You are on page 1of 6

Mga Aralin at Sakop ng Modyul

Aralin 1 – Globalisasyon: Konsepto at Anyo

Aralin 2 – Mga Isyu ng Paggawa

Aralin 3 – Migrasyon

MODUL 2
Aralin 1: Globalisasyon: Konsepto at Anyo
• Nasusuri ang konsepto at dimensyon ng globalisasyon bilang isa sa mga isyung panlipunan
• Naiuugnay ang iba’t ibang perspektibo at pananaw ng globalisasyon bilang isyung panlipunan
• Nasusuri ang implikasyon ng iba’t ibang anyo ng globalisasyon sa lipunan
• Napahahalagahan ang ibat ibang tugon sa pagharap sa epekto ng globalisasyon

Aralin 2: Mga Isyu sa Paggawa


• Naipaliliwanag ang mga dahilan ng pagkakaroon ng ibat ibang suliranin sa paggawa
• Natataya ang implikasyon ng ibat ibang suliranin sa paggawa sa pamumuhay at sa pag-unlad ng
ekonomiya ng bansa
• Nakabubuo ng mga mungkahi upang malutas ang ibat ibang suliranin sa paggawa

Aralin 3: Migrasyon
• Naipaliliwanag ang konsepto at dahilan ng migrasyon sa loob at labas ng bansa
• Naipaliliwanag ang epekto ng migrasyon sa aspektong panlipunan, pampolitika at pangkabuhayan
• Nakabubuo ng angkop na hakbang sa pagtugon sa mga suliraning dulot ng migrasyon.

MGA GAWAIN:

1. PANIMULANG PAGTATAYA

2. ARALIN 1: Globalisasyon: Konsepto at Perspektibo

A. ALAMIN

a. Gawain 1. Guess the Logo

b. Gawain 2. D&D (Dyad Dapat)

B. PAUNLARIN

c. Gawain 3. Tilamsik Kaalaman

d. Gawain 4.Window Shopping

Paksa: Anyo ng Globalisasyon

* GLOBALISASYONG EKONOMIKO

- Outsourcing

a. uriin ang outsourcing


1. Offshoring- Pagkuha ng serbisyo ng isang kompanya mula sa ibang bansa na naniningil ng mas
mababang bayad.

2. Nearshoring- Tumutukoy sa pagkuha ng serbisyo mula sa kompanya sa kalapit na bansa.

3. Onshoring- Tinatawag ding domestic outsourcing na nangangahulugan ng pagkuha ng serbisyo sa


isang kompanyang mula din sa loob ng bansa na nagbubunga ng higit na mababang gastusin sa
operasyon.

e.Gawain 5.Tuklas-Kaalaman

- OFW Bilang Manipestasyon ng Globalisasyon

* GLOBALISASYONG TEKNOLOHIKAL AT SOSYO-KULTURAL

* GLOBALISASYONG POLITIKAL

Paksa: Pagharap sa Hamon ng Globalisasyon

- Narito ang ilang solusyon sa pagharap ng hamon ng globalisasyon na isinasakatuparan sa iba’t ibang
bahagi ng daigdig.

1. Guarded Globalization

Pakikialam ng pamahalaan sa kalakalang panlabas na naglalayong hikayatin ang mga lokal na


namumuhunan at bigyang- proteksiyon ang mga ito upang makasabay sa kompetisyon laban sa
malalaking dayuhang negosyante.

2. Patas o Pantay na Kalakalan (Fair Trade)

Ayon sa International Fair Trade Association (IFTA), ito ay tumutukoy sa pangangalaga sa


panlipunan, pang-ekonomiko at pampolitikal na kalagayan ng maliliit na namumuhunan

3. Pagtulong sa ‘Bottom Billion’

Binigyang-diin ni Paul Collier (2007) na kung mayroon mang dapat bigyang-pansin sa suliraning
pang-ekonomiyang kinahaharap ang daigdig, ito ay ang isang bilyong pinakamahihirap mula sa mga
bansa sa Asya lalo’t higit sa Africa.

May mahalagang papel ang mauunlad na bansa sa pag-alalay sa tinaguriang bottom billion.
Ngunit ang tulongpinansiyal (economic aid) ng mayayamang bansa tulad ng Germany, Japan, France at
Italy ay sinasabing hindi sapat kung hindi magkakaroon ng mga programa at batas na tutugon sa mga
suliraning ito. Partikular dito ang pagbabago ng sistema ng pamamahala na malaki ang kinalaman sa
paghihirap ng mga mamamayan nito.

C. PAGNILAYAN AT UNAWAIN

f. Gawain 6.Decision Diagram


3. ARALIN 2: Mga Isyu sa Paggawa

A. PAUNLARIN

- Paksa: Ang Globalisasyon at ang mga Isyu sa Paggawa

Ang mga pagbabagong ito ay nakaapekto sa mga manggagawa sa iba’t ibang aspekto na
nagbunsod ng maraming isyu sa paggawa na hinaharap ng mga manggagawang Pilipino sa kasalukuyan
upang magkaroon ng disente at marangal na pamumuhay.

a. Kakayahan na makaangkop sa Globally Standard na Paggawa

Talahanayan 2.1

- Mga Kasanayan at Kakayahan na Kakailanganin na Hinahanap ng mga Kompanya

- Pigura 2.1 Apat na Haligi para sa Isang Disente at Marangal na Paggawa (DOLE, 2016)

b. Kalagayan ng mga Manggagawa sa iba’t ibang Sektor

A. Sektor ng Agrikultura

Isa rin sa mga hamon ng globalisasyon sa bansa ay ang patuloy na pagdami ng mga lokal na produkto na
iniluluwas sa ibang bansa at ang pagdagsa ng mga dayuhang produkto sa pamilihang lokal.

