You are on page 1of 6

Allysia P.

Samson

10 - St, Edith Stein

Globalisasyon

I. Panimula (Introduction)

Ayon kay George Ritzer, isang akademiko at sosyolohista, ang globalisasyon ay isang

proseso ng mabilisang pagdaloy o paggalaw ng mga tao, bagay, impormasyon at

produkto sa iba’t ibang direksiyon na nararanasan sa iba’t ibang panig ng daigdig. Sa

kasalukuyang panahon, mas napapabilis ng teknolohiya at mga ipinapatupad na

patakaran ang sistemang ito.

II. Suliraning Pang-ekonomiya

1.) Epekto sa kalakalan - ang maaaring pagtaas o pagbaba ng kalakalan, walang

kasiguraduhan ang kita ng ating bansa mula sa pakikipag palitan ng kalakal.

2.) Epekto sa kultura - dahil sa globalisasyon maaaring maimpluwensyahan ang

ating kinagisnang kultura ng mga karatig bansa. Sa kadahilanang ito, hindi

nabibigyang pansin ang ating kultura dahil sumasabay tayo sa anumang

napapanahon at nauuso.
3.) Magkakasunod na digmaan sa iba't ibang bahagi ng mundo - Dahil sa kabilaang

digmaan na naganap sa kasaysayan, nagkaroon ng ideya ang mga tao na

kailangan ng mabilisang pagbabago sa larangan ng pulitika at ekonomiya.

4.) Pag-usbong ng nasyonalismo - Maraming mga tao sa mundo ang nagpakita ng

pagmamahal sa bansang kanilang kinabilangan.

5.) Lalong pagkalayo ng agwat ng mayayaman sa mahihirap - Dumarami at lalo

pang umanong nalulugmok sa kahirapan ang mahihirap habang ang mayayaman

ay lalo pang umanong yumayaman.

6.) Paglaki ng agwat sa maunlad at umuunlad na bansa

7.) Pagpapalala sa problemang ekonomiya ng maralita

III. Paglalahad at pagsusuri ng datos (Analysis)

Kapansin-pansin sa mga impormasyong aking nailahad na nagiging mataas ang

standard ng ating bansa ng dahil sa globalisayon kaya ito nakikiayon sa globally

standard na may mataas na demand at isang hamon para sa sa atin. “ Gusto mo mang

ipagpatuloy pa, hindi ka na kailangan” kaya naman wala kang magagawa kundi ang

magtiis, manatili o di kaya’y lumipad sa ibang bansa upang magkaroon ng trabaho. Ang

iilan sa mga Pilipino ay nananatili sa puder ng kanilang mga magulang kahit sa sila’y

may edad na dahil sa kawalan ng pag-asa sa paghahanap ng trabaho sa ating bansa.

Hindi maiiwasan ang pagdami ng mga mahihirap sa ating bansa lalo na kung ang sarili
nating bansa ay hindi tayo kayang buhayin, magtala man ng magtala taon taon ang iba’t

ibang mga pinagkukuhanan ng datos, isa ding magiging dahilan ng kahirapan ay ang

kakulangan sa oportunidad na inaalok ng mga kompanya atbp. Ayon sa World Bank

Philippines Senior Economist na si Karl Kendrick Chua, “The real labor problem in the

Philippines is not the unemployed,it is the 20% who are underemployed because these

people cannot afford to be without work” Ito ay isang malaking katamaan para sa mga

underemployed, dahil hindi man permanente at walong oras ang kanilang trabaho, sila

ay mayroon pa ring kinikita kumpara sa mga unemployed. Ngunit hindi natin masisisi

ang mga taong ito, sapagkat hindi din naman nila ginugusto ang nangyayari sa kanila.

Ang ating bansa na mahirap ngunit mataas ang standards sa trabahong inaalok at

umaasa sa mga tinatawag na bayani o OFW na ng dahil sa globalisasyon ay naging

malawak ang komunikasyon sa iba’t ibang panig ng mundo. Nararapat na maging

malinaw sa ating mga Pilipino ang mga suliranin na ito, sa panahon natin ngayon

mahalaga na ang edukasyon dahil kung ikaw ay hindi nakapagtapos ng pag-aaral

malaki ang posibilidad na wala kang kabibilangan sa bansang ito.

IV. Konklusyon (Conclusion)

Mauunawaan na ang globalisasyon ay naghaharap ng mga pangamba at gayundin ng

mga pag-asa. Narito ang ilang mga dahilan:


“Pinagyaman [ng globalisasyon] ang daigdig sa larangan ng siyensiya at kultura at

nagbigay rin ng pakinabang sa maraming tao ukol sa kabuhayan,” ang sabi ng nagwagi

ng Nobel Prize sa ekonomiks na si Amartya Sen.

Nakikita ng ilang analista ang isa pang bentaha ng pagsasama-sama ng ekonomiya:

Ipinalalagay nila na gagawin nitong mas bantulot ang mga bansa na makipagdigma.

Isang potensiyal din ang higit na pagtutulungan ng mga tao para sa pagsulong ng

pagkakaisa sa mundo.

MGA PANGAMBA

Marahil ang pinakamalaking ikinababahala tungkol sa globalisasyon ay ang ginawa

nitong pagpapalawak sa agwat ng mayayaman at mahihirap.

Ang isa pang pangunahing ikinababahala ay ang kapaligiran. Ang globalisasyon sa

ekonomiya ay pinasigla ng mga impluwensiya ng pamilihan na mas interesado sa kita

kaysa sa pangangalaga sa planeta.


Ikinababalisa rin ng mga tao ang tungkol sa kanilang mga trabaho. Kapuwa ang mga

trabaho at kinikita ay lalong nagiging di-tiyak, yamang ginigipit ng pagsasama-sama ng

mga kompanya sa daigdig at matinding kompetisyon ang mga kompanya na gawing

mas simple ang kanilang mga palakad.

Ang globalisasyon sa internasyonal na pangangapital at dayuhang pautang ay

nagharap ng isa pang salik para sa kawalang-katatagan.

V. Solusyon (Solution)

1. Pagpapatibay ng mga ahensya tulad ng Department of Labor and Employment

(DOLE), Department of Trade and Industry (DTI), Department of Foreign Affairs

(DFA), Philippine Overseas Employment Authority (POEA), at Department of

Agriculture (DFA). Upang matugunan ang mga epektong pang-ekonomiya at

pang-pulitiko ng globalisasyon.

2. Pagsuporta sa mga lokal na produkto at maliliit na mga negosyanteng Pilipino.

3. Pagkakaroon ng mga regulasyon sa pagpasok at paggamit ng mga makabagong

teknolohiya na nakakaapekto sa pagiging produktibo ng mga mamamayan.


Pinagmumulan (Sources):

Globalisasyon - Wikipedia, ang malayang ensiklopedya

SULIRANING PANG EKONOMIYA Ang mga sumusunod ay mga salik at dahilan ng

pag

Paglalahad at pagsusuri ng datos Kapansin pansin sa mga impormasyong aking

Ano ang konklusyon ng globalisasyon?

mga solusyon sa hamon ng globalisasyon..

You might also like