You are on page 1of 44

10

Araling Panlipunan
Ikalawang Markahan Modyul 4:
Implikasyon sa Iba’t ibang
Suliranin sa Paggawa

Kagawaran ng Edukasyon ● Republika ng Pilipinas


i
Aralin
Suliranin sa Paggawa
1

Tuklasin

Ang pagkakasali ng Pilipinas sa proseso ng globalisasyon ay matatahak sa


pamamagitan ng ating mahabang kasaysayan ng pananakop. Mula noong
kolonisasyon ng mga Espanyol, ang lokal na pagproprodyus ay naaayon sa
pangangailangan ng Espanya sa pandaigdigang pangangalakal. Ito ay lumala
noong panahon ng Amerikano at Hapon, at maging sa kasalukuyan. Ang papel na
ginagampanan ng Pilipinas sa globalisasyon ay bilang pinagkukunan ng mga likas
na yaman, taga-konsumo ng sobrang produkto at kapital, at taga suplay ng murang
lakas paggawa. Dahil sa mahalagang papel na ito, nagkakaroon ng mga isyu sa
paggawa dulot ng globalisasyon. Ito ay may mga dahilan, implikasyon sa
pamumuhay, ekonomiya at ating magiging mungkahi, upang malutas ang iba’t
ibang suliranin sa paggawa. Ang kaalaman ukol sa pangunahing konsepto ng
globalisasyon ay makatutulong nang malaki sa pagsasaalang-alang ng mga
mungkahi upang malutas ang suliranin sa paggawa. Bilang mag-aaral, may
magagawa ka upang maibsan ang mga suliraning ito sa pamamagitan ng mga
mungkahi. Ngunit sa puntong ito, paano nakakamit ang isang matatag at
nakikipagsabayang maunlad na bansa sa gitna ng mga isyu at hamon ng
migrasyon na dulot ng globalisasyon?
Ito ang mahalagang tanong na ating sasagutin sa araling ito.
Handa ka na ba sa araling ito? Ating umpisahan ang araling na ito sa pamamagitan
ng Unang Gawain.

Suriin

Ang iyong layunin sa bahaging ito ay pag-aralan at unawain ang ang mga
dahilan ng pagkakaroon ng iba’t ibang suliranin sa paggawa dulot ng globalisasyon,
implikasyon ng iba’t ibang suliranin sa paggawa sa pamumuhay at sa pag-unlad ng
ekonomiya ng bansa, at pagsasaalang-alang ng mga mungkahi upang malutas ang
iba’t ibang suliranin sa paggawa.
Ano ang paggawa? Ano ang globalisasyon? Paano nagkakaroon ng mga suliranin
sa paggawa dulot ng globalisasyon, ano ang epekto nito sa pamumuhay at sa pag-
unlad ng ekonomiya?

1
Ito ang pangunahing dahilan at epekto dulot ng globalisasyon at bunga nito ay
magkakaroon ng kabuuang kaisipan tungkol sa ekonomiya at isyu ng paggawa. A.)
Malayang Kalakalan
Ito ay ang pagluwag o tuluyang paglansag sa mga restriksiyong humahadlang sa
malayang pagpasok ng kalakal sa iba’t ibang panig ng daigdig. Ito ay dulot ng
gloabalisasyon na maaring makakatulong sa ekonomiya ng bansa lalo na sa
paggawa.
Isang hamon din sa paggawa ay ang mabilis na pagdating at paglabas ng mga
puhunan ng mga dayuhang namumuhunan na mas nagpatingkad naman ng
kompetisyon sa hanay ng mga dayuhang kompanya at korporasyon sa bansa. Dahil
dito mas nahikayat ang mga namumuhunan na pumasok sa bansa na nagdulot ng
iba’t ibang isyu sa paggawa. B.) Liberalisasyon
Ito ang proseso ng malayang pagbubukas ng lokal na ekonomiya sa dayuhang
kapital o pamumuhunan. Ang World Trade Organization (WTO) ay isa sa mga
pandaigdigang institusyon na nangunguna sa pagsusulong at pagpapalaganap ng
liberalisasyon sa larangan ng kalakalan. Ayon sa mga tagapagtaguyod ng
globalisasyon ang WTO ay nakatutulong sa pagpapalaganap ng kalayaang pang-
ekonomiko sa pamamagitan ng free trade, bukas na pamilihan at malayang daloy ng
produkto, kapital at impormasyon. Subalit ayon naman sa mga tumutuligsa sa WTO,
ang mga patakaran nio ay kumikiling lamang sa mayayamang bansa. Naniniwala sila
na naging kasangkapan na makapangyarihang mga bansa sa daigdig ang WTO
upang isulong at protektahan ang kanilang pang- ekonomikong interes.
C.) Labor Movements
Maraming pagbabagong haharapin ang bansa at isa na dito ang Kakayahan na
makaangkop sa globally standard na paggawa. Hamon ng globalisasyon ang
pagpasok ng Pilipinas sa mga kasunduan sa mga dayuhang kompanya, integrasyon
ng ASEAN 2015 sa paggawa at mga bilateral at multi-lateral agreement sa mga
miyembro ng World Trade Organization o WTO. Bunga nito ay binuksan ang
pamilihan ng bansa sa kalakalan sa daigdig. Isa sa pagtugon na isinagawa ng bansa
ay iangkop ang kasanayan ng lilinangin sa mga mag-aaral na Pilipino. Bunsod ng
tumataas na demand para sa globally standard na paggawa na naaangkop sa mga
kasanayan para sa ika-21 siglo.
D. Exchange of Technology and Ideas
Ayon kay KAVAIJIT SINGH isang iskolar mula sa India, sa kanyang aklat na
pinamagatang Gabay sa Globalisasyon ng Pananalapi ang kalikasan ng
globalisasyon. Ayon sa kanya, pagpapalaganap ng teknolohiya at ideya sa
pamamagitan ng pandaigdigang transportasyon at komunikasyon. Ang katangian na
ito ay may sentro ng mas mabilis na transaksyong dulot ng globalisasyon at isyu ng
paggawa. Paglaganap ng Internet at digital technology, paglaganap ng mas
moderno at kumplikadong uri ng teknolohiya, pagiging mas bukas sa iba’t ibang
impormasyon at bagong kaisipan at paraan ng paggawa at paglaganap ng naaabot
na saklaw ng media.
E.) Cultural Integration
Isa sa mga hamon ng globalisasyon at paggawa nagaganap sa kasalukuyan ay ang
kung paano mapapanatili at lalo pang maitataguyod ang kani-kanilang kultura sa
harap ng mga pagbabagong dala nito. Ang globalisasyon ay ang kaparaanan kung
paano magiging global o pangbuong mundo ang mga lokal o pampook o kaya
pambansang gawi. Sa madaling sabi, konektado ang buong daigdig pati na rin sa
lakas paggawa nito. Ang pag-uugnayan ng mga bansa ay patuloy na nagaganap.
Ang bawat bansa ay nagnanais na maging kasapi ng mga samahang
pangkabuhayan upang mapalawak ang kanilang pamilihan, isa na rito ang Pilipinas.
2
Bunsod ng isyung ito, sa pamamagitan ng integrasyon sa kultura, nagkaroon ng
maraming pagbabago ang mga Pilipino tulad ng pagkawala ng sariling identidad sa
maraming kadahilanan.
Panuto: Sagutin sa inyong sariling opinion ang mga kahon ng Generalization Table.
(Ang guro ay gagawa ng rubrics bilang batayan sa markahan)

Malayang Liberalisasyon Labor Exchange of Cultural


Kalakalan Movements Technology and Integration
Ideas

Pagyamanin

Alamin rin mula sa mga impormasyon at datos ang iba’t ibang mga mungkahi o
programa ng pamahalaan upang mapangalagaan ang kapakanan ng ating lakas
paggawa lalo na ang mga OFWs.
Ating ipagpatuloy ang pag-aaral sa pamamagitan ng pagbasa ng mga artikulo
tungkol sa paksa.
Panuto: Basahin na may panunuri sa mahahalagang ideya tungkol sa aralin.
Teksto
Kabanata V: Sanhi at Bunga ng Pagdami ng mga Overseas Filipino Workers

A. Mga pangunahing sanhi


Maraming sanhi ng paglabas ng mga manggagawang Pilipino sa bayang sinilangan.
Batay sa teorya ni David Ricardo, ang “labor theory of value”, ang halaga ay
nagmumula sa paggawa, ngunit paano nga ba gagawa kung wala rin namang
posisyong nakalaan para sa mga manggagawa? Isa sa mga pangunahinng salik nito
ay ang “malala” nang kawalan ng trabaho dahil sa krisis pang-ekonomiya na
tinatamasa ng bansa. Ayon kay Susan Ople, isang undersecretary sa ‘tulay’ program
at ng Ople Center, totoo nga marahil na kulang pa rin sa pondo ang inaalok ng
gobyerno sa sektor ng serbisyo, industriya at paggawa. Dahil sa kawalan ng trabaho
sa bansa, natutulak na mangibang-bayan ang mahigit sa 8.3 milyong Pilipinong
migranteng manggagawa o ang mga Overseas Filipino Workers (OFWs). Araw-araw
3,400 OFWs ang naipapadala sa ibang bansa para magtrabaho, at nakabatay
naman ito sa 2009 estatistika ng DOLE ukol sa bilang ng mga umaalis na OFW sa
bansa. Patunay ito na paparami pa ring manggagawa ang naghahanap ng trabaho
sa ibang bansa dahil sa kawalan ng sapat na trabahong lokal. Ayon kay Romeo
Lagman, kasalukuyang undersecretary for employment and manpower development
ng DOLE, napakalaking kawalan ito sa parte ng Pilipinas dahil karamihan ng mga

3
umaalis ay mga bagong tapos pa lamang sa kolehiyo at napipilitang magtrabaho sa
ibang bansa sa pag-asang doon matatamasa ang seguridad sa trabaho. Itinuturing
namang “brain waste” para sa mga bansang pinupuntahan nila dahil ang mga OFW
ay pumapasok sa mga trabahong mas mababa sa antas ng kanilang kasanayan.
Ilang halimbawa nito ay mga doktor na namamasukan bilang nars, at mga guro na
ngayon ay mga caregiver at domestic helper. Ito ang masalimuot na katotohanan:
hindi isinasama ng lokal na pamahalaan ang mga OFW sa pagtataya ng bilang ng
empleyo at disempleyo kahit na ang penomenon ng migrasyon ng paggawa ay
bunga ng kawalan ng trabaho sa bansa. Pero kung talagang susukatin ang lawak ng
kawalan ng trabaho sa lokal na ekonomiya, dapat isaalang-alang na kung sana’y
may mapagkukunang hanapbuhay na sumasapat sa kanilang pangangailangan ay
hindi gugustuhin ng mga migranteng manggagawa na iwan ang kanilang pamilya
para lang mamasukan sa ibang bansa.
Isa pang salik ng pagdami ng mga Pilipinong migranteng manggagawa ay ang
mababang pasahod. Paulit-ulit na nababanggit ang realidad na kulang ang sweldo
para tugunan ang pangangailangan ng mga manggagawa at pamilya nito at ito na
lang ang laging idinaraing ng mga miyembro ng Federation of Migrant Workers sa
pangunguna ng kanilang Pangulong si Francisco Aguliar Jr. Inililinaw na hindi ito
pangunahing bunga ng kagustuhan ng indibidwal na maghanap ng iba pang trabaho,
kundi dahil itinutulak siya ng pangyayaring mababa ang sweldo at ‘di sapat ang
kinikita para mabuhay ang pamilya. Mahalagang talakayin kung bakit sa kabila ng
mga batayan para sa makatwirang pagtataas ng sahod ay higit na mababa ang
pinagkaloob ng pamahalaan. Sa totoo lang, sadyang pinabababa ang halaga ng
paggawa sa bansa dahil ito ang esensya ng “cheap labor policy” ng gobyerno.
Panuto: Sagutin ang mga katanungan sa ibaba.
1. Anu-ano ang mga dahilan ng pangingibang bansa ng mga manggagawang
Pilipino?
2. Anu-ano ang mga suliranin sa paggawa dulot ng globalisasyon ang nabanggit sa
artikulo?
3. Anong mga hakbang kung mayroon, ang nabanggit sa artikulo upang maibsan
ang suliranin ng mga manggagawang Pilipino?
4. Paano ang pangingibang bansa ng manggagawang Pilipino nakatutulong sa
pagiging matatag ng ekonomiya ng bansa?
5. Paano nakakamit ang isang matatag at nakikipagsabayang maunlad na bansa sa
gitna ng mga isyu at hamon ng migrasyon na dulot ng globalisasyon?

Isaisip

Panuto: Mula sa artikulo sa itaas, ating gawan ng buod ang nilalaman nito sa
pamamagitan ng isang graphic organizer sa ibaba.

Mga Dahilan ng Pangingibang Bansa ng Mga Dahilan


Mangggagawang Pilipino ayon kay:

1. David Ricardo

2. Susan Ople

4
3. Romeo Lagman

4. Francisco Aguilar, Jr.

Isagawa

Panuto: Gamit ang Fish Bone Strategy, isulat ang bunga o epekto ng mga dahilan
ng pagdami ng mga OFW’s.

