You are on page 1of 4

Ligao National High School

Ligao City

CRITICAL ANALYSIS
PAPER IN AP 10
(UNEMPLOYMENT AT
UNDEREMPLOYMENT)

Ipinasa ni:
Mag-aaral Blg. 37
(10-ESJ1)

Ipinasa kay:
G. Rusty Fernandez Otilla

ARTIKULO UKOL SA ISYUNG UNEMPLOYMENT AT UNDEREMPLOYMENT:

NSO: Bilang ng underemployed at walang trabahong


Pinoy, 10.8M
Published March 17, 2013 12:07pm
Umabot na sa 10.828 milyon ang bilang ng mga Pilipinong nasa edad ng pagtatrabaho
(15 taong gulang, pataas) ang walang trabaho at yaong underemployed, batay sa datos
nitong Enero 2013.
Tumaas ito ng 918,000 mula sa 9.91-milyon noong Enero 2012, habang dumarami ang
mga Pilipino na underemployed, ayon sa pinakahuling tala ng National Statistics Office
(NSO).
Ayon sa isinagawang Labor Force Survey (LFS) ng NSO noong Enero, umabot na sa
7.934 milyon ang bilang ng mga underemployed mula sa 7.018 milyon noong
nakaraang taon.
Bumaba naman umano ang bilang ng mga walang trabaho na ngayo'y na sa 2.894
milyon. Subalit kung ipagsama ang bilang ng underemployed at walang trabaho, aabot
ito ng halos 11 porsyento ng populasyon ng Pilipinas na sa ngayon ay 99.4 milyon,
batay sa pagtataya ng National Statistical Coordination Board (NSCB).
Bumaba sa 7.1 porsyento ang unemployment rate mula sa 7.2 porsyento noong Enero
2010, ngunit tumaas naman ang underemployment rate – 20.9 prosyento mula sa 18.8
porsyento.
Kinokonsidera ng NSO ang mga underemployed bilang “employed persons who
express the desire to have additional hours of work in their present job, or to have
additional job, or to have a new job with longer working hours.”

