You are on page 1of 6

10

ARALING PANLIPUNAN
QUARTER 2 – MODULE 3

Mga Isyu sa Paggawa


ALAMIN
Matapos mong malaman ang hamon ng globalisasyon ukol sa diplomatikong
pakikipag-ugnayan ng mga bansa upang mapalago ang ekonomiya. Ngayon ay
lilinangin ang kaalaman sa tulong ng modyul na ito at mga gawain na inihanda
upang magiging gabay sa pagkatuto. Mula sa inihandang gawain ay inaasahang
malalaman ang mga dahilan ng suliranin sa paggawa bilang isa sa implikasyon ng
globalisasyon na maaaring magamit sa paglinang ng iyong kaalaman.

Sa bahaging ito ay inaasahang matututuhan ang iba’t ibang isyu na kinakaharap ng


mga maggagawang Pilipino at umpisahan sa pamamagitan ng mga gawain.

MELC (Pinakamahalagang Pamantayan sa Pagkatuto)


Naipaliliwanag ang kalagayan, suliranin at pagtugon sa isyu ng paggawa sa bansa

Sa araling ito, inaasahang matututuhan ang sumusunod:


a. natutukoy ang pangunahing suliranin ng mga manggagawang Pilipino.
b. naipaliliwanag ang mga dahilan sa pagkakaroon ng iba’t ibang suliranin sa
paggawa;
c. nakagagawa ng mga mungkahi na makatutulong at makatutugon sa paglutas ng
mga suliranin sa paggawa.

Mga gawain Ang Nakagawian Noon Mga Pagbabago Ngayon


Pagpapadala ng mensahe

Paglalakbay sa ibang lugar


Pagbili ng mga produkto o
pangangailangan
Sa larangan ng pag-aaral o
pagtuturo

Nakalista sa unang kolum ang mga gawain. Ilarawan ang pagkakaiba ng sistema
noon at ngayon.Isulat ang sagot sa sagutang papel.

TUKLASIN AT SURIIN
Ang Globalisasyon at ang mga Isyu sa Paggawa
Ang mga manggagawang Pilipino ay humaharap sa iba’t ibang anyo ng
suliranin at hamon sa paggawa tulad ng mga sumusunod:

• mababang pasahod
• kawalan ng seguridad sa pinapasukang kompanya
• job-mismatch bunga ng mga job-skills mismatch
• iba’t ibang anyo ng kontraktuwalisasyon sa paggawa
• mura at flexible labor

1
Isang hamon din sa paggawa ay ang mabilis na pagdating at paglabas ng mga
puhunan ng mga dayuhang namumuhunan na mas nagpatingkad naman sa
kompetisyon sa hanay ng mga dayuhang kompanya at korporasyon sa bansa.

Dahil dito mas nahikayat ang mga namumuhunan na pumasok sa bansa na


nagdulot ng iba’t-ibang isyu sa paggawa.

Dahil sa paglaganap ng globalisasyon naaapektuhan nito maging ang


workplace na kung saan nagbunga ito ng pagtatakda ng mga pandaigdigang
samahan tulad ng Word Trade Organization (WTO) ng mga kasanayan o kakayahan
sa paggawa na globally standard para sa mga manggagawa.

Naglalagak ang mga multi-national company ng mga investment para sa mga


trabaho sa bansa na kung saan ang mga kasanayan na kakailanganin ng isang
manggagawa ay nakabatay sa mga naging kasunduan ng bansa sa mga kompanyang
ito.

Ilan sa maraming naidulot ng globalisasyon sa paggawa ay ang mga


sumusunod:
1. demand ng bansa para sa iba’t ibang kakayahan o kasanayan sa paggawa na
globally standard.

2. mabibigyan ng pagkakataon ang mga lokal na produkto na makilala sa


pandaigdigang pamilihan.

3. binago ng globalisasyon ang workplace at mga salik ng produksiyon tulad ng


pagpasok ng mga gadget, computer/IT programs, complex machines at iba pang
makabagong kagamitan sa paggawa.

4. dahil sa mura at mababa ang labor o pasahod sa mga manggagawa kaya’t madali
lang sa mga namumuhunan na magpresyo ng mura o mababa laban sa mga
dayuhang produkto o mahal na serbisyo at pareho ang kalidad sa mga produktong
lokal.

Kakayahan na makaangkop sa Globally Standard na Paggawa


Hamon ng globalisasyon ang pagpasok ng Pilipinas sa mga kasunduan sa
mga dayuhang kompanya, integrasyon ng ASEAN 2015 sa paggawa at mga bilateral
at multi-lateral agreement sa mga miyembro ng World Trade Organization o WTO.