Dahilan

Epekto

Tayahin

Binabati kita! Narating mo na ang bahagi kung saan ay tatayain ang iyong
nalalaman sa araling ito. Isulat ang letra ng iyong napiling sagot. Makikita mo lamang
ang kabuuan ng iyong nakuha pagkatapos mong masagutan ang lahat ng aytem.
Kung mataas ang iyong makukuha at makapasa, maaari ka nang magpapatuloy sa
susunod na modyul, subalit kung ang iyong nakuha ay mababa sa hinahangad na
lebel, ikaw ay kinakailangang bumalik at sagutan muli ang modyul na ito.
Panuto: Basahing mabuti at unawain ang mga katanungan sa bawat aytem. Piliin at
bilugan ang titik ng tamang sagot mula sa pagpipilian.
_____1. Anong uri ng globalisasyon ang mabilis na lumaganap sa buong daigdig?
A. Pampulitika
B. Pang-edukasyon
C. Pang-ekonomiya
D. Pangkultura
_____2. Alin sa sumusunod ang pangunahing dahilan ng pangingibang bansa o
pag-migrate ng mga Pilipino?
A. Makapaghanap buhay na may mataas na sahod
B. Matuto ng makabagong kasanayan at kakayahan
C. Makapag-aral sa mga tanyag na unibersidad sa ibang bansa
D. Makapagbisita at makapaglibang sa mga makasaysayang pook
_____3. Alin sa mga sumusunod ang hindi nagpapakita ng mga dahilan ng

5
migrasyon?
A. Ang pandarayuhan ay nangyayari sanhi ng digmaang sibil.
B. Ang pandarayuhan ay nangyayari sanhi ng pagkawasak ng pamilya.
C. Ang pandarayuhan ay nangyayari sanhi ng kawalan ng trabaho sa
pamayanan.
D. Ang pandarayuhan ay nangyayari sanhi ng mas magandang oportunidad
sa ibang bansa.
_____4. Mula sa larawan, ano ang positibong ipinapahiwatig nito sa ekonomiya ng
bansa?

http://ts1.mm.bing.net/th?id=HN.607988097568476000&pid=15.1&H=117&W=160
A. Maraming pamilya ang nawawalay sa isa’t isa.
B. Maraming krimen ang maaaring maganap mula sa iba’t ibang bansa.
C. Maraming produktong banyaga ang nakararating sa iba’t ibang sulok ng
mundo
D. Maraming klaseng polusyon ang nangyayari sa iba’t ibang sulok ng
mundo
_____5. Suriin ang ang larawan na nasa ibaba. Paano nakaapekto ang
globalisasyon sa lokal na kultura ng mga bansa lalo na sa mga bansang
papaunlad pa lamang tulad ng Pilipinas?

http://www.filipinopro.com/main/wp-content/uploads/2013/07/brain-drain.jpg
A. Iba’t ibang uri ng hanapbuhay ang napupunta sa mga bansang
papaunlad pa lamang.
B. Ang pandaigdigang kalakalan ay nakapagsusulong ng kamulatan sa
ibat ibang kultura.
C. Ang pandaigdigang migrasyon ay nakapagdudulot ng brain drain sa
mga
bansang papaunlad pa lamang.
D. Ang mga katutubong kultura ay nanganganib na mawala dahil sa pag-
iisa ng kultura ng mga bansa sa daigdig na bunga ng globalisasyon.
_____6. Isang epekto ng globalisasyon sa ekonomiya ay ang restriksyon sa
pandaigdigang kalakalan gaya ng pagsasali sa proteksyonismo na nagbi-
bigay ng masamang epekto sa mga bansang sumasang- ayon sa ganitong
polisiya.

6
Pag-aralan ang datos sa ibaba at sagutin ang tanong.

Aling rehiyon ang nakararanas ng 60% ng GDP noong 1970, at lumagpak sa


40% noong 1985?
A. Advanced Economies
B. CEE & CIS
C. Developing Asia
D. Middle East and North Africa
_____7. Isang epekto ng globalisasyon sa ating ekonomiya ay ang pagdating ng
maraming kapitalista. Ano ang ipinahihiwatig ng caricature sa ibaba?

A. Ang ating lipunan ay kapitalista


B. Ang mga kapitalista ang nagmamay-ari ng lupa, makina at pera
C. May dalawang uri ng kapitalista
D. Milyon-milyong Pilipino ang manggagawa sa ilalim ng iilang kapitalista
_____8. Marami sa mga pamilya ng OFWs ay nakakaranas ng pangungulila sa
kanilang kapamilya na humahantong sa pagkawasak nito. Paano kaya sila
matutulungan?
A. Makisimpatiya sa kanila.
B. Bigyan sila ng sulat isa-isa.
C. Bigyan sila ng load pantawag sa kanilang kapamilya.
D. Magtayo ng isang samahan ng mga pamilya ng OFW upang gumabay sa
kanila.
_____9. Ang globalisasyon ay isang malaking hamon sa kaunlaran ng ating bansa.
Tingnan ang mga datos sa ibaba. Alin sa mga sumusunod na pamamaraan
ang higit na makatutulong sa Pilipinas upang makasabay sa mga hamon ng
globalisasyon?

7
http://image.slidesharecdn.com/pnfsplandgrabbing-140605033040-phpapp01/95/public-participatory-process-in-response-
tolandgrabbing-cases-
A. Kailangang pasimulan ang rebelyon sa imperyalistang globalisasyon at
mga dikta ng IMF-WB/WTO dahil, kapag nanatili na sunud-sunuran ang
mga bansa, unti-unti itong lulubog sa krisis.
B. Kailangan ng patakaran sa industriyalisasyon ang ekonomiya upang
mabawasan ang brain drain ng mga Pilipino at magkaroon ng
modernisasyon ng agrikultura upang matugunan ang mga
pangangailangan ng mga Pilipino at makapagluwas ito ng mga kalakal sa
ibang bansa.
C. Pigilan ang pagpasok ng mga dayuhan sa Pilipinas upang walang maging
kaagaw ang mga Pilipino sa mga oportunidad sa ating bansa.
D. Kailangang isulong ang patriotismo at nasyonalismo ng mga Pilipino upang
mapigilan ang brain drain ng mga Pilipino.
_____10. Ang globalisasyon ay nagdala ng mahalagang pagbabago sa mundo.
Suriin ang mga datos sa ibaba. Bakit naging mahalaga ang pagbabagong
dala ng globalisasyon?
DATOS 1:

http://theafricanamericanclarioncall.com/wpcontent/uploads/2011/07/image_thumb2.png

https://asteriaforberry.files.wordpress.com/2011/10/thewordisflat2.gif
A. Nalulugi ang mga tradisyunal na negosyo ng mga katutubo.
B. Mataas ang taripa ng mga produktong kinakalakal sa ibang bansa.
C. Naging malaya ang pagdaloy ng kapital, salapi, kalakal at kultura mula at
papunta sa iba’t ibang destinasyon.
8
D. Nahikayat na isara ng mga mahihirap na bansa ang kanilang negosyo sa
mga dayuhan.
_____11. Ayon sa (Philippine Overseas Employment Administration) POEA ngayon
ay tinatayang 2,000 araw araw ang mga Pilipino na umaalis ng bansa sa
pamamagitan ng 1600 opisyal na ahensiya sa emigration. Bawat taon ay
umaabot ng 1.3 milyong Pilipino ang nagtutungo ng ibang bansa. Ano ang
maaaring hakbang ng pamahalaan upang matulungan ang mga
manggagawang Pilipino?
A. Gumawa ng mga polisiyang proprotekta sa mga manggagawang Pilipino
sa ibayong dagat.
B. Tanggapin nang malugod ang mga donasyong ibinigay ng mga OFW at
OCW sa mga nasalanta ng kalamidad.
C. Maging mahigpit sa mga remittances ng mga Pilipino.
D. Hayaan silang pagmalupitan at makulong sa ibang bansa.
_____12. Pinangangambahan ng mga lider at mga mamamayan ng ibat ibang
bansa ang dumarami at lumalalang kaso ng transnational crimes tulad ng
terorismo. Isa sa mga sinusulong ng kongreso ay ang paggawa ng
polisiya. Bilang isang mambabatas, paano mo tatayain ang isang
epektibong polisiya?
A. Ang polisiya ay tatayain ayon sa nilalaman, organisasyon at datos o
estadistika.
B. Ang polisiya ay tatayain ayon sa nilalaman, sistematikong
pamamaraan at impak sa manonood.
C. Ang polisiya ay tatayain ayon sa nilalaman, pagkamalikhain,
organisasyon at kaangkupan.
D. Ang polisiya ay tatayain ayon sa nilalaman, organisasyon, kaangkupan
at sistematikong pamamaraan.
_____13. Magkakaroon ng pagtitipong rehiyonal ng mga kinatawan ng labor parties
sa NCR. Layon ng pagtitipon ng grupong ito ang maipamulat sa
mamamayan ang makatotohanang kondisyon ng mga lakas paggawa lalo
na ang epekto nito dulot ng globalisasyon. Alin sa mga sumusunod na
pamamaraan ang makakapagbigay ng malalim at malawak ng pag-unawa
sa kondisyon ng lakas paggawa ng Pilipinas?
A. Pagsagawa ng sarbey
B. Paggawa ng Case Study
C. Paghain ng panukala o bill
D. Pag-organisa ng kilos protesta
_____14. Dahil globalisasyon, marami ang nagiging kakompetensiya ng mga
karaniwang kalakal ng mga maliliit na negosyante. Bilang economic
adviser ng Pangulo. Ano ang maimumungkahi para matulungan sila?
A. Hayaan silang magbenta kahit saan nila gusto.
B. Huwag silang magbayad ng buwis upang lumaki ang kita sa negosyo.
C. Gumawa ng anunsiyo na hayaan na lamang magnegosyo ang mga
dayuhan sa kanilang lugar.
D. Gumawa ng programang maglalaan ng karagdagang pondo upang
makipagsabayan sa mga dayuhan.

9
_____15. May okasyon ng pagsasama-sama ng mga ahensya na tumutugon sa mga
problema sa lakas paggawa. Inimbitahan kang maging kritiko sa isang
paligsahan sa pinaka-tumpak na Labor Developmental Plan ng mga
presenters. Paano mo susukatin ang isang matalino at matatag na
developmental plan?
A. Dami ng pamamaraan ng paglutas
B. Dami ng mgga kasangkot na ahensya at sangay ng pamahalaan
C. Kaangkupan, nilalaman at organisasyon nito
D. Kakapalan, kagandahan at presentasyon nito

Aralin
Suliranin sa Paggawa sa
2 Pamumuhay ng mga Pilipino

Tuklasin

Paano naiuugnay ang isyu sa paggawa


ng globalisasyon?

Unang Artikulo

Noon ang SABI NG GOBYERNO....


Ang Pilipinas ay kikilalanin bilang bagong tigre sa ekonomiya sa Timog Silangang
Asya. Mula sa dati ay mahirap at naghihingalo ay tatanghalin tayo bilang bansang
may pinakamabilis na ratio ng pag-unlad at kakain sa atin ng alikabok ang mga
kalapit- bansa sa nakakabulag na bilis ng ating pananagana. Magkakandarapa kasi
ang mga dayuhang korporasyon sa pag-uunahang makapag-negosyo sa ating
bayan. Paano ba naman eh dito sa atin matatagpuan ang pinakamasarap na putahe
sa pagni-negosyo. murang lakas-paggawa, mababait at hindi reklamador na mga
trabahador (it’s more fun in the Philippines baby!). Wag mag-aalala ang mga
kapitalista; protektado kayo ng gobyerno laban sa mga magri-reklamo...may mga
batas kaya na magtitiyak na hindi mabibitin si foreign investor sa kanyang
panggagahasa sa yaman ng bansa. Nariyan ang privatization, deregulation,
liberalization at kung ano-ano pang syon para wala talagang istorbo sa malayang