Bilang
Karamihan (63 porsyento) sa mga underemployed at mga walang trabaho ay mga
lalaking may edad 15 hanggang 34. Mula sa 17 rehiyon ng bansa, ang Bicol ang may
pinakamataas na bilang (35 porsyento) ng mga underemployed na manggagawa.
Mababa ang underemployment sa industry sector (15.9 porsyento) at mataas na naman
sa agriculture (41.8 porsyento) at services sector (42.3 percent). Ang 55.2 porsyento ng
mga underemployed ay nagtatrabaho ng mas mababa sa 40 mga oras bawat linggo
habang 43.3 porsyento naman ang nagtatrabaho ng 40 oras o mahigit.
Kabilang sa mga walang trabaho ay 30 porsyento na college gruaduate o nag-aaral pa
lamang sa kolehiyo, at 33.7 porsyento naman ay nakapagtapos ng high school.
Ayon sa NSO, kasama ang mga "unpaid family workers" sa bilang ng mga may trabaho
at nirerepresinta nito ang 9.4 prosyento ang kabuuang 37.94 milyong may trabaho
nitong Enero 2013.
“Of the total employed persons in January 2013, 65.1 percent were full-time workers,
while 33.9 percent were part-time workers. By comparison, in January 2012, full-time
workers comprised 62.1 percent while part-time workers made up 36.7 percent,” ani
NSO administrator Carmelita Ericta sa isang press release.
Isinasagawa ng NSO ang LFS sa mga buwang Enero, Abril, Hulyo at Oktubre.—
Amanda Fernandez /LBG, GMA News
ISYUNG UNEMPLOYMENT AT UNDEREMPLOYMENT
Parte na ng pamumuhay sa mundo ang pagkakaroon ng mga suliranin lalong-
lalo na sa mga pangangailangan araw-araw. At hindi rin maikakaila na lahat ng tao
ngayon, lalong-lalo na ang mga may mababng estado sa buhay, ang maghangad na
maiangat ang kanyang pamumuhay at maging ang pamumuhay ng kaniyang pamilya.
Bunga nito ay nagsisikap ang mga taong makapagtapos at makapaghanap ng
magandang trabaho. Ngunit sa panahon natin ngayon, napakahirap at maraming
proseso ang pagdadaanan ng isang tao makahanap ng bakante o kaya'y
permanenteng trabaho. Bunga nito dumadami ang bilang ng mga unemployed at
underemployed na mga manggawa sa bansa. Kaya't napakaimportanteng mapag-
aralan at masolusyunan ang isyung ito sa ating lipunan.
Ang Unemployment ay nangyayari kapag ang isang taong naghahanap ng
trabaho ay hindi makahanap nito. . Samantala, sa Underemployment naman
nakapaloob ang mga manggagawang may mataas na kakayahan sa paggawa ngunit
nagtatrabaho sa mababang posisyon o uri ng trabaho.
Ang mga isyung ito ay bunga rin ng iba’t ibang isyung nagaganap sa ating
lipunan. Isa sa mga isyung ito ay ang iskemang subcontracting na talagang nagdudulot
ng kawalan ng trabaho sa isang manggagawa matapos ang kanyang kontrata. Ang
mababang antas o kalidad ng edukasyon sa ating bansa ang isa ring dahilan kung bakit
maraming nagiging underemployed na skilled worker na mga pilipino dahilan na rin ng
pagkakaroon ng global standard sa ibs’t ibang bansa. At ito’y bunga rin ng pagkakaroon
ng mga dayuhang namumuhunan sa bansa na sadyang nagpahina sa mga lokal na
produkto’t mga lokal na namumuhunan.
Gayundin sa mga sanhi nito, ito rin ay pinag-ugatan ng mga isyung tulad ng job-
mismatch, child labor, overworked, migrasyon ng tao at iba pa.
Ayon sa isinagawang Labor Force Survey ng NSO(2013), umabot sa 10.828
milyon ang bilang ng mga Pilipinong nasa edad ng pagtatrabaho (15 taong gulang,
pataas) ang walang trabaho at yaong underemployed. Bumaba umano sa 7.1% ang
unemployment rate mula sa 7.2% noong Enero 2010, ngunit tumaas naman ang
underemployment rate – 20.9 prosyento mula sa 18.8 porsyento.
Karamihan (63%) sa mga underemployed at mga walang trabaho ay mga
lalaking may edad 15 hanggang 34. Mababa ang underemployment sa sektor ng
industriya(15.9%) at mataas na naman sa agrikutura(41.8%) at sa serbisyo (42.3
percent). Ang 55.2% ng mga underemployed ay nagtatrabaho ng mas mababa sa 40
mga oras bawat linggo habang 43.3% naman ang nagtatrabaho ng 40 oras o mahigit.
Kabilang sa mga walang trabaho ay 30% na college gruaduate o nag-aaral pa lamang
sa kolehiyo, at 33.7% naman ay nakapagtapos ng high school.
Kung aanalisahin ang datos ng NSO, karamihan sa mga underemployed na mga
manggagawa ay nanggaling sa sektor ng agrikultura’t serbisyo. At kadalasang ang mga
trabahong nasa sektor na ito ay mga lakas paggawa at pwedeng mapasukan ng isang
taong hindi mataas ang pinag-aralan o kaya’y hindi nakapagtapos ng pag-aaral. At
masusuri din sa datos na ito karamihan sa mga walang trabaho ay hindi pa
nakakapagtapos at mga huminto na ng pag-aaral.
Ang pinakapuno’t-dulo ng suliraning ito ay ang mababang antas ng pinag-aralan
o kaya’y edukasyon ng mga pilpino. At sa ngayon, ito’y binibigyan na rin ng solusyon ng
ating pamahalaan sa pamamagitan ng mga programang gaya ng K-12, mga
scholarship, free-tuition fee, at iba pa. Ang tanging masasabi kong solusyon, lalong-lalo
na sa mga kabataan, ay dapat nating pahalagahan, pagbutihin,at tapusin ang ating pag-
aaral dahil ito ang ating magagamit upang di tayo maapektuhan ng mga nasabing
isyung ito sa paggawa.

You might also like