Isa sa pagtugon na isinagawa ng bansa ay iangkop ang kasanayan ng


lilinangin sa mga mag-aaral na Pilipino. Bunsod ng tumataas nademand para sa
globally standard na paggawa na naaangkop sa mga kasanayan para sa ika-21 siglo.
Upang makatugon sa mga kasanayang ito isinakatuparan sa panibagong kurikulum
ang pagdagdag ng dalawang taon sa basic education ng mag-aaral na tinatawag na
Senior High School.

Ayon sa ulat ng Department of Labor and Employment (DOLE 2016), upang


matiyak ang kaunlarang pang-ekonomiya ng bansa kailangang iangat ang antas ng
kalagayan ng mga manggagawa Pilipino tungo sa isang disenteng paggawa na
naglalayong na magkaroon ng pantay na oportunidad ang bawat isa anuman ang

2
kasarian para sa disente at marangal na paggawa. (Hango mula sa Learners Manual, Mga Kontemporaryong Isyu
Araling Panlipunan Grade 10 pahina 187-197)

Pigura 1

Apat na Haligi para sa Isang Disente at Marangal na Paggawa


Worker’s Right Pillar
Naglalayong palakasin at siguruhin ang paglikha ng mga batas para sa paggawa
at matapat na pagpapatupad ng mga karapatan ng mga magggagawa
Social Dialogue Pillar
Palakasin ang laging bukas na pagpupulong sa pagitang ng pamahalaan, mga
manggagawa at kompanya sa pamamagitan ng paglikha ng mga collective
bargaining unit
Social Protection Pillar
Hikayatin ang mga kompanya, pamahalaan at mga sangkot sa paggawa na
lumikha ng mga mekanismo para sa proteksyon ng manggagawa, katanggap-
tanggap na pasahod at oportunidad
Employment Pillar
Tiyakin ang paglikha ng mga sustenableng trabaho, malaya at pantay na
oportunidad sa paggagwa at maayos na workplace para sa mga manggagawa

Kalagayan ng mga Manggagawa sa Iba’t ibang Sektor


A. Sektor ng Agrikultura
Isa rin sa mga hamon ng globalisasyon sa bansa ay ang patuloy na pagdami
ng mga lokal na produkto na iniluluwas sa ibang bansa at ang pagdagsa ng mga
dayuhang produkto sa pamilihang lokal.

Lubusang naaapektuhan ang mga lokal na magsasaka dahil sa mas murang


naibebenta ang mga dayuhang produkto sa bansa. Mas maraming insentibo ang
naipagkakaloob sa mga dayuhang kompanya na nagluluwas ng kanilang parehong
produkto sa bansa. Sa kabilang banda, may mga lokal na high class product na
saging, mangga at iba pa na itinatanim sa atin na nakalaan lamang para sa ibang
bansa.

Ang pagpasok ng bansa at ng mga nakalipas na administrasyon sa mga


usapin at kasunduan sa GATT, WTO, IMF-WB at iba pang pandaigdigang
institusyong pinansyal ay lalong nagpalumpo sa mga lokal na magsasaka bunsod ng
pagpasok ng mga lokal na produkto na naibenta sa lokal na pamilihan ng mas mura
kumpara sa mga lokal na produktong agrikultural.

Isa sa mga suliranin na kinakaharap ng mga lokal na magsasaka ay ang


kakulangan para sa mga patubig, suporta ng pamahalaan sa pagbibigay na ayuda
lalo na kapag may mga nananalasang sakuna sa bansa tulad ng pagbagyo, tagtuyot,
at iba pa.

3
Bunsod ng globalisasyon ang pamahalaan ay nagbigay pahintulot sa
pagkonbert ng mga lupang sakahan upang patayuan ng mga subdibisyon, malls, at
iba pang gusaling pangkomersiyo para sa mga pabrika, pagawaan, at bagsakan ng
mga produkto mula sa TNCs. (Hango mula sa Learners Manual, Mga Kontemporaryong Isyu Araling Panlipunan Grade 10 pahina
187-197)

Kasabay nito ang patuloy na pagliit ng lupaing agrikultural at pagkawasak ng


mga kabundukan at kagubatan, dumagsa ang mga nawalan ng hanapbuhay sa mga
pook rural, at nawasak ang mga matatabang lupa na mainam sa taniman.