10
kalakalan at negosyo. Welcome to the free trade, welcome Globalization, welcome to
the World Trade Organization (WTO)!
(http://bmpncrr.blogspot.com/2012_03_01_archive.html)
Ikalawang Artikulo
Pinangangambahan ang Mas Nakababahaging Daigdig
Marahil ang pinakamalaking ikinababahala tungkol sa globalisasyon ay ang
ginawa nitong pagpapalawak sa agwat ng mayayaman at mahihirap. Bagaman ang
kayamanan sa daigdig ay walang alinlangang dumami, natipon naman ito sa iilang
tao lamang at sa iilang bansa. Ang neto na halaga ng mga ari-arian ng 200
pinakamayayamang tao sa lupa ngayon ay nakahihigit nang 40 porsiyento kaysa sa
pinagsama-samang kita ng mga taong nabubuhay sa planeta—humigit-kumulang
2.4 bilyon katao. At habang patuloy na tumataas ang mga kita sa mayayamang
bansa, nasaksihan mismo ng 80 naghihikahos na mga bansa ang pagbaba ng
katamtamang kita sa nakalipas na sampung taon.
Ang isa pang pangunahing ikinababahala ay ang kapaligiran. Ang
globalisasyon sa ekonomiya ay pinasigla ng mga impluwensiya ng pamilihan na mas
interesado sa kita kaysa sa pangangalaga sa planeta. Ipinaliwanag ni Agus
Purnomo, pinuno ng World Wide Fund for Nature sa Indonesia, ang hinggil sa
problema: “Tayo’y patuloy na nagkukumahog sa pagsulong. Nag-aalala ako na sa
loob ng isang dekada, tayong lahat ay magiging palaisip sa kapaligiran, subalit wala
nang matitira pa para pangalagaan.”
Ikinababalisa rin ng mga tao ang tungkol sa kanilang mga trabaho. Kapwa
ang mga trabaho at kinikita ay lalong nagiging di-tiyak, yamang ginigipit ng
pagsasama-sama ng mga kompanya sa daigdig at matinding kompetisyon ang mga
kompanya na gawing mas simple ang kanilang mga palakad. Ang pag-upa at
pagsisante ng mga manggagawa ayon sa kasalukuyang pangangailangan sa
pamilihan ay waring makatuwiran para sa isang kompanya na nababahala sa paglaki
ng kita nito, subalit nagdudulot ito ng labis na kaligaligan sa buhay ng mga tao.
Ang globalisasyon sa internasyonal na pangangapital at dayuhang pautang ay
nagharap ng isa pang salik para sa kawalang-katatagan. Maaaring magpautang sa
papaunlad na mga bansa ang mga pandaigdigang namumuhunan subalit sa dakong
huli ay biglang kukunin ang kanilang salapi kapag lumalala ang situwasyon sa
ekonomiya.
Ang gayong malakihang paglalabas ng salapi ay makapagpapabulusok sa
maraming bansa sa krisis sa ekonomiya. Ang krisis sa pananalapi sa Silangang Asia
noong 1998 ang nagpangyari na mawalan ng trabaho ang 13 milyong tao. Sa
Indonesia, nabatid mismo ng mga manggagawang hindi natanggal sa trabaho na
nabawasan nang kalahati ang halaga ng kanilang kinikita.
Kung gayon, mauunawaan na ang globalisasyon ay naghaharap ng mga
pangamba at gayundin ng mga pag-asa. May dahilan ka ba para pangambahan ang
globalisasyon? Inaasahan mo bang mas mapauunlad nito ang iyong buhay?
Nabigyan ba tayo ng dahilan para maging optimistiko hinggil sa hinaharap dahil sa
globalisasyon? Sasagutin ng ating susunod na artikulo ang mga katanungang iyan.
(http://wol.jw.org/en/wol/d/r27/lp-tg/102002361)

11
Suriin

Panuto: Ipaliwanag ang mga pangungusap sa ibaba. Mula sa mga artikulong iyong
nabasa. (5 points bawat isa)
1. Katanggap-tanggap sa karamihan bilang polisiyang pang-ekonomiya ang
globalisasyon.
2. Maraming Pilipino ang naging biktima ng mga elemento ng globalisasyon.
3. Masamang epekto dulot ng globalisasyon sa ekonomiya ng isang bansa lalo na
sa mga manggagawa.
4. Kailangan ng pamahalaan na gumawa ng mga pamamaraan upang di masyadong
maramdaman ang masamang epekto ng globalisasyon sa karaniwang
mamamayan.

Pagyamanin

Panuto: Basahin ang artikulong ito at alamin ang isyu ng paggawa bilang suliranin.

250 manggagawa sa Puerto Princesa, tumanggap ng benepisyo mula sa DOLE By


Leila B. DagotPublished on November 20, 2018
“Dapat bigyan ng karagdagang suweldo ang mga benepisyaryo ng ng “Tulong
Panghanapbuhay sa “Ating Disadvantaged/Displaced Workers” (TUPAD) nang sa
gano’n ay maka-sapat sa pangangailangan ng kanilang pamilya,” tinuran ni
Department of Labor and Employment Secretary Silvestre Bello lll nang siya ay
dumalaw sa Puerto Princesa at pinangunahan ang paggawad ng tulong pinansiyal
para sa pangkabuhayan ng mga benepisyaryo ng mga programa ng kagawaran.
(Leila B. Dagot/PIA-Palawan)
PUERTO PRINCESA, Palawan, Nobyembre 20 (PIA) -- Ipinamahagi na ng
Department of Labor and Employment (DOLE) ang suweldo ng 250 na mga
impormal na manggagawa sa lungsod ng Puerto Princesa na benepisyaryo ng
programang “Tulong Panghanapbuhay sa Ating Disadvantaged/Displaced Workers”
(TUPAD).
Sa ilalim ng programa, naatasan ang mga ito na maglinis ng mga pangunahing
baybayin ng lungsod sa loob ng 10 araw, at babayaran sila ng P300 kada araw, may
kasama pang insurance premium na kanilang magagamit sa loob ng isang taon.
Umaabot sa halos P900, 000 ang halagang ipinamahagi ng DOLE kasama na ang
mga kagamitan para sa kanilang personal na proteksiyon.
Pinangunahan ni Secretary Silvestre Bello lll ang pag-abot ng suweldo sa mga
manggagawa nang bumisita sa lungsod ang opisyal kamakailan, kung saan hiniling
niya na dagdagan pa ang halagang natanggap ng mga benepisyaryo.

12
Ang mga benepisyaryo ay pawang mga residente ng apat na barangay sa lungsod
na kinabibilangan ng Barangay Liwanag, Mandaragat, Maligaya at Bagong Silang na
walang permanenteng kinikita o di kaya’y hindi sapat ang sinasahod.
Katuwang ng DOLE sa pagpapatupad ng programa ang lokal na pamahalaan at
Government Service Insurance System. (LBD/PIAMIMAROPA-Palawan)

1. Ano-ano ang mga karapatan ng isang manggagawa?


___________________________________________________________________.
2. Ano ang ibat ibang uri ng mangggagawa ang nabanggit sa artikulo?
___________________________________________________________________.
3. Ano-anong mga suliranin sa paggawa ang nabanggit sa artikulo?
___________________________________________________________________.
4. Sa artikulong ito, ano ang mga sanhi ng di mapantayang puwersadong
pangingibang bansa ng mga manggagawang Pilipino?
___________________________________________________________________.

Isaisip

Sa ating pagpapatuloy, ating pag-aralan ang isang sipi ng artikulo sa susunod na


gawain.

Panuto: Atin namang silipin ang artikulong ito ng ilang beses upang matukoy ang
epekto ng pagkakamali sa patakaran. Upang mas mabigyang pansin ang mga
detalye, maaaring gumamit ng panulat na may kulay ang mga salita o pangungusap
na mahalaga.

Mga Pagkakamali sa Patakaran

May mga pandaigdigang pangyayari nitong mga nakaraang taon na labas sa


kontrol ng administrasyon. Gayunman, naroon na ang mga suliranin bago pa nito –
mahinang pag-unlad sa trabaho, pagbagsak ng manupaktura, mababang kita sa
kanayunan, at lumulubong impormal na ekonomiyang serbisyo. Ang mga suliraning
ito ay hindi pangunahing dahil sa sunud-sunod na krisis sa pagkain, langis at
pinansyal kundi dahil sa mga maling patakaran sa ekonomya.
Itinulak ng administrasyong Arroyo ang estratehiyang pang-ekonomiya na
itinindig sa mga patakarang “malayang pamilihan” ng globalisasyon – pag-alis ng
sagka sa kalakal, pagtanggal ng kontrol sa pamumuhunan, pagsapribado ng mga
pampublikong gamit at serbisyong panlipunan, deregulasyon, at tuluy-tuloy na
pagbabayad-utang. Itong masasaklaw na hakbang na ito ang pinakamalalaking salik
sa likod ng masahol na suliraning pang-ekonomiya ng bansa at kinakailangang
mabaligtad upang magkaroon ng pag-asang makaalis ang ekonomiya patungo sa
tunay na pag-unlad na panlipunan. Kahit ang korapsyon, na tunay namang lumala,
ay hindi nakalikha ng gayong kapinsalaan.
Agresibong niligawan ang mga dayuhang mamumuhunan at inengganyo ng
galanteng mga insentiba, pati ng kalayaang kumilos nang halos walang obligasyong
mag-ambag sa pag-unlad ng pambansang ekonomya. Ang mga imprastruktura sa
transportasyon, kuryente at tubig ay itinatag pangunahin para pagsilbihan ang
13
pangangailangan ng malalaking dayuhan at lokal na interes sa negosyo. Hango mula
sa: http://www.ibon.org/ibon_features.php?id=86

Panuto: Buuhin ang Cluster Map tungkol sa pangunahing kaisipan ng artikulo bilang
buod.

Isagawa

Panuto: Bumuo ng awit o rap tungkol sa tema ng mga suliranin ng mga


manggagawa na dulot ng globalisasyon. Maging malikhain sa paggawa gamit ang
rubrik sa ibaba bilang gabay sa gawain.

Pamantayan Katangitangi Mahusay Katamtaman Kailangan pa


ng dagdag na
pagsasanay

14
Angkop ang tema sa
himig ng awit o rap

Maliwanag ang
mensaheng nais
iparating ng awit o
rap

Makabuluhan ang
menaheng nais
iparating ng awit o
rap

Kakaiba at kawili
wili ang ginawang
awit-o rap

Puntos Kahulugan
15-16 Katangi-tangi
11-14 Mahusay
7-10 Katamtaman
4-6 Kailangan pa ng dagdag na pagsasanay

Tayahin

Binabati kita! Narating mo na ang bahagi kung saan ay tatayahin ang iyong
nalalaman sa araling ito. Isulat ang letra ng iyong napiling sagot. Makikita mo lamang
ang kabuuan ng iyong nakuha pagkatapos mong masagutan ang lahat ng aytem.
Kung mataas ang iyong makukuha at makakapasa, maaari ka nang magpapatuloy
sa susunod na modyul. Subalit kung ang iyong nakuha ay mababa sa hinahangad na
lebel, kailangan mong balikan ang modyul na ito.

Panuto: Piliin sa kahon ang akmang sagot sa bawat pangungusap.

Outsourcing
PD 442
Kontraktwalisasyon
15
Iskemang Subcontracting
Mura at Flexible labor
RA 6715
Kontraktwalisasyon DOLE

______1. Ito ay pagkuha ng isang kompanya sa isang ahensiya o indibidwal na


subcontractor upang gawin ang isang trabaho o serbisyo sa isang takdang
panahon.
______2. Ito ay paraan ng mga mamumuhunan na palakihin ang kanilang kinikita at
tinutubo sa pamamagitan ng pagpapatupad ng mababang pasahod at
paglilimita sa panahon ng paggawa ng mga manggagawa.
______3. Paglipat ng gawain ng isang kompanya tungo sa ibang kompanya na ang
pangunahing dahilan ay mapagaan ang gawain upang mapagtuunan ng
pansin ang higit na magpapalaki ng kanilang kita.
______4. Isa sa mga iskema upang higit na pababain ang sahod, tanggalan ng
benepisyo, at tangalan ng seguridad sa trabaho ang mga manggagawa.
______5. Batas kung saan nagkakaroon ng pagpapakontrata ang mga trabaho.
II. Tama o Mali. Kilalanin kung TAMA o MALI ang mga pangungusap at isulat sa
patlang ang sagot.

______6. Ang Kontraktwalisasyon ay isang suliranin sa paggawa.


______7. Pareho ang minimum wage sa rural at urban areas.
______8. Mahalagang maunawaan ang mga batas na nagbibigay proteksiyon sa
paggawa.
______9. Isa sa mga sektor sa Pilipinas ang lubhang naapektuhan ng globalisasyon
ay ang serbisyo.
______10. Sektor ng agrikultura ang may pinakamalaking bahagdan na maraming
naempleyong manggagawa dulot ng globalisasyon.
III. Piliin ang titik ng tamang sagot.
______11. Ang Pilipinas ay kikilalanin bilang bagong ____ sa Timog Silangang
Asya. Mula sa mahirap at naghihingalo ay tatanghalin bilang bansang
may pinakamabilis na ratio ng pag-unlad.
A. Tigre sa ekonomiya
B. Ibong lumilipad
C. Lion na matapang
D. Kampeon
______12. Ang mga sumusunod ay mga halimbawa ng suliranin ng mga
manggagawa maliban sa isa.
A. Murang Pasahod
B. Endo
C. Kulang ng Benepisyo
D. Bunos
______13. Paano tinutugunan ng pamahalaan ang pang-aabusong nararanasan ng
mga manggagawa nito sa ibang bansa?
A. Binibigyan ng legal assistance
B. Counseling
C. Pinapauwi
D. Pinapakulong ang may sala

16
______14. Paano nakaapekto ang kontraktuwalisasyon sa mga manggagawang
Pilipino?
A. Walang karampatang sahod
B. Walang benepisyo ayon sa batas na tinatamasa ng mga
manggagawang regular
C. Walang katiyakan ang kanilang hanapbuhay
D. Hindi sila kasama sa bargaining unit.
______15. Ikaw ay isang kawani ng Department of Agrarian Reform, ano ang maari
mong maimungkahi sa pangulo na siyang makakatulong sa
pagpapaunlad ng ating agrikultura?
A. Pag-aralin ang mga magsasaka upang lumawak ang kanilang
kaalaman sa pagsasaka.
B. Magkaroon ng pangmatagalang programa para sa magsasaka na
nagbibigay sa kanila ng pondo upang makabili ng sapat na pataba, butil
at makabagong teknolohiya upang maparami ang kanilang ani.
C. Mamahagi ng lupa sa mga magsasaka upang lumaki ang kita nila.
D. Bigyan pa ng iba pang hanapbuhay ang mga magsasaka upang
magkaroon sila ng sapat na kita para sa kanilang kabuhayan.

