills mismatch, iba't ibang anyo ng kuntraktuwalisasyon sa pagawa at mura at flexible labor.

At ilan rin sa maraming naidudulot ng globalisasyon sa paggawa ay ang mga: demand ng bansa
para sa iba't ibang kakayahan o kasanayan sa paggawa na globally standard, mabibigyan ng
pagkakataon ang mga lokal na produkto na makilala sa pandaigdigang pamilihan, binago ng
globalisasyon ang workplace at mga salik ng produksyon tulad ng pagpasok ng iba't ibang
gadget, computer/IT programs, complex machine at iba pang makabagong kagamitan sa
paggawa at dahil sa mura at mababa ang labor o pasahod sa mga manggagawa kaya't madali
lang sa mga namumuhunan na magpresyo ng mura o mababa sa mga dayuhang produkto o
mahal na serbisyo at pareho ang kalidad sa mga produktong lokal.

Hamon ng globalisasyon ang pagpasok ng Pilipinas sa mga kasunduan sa mga dayuhang


kompanya, integrasyon ng ASEAN 2015 sa paggawa at mga bilateral at multi-lateral agreement
sa mga bilateral at multi-lateral agreement sa mga miyembro ng World Trade Organisation o
(WTO).

Bunga nito ay binuksan ang pamilihan ng bansa sa kalakalan sa daigdig. Isa sa pagtugon na
isinagawa ng bansa ay iangkop ang kasanayan ng lilinangin sa mga mag-aaral na Pilipino.
Bunsod ng tumataas na demand para sa globally standard na paggawa na naangkop sa mga
kasanayan para sa ika-12 siglo. Ito ay ang Media and Technology Skills, Career skills.

Nararapat na tangkilikin ng mga Pilipino ang sariling produkto at sariling wika. Ito lamang ang
taying sulosyon upang masulosyonan ang mga isyung kinakaharap dulot ng globalisasyon.
Subukan nating tingnan ang ibang bansa, tinatankilik nila ang sarili nilang produkto at wika, sila
ay patuloy na umuunlad. Dahil sa pagtangkilik natin sa mga produkto nila, sila ang patuloy na
umaangat dahil sakanila napupunta ang dapat na sa atin.
Globalisasyon

(critical analysis)

Ang globalisasyon ay ang kaparaanan kung paano nagiging global o pangbuong mundo ang mga
lokal o pampook o kaya pambansang mga gawi o paraan. Sa madaling salita, ginagawang
magkakasama sa buong daigdig. Tungkol ito sa ekonomiya at kalakalan, teknolohiya, politika, at
kalinangan o kultura.[1] Magkakaiba ang pananaw at damdamin ng mga tao ukol sa
globalisasyon: may mga nag-iisip na nakakatulong ito sa lahat ng mga tao, habang may mga
nag-iisip na nakapipinsala ito sa ilang mga tao.

Kahirapan Dahil sa globalisasyon lalong tumataas ang mga bilihin at hindi na ita makayang
bilhin ng mga mahihirap o kapos. Kahirapan sa pilipinas Ang kahirapan angisa sa mga mabibigat
ng problema ngating bansa. Madalas nating sisihin angmaling pamamalakad ng mga pinuno
ngbansa, pero sila nga ba ang maykasalanan o tayong mga Pilipino natamad? Sabi nga nila,
“Katamaran aykatumbas ng kahirapan”. Sinasabi ngkaramihan, kaya sila naghihirap ay
sakadahilanang wala silang trabaho, peroang totoo, maraming trabahongnakalaan, mapili lang
talaga ang mgaPilipino. Pero hindi rin natin sila masisisi,mas pipiliin pa nilang maupo na lang
saisang tabi at manghingi ng limos kaysamagpakapagod sa napakabigat natrabaho at kumita ng
isang daang pisosa isang araw, pero sa kadahilanang ito,pinapakita lang natin na tayo ay
tamad,pinakadahilan ng kahirapan.

Ang globalisasyon ay tungkol sa ekonomiya at kalakalan, teknolohiya, politika, at kalinangan o


kultura. Kung papansinin natin, tumataas na ang datos ng globalisasyon sa iba't- ibang panig ng
mundo. Ang pagsalanta ng mga kalamidad sa isang bansa ay tila pagsalanta din sa ekonomiya
ng nasasakupan. Magkakaiba ang pananaw at damdamin ng mga tao ukol sa globalisasyon: may
mga nag-iisip na nakakatulong ito sa lahat ng mga tao, habang may mga nag-iisip na
nakapipinsala ito sa ilang mga tao.