B. Sektor ng Industriya
Lubusan din naaapektuhan ng pagpasok ng mga TNCs at iba pang dayuhang
kompanya ay sektor ng industriya. Pagbubukas ng pamilihan ng bansa, import
liberalization, tax incentives sa mga TNCs, deregularisasyon sa mga polisiya ng
estado at pagsasapribado ng mga pampublikong serbisyo. Isa sa mga halimbawa ng
industriya na naapektuhan ng globalisasyon ay ang malayang pagpasok ng mga
kompanya at mamumuhunan sa industriya ng konstruksiyon, telekommunikasyon,
beverages, mining at enerhiya na kung saan karamihan sa mga kaugnayan na
industriya ay pagmamay-ari ng ibang bansa.

Bunsod nito ang mga pamantayang pangkasanayan at kakayahan, pagpili,


pagtanggap, at pasahod sa mga manggagawa ay naayon sa kanilang mga
pamantayan at polisiya. Kaakibat nito ang iba’t ibang anyo ng pang-aabuso sa
karapatan ng mga manggagawa tulad ng mahabang oras ng pagpasok sa trabaho,
mababang pasahod, hindi pantay na oportunidad sa pagpili ng mga empleyado,
kawalan ng sapat na seguridad para sa mga manggagawa tulad sa mga minahan,
konstruksiyon, at planta na nagpoprodyus ng lakas elektrisidad na kung saan may
mga manggagawa na naaaksidente o nasasawi.

C. Sektor ng Serbisyo
Ang paglaki ng porsyento o bilang ng mga manggagawang Pilipino sa sektor
na ito ay malaking tulong sa mga manggagawang Pilipino. Saklaw nito sektor ng
pananalapi, komersyo, insurance, kalakalang pakyawan at pagtitingi,
transportasyon, pag-iimbak, komunikasyon, timbangan, medikal, turismo, business
processing outsourcing (BPO) at edukasyon.

Mahalaga ang sektor ng sebisyo sa daloy ng kalakalan ng bansa dahil tinitiyak


nito sa mga mamimili ang mga produkto sa bansa. Kaalinsabay nito ang iba’t-ibang
suliranin bunsod ng globalisasyon sa pamamgitan ng patakarang liberalisasyon ng
pamahalaan o ang pagpasok ng bansa sa mga dayuhang kasunduan na kung
binubuksan ng malaya ang kalakalan ng bansa sa mga dayuhang kompanya o TNCs
kaya’t sa pagpasok ng mga produkto at serbisyo mula sa TNCs nalilimitahan ang
bilang na kalakal at serbisyo na gawa ng mga Pilipino sa pandaigdigang kalakalan.
Kinikilala ang Pilipinas bilang isa sa “Emerging and Developing Countries “ sa Asya
dahil sa pagyabong ng sektor ng serbisyo. Isa sa kinikilalang sanhi nito ay ang
mababang pasahod sa mga manggagawang Pilipino, malayang patakaran ng mga
namumuhunan, tax incentives. Ngunit kaakibat nito ang mga samu’t saring
suliranin tulad ng over-worked, mga sakit na nakukuha mula sa trabaho lalo na sa

4
hanay ng mga manggagawa sa BPO dahil na rin sa hindi normal na oras ng
pagtatrabaho

Patuloy na pagbaba ng bahagdan ng bilang ng Small-Medium Enterprises


(SMEs) sa bansa dahil pinasok na rin ng mga malalaking kompanya ang maliliit na
kompanyang ito sa kompetisyon na kung saan sila ay may kalamangan sa logistics,
puhunan at resources

Iskemang Subcontracting
Tumutukoy sa kaayusan sa paggawa kung saan ang kompanya ay
komukontrata ng isang ahensya o indibidwal na subcontraktor upang gawin ang
isang trabaho o serbisyo sa isang takdang panahon. (Hango mula sa Learners Manual, Mga Kontemporaryong
Isyu Araling Panlipunan 10 Grade pahina 187-197)

Dalawang anyo ng Iskemang Subcontracting


a. Labor – only Contracting – kung saan ang subcontraktor ay walang sapat na
puhunan upang gawin ang trabaho o serbisyo at ang pinasok niyang manggagawa
ay may direktang kinalaman sa mga gawain ng kompanya

b. Ang Job – contracting – ang subcontraktor ay may sapat na puhunan para


maisagawa ang trabaho at mga gawain ng mga manggagawang ipinasok ng
subcontraktor. Wala silang direktang kinalaman sa mga gawain ng kompanya. Hindi
pinapayagan sa batas ang job-contracting dahil naaapektuhan nito ang seguridad
ng mga manggagawa sa trabaho.(Hango mula sa Learners Manual, Mga Kontemporaryong Isyu Araling Panlipunan Grade
pahina 187-197)

You might also like