Aralin Isang Sulyap sa Pandaigdigang


3 Organisasyon sa Paggawa

Tuklasin

Alam kong handa ka nang tuklasin ang mga karunungan na iyong


matututuhan sa araling ito. Ang gawaing inilaan ay makatutulong sa iyo upang
masubok ang iyong kakayahan at pag-unawa. Natunghayan mo sa nakalipas na
paksa ang implikasyon sa suliranin ng mga manggagawang Pilipino sa kasalukuyan.
Tatalakayin dito ang mga programa na nakatutulong ng mga manggagawang
Pilipino.

Panuto: Basahin ang artikulong ito at sagutin ang bawat tanong:


Programang pangkabuhayan para sa mga marginalized na manggagawa
website www.dole.gov.ph at sa BWSC website www.bwsc.dole.gov.ph/. (DOLE-PR)
September 29, 2017
Sa layunin na tulungan na madagdagan ang kanilang kita, hinihikayat ang
mga marginalized na manggagawa na pakinabangan ang mga
programangpangkabuhayan mula sa labor department. Sinabi ni Labor
Undersecretary Joel Maglunsod na mayroong programang pangkabuhayan ang
17
DOLE na mapapakinabangan ng mga manggagawang nasa vulnerable sector upang
madagdagan ang kita ng kanilang pamilya.
Sa kanyang pagsasalita sa ginanap na Manila Workers Unity Workers
Consultation Assembly “Usapang Obrero” sa Sta. Ana, Manila, sinabi ni Maglunsod
na patuloy ang pamahalaan sa layunin nito na mahinto ang illegal contracting at
subcontracting, at ang “endo.”
“Ang pagpupulong tulad nito ay isang paraan upang maipaabot ang inyong
mga hinaing. Maaari kayong kumunsulta sa ating attached agencies dahil ang labor
department ay nag-aalok ng iba’t ibang serbisyo at programang pangkabuhayan na
makakatulong sa inyo upang maragdagan ang kita ng inyong pamilya,” ani
Maglunsod.
Tinalakay ni Director Ma. Karina Perida-Trayvilla ng Bureau of Workers with
Special Concerns (BWSC) ang programang DOLE Integrated Livelihood Program
(DILP) na naglalayong makalikha ng negosyong lokal tungo sa karagdagang self-
employment at productivity sa lahat ng rehiyon.
Nilalayon ng DILP na tulungang mapalakas ang kakayahan ng mga mahihirap
at marginalized na manggagawa sa pagbibigay ng capacity building para sa kanilang
binabalak na negosyo, ito man ay indibidwal o grupong proyekto. “Sa isang
karaniwang pamilya, dalawa dapat ang nagtatrabaho. Mayroong matatag na
mapagkukuhanan ng kita para ang isang pamilya ay may maayos na tahanan, sapat
na pagkain, at maayos na pananamit at edukasyon para sa kanilang mga anak. “Ito
ang nilalayon ng mga programang-pangkabuhayan ng DOLE: ang mabigyan ang
mga manggagawa o ang kanilang may-bahay ng oportunidad na magtayo ng sarili
nilang negosyo,” ani Trayvilla.
Sa ilalim ng DILP, ang kwalipikadong organisasyon na binubuo ng 15-25
miyembro ay maaaring makatanggap ng tulong-pinansiyal na hanggang
P250,000.00 para sa Micro-Livelihood group project; ang 26-50 miyembro ay
maaaring mag-aplay ng tulong-pinansiyal na hanggang P500,000.00 para sa
kanilang Small Livelihood; at para sa Medium Livelihood, ang organisasyon na may
50 miyembro ay maaaring makatanggap ng tulong-pinansiyal na hanggang
P1,000,000.00, depende sa pangangailangan ng kanilang proyekto.
Ang organisasyong mag-aaplay para sa group livelihood project ay dapat
mayroong Project Management Team at profit sharing scheme, at ito ay
kinakailangang nakasaad sa business plan/proposal at sa Memorandum of
Agreement.
Sa kabilang banda, ang indibidwal na benepisaryo ay maaaring makatanggap
ng DOLE Starter Kit o Negosyo sa Kariton (Nego-Kart) at tulong pinansiyal na
hanggang P20,000.00, depende sa kinakailangan ng proyekto.
Tanong:(10 points bawat sagot)
1. Ano-anong uri ng manggagawa ang nabanggit sa ulat?
2. Anong programa para sa manggagawa ang inilatag? Magbigay ng tatlo.
3. Sa mga programang binanggit, makatutulong ba ito sa mga manggagawang
Pilipino? Paano? Ipaliwanag.

18
Suriin

ISANG SULYAP SA ILO

Ang Pandaigdigang Organisasyon sa Paggawa o International Labour Organization


(ILO) ay ang ahensya ng United Nations na nakalaan para magtaguyod ng mga
oportunidad ng mga babae at mga lalaki upang sila’y magkaroon ng marangal at
mapagkakikitaang trabaho sa kondisyong malaya, may pagkapantaypantay, ligtas, at
may pagkilala sa dignidad ng tao. Ang mga pangunahing layunin nito ay itaguyod
ang

mga karapatan sa trabaho, isulong ang mga pagkakataon para sa marangal na


trabaho, pagbutihin ang proteksyong panlipunan, at palakasin ang mga diyalogo ukol
sa mga usaping may kinalaman sa pagtratrabaho.
Ang ILO lamang ang ahensya ng United Nations na may tatluhang-panig o
“tripartite” sapagkat tinitipon nito ang mga kinatawan ng gobyerno, manggagawa at
nagpatratrabaho, upang samasama silang makapagbuo ng mga polisiya at
programa. Ang ILO ay pandaigdigang lupon na may responsibilidad sa pagtatakda at
pamamahala ng mga Pamantayang Pandaigdigan para sa Paggawa. Kasama ang
179 na mga miyembrong bansa, gustong tiyakin ng ILO na ang mga Pamantayan
para sa Paggawa ay iginagalang sa pamamagitan ng pagsasakatuparan nito at
gayun din bilang prinsipyo.
Ang ILO ay itinatag noong 1919, bilang bahagi ng Treaty of Versailles na
tumapos sa Unang Digmaang Pandaigdig, upang bigyang buhay ang paniniwala na
ang pangmatagalan at pangkalahatang kapayapaan ay matatamo lamang kung
nananaig ang katarungan sa lipunan. Ang mga nagtatag ng ILO ay nakatalaga sa
pagpalaganap ng mga kondisyon sa trabaho na makatao, at sa paglaban sa kawalan
ng katarungan, labis na pagdurusa at kahirapan. Noong 1944, sa isa pang panahon
ng pandaigdigang krisis, ang mga miyembro ng ILO ay pinanghawakan ang mga
layuning ito sa pamamagitan ng pagtibay ng Deklarasyon sa Philadelphia na
nagsasabing ang trabaho ay hindi ikinakalakal.
Isinaad din sa Deklarasyon ang mga pangunahing karapatang pantao at
karapatang pang-ekonomiya sa ilalim ng prinsipyo na “saan man naroroon ang
kahirapan, ito ay banta sa pag-unlad ng kabuhayan.” Noong 1946 ang ILO ay naging
unang ahensyang may espesyalisasyon na nakaugnay sa bago pa lamang naitatag
na United Nations. Sa ika 50 anibersaryo nito noong 1969, ang ILO ay
pinagkalooban ng karangalang Nobel Peace Prize.
Ang mabilis na pagdami ng mga bansang kabilang sa ILO sa mga dekada
pagkatapos ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig ay nagdulot ng malaking
pagbabago. Nagtaguyod ang organisasyon ng mga programa para sa pagbibigay ng
teknikal na tulong upang makapagbahagi ng dunong at ayuda sa mga gobyerno,
mga manggagawa, at mga nagpatratrabaho sa buong mundo, lalung-lalo na sa mga
bansang hindi pa maunlad. Sa mga bansang katulad ng Poland, Chile at South
Africa, ang malakas na suporta ng ILO para sa pagsusulong ng karapatan ng mga
manggagawa ay nakatulong sa laban para sa kalayaan at demokrasya.
Ang isa pang mahalagang petsa para sa ILO ay ang taong 1998, nang
pinagtibay ng mga delegado sa Pandaigdigang Kumperensya Ukol sa Paggawa o
International Labour Conference ang Deklarasyon para sa mga Pangunahing
19
Prinsipyo at Karapatan sa Trabaho. Ang mga ito ay ang karapatan sa kalayaang
magkapisanan, sa nagkakaisang pagsusulong ng halagang dapat kitain, at pag-aalis
ng bata sa mapanganib na trabaho, sapilitang paggawa at diskriminasyon sa
trabaho. Ayon sa deklarasyon ay mahalaga na garantiyahan ang mga pangunahing
prinsipyo at karapatang ito sa trabaho, dahil binibigyan nito ng kakayahan ang mga
tao na “malayang angkinin, ayon sa prinsipyo ng pagkapantay-pantay sa
oportunidad, ang nararapat nilang bahagi sa kayamanang tinulungan nilang makamit
at makamtan ang kaligayahang dulot ng pagbubuhos ng kakayahan bilang tao.
Ang karapatan ng mga manggagawa at ng mga nagpatratrabaho na magbuo
at makilahok sa mga organisasyon na kanilang pinili ay mahalagang bahagi ng isang
malaya at bukas na lipunan. Ito ay pangunahing kalayaan ng tao na nagsisilbing
batong-panulukan para sa kaunlaran ng lipunan at ng ekonomiya. Hindi maihihiwalay
dito ang epektibong pagkilala sa karapatan sa kolektibong pakikipagkasundo. Ang
pagkakaroon ng boses at representasyon ay mahalagang bahagi ng pagkakaroon ng
marangal na trabaho.

Ang pagkakaroon ng malayang organisasyon para sa mga manggagawa at


nagpatratrabaho ay nagsisilbing pundasyon sa istrukturang tatluhang-panig o
tripartiteng ILO, at ang pakikilahok ng mga ito sa mga gawain ng ILO at sa mga
polisiya nito ay tuwiran o di tuwirang nagpatitibay sa kalayaang magkapisanan. Mula
sa pagpapayo sa mga gobyerno ukol sa pagbuo ng batas para sa manggagawa
hanggang sa pagbibigay ng edukasyon at pagsasanay sa mga grupo ng mga
manggagawa at ng mga nagpatratrabaho, ang ILO ay kabahagi sa pagtataguyod ng
kalayaang magkapisanan. Ang Komite ng ILO para sa pagsusulong ng Kalayaang
Magkapisanan o Committee on Freedom of Association ay itinatag noong 1951
upang siyasatin ang mga paglabag sa mga karapatan ng mga manggagawa at mga
nagpatratrabaho na mag-organisa. Ang komite ay nakapagsuri na ng mahigit sa
2,000 kaso katulad ng mga alegasyon ng pagpatay, di maipaliwanag na pagkawala,
mga pananakit sa pisikal na katawan, mga pag-aresto, at sapilitang pagpatatapon ng
mga opisyal ng mga grupo ng manggagawa.
Ang komite ay tatluhang-panig o tripartite at hinaharap nito ang mga reklamo
sa mga bansang miyembro ng ILO, kahit hindi pa naratipikahan ng mga ito ang mga
kombensyon para sa kalayaan na magkapisanan.
Sa pamamagitan ng komite para sa kalayaan na Magkapisanan at iba pang
mekanismo ng pamamahala, malimit na ipinagtatanggol ng ILO ang mga karapatan
ng mga grupo ng mga manggagawa at mga organisasyon ng mga nagpatratrabaho.
Sa maraming pagkakataon, ang mga organisasyong ito ay may ginagampanang
mahalagang papel sa pagbabago ng kanilang bansa tungo sa demokrasya.

“Ang pangmatagalan at pangkalahatang


kapayapaan ay maitatatag lamang
kung may katarungang nananaig sa lipunan.”
Saligang Batas ng ILO, 1919
Panuto: Sundin ang rubrik bilang gabay sa paggawa ng gawain.
Rubrik sa Malikhaing Gawain
Pamatayan Katangitangi Mahusay Katamtaman Kailangan pa ng
dagdag na
pagsasanay
20
Wasto at mahalaga ang
mensaheng binigyan ng
interpretasyon.
Mabisang nilalahad ang
mensahe.
Angkop na angkop sa
paksa ang mga ginamit
na estilo at materyales.
Masining ang pagkalahad
ng gawain.
Wasto at mahalaga ang
mensaheng binigyan ng
interpretasyon.

