You are on page 1of 5

Sektor ng Agrikultura

Isa rin sa mga hamon ng gobalisasyon sa bansa ay ang patuloy na


pagdami ng mga lokal na produkto na iniluluwas sa ibang bansa at ang
pagdagsa ng mga dayuhang produkto sa pamilihang lokal.

Lubusang naaapektuhan ang mga lokal na magsasaka dahil sa mas


murang naibebenta ang mga dayuhang produkto sa bansa. Mas maraming
insentibo ang naipagkakaloob sa mga dayuhang kompanya na nagluluwas ng
kanilang parehong produkto sa bansa. Sa kabilang banda, may mga lokal pa
high class product na saging, mangga at iba pa na itinatanim sa atin na
nakalaan lamang para sa ibang bansa.

Ang pagpasok ng bansa at ng mga nakalipas na administrasyon sa mga


usapin at kasunduan sa GATT, WTO, IMF-WEB, at iba pang pandaigdigang
institusyong pinansyal ay lalong nagpalumpo sa mga lokal na magsasaka bunsod
ng pagpasok ng mga lokal na produkto na naibebenta sa lokal na pamilihan ng
mas mura kumpara sa mga lokal na produktong agricultural. Batay sa ulat ng
DOLE (2016), mahigit 60% ng mga dayuhang produktong agrikultural sa loob
ng sampung taon (2006-2016) ay malayang nagiging bahagi sa mga lokal na
pamilihan.

Isa sa mga suliranin na kinakaharap ng mga lokal na magsasaka ay ang


kakulangan para-sa mga patubig, suporta ngpamahalaan sa pagbibigay na
ayuda lalo na kapag may mga nananalasang sakuna sa bansa tulad ng pagbagyo,
tagtuyot, at iba pa. Bunsod ng globalisasyon ang pamahalaan ay nagbigay
pahintulot sa pagkonbert ng mga lupang sakahan upang patayuan ng mga
subdibisyon, malls, at iba pang gusaling pangkomersiyo para sa mga pabrika,
pagawaan, at bagsakan ng mga produkto mula sa TNCs.

Ang paglaganap ng patakarang neo-liberal sa bansa simula dekada 80's


at sa pagpapalit-palit ng administrasyon hanggang kasalukuyan, nagpatuloy rin
ang paglaganap ng ibat ibang industriya sa bansa. Kasabay nito ang patuloy na
pagliit ng lupaing agrikultural at pagkawasak ng mga kabundukan at
kagubatan.

Nagbunga ang mga pangyayaring ito ang pagkasira ng mga biodiversity,


pagkawasak ng mga kagubatan, kakulangan sa mga sakahan, dumagsa ang mga
nawalan ng hanapbuhay sa mga pook rural, nawasak ang mga mabubuting lupa
na mainam sa taniman.
Sektor ng Industriya
Lubusan ding naaapektuhan ng pagpasok ng mga TNCs
at iba pang dayuhang kómpanya ang sektor ng industriya
bunsod din ng mganaging kasunduan ng Pilipinas sa iba't
ibang pandaigdigang institusyong pinansyal. Katutad ng mga
imposisyon ng IMF-VWB bilang isa sa mga kondisyon ng
pagpapautang nila sa bansa. Pagbubukas ng pamiljhan ng
bansa import liberalizations, tax incentives sa mga TNCS,
deregularisasyon sa mga polisiya ng estado, at
pagsasapribado ng mga pampublikong serbisyo.