“Pinagyaman [ng globalisasyon] ang daigdig sa larangan ng siyensiya at kultura at nagbigay rin
ng pakinabang sa maraming tao ukol sa kabuhayan,” ang sabi ng nagwagi ng Nobel Prize sa
ekonomiks na si Amartya Sen.Nakikita ng ilang analista ang isa pang bentaha ng pagsasama-
sama ng ekonomiya: Ipinalalagay nila na gagawin nitong mas bantulot ang mga bansa na
makipagdigma. Isang potensiyal din ang higit na pagtutulungan ng mga tao para sa pagsulong
ng pagkakaisa sa mundo

Pagkakaroon ng mga regulasyon sa pagpasok at paggamit ng mga makabagong teknolohiya na


nakakaapekto sa pagiging produktibo ng mga mamamayan.
TERORISMO

(Critical Analysis)

Ang terorismo o panliligalig ay ang paggamit ng dahas bilang anyo ng pagpilit.[1] Sa


kasalukuyang, walang pinagkakasunduang iisang depinisyon ng salita.[2][3] Ang mga taong
nagsasagawa ng terorismo ay tinatawag na mga terorista, mga manliligalig, o mga mapanligalig.
Subalit maaaring ilarawan ang terorismo bilang isang sistematiko o masistemang paggamit ng
pananakot o paninindak (malaking takot) upang makamit ang mga layunin.[4]Umusbong ang
terorismo sa ika-20 na siglo at dito dumami ang mga grupong terorist. Aktibo ang mga
Islamikong grupo rito at dahil dito, naging marami ang mga biktima. Hindi maganda ang
naidudulot ng terorismo sa atin at ito’y kinakatakutan ng marami. Samakatwid, iilan lamang ang
nakatakas na buhay at naipahayag ang mga bagay na nangyari sa kanila. Isa sa mga krimeng
nagawa ng terorismo ay ang rape, child abuse, kidnapping, forced marriage, torturing methods,
brutal murder, at iba pa.

Alam naman natin na ang isa sa pinakamalaking suliranin ng mundo ay ang terorismo na
kasalukuyang kinakaharap ngayon ng ating bansa partikular sa Marawi City ng Mindanao.Ang
terorismo ang isang suliraning kinakatakutan ng lahat ng mga tao dahil sa magdudulot ito ng
isang napakamasalimuot na kapalaran ng maraming tao .Marami ang naging epekto ng
terorismo sa buhay ng bawat tao lalong-lalo na sa mga taong malapit o doon nakatira sa lugar
na pinangyarihan ng labanan.Una na dito ay ang pagkawala o pagkamatay ng maraming tao.

Noong February 22, 1969, sa Syria, naitatag Democratic Front for the Liberation of Palestine na
ibig sabihin sa Arabiko ay Al-Jabha al-Dimuqratiya Li-Tahrir Filastin. Ito ay isang politikong
sekular at militaryong organisasyon. Ang kanilang pag-atake ay nagsimula noong May 15, 1974
sa Ma’alot sa Israel at dahil sa atakeng ito, 25 na tauhan ay namatay na kadalasan ay mga bata
pa lamang. Sa November 19, 1974 naman ay namatay ang 4 na tauhan sa Israel nang umatake
ang DFLP sa pribadong bahay sa bayan ng Beit Shean. Binomba naman nila ang Jerusalem
noong November 13, 1975 at 7 na tauhan ang namatay. Hindi gaanong marami ang kanilang
naging biktima sapagkat kinumpirmang isang marahas na gawain at biyolente ng mga tauhan.

Ang napakahalagang implikasyon nito ay ang impresyon sa atin na nagiging rekisito o matinding
pangangailangan talaga ang pangingibang bansa upang bigyang linaw sa mga dayuhan ang
sitwasyong pulitikal at ekonomikal ng Pilipinas, at ang humingi ng tulong na rin lalo na ang
seguridad, ang kalayaang intelektwal at ang pag-iwas sa isang mapanupil na estado. Bibigyang
pansin lang natin na ang pagkakaroon ng ideolohiyang taliwas o ang pagsulong ng makabagong
adhikain ay hindi lubusang tinatanggap ng estado dahil sa isa itong banta sa kanilang
panunungkulan at pananatili sa kapangyarihan

Pagsuporta sa mga lokal na produkto at maliliit na mga negosyanteng Pilipino.

You might also like