Puntos Kahulugan
18-20 Katangi-tangi 8-12 Katamtaman
13-17 Mahusay 5-7 Kailangan ng dagdag na pagsasanay

Pagyamanin

Ang trabaho ay napakahalaga sa buhay ng tao. Dagdag pa sa pagbibigay ng


kita, ang trabaho ay daan tungo sa mas malawak na pag-unlad sa lipunan at
ekonomiya, na nagiging sanhi ng lakas sa bawat tao, sa kanilang mga pamilya at sa
komunidad. Gayunman, ang pag-unlad na ito ay naka-angkla sa isang marangal na
trabaho. Ang pagkakaroon ng marangal na trabaho ay kabuuan ng mga hangarin ng
mga tao sa kanilang buhay. Nakapaloob dito ang mga oportunidad na nagbubunga
at nagbibigay ng magandang kita, kaligtasan sa lugar ng trabaho at proteksyong
panlipunan para sa mga pamilya.
Ang pagkakaroon ng marangal na trabaho ay nangangahulugan ng mas
magandang pagkakataon para sa pagpapaunlad ng sarili at pagiging bahagi ng
lipunan; malayang pagpapahayag ng mga tao ng kanilang mga usapin, malayang
pag-oorganisa at pakikilahok sa mga desisyong makaaapekto sa kanilang buhay.
Upang makamit ito, kinakailangan ang pantay-pantay na pagtrato at oportunidad
para sa lahat ng mga babae at mga lalaki.
Ang pagkakaroon ng marangal na trabaho ang siyang susi upang lubos na
mawala ang kahirapan. Kung ang mga babae at mga lalaki ay magkakaroon ng
marangal na trabaho, maaari silang makibahagi sa lumalagong integrasyon ng
internasyonal na ekonomiya. Ang pagbibigay ng oportunidad sa mas maraming tao
upang magkaroon sila ng marangal na trabaho ay napakahalagang elemento upang
mas maraming makibahagi sa globalisasyon at tratuhin nitong pantay ang lahat.
Kung gayon, ang paglikha ng marangal na trabaho ay dapat nasa puso ng mga
polisiya para sa kaunlaran.
Panuto: Isa-isahin ang mga batas o polisiya ng pamahalaan na nagpapatibay sa
isyu ng paggawa sa bansa at paano ito nakaapekto sa mga manggagawang

21
Pilipino?

Mga Batas o Polisiya Paano ito nakakaapekto sa mga


manggagawa

Isaisip

Ang papel ng ILO sa pagsusulong ng mga istratehiya para sa globalisasyon


na may pantay na pagtrato sa lahat ay pinagtibay ng ulat ng pandaigdig na komisyon
para sa Dimensyong Panglipunan ng Globalisasyon o World Commission on the
Social Dimension of Globalization.
Ang motibasyong ito ay ang pagtataguyod ng marangal na trabaho ay nasa
kabuuan ng ILO, at kasama rito ang ginagawa ng organisasyon sa antas na pang-
internasyonal, pang-rehiyon, pambansa, at panglokal. Sa pagtitipon sa mga
gobyerno, mga nagpatratrabaho at mga manggangawa upang lumikha ng mga
panuntunan sa trabaho, manguna sa pagsasagawa ng mga ito, magpalaganap ng
kaalaman, magbuo ng mga polisiya, at lumikha ng mga programa, nilalayon ng ILO
na siguruhing ang mga pagsisikap na ito ay nakaugat sa mga pangangailangan ng
mga manggagawang babae at lalaki.
Ang ILO ay aktibong nakikipag-ugnayan sa UN at sa iba pang mga multilateral
na ahensya upang magbuo ang mga programa at polisiya na susuporta sa paglikha
ng mga oportunidad para sa pagkakaroon ng marangal na trabaho. Ito ang
pinakasentrong programa sa mga pagsisikap na bawasan at sugpuin
ang kahirapan.

Isagawa

Panuto: Magpost nga isang katanungan tungkol sa mga kasalukuyang tinatamasa


ng mga manggagawang Pilipino sa social media. Mag-engganyo ng mga kakilala na
sumagot para makakuha ng mga ideya tungkol sa paksa.

22
Tayahin

Binabati kita! Narating mo na ang bahagi kung saan ay tatayain ang iyong
nalalaman sa araling ito. Isulat ang letra ng iyong napiling sagot. Makikita mo lamang
ang kabuuan ng iyong nakuha pagkatapos mong masagutan ang lahat ng aytem.
Kung mataas ang iyong makukuha at makakapasa, maaari ka nang magpapatuloy
sa susunod na modyul. Subalit kung ang iyong nakuha ay mababa sa hinahangad na
lebel, ikaw ay kinakailangang bumalik at kunin ulit ang modyul na ito.

Panuto: Piliin sa kahon ang akmang sagot sa bawat pangungusap.

United Nations 179

International Labour Organization Pandaigdigang Lupon

1998 190 1946

Novel Peace Prize “tripartite”

_______________1. Ang ILO ay may tatluhang-panig o _____sapagkat tinitipon nito


ang mga kinatawan ng gobyerno, manggagawa at
nagpatratrabaho, upang sama-sama silang makapagbuo ng
mga polisiya at programa.
_______________2. Ang ILO ay aktibong nakikipag-ugnayan sa _____at sa iba
pang
mga multilateral na ahensya upang magbuo ng mga programa
at
polisiya na susuporta sa paglikha ng mga oportunidad para sa
pagkakaroon ng marangal na trabaho.
_______________3. Noong _____ ang ILO ay naging unang ahensyang may
espesyalisasyon na nakaugnay sa bago pa lamang naitatag na
United Nations. Sa ika 50 anibersaryo nito noong 1969, ang
ILO ay pinagkalooban ng karangalan.
_______________4. Sa ika 50 na anibersaryo ng ILO natanggap ang kalarangalang
___________________.
_______________5. Ang ILO ay tinatawag na ____na may responsibilidad sa
pagtatakda at pamamahala ng mga Pamantayang
Pandaigdigan para sa Paggawa.
_______________6. Ilan ang mga bansang miyembro ng ILO?
23
_______________7. Ang isa pang mahalagang petsa para sa ILO ay ang taong
______, nang pinagtibay ng mga delegado sa Pandaigdigang
Komperensya Ukol sa Paggawa
_______________8. Deklarasyon para sa mga Pangunahing Prinsipyo at Karapatan
sa Trabaho.
II. Isulat ang tamang sagot sa bawat bilang.
_______________9. Proseso ng mabilisang pagdaloy o paggalaw ng mga tao,
bagay, impormasyon at produkto sa iba’t ibang direksyong
sektor sa Pilipinas, ang lubhang naapektuhan ng
globalisasyon ay ang Agrikultura.
_______________10. Sektor _______ ang may pinakamalaking bahagdan na
maraming na empleyong manggagawa dulot ng globalisasyon.
_______________11. Ang ahensiyang ito ay nangangasiwa at tumutulong sa mga
manggagawang Pilipinong nakaranas ng mga suliranin tulad
ng pang-aabuso at walang pasahod.
_______________12. Tumutukoy sa mga trabaho, empleyo, pinagkakitaan o
negosyo at gawain.
_______________13. Pang ilang taong anibersaryo ng Pandaigdigang
Organisasyon sa Paggawa na nakatanggap ng Nobel Peace
Prize?

_______________14. Ang Komite na itinatag ng ILO noong 1951 upang siyasatin


ang mga paglabag sa mga karapatan ng mga manggagawa
at mga nagpatratrabaho.
_______________15. Ang komite na hunaharap sa mga reklamo ng mga bansang
miyembro ng ILO.

Implikasyon sa Suliranin sa
Aralin
Paggawa sa Iskemang Sub-
4
Contracting

Tuklasin

Matapos mong malaman ang implikasyon sa suliranin sa sektor ng serbisyo,


lilinangin ang iyong kaalaman sa tulong ng modyul na ito. Ang mga gawaing inihanda
ay siguradong makatutulong upang mahasa ang iyong isip at madagdagan ang iyong
kaalaman sa mga bagong gawain sa araling ito.
Iskemang Subcontracting
Bunsod din ng globalisasyon mas naging mabilis ang pagdating ng mga
dayuhang namumuhunan na mas pinatingkad naman ng kumpetisyon sa hanay ng
mga dayuhan at lokal na kompanya at korporasyon sa bansa. Dahil dito mas
24
nahikayat ang mga namumuhunan na pumasok sa bansa at hindi na naiwasang
mapalaganap ang iskemang subcontracting sa paggawa sa bansa na naging
malaking hamon sa pagpapaangat ng antas ng pamumuhay ng uring manggagawa.
Matutunghayan sa Talahanayan 1 ang kabuuan ng mga manggagawa na nasa
kategoryang non-regular o mga manggagawang di-regular o kontraktuwal.
Mapapansin din sa talahanayan ang patuloy na paglago ng bilang mga uring
manggagawa na di-regular o nasa ilalim ng iskemang ito.
Ang iskemang subcontracting ay tumutukoy sa kaayusan sa paggawa kung
saan ang kompanya (principal) ay komukontrata ng isang ahensiya o indibidwal na
subcontractor upang gawin ang isang trabaho o serbisyo sa isang takdang panahon.
May dalawang umiiral na anyo ng subcontracting ito ay ang:
Ang Labor-only Contracting na kung saan ang subcontractor ay walang sapat na
puhunan upang gawin ang trabaho o serbisyo at ang pinasok niyang manggagawa
ay may direktang kinalaman sa mga gawain ng kompaya;
Ang job-contracting naman ang subcontrator ay may sapat na puhunan para
maisagawa ang trabaho at mga gawain ng mga manggagawang ipinasok ng
subcontractor. Wala silang direktang kinalaman sa mga gawain ng kompanya. Hindi
pinapayagan sa batas ang job-contracting dahil naaapektuhan nito ang seguridad ng
mga manggagawa sa trabaho.

Talahanayan 1
Non-Regular Employment in Establishments with 20 or More Workers by
Category, Philippines: 2016

Panuto: Suriing mabuti ang talahanayan sa itaas at sagutin ang mga katanungan.
1. Anong sektor ang nangunguna sa datos ng maraming manggagawa?

25
2. Anong industriya ang may maraming regular employee? Kontraktuwal?
3. Base sa datos, masasabi mo ba na maganda ang status ng mga manggagawa? Bakit?

Suriin

'Labor-only contracting': Paano mawawakasan ng panukalang batas?


ABS-CBN News
Posted at Apr 17 2018 11:38 PM
Endo ang tawag sa paulit-ulit na pagsailalim ng mga manggagawa sa iilang
buwang kontrata lamang sa trabaho kaya hindi sila maging regular na empleyado at
nagkaroon ng benepisyong ibinibigay sa regular na manggagawa.
Partikular na tinutukan ng naturang panukalang batas ang ilegal na kalakaran
ng "labor-only contracting."
"Kapag sinabi kasi nating labor-only contracting, ito na 'yong sinasabi nating
contractualization, nagkokontrata ka ng trabaho," ayon sa abogadong si Atty. Claire
Castro sa programang "Usapang de Campanilla" ng DZMM.
Kadalasan, sa ilalim ng labor-only contracting, sa halip na contractor ang
direktang may hawak sa mga manggagawang ipinasok sa isang kompanya,
mismong

ang kompanya na ang may kontrol sa pagtatrabaho ng mga manggagawa ng


contractor.
"Halimbawa, sa isang mall, ako 'yung labor-only contracting, ipapasok ko
halimbawa yung mga saleslady ko, pero wala akong kontrol, hindi ko sila
makokontrol kapag nandodoon sila sa loob, kasi ang may kontrol na doon, kung sino
'yung head ng employer," paliwanag ni Castro.
Ayon kay Castro, isa sa mga pagtitiyak ng panukalang batas para hindi na
mangyayari ang labor-only contracting ay ang pagbabawal na ipasok ang mga
manggagawa ng job contractor sa trabahong nasa linya talaga ng negosyo ng
kompanya.
Kunwari sa isang mall, hindi puwedeng ipaubaya ng pamunuan ng mall sa
contractor lamang ang mga trabahong pang-saleslady at kahera dahil direkta itong
may kinalaman sa operasyon ng mall.
Gayunman, puwedeng kumuha ang mall ng contractor na magsu-supply ng
janitors dahil iyon ay trabahong hindi mismo nakaugnay sa operasyon ng mall.
Dagdag pa ni Castro, mas pinalaki na rin ang kinakailangang kapital ng isang
job contractor at kailangan nang kumuha ng lisensiya.
"Kailangan silang magpa-license, every three years magpapa-license sila, at
mayroon silang permit fee o license fee," ayon kay Castro.
Paliwanag ni Castro, gagamitin ang lisensiya para makita kung bayad ang
benepisyo ng mga manggagawa na hawak ng job contractor.
Nauna nang sinabi ng Malacañang na walang kapangyarihan ang ehekutibo
para tapusin ang endo.
Dapat daw kasi ay magkaroon ng batas mula sa lehislatibo para magkaroon
ng ngipin ang reglamento kontra end of contract.