Isa sa mga halimbawa ng industriya na naapektuhan ng


globalisasyon ay ang malayang pagpapasok ng mga kompanya
at mamumuhunan sa industriya ng konstruksiyon,
telecommunikasyon, beverages, mining, at enerhiya na kung
saan karamihan sa mga kaugnay na industriya ay pagmamay-
ari ng ibang bansa. Bunsod nito ang mga pamantayang
pangkasanayan at kakayahan pagpili, pagtanggap, at
pasahod sa mga manggagawa ay naayon sa kanilang mga
pamantayan at polisiya. Kaakibat nito ang ibat ibang anyo
ng pang-aabuso sa karapatan ng mga manggagawa tulad ng
mahabang oras ng pagpasok sa trabaho, mababang pasahod,
hindi pantay na oportunidad sa pagpili ng mga empleyado,
kawalan ng sapat na seguridad para sa mga manggagawa
tulad sa mga minanan, konstruksiyon, at planta na
nagpoprodyus ng lakas elekrisidad na kung saan may mga
manggagawa na naaaksidente o nasasawi.
Sektor ng Serbisyo
Matutunghayan sa Talahanayan 2.2 na ang sektor ng serbisyo ay masasabing
may pinakamalaking bahagdan na maraming naempleyong manggagawa sa loob ng
nakalipas na sampung taon (DOLE, 2006-2016). Ang paglaki ng porsyento o bilang ng
mga manggagawa sa sektor na ito ay malaking tulong sa mga manggagawang Pilpino.
Saklaw ng isektor na ito ang sektor ng pananalapi, komersiyo, insurance, kalakalang
pakyawan at pagtitingi, transportasyon, pag-iimbak, komunikasyon, libangan, medikal
turismo, búsiness processing outsourcing (BPO), at edukasyon.

Mahalaga ang sektor ng serbisyo sa daloy ng kalakalan ng bansa dahil


tinitiyak- nito na makakarating sa mga mamimili ang mga produkto sa bansa.
Kaalinsabay nito ang iba't ibang suliranin, bunsod ng globalisasyon sa pamamagitan
ng patakarang liberalisasyon ng pamahalaan o ang pagpasok ng bansa sa mga dayuhan
kasunduan na kung binubuksan ng malaya ang kalakalan ng bansa sa mga dayuhang
kompanya o TNCS Kaya't sa pagpasok ng mga produkto at serbisyo mula sa TNCS
nalimitahan ang bilang na kalakal at serbisyo na gawa ng mga Pilipino sa pandaigdigan
kalakalan.

Ayon sa datos ng National Economic Development Authority (NEDA) sa taong


2016 mahigit 56.3 bahagdan ng bilang ng mga manggagawa sa bansa ay kabilang sa
sektor ng serbisyo, kayat iminumungkahi ng kagawarang ito ang paglalaan ng
pamahalaan ng higit na prioridad sa pagpapalago ng sektor sa pamamagitan ng
patuloy na pag-eenganyo sa mga dayuhang kompanya na magpasok ng mga negosyo sa
bansa dahil ayon na rin sa pagtataya sa 2016 Asia-Pacific Economic Cooperation
Summit na naganap sa bansa na ang mga manggagawang Pilipino sa sektor ng
serbisyo ang patuloy na tumutulong sa pag-angat ng ekonomiya ng bansa.

Bunga ng isinagawang patataya ng APEC (2016) ay kinikilala ang Pilipinas


bilang isa sa "emerging and developing countries" sa Asya dahil sa pagyabong ng
sektor ng serbisyo. Isa sa kinikilalang sanhi nito ay ang mababang pasahod sa mga
manggagawang Pilipino, malayang patakaran ng mga mamumuhunan, tax incentives.
Ngunit kaakibat nito ang samu't saring suliranin tulad over-worked, mga sakit
nanakukuha mula sa trabaho lalo na sa hanay ng mga mga manggagawa sa BPO dahil
na rin sa hindi normal na oras ng pagtatrabaho. Patuloy na pagbaba ng bahagdan ng
bilang ng Small-Medium Enterpirses (SMEs) sa bansa dahil pinasok na rin ng mga
malalaking kompanya o supermalls ang malilit o mikro-kompanyáng ito sa
kompetisyon na kung saan sila ay may kalamangán sa logistics, puhunan, at resources
(NEDA report, 2016).
1. Ilarawan ang kalagayan ng mga manggagawa sa
sektor na ito.
2. Ano ang implikasyon ng mga suliraning ito sa
pamumuhay at pag-unlad ng bansa?
3. Paano mo bibigyang halaga ang kontribusyon ng
Sektor na ito?

1. Ilarawan ang kalagayan ng mga manggagawa sa


sektor na ito.
2. Ano ang implikasyon ng mga suliraning ito sa
pamumuhay at pag-unlad ng bansa?
3. Paano mo bibigyang halaga ang kontribusyon ng
Sektor na ito?

1. Ilarawan ang kalagayan ng mga manggagawa sa


sektor na ito.
2. Ano ang implikasyon ng mga suliraning ito sa
pamumuhay at pag-unlad ng bansa?
3. Paano mo bibigyang halaga ang kontribusyon ng
Sektor na ito?
s

You might also like