26
https://news.abs-cbn.com/news/04/17/18/labor-only-contracting-paano-mawawakasanng-
panukalang-batas
Panuto: Gumawa ng slogan tungkol sa paksang napag-aralan. Ipakita sa iyong
guro at pagkatapos sumulat ng paliwanag ukol dito. Gamitin ang rubric bilang gabay.
Napakahusay Mahusay Katamtaman Kailangan pa ng
Dagdag na
Pagsasanay
4 3 2
1
Malinaw na nailahad Hindi gaanong May kalabuan Malabo ang
ang mensahe. malinaw ang ang mensahe. mensahe.
mensahe.
Wasto at kumpleto sa Wasto ngunit May ilang mali Mali ang mensahe.
detalye ang mensahe. hindi sapat sa mga detalye
ang mensahe ang mensahe.
Napakamasining ang Masining ang Ordinaryo ang Magulo ang
pagkagawa pagkagawa. pagkagawa. pagkakagawa.
Puntos Kahulugan
11-12 Napakahusay
8-10 Mahusay
5-7 Katamtaman
3-4 Nangangailangan ng dagdag na pagsasanay

Pagyamanin

Subcontracting Ipagbabawal na–DOLE


December 22, 2016 Filed under Balita Posted by Balita Online RSS Feed
Sa ilalim ng bagong polisiya ng Department of Labor and Employment
(DOLE), na inaasahang ilalabas sa susunod na linggo, ipagbabawal na ang
subcontracting.
“We intend to come out with a department order that will strengthen the statutory
provision on contractualization so that if you are a contractor, you will not longer be
allowed to subcontract,” pahayag ni DoLE Secretary Silvestre Bello III sa press
conference sa Maynila kahapon.
Ayon kay Labor Undersecretary Dominador Say, plano nilang alisin ang
subcontracting o pagtanggap ng mga contractor ng serbisyo sa ibang kumpanya
upang makumpleto ang mga kondisyon sa kanilang kontrata, para maprotektahan
ang mga contractual worker mula sa “fly-by-night” contractors.
“If they (contractors) are financially capable then they should be able to finish
the service on their own account,” ani Say.

27
Sinabi ni Say na, “Before we could call them legitimate contractors or businessmen,
they should have a decent capital, in which case we will be requiring them to post a
bond registration.”
Sa ilalim ng ipinanukalang department order, kinakailangan na ring
magkaloob ng mga contractor ng oportunidad sa kanilang mga contractual worker
kapag nakumpleto ang kanilang napagkasunduang serbisyo.
“Within three months, if the contractor fails to provide a alternate job for their
employees the contractor will be required to pay their separation pay,” sambit ni Say.
Ayon kay Say, pinag-aaralan na rin nila ang posibilidad na pagkalooban ng
mga contractor ng financial assistance ang kanilang mga unemployed employee na
katumbas ng kalahati ng isang buwang suweldo hanggang sa sila’y magkaroon ng
bagong trabaho. (Samuel Medenilla – nag-uulat)

Panuto: Basi sa balita na inilahad, isulat ang mabuti at di-mabuting dulot ng


subcontracting sa Pilipinas.

Mabuting dulot ng subcontracting Di-mabuting dulot ng Subcontracting

1.
2.
3.

Isaisip

Panuto: Sagutin ang mga katanungan. (5 points bawat sagot)


1. Nakikita mo ba ang iyong sarili sa hinaharap bilang isang manggagawa?
2. Saang sektor mo gustong magtrabaho at bakit? Ipaliwanag ang iyong sagot.
3. Kailangan bang tapusin ang sub-contracting? Bakit? Panindigan.

Isagawa

Panuto: Maghanap ng isang kamag-anak o kakilala na nagtratrabaho bilang isang


manggagawa sa subcontracting company. Mag-interview tungkol sa mga isyu at
suliraning nararanasan bilang manggagawa. Gumawa ng 3 minutong report gamit
ang video recorder o voice recorder.
(Ang guro ay gagawa ng rubrics bilang pamantayan sa markahan)

28
Tayahin

Panuto: Kilalanin kung TAMA o MALI ang mga pangungusap at isulat sa patlang b
ang sagot.
_____1. Endo ang tawag sa paulit-ulit na pagsailalim ng mga manggagawa sa iilang
buwang kontrata sa trabaho
_____2. Ang iskemang subcontracting ay tumutukoy sa kaayusan sa paggawa kung
saan ang kompanya (principal) ay komukontrata ng isang ahensiya o
indibidwal na subcontractor upang gawin ang isang trabaho o serbisyo sa
isang takdang panahon.
_____3. May apat na anyo ang umiiral sa subcontracting.
_____4. Labor-only Contracting na kung saan ang subcontractor ay walang sapat na
puhunan upang gawin ang trabaho o serbisyo at ang pinasok niyang
manggagawa ay may direktang kinalaman sa mga gawain ng kompanya.
_____5. Job-mismatch naman ang subcontrator ay may sapat na puhunan para
maisagawa ang trabaho at mga gawain ng mga manggagawang ipinasok ng
subcontractor.
_____6. Wala silang direktang kinalaman sa mga gawain ng kompanya ang anyong
job-contracting.
_____7. Departamentong nangangalaga ng mga manggagawa sa Pilipinas ay
DSWD.
_____8. Pabor sa mga negosyante ang iskemang subcontracting.
_____9. Ang mga manggagawa sa sub-contracting ay may hindi permanenting
tauhan.
_____10. Pantay-pantay ang benipisyong natatangggap ng mga regular at
kontraktwal na manggagawa.

Implikasyon sa Suliranin sa
Aralin Paggawa ang Unemployment,
5 Underemployment at
Selfemployment

Tuklasin

Matapos mong malaman ang implikasyon sa suliranin sa paggawa ukol sa


iskemang sub-contracting, ihanda ang iyong sarili sa bagong paksa. Ngayon ay
iyong lilinangin ang mga kaalamang ito sa tulong ng modyul, at mga gawain na
inihanda upang maging batayan mo. Mula sa inihandang gawain sa modyul ay
29
inaasahang gagabay ito sa iyo upang malaman ang hamon ng globalisasyon bilang
isa sa implikasyon at maaari mo itong gamitin bilang gabay sa inyong kaalaman sa
mga pangyayari sa lipunan. Halina’t umpisahan mo sa pamamagitan ng pagsagot sa
mga gawain.
Unemployment and Underemployment
May mataas na demand para sa globally standard na paggawa, at pagtugon na
isinasagawa ng ating pamahalaan tungkol sa hamon ng globalisasyon sa paggawa.
Sa kasalukuyang datos ayon sa ulat ng Philippine Statistics Authority (PSA, 2016),
ipinakita ang lumalaking puwersa sa paggawa na umabot na sa 63.4 milyon,
(tunghayan ang Talahanayan 2.5) umaabot sa 2.7 milyon ang walang trabaho,
samantalang nasa 7.4 milyon ang underemployed.
Isang milyong Overseas Filipino Workers (OFW) ang lumalabas ng bansa taon-taon.
Ayon sa pagtataya umaabot na sa 8 milyon ang kabuuang OFW. Dahil sa kawalan
ng oportunidad at marangal na trabaho, naging patakaran na ng gobyerno ang
pagluluwas ng paggawa (labor) simula dekada 70. Mabilis na lumalaki ang bilang ng
Pilipinong nangingibang bayan para magtrabaho. Sa katunayan, ang OFW na
ngayon ang tinagurian na bagong bayani dahil sa kitang ipinapasok nito sa bansa na
dahilan kung bakit hindi sumasadsad ang ekonomiya kahit pa dumaan ito sa
matitinding krisis pampolitika’t pang-ekonomiya. Ito rin ang isa sa mahahalagang
indicator ng papalaking pag-asa ng bansa sa panlabas na salik sa halip na sa
panloob na mga kondisyon ng patuloy na paggulong ng ekonomiya.
Ang trabahong nalilikha lamang sa loob ng bansa taon-taon ay nasa 687,000
ayon sa Philippine Labor Employment Plan (PLEP 2016). Hindi makasasapat kahit
ikumpara sa mga bagong pasok na puwersa sa paggawa na umaabot mula sa 1.3
milyon hanggang 1.5 milyon.
Isa pa sa isyung kinakaharap ng bansa sa paggawa na kaugnay sa paglaki ng
unemployment at underemployment ay ang paglaki ng bilang ng mga jobmismatch
dahil sa hindi nakakasabay ang mga college graduate sa demand na kasanayan at
kakayahan na entry requirement ng mga kompanya sa bansa. Ipinapahiwatig nito na
maraming kurso sa mga Higher Education Institutions (HEIs) at mga kolehiyo sa
bansa ang hindi na tumutugon sa pangangailangan ng mga pribadong kompanya na
nagtatakda ng mga pamantayan sa pagpili ng mga manggagawa.
Ayon sa ulat ng isang grupo ng mga manggagawa, tinataya na aabot sa 1.2
milyon na college at vocation graduates ng nagdaang taon (2016) ang mahihirapan
sa pagkuha ng mga trabaho dahil sa patuloy na mismatch sa kanilang kasanayan at
kakayahan mula sa kanilang tinapos na kurso sa kakailanganing kasanayan at
kakayahan na hinihingi ng mga employer sa bansa at sa labas ng bansa (TUCP,
2016).
Ang patuloy na paglaki ng bilang ng job-skills mismatch sa bansa ay
maituturing ng krisis batay na rin sa ulat ng DOLE (2016), ipinapakita sa kanilang
records na mula sa 4.23 milyong bakanteng trabaho sa loob at labas ng bansa na
binuksan sa mga job fair ng DOLE para sa mga manggagawang Pilipino ng taong
2014 at 2015, umabot lamang sa 391,000 na mga aplikante ang natanggap agad sa
iba’t ibang posisyon mula sa 1.29 milyon na aplikante.
Dagdag pa sa ulat ng DOLE (2016), ayon sa kanilang Labor Market
Information para sa taong 2013 hanggang 2020 tinataya na aabot sa 275 na iba’t
ibang trabaho ang kinilala ng kanilang kagawaran na hard to fill o mga trabaho na
mahirap punan mula sa mga major at emerging industries. Halimbawa ng mga nito
ay ang 2-D digital animator, agricultural designer, clean-up artist, cosmetic dentist,
cosmetic surgeon, cuisine chef, multi-lingual tour guide, at mechatronics engineer.
30
Percent Distribution of Employed Persons by Class of Worker
Class Worker April 2016
Philippines 40,664
(number in thousands)
Total 100.0
Wage and Salary Workers 61.6
Worked for Private Household 5.0
Worked for Private Establishment 48.4
Worked with Pay in Own Family 0.4
operated Farm or Business 7.9
(OFOFB)
Worked for Government &
Government Corporation
Self-employed without Any Paid 26.8
Employee
Employer in Own Family-operated 3.3
Farm or Business
Without Pay in Own Family-operated 8.3
Farm

Halaw mula sa Philippine Statistics Authority, Labor Force Survey, (PSA,


2016)
Isang malaking bahagi ng nasa kategorya ng Self employed without any paid
employee ang tumutukoy sa trabahong para-paraan o sa sinasabing vulnerable
employment ng Labor Force Survey (2016) na makikita sa Talahanayan 2.3. Ayon sa
ulat ng DOLE, NEDA, at iba pang sangay ng pamahalaan na may kaugnayan sa
paggawa sa bansa na bumuo ng Philippine Labor and Employment Plan (PLEP,
2016), ang pinakamalaki bahaghan ng mga manggagawa na sinasabing vulnerable
ay nasa sektor ng agrikultura. Samantala, ang isang malaking bahagi pa nito ay ang
mga malamanggagawa sa kalunsuran na ang hanapbuhay ay para-paraan gaya ng
paglalako o ambulant vendor at sidewalk vendor na sangkot sa pagbebenta ng
iba’t ibang kalakal tulad ng kendi, sigarilyo, bote-dyaryo, bakal at kung ano
ano pa. Pagtitinda ng mga street food gaya ng fishball, kwek kwek, banana cue,
barbecue, prutas at iba pa.
Batay sa klasipikasyon ng gobyerno, ang 22 milyon na hindi bahagi ng Labor
Force Participation Rate o LFPR ay ang mga taong may edad 15 pataas na may
kakayahan nang magtrabaho ngunit hindi pa aktuwal na lumalahok sa produksiyon o
naghahanap ng trabaho. Ang pinakamalaking bilang nito ay ang mga estudyante,
mga full time mother at mga taong umano’y tumigil na o nawalan na ng sigla sa
paghahanap ng trabaho (discouraged workers). Hindi rin maikukubli ang
katotohanang maraming estudyante lalo na yaong nasa kolehiyo ay aktuwal nang
nagtatrabaho (PLEP, 2011-2016). May kalakihang bilang sa hanay nila ang working
student para tustusan at patapusin ang sarili sa pag-aaral. Samantala, ang halos
lahat ay dumadaan sa anim na buwan hanggang isang taong OJT o Internship
bilang bahagi ng kurikulum ng mga paaralan.
31
Samantala, ang mga full-time mother naman ang gumaganap sa halos lahat
ng mga gawaing-bahay tulad ng paglalaba, pamamalantsa, pagluluto at paglilinis ng
bahay. Nag-aalaga rin siya ng kaniyang mga anak at nagaasikaso sa mga
pangangailangan ng asawa. Maliban dito, siya ang kalimitang nagtuturo sa mga
anak na nag-aaral, gayundin ang nagbabadyet sa mga gastusin sa bahay at
gumawa ng paraan upang pagkasyahin ang badyet para sa pamilya. trabaho, ang
datos sa unemployment rate ay hindi magiging eksakto o accurate.
Ang itinuturing na may produktibong trabaho ay iyong humigit-kumulang 5
milyon mula sa 11 milyon na naeempleyo sa sektor ng agrikultura. Mahigit sa 2
milyon naman na plant machine & equipment operators at assemblers ang mula sa
mahigit na 5 milyon sa sektor ng industriya. Kung isasama ang mga manggagawang
maikakategorya sa essential services, hindi ito lalaki nang higit pa sa bilang ng mga
manggagawang bahagi ng tuwirang paglikha o produktibong trabaho.
Ayon sa ulat ng Philippine Statistics Authority, ang unemployment rate at
underemployment sa bansa (Talahanayan 2) ay bumaba sa 4.7%, ang
pinakamababa sa loob ng tatlong taon.

Talahanayan 2
Percent Distribution of Population 15 Years Old and Over by
Employment Status and by Region: 2016
Region Total Total Total Total Under
Persons in Employed Unemploye employed
the Labor Persons d Persons Persons
Force
Philippines Number 68,125 63,400 2,625 7,431
(in thousands)
TOTAL 100.0 100.0 100.0 100.0
NCR – National 12.9 12.8 15.5 6.0
Capital Region
CAR – Cordillera 1.8 1.9 1.2 2.4
Administrative
Region
I – Ilocos Region 4.9 4.8 6.0 4.9
II – Cagayan Valley 3.4 3.5 1.7 2.0
III – Central Luzon 10.7 10.6 12.4 9.1
IVA – 14.2 14.0 17.7 12.0
CALABARZON
IVB – MIMAROPA 3.0 3.1 2.0 3.0
V – Bicol Region 5.8 5.9 4.8 10.5

32
VI – Western Visayas 7.6 7.6 8.2 8.5
VII – Central Visayas 8.0 8.1 5.9 6.0
VIII – Eastern Visayas 4.4 4.4 4.3 7.2
IX – Zamboanga 3.7 3.7 2.5 3.7
Peninsula
X – Northern 4.9 5.0 4.6 7.6
Mindanao
XI – Davao Region 4.8 4.8 4.2 4.4
XII - 4.4 4.4 4.4 5.4
SOCCSKSARGEN
Caraga 2.7 2.7 2.5 4.7
ARMM – 2.6 2.7 2.0 2.6
Autonomous Region
in Muslim Mindanao
Halaw mula sa Philippine Statistics Authority, Labor Force Survey, (PSA, 2016)

Ang sektor ng industriya ay nag-eempleyo lamang ng 5.9 milyon (16.8%) at


ang sektor ng agrikultura naman ay 12.5 milyon (33%). Kaya ang pinakamalaking
bilang na naeempleyo sa sektor ng serbisyo na 19.4 milyon o 51.4% ng Labor Force
Participation Rate (LFPR) na may 40.2 milyon.
Pinapahiwatig sa ulat ng Labor Force Survey ng PSA (2016), ang underemployment
sa bansa ay laganap sa mahihirap na rehiyon o sa mga rehiyon na ang pangunahing

hanapbuhay ay agrikultural. Tinataya na maraming nagtatrabaho na underemployed.


Sila ang manggagawa na nangangailangan pa ng karagdagang oras sa
pagtatrabaho o dagdag pang hanapbuhay o bagong hanapbuhay na may mahabang
oras na pagtatrabaho. Sa kasalukuyan, binago ang katawagan sa mga ganitong uri
ng manggagawa upang maging katanggap-tangap sila gayundin sa mamamayan,
tinatawag ito ngayong homebase enterpreneurship, small business, project contract,
business outsourcing, business networking sa mga ahente ng seguro, real estate,
pagtitingi ng mga sapatos na de signature, damit, food supplements, organic
products, load sa cell phone, at iba’t iba pang produktong surplus (imported) mula sa
mga kapitalistang bansa. Pinalakas at inorganisa rin ang mga chain ng barbecue
stand, fish ball, kikiam, ice cream at iba pa.
Ang tugon ng Pilipinas sa hamon ng globalisasyon sa paggawa ay ang patuloy na
pagbubukas ng bansa sa pandaigdigang pamilihan. Dahil dito, nagbago ang mga
kakailanganing kasanayan at salik sa produksyon. Iniaangkop ang kasalukuyang
kurikulum para sa demand ng globally standard na paggawa. Bunga naman nito ang
patuloy napagtaas ng antas ng kawalan ng trabaho at walang sapat na trabaho.
Malayang naipatutupad ng mga kapitalista o mamumuhunan ang iskemang
kontraktuwalisasiyon para ibaba ang gastos sa paggawa, alisin ang anumang
proteksiyon at ang tuwirang responsibilidad nito sa manggagawa. Laganap ang
kalakaran ng mga manggagawang kontraktuwal o naempleyo sa pamamagitan ng
ahensya.

Panuto: Itala mo sa unang bahagi na “K” ang mga kasalukuyang kinakaharap na


isyu sa paggawa na iyong nakita sa teksto, sa ikalawang bahagi naman na “K”,
33
ilagay kung paano ito nakaapekto sa kasalukuyang kalagayan ng mga
manggagawang Pilipino. Sa bahagi ng “P” naman ay ilahad ang mga programa ng
pamahalaan para bigyang solusyon ang mga isyung ito. Sa panghuling hanay na “G”
naman ay magbigay ka ng iyong mungkahing solusyon sa mga kinakaharap na isyu
sa paggawa.
(Ang guro ay gagawa ng rubrics bilang pamantayan sa markahan)
K (Kinakaharap na K ( Kasalukuyang
P ( Programa) G (Gagawin Ko)
Isyu) Kalagayan)

Panuto: Sagutin ang mga sumusunod na mga katanungan.


1. Ano-ano ang isyu na kinakaharap ng mga manggagawa sa kasalukuyan?
2. Paano nakaaapekto ang mga isyu sa paggawa sa kalagayan ng mga
manggagawa sa kasalukuyan?
3. Ano ang iskemang sub-contracting? Bakit ito umiiral sa sektor ng paggawa sa
bansa? Sino ang mga self-employed without any paid employee at unpaid family
labor?
4. Paano umiiral ang iskemang sub-contracting?
5. Ano-ano ang mabuti at hindi mabuting epekto ng iskemang sub-contracting sa
mga manggagawang Pilipino?

6. Sa mga naitalang programa ng pamahalaan sa kasalukuyan, alin sa mga ito ang


patuloy pa rin na mga hamong hinaharap ng mga manggagawang Pilipino?

Suriin

Panuto: Kompletuhin mo ang impormasyon na hinihingi sa kasunod na diagram


tungkol sa kampanya para sa isang marangal na trabaho. Itala mo sa “M” ang uri ng
manggagawa sa iba’t ibang sektor ng paggawa na humaharap sa iba’t ibang
suliranin sa paggawa at itala sa kasunod na kahon ang kanilang isyung kinakaharap.
Sa “P” naman itala ang pillar o haligi para sa isang desente at marangal na paggawa
na kung saan hindi nabibigyan ng pansin at itala sa kasunod na kahon ang
nagpapatunay dito. Samantalang, sa “S” naman itala mo ang iyong suhestiyon
upang matugunan ang suliranin sa paggawa na iyong itinala sa unang bahagi ng
diagram at itala sa ibaba ng letra ang maikling pamamaraan sa pagpapatupad ng
iyong suhestiyon.

34
Ulat
MPS

M P
S
_______________ _______________ _______________
_______________ _______________ _______________
_______________ _______________ _______________

Pagyamanin

Panuto: Sagutin ang mga katanungan


1. Sino-sinong manggagawa ang nakararanas ng hindi pantay na oportunidad at
mas vulnerable sa mga pang-aabuso?
2. Anu-ano ang itinakdang estratehiya ng DOLE upang makamit ang isang desente
at marangal na trabaho?
3. Bakit hindi naipatutupad ang ilang mga estratehiya para sa isang desenteng
trabaho ng ilang kompanya sa bansa?
4. Ano-anong hamon sa paggawa na kasalukuyang kinakaharap ng mga
manggagawang Pilipino?
5. Sa mga naitalang suhestiyon, alin sa mga ito, sa iyong palagay ay maaaring
kagyat na tugon sa mga isyung kinakaharap ng mga manggagawang Pilipino?

Isaisip

Panuto: Gumawa ng repleksyon ayon sa sinabi ni Dr. Jesus Felipe ng Asian


Development Bank –Principal Economist

“In the Philippines…underemployment is a time bomb.”


______________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
____________________________________________________.

35
Isagawa

Panuto: Base sa mga mga napag-aralan at naintindihan, lumikha ng awiting tugma


sa paksa at gamitin ang rubrik bilang gabay sa gawain.
Rubriks

Nilalaman at Kaugnayan sa Paksa 30%


Pagkamalikhain 20%
Pagpapaliwanag at pagbibigay kahulugan 40%
Kalinisan at anyo ng gawa 10%
Kabuuan 100%

Tayahin

Panuto: Basahing mabuti at unawain ang mga katanungan sa bawat aytem. Piliin at
bilugan ang titik ng tamang sagot mula sa pagpipilian.
_____1. Hindi kabilang sa lakas paggawa ang mga ___________________.
A. Negosyante
B. Mag-aaral
C. Guro
D. Nangingibang –bansa
_____2. Ang _____ ay mga taong kasalukuyang nagtratrabaho o naghahanapbuhay
sa isang gawain o negosyo.
A. Employed
B. Tambay
C. Mag-aaral
D. Unemployed
_____3. Bahagi ng lakas paggawa na walang trabaho pero naghahanap ng
mapapasukang trabaho?
A. Underemployed
B. Worker
C. Self- employed
D. Unemployed
_____4. Maraming umiiral na suliranin sa sistema ng paggawa sa bansa. Alin sa
mga sumusunod na kaayusan sa paggawa kung saan ang kompanya ay
komukontrata ng isang ahensiya o indibidwal na subcontractor upang
gawin ang isang trabaho o serbisyo?
A. Iskemang sub-contracting
B. Job- contracting
C. Job- mismatch
D. Labor-only contracting

36
_____5. Anong sitwasyon ito, kung saan ang mga manggagawa ay walang
mapapasukang trabaho kahit sila ay may sapat na ang kakayahan at pinag-
aralan.
A. Mataas na pasahod
B. Pagbibigay ng mga benepisyo
C. Unemployment
D. Seguridad sa trabaho
_____6. Anong uri ng unemployment kapag nagaganap ang pagkawala ng trabaho
bunga ng pagbabago ng panahon at okasyon?
A. Seasonal
B. Reacreational
C. Fictional
D. Educational
_____7. Malaking hamon sa bansa ang mga pagbabago sa iba’t ibang larangan dulot
ng globalisasyon. Alin ang hindi kabilang sa mga mabuting naidulot ng globalisayon sa
paggawa sa bansa?
A. Binago ng globalisasyon ang workplace at mga salik ng produksiyon
tulad ng pagpasok ng iba’t ibang gadyet at iba pang makabagong
kagamitan sa paggawa.
B. Demand ng bansa para sa iba’t ibang kakayahan o kasanayan sa
paggawa ng globally standard.
C. Mabibigyan ng pagkakataon ang mga lokal na produkto na makilala sa
pandaigdigang pamilihan.
D. Mapapaunlad nito ang maliliit na mga kompanya na pagmamay-ari ng
mga lokal na mga namumuhunan sa bansa.
_____8. Ang mga sumusunod ay mga suliranin sa paggawa. Alin ang hindi kabilang
dito?
A. Underemployed
B. Employed
C. Underpaid
D. Unemployed
_____9. Ayon sa PSA ang unemployment rate at underemployment rate sa bansa ay
bumaba sa 4.7% sa taong 2016. Alin sa sumusunod na opinyon ang
nababagay sa pahayag na ito?
A. Walang katutuhanan dahil hindi naman naramdaman.
B. Walang kabuluhan ang datos.
C. Tama, dahil ito sa mga programang nakakatulong.
D. Hindi sigurado, haka-haka lang ang lahat.
_____ 10. Ang mga mamamayang Pilipino ay humaharap sa iba’t-ibang anyo ng
suliranin at hamon sa paggawa maliban sa________________?
A. Job- mismatch
B. Kawalan ng seguridad sa pinapasukang kompanya
C. Mababang pasahod
D. Pagpili ng trabaho na may mataas na pasahod

37
Implikasyon sa Suliranin sa
Aralin Paggawa Epekto ng
6 Kontraktwalisasyon sa mga
Manggagawa

Tuklasin

Matapos mong malaman ang implikasyon sa Suliranin sa Paggawa ukol sa


unemployment at underemployment kasama ang self employment na makatulong
upang mapalago ang ekonomiya. Ngayon ay iyong lilinangin ang mga kaalamang ito
sa tulong ng modyul na ito at mga Gawain na inihanda upang maging batayan mo.
Mula sa inihandang Gawain sa modyul ay inaasahang gagabay ito sa iyo upang
malaman ang hamon ng globalisasyon bilang isa sa implikasyon ng globalisasyon at
maaaring magamit mo ito bilang gabay sa inyong kaalaman sa mga pangyayari sa
lipunan. Halina’t umpisahan mo sa pamamagitan ng Gawain nasa ibaba.
Epekto ng Kontraktuwalisasyon sa mga Manggagawa. Noong taong 1992,
wala pa ang Department Order No. 10 at 18- 02 ng DOLE, may 73% nang
pagawaan sa bansa ang nagpapatupad o gumagawa ng iba’t ibang flexible working
arrangements, ayon sa International Labor Organization o ILO (1992). Samantala sa
pagitan ng 1992 at 1997, sa sektor ng industriya pa lamang - sa bawat isang
manggagawang regular na nakaempleyo, lima ang kontraktuwal/kaswal. Noong
1999, 90% sa mga kompanyang elektroniks ang nag-eempleyo ng mga
temporaryong manggagawa/kaswal dahil nagbabago-bago ang mga job orders o
purchase orders ng kanilang kalakal; at bumababa ang halaga ng kanilang produkto
sa pandaigdigang pamilihan. May 83% ng mga kompanya ang nag-empleyo ng mga
kaswal at kontraktuwal upang maiwasan ang pagkakaroon ng unyon sa mga
manggagawa noon. Ayon sa ulat ng DOLE (2016), patuloy pa ring umiiral ang
ganitong sistema ng kontraktuwalisasyon sa paggawa. Bunsod nito ay
iminumungkahi ng iba’t ibang mambabatas, ahensiya sa paggawa, at mga grupo ng
manggagawa na tuluyan ng ibasura ang sistemang kontraktuwalisasyon o kilala rin
ngayon na “endo” Hindi naging maganda ang nagiging kalagayan ng mga
manggagawang kontraktuwal/kaswal. Hindi sila binabayaran ng karampatang sahod
at mga benepisyong ayon sa batas na tinatamasa ng mga manggagawang regular.
Naiiwasan ng mga kapitalista maging ang pagbabayad ng separation pay, SSS,
PhilHealth at iba pa. Hindi nila natatamasa ang mga benepisyo ayon sa Collective
Bargaining Agreement (CBA) dahil hindi sila kasama sa bargaining unit. Hindi rin sila
maaaring magbuo o sumapi sa unyon dahil walang katiyakan o pansamantala lang
ang kanilang security of tenure.
Maliban pa rito, hindi kinikilala ng contracting company ang relasyong
employee-employer sa mgamanggagawang nasa empleyo ng isang ahensya.
Iginigiit ito ng mga kapitalista kahit ang mga ito ay itinuturing na labor only
contracting na ipinagbabawal ng batas. Sa tuwing natatalakay ang usapin ng
pagpapakontrata, napipilitan ang mga mahina na magsama-sama at maglunsad ng
38
iisang pagkilos. Ang pana-panahong pagkilos na ito ang lumilikha ng atensiyon at
nakatatawag-pansin sa pandaigdigang komunidad. Nagbibigay ito ng impresiyong
hindi sumusunod sa pandaigdigang mga pamantayan sa paggawa ang batas
paggawa sa Pilipinas. Ang Department Order 18-A ng DOLE taong 2011 ay
naghayag ng patakaran ng pamahalaan laban sa pagpapakontrata. Hinigpitan ang
probisyon ng pagpapakontrata, pinatingkad (highlighted) ang usapin ng karapatan ng
mga manggagawang kontraktuwal (partikular na ang seguridad sa trabaho o pagka-
regular), at iba pang karapatang tinatamasa ng mga regular na manggagawa.
Pagbangon ng mga Manggagawa at ang Kilusang Manggagawa.
Kailangan din ng mga manggagawa ng isang makauring pagkakaisa at
determinasyon upang isulong ang kanilang mga karapatan (tunghayan ang Pigura
2.2). Kung ang mga kapitalista ay mulat sa kalakaran na maging dating bawal na
kontraktuwalisasyon ay ligal na. Kailangan maging mulat bilang uri at maging alerto
ang mga manggagawa para magapi ang patakarang mura at flexible labor.
Kailangan ng pagkakaisa ng hanay ng mga manggagawa tungo sa isang marangal
na trabaho para sa lahat. Pag-oorganisa ng hanay ng mga manggagawa nang
walang itinatangi – regular man o hindi, kasapi man ng unyon o hindi at may trabaho
man o wala, dapat isulong ang mga isyung magiging kapaki-pakinabang sa uring
manggagawa. Mas paigtingin ang pag-oorganisa at pagpapakilos sa mga
manggagawa sa bago at mahirap na kalagayan. Pagsulong sa ilang probisyon ng
DO 18-A, na angkop para maisagawa ang bagong kaayusan sa paggawa. Sa
kabilang banda, hindi maitaas ang suweldo, hindi maipagkaloob ang kasiguraduhan
sa trabaho, at madagdagan ang benepisyo ng mga manggagawa sa bansa sapagkat
mahihirapan ang mga namumuhunan, negosyante at may-ari ng Transnational
Corporations (TNCs) na ipagkaloob ang mga ito dahil sa patakarang umiiral sa ilang
bansa na kakompetensiya ng sariling bansa sa produksiyon, katulad ng China na
may mataas na demand ng pangangailangan ng mga pamumuhunan dahil sa
mababa, mura at flexible labor.

Panuto: Sagutin ang sumusunod na tanong gamit ang mga natutuhan mula sa
binasang teksto. Gumamit ng isang buong papel.
1. Ano ang isinasaad ng Department Order No. 10 at 18- 02 ng DOLE?
2. Ilahad ang katuturan ng Department Order 18-A ng DOLE taong 2011?
3. Ano ang kaibahan ng kontraktwalisasyon sa mura at flexible labor?

Suriin

Panuto: Ilahad ang iba’t ibang probisyon ukol sa mga suliranin sa paggawa

Mga Batas/Probisyon Nilalaman


1. Department Order No. 10
2. Department Order 18-A ng DOLE taong 2011
3 DOLE D.O. No. 10, s. 1997
4. DOLE D.O. No. 18-02, s. 2002

39
Pagyamanin

Panuto: Punan ang hinihingi sa talaan.


1. Anu-ano ang mabuti at hindi mabuting epekto ng kontraktuwalisasyon sa
mga manggagawang Pilipino?
Mabuting Epekto ng Hindi Mabuting Epekto ng
Kontraktwalisasyon Kontraktwalisasyon

2. Isa-isahin ang mga batas o polisiya ng pamahalaan na nagpapatibay sa


isyu ng kontraktuwalisasyon sa bansa at paano ito nakaapekto sa mga
manggagawang
Pilipino?
Paano ito Nakakaapekto sa mga
Mga Batas o Polisiya
Manggagawa

Isaisip

Panuto: Gumawa ng paghahambing sa mga probisyon ayon sa inyong naiintindihan


sa paksang binasa.
____________________________________________________________
_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________
____________________________________________________________________.
___________________________________________________________________
_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________
____________________________________________________________________.

40
Isagawa

Panuto: Kumuha, magprint o gumupit ng larawan na nagpapakita ng suliranin sa


paggawa. Idikit sa bond paper at gumawa ng sanaysay ukol dito.

Rubriks

Nilalaman at Kaugnayan sa Paksa 30%

Pagkamalikhain 20%

Pagpapaliwanag at pagbibigay kahulugan 40%

Kalinisan at anyo ng gawa 10%

Kabuuan 100%

Tayahin

Panuto: Basahing mabuti at unawain ang mga katanungan sa bawat aytem. Piliin at
bilugan ang titik ng tamang sagot mula sa pagpipilian.
_____1. Anong probisyon ng DOLE na nagsasaad na may 73% nang pagawaan sa
bansa ang nagpapatupad o gumagawa ng iba’t ibang flexible working
arrangements, ayon sa International Labor Organization o ILO (1992)?
A. Department Order No. 10 at 18-02
B. Department Order 18-A ng DOLE taong 2011
C. DOLE 2011
D. DOLE 2016
_____2. Ang “endo” ay sistema ng paggawa na umiiral noong 2016 ayon sa DOLE,
ito ay iminungkahi ng iba’t ibang mambabatas sa ahensiya sa paggawa at
grupo ng mga manggagawa na tuluyan ng ibasura ito. Anong kalagayang
manggagawa ang tinutukoy nito?
A. Contraction labor only
B. Job Order
C.Kaswal
D. Kontraktwalisasyon

41
_____3. Anong taon nagkaroon ng 90% sa mga kompanyang elektroniks ang nag-
eempleyo ng mga temporaryong manggagawa/kaswal dahil
nagbabago-bago ang mga job orders o purchase orders ng kanilang
kalakal; at bumababa ang halaga ng kanilang produkto sa pandaigdigang
pamilihan.?
A. 1995
B. 1996
C. 1998
D. 1999
_____4. Maraming umiiral na suliranin sa sistema ng paggawa sa bansa. Alin sa
mga sumusunod na kaayusan sa paggawa kung saan ang kompanya ay
komukontrata ng isang ahensiya o indibidwal na subcontractor upang
gawin ang isang trabaho o serbisyo?
A. Iskemang sub-contracting
B. Job contracting
C. Job mismatch
D. Labor-only contracting
_____5. Ang kontraktwal ay isang katayuan sa trabaho kung saan ipinagkait ang
ugnayang employer-employee sa pagitan ng isang manggagawa at ng
kapitalista. Anong katayuan ang ipinagkait sa isang kontrakwal na
manggagawa?
A. Mataas na pasahod
B. Pagbibigay ng mga benepisyo
C. Pagiging regular na empleyado
D. Seguridad sa trabaho
_____6. Ang kontraktwalisasyon ay isa sa mga suliranin sa paggawa sa bansa. Ito
ay isa sa mga patakarang neo liberal na ipinalaganap sa bansa noong
huling bahagi ng dekada 70. Sa iyong palagay, bakit ito ipinaiiral ng mga
kapitalista sa bansa?
A. Upang mabigyan ng trabaho ang mga mamamayan
B. Upang magkamal ng yaman
C. Upang magbigay ng seguridad sa trabaho
D. Upang mapalakas ang kilusang paggawa
_____7. Malaking hamon sa bansa ang mga pagbabago sa iba’t ibang larangan
dulot ng globalisasyon. Alin ang hindi kabilang sa mga mabuting naidulot
ng globalisayon sa paggawa sa bansa?
A. Binago ng globalisasyon ang workplace at mga salik ng produksiyon
tulad ng pagpasok ng iba’t ibang gadyet at iba pang makabagong
kagamitan sa paggawa
B. Demand ng bansa para sa iba’t ibang kakayahan o kasanayan sa
paggawa ng globally standard
C. Mabibigyan ng pagkakataon ang mga lokal na produkto na makilala sa
pandaigdigang pamilihan
D. Mapapaunlad nito ang maliliit na mga kompanya na pagmamay-ari ng
mga lokal na mga namumuhunan sa bansa

42
_____8. Ang mga sumusunod na kaganapan ay nagpapakita ng di- mabuting
epekto ng kontraktwalisasyon sa lipunan. Alin ang hindi kabilang dito?
A. Magbuo o sumapi sa unyon
B. Pinalala ang disempleyo sa bansa
C. Pinalala ang kahirapan ng mga manggagawa
D. Nilalabag ang lahat ng karapatan at proteksyon ng mga manggagawa
_____9. Alin ang hindi kabilang na isinasaad na mga probisyon?
A. 73% nang pagawaan sa bansa ang nagpapatupad
B. Naghayag ng patakaran ng pamahalaan laban sa pagpapakontrata
C. Regular man o hindi, kasapi man ng unyon
D. Pagkakaroon ng mataas na oras sa pamilya
_____10. Ang mga mamamayang Pilipino ay humaharap sa iba’t ibang anyo ng
suliranin at hamon sa paggawa maliban sa_________________?
A. Job mismatch
B. Kawalan ng seguridad sa pinapasukang kompanya
C. Mababang pasahod
D. Pagpili ng trabaho na may mataas na pasahod

Susi sa
Pagwawasto

Aralin 1Suliranin sa Paggawa Aralin 2 Suliranin sa Paggawa sa


Pamumuhay ng mga Pilipino

43

You might also like