Talahanayan 2.2 Percentage Distribution of Employed Persons by Industry, Occupation, Class of Worker
and Hours Worked in a Week, Philippines 2016

B. Sektor ng Industriya

Lubusan ding naaapektuhan ng pagpasok ng mga TNCs at iba pang dayuhang kompanya ay setor ng
industriya bunsod din ng mga naging kasunduan ng Pilipinas sa iba’t ibang pandaigdigang institusyong
pinansyal.

C. Sektor ng Serbisyo

Matutunghayan sa Talahanayan 2.2 na ang sektor ng serbisyo ay masasabing may


pinakamalaking bahagdan na maraming naempleyong manggagawa sa loob ng nakalipas na sampung
taon (DOLE, 20062016). Ang paglaki ng porsyento o bilang ng mga manggagawa sa sektor na ito ay
malaking tulong sa mga manggagawang Pilpino

Iskemang Subcontracting

Talahanayan 2.3 Non-Regular Employment in Establishments with 20 or More Workers by Category,


Philippines: 2012 and 2014

Talahanayan 2.4 Percent Distribution of Employed Persons by Class of Worke

Unemployment and Underemployment

g. Gawain 7. K-K-P-G Tsart.

h. Gawain 8. Ulat M-P-S


i. Gawain 9. Imbentaryo ng mga Manggagawa

“Mura at Flexible Labor”

Ito ay isang paraan ng mga kapitalista o mamumuhunan upang palakihin ang kanilang
kinikita at tinutubo sa pamamagitan ng pagpapatupad ng mababang pagpapasahod at paglimita sa
panahon ng paggawa ng mga manggagawa. Isang paraan ito upang sila ay makaiwas sa patuloy na
krisis dulot ng labis na produksiyon at kapital na nararanasan ng iba’t ibang mga bansa.

Epekto ng Kontraktuwalisasyon sa mga Manggagawa

Pagbangon ng mga Manggagawa at ang Kilusang Manggagawa

Pigura 2.2 Mga Karapatan ng mga Manggagawa Ayon sa International Labor Organization (ILO)

k. Gawain 10. 3-2-1 Tsart

l. Gawain 11. Imbentaryo ng mga Manggagawa

m. Gawain 12. D&D (Dyad Dapat)

B. PAGNILAYAN AT UNAWAIN

n. Gawain 13. Labor Discussion Web Organizer

ARALIN 3: Migrasyon

A. PAUNLARIN

Paksa: Migrasyon: Konsepto at Konteksto

- Ang migrasyon ay tumutukoy sa proseso ng pag-alis o paglipat mula sa isang lugar o


teritoryong politikal patungo sa iba pa maging ito man ay pansamantala o permanente.

o. Gawain 14.Sisid-Kaalaman

Paksa: Migrasyon: Perspektibo at Pananaw

- Sa kabila ng masalimuot na daloy ng migrasyon ay nakapagtala sila ng mga ‘pangkalahatang


obserbasyon’ tungkol sa usaping ito na mababasa sa mga sumusunod na ideya.

1. Globalisasyon ng migrasyon

Tumataas ang bilang ng mga bansang nakararanas at naaapektuhan ng migrasyon.

2. Mabilisang paglaki ng migrasyon

Ang kapal o dami ng mga nandarayuhan ay patuloy ang pagtaas sa iba’t ibang rehiyon ng daigdig. Malaki
ang implikasiyon nito sa mga batas at polisiya na ipinatutupad sa mga destinasyong bansa.

3. Pagkakaiba-iba ng uri ng migrasyon

Hindi lamang iisang uri ng migrasyon ang nararanasan ng halos lahat ng mga bansang nakapaloob sa
usaping ito. May mga bansang nakararanas ng labour migration, refugees migration at maging ng
permanenteng migrasyon nang sabay-sabay.
Bukod sa nabanggit, mayroon pang tinatawag na irregular, temporary at permanent migrants.

Ang irregular migrants ay ang mga mamamayan na nagtungo sa ibang bansa na hindi dokumentado,
walang permit para magtrabaho at sinasabing overstaying sa bansang pinuntahan.

Temporary migrants naman ang tawag sa mga mamamayan na nagtungo sa ibang bansa na may
kaukulang permiso at papeles upang magtrabaho at manirahan nang may takdang panahon.. Ang ilan sa
halimbawa nito ay mga foreign students na nag aaral sa bansa at mga negosyante na maaari lamang
manirahan pansamantala ng anim (6) na buwan.

Permanent migrants ay mga overseas Filipinos na ang layunin sa pagtungo sa ibang bansa ay hindi
lamang trabaho kundi ang permanenteng paninirahan sa piniling bansa kaya naman kalakip dito ang
pagpapalit ng pagkamamamayan o citizenship.

4. Pagturing sa migrasyon bilang isyung political

5. Paglaganap ng ‘migration transition’

Ang migrationtransition ay nagaganap kapag ang nakasanayang bansang pinagmumulan ng mga


nandarayuhan ay nagiging destinasyon na rin ng mga manggagawa at refugees mula sa iba’t ibang bansa

6. Peminisasyon ng migrasyon

Malaki ang ginagampanan ng kababaihan sa usaping migrasyon sa kasalukuyan. Sa nagdaang panahon,


ang labour migration at refugeesay binubuo halos ng mga lalaki.

p. Gawain 15. Suriin mo!

- Implikasyon ng peminisasyon ng migrasyon

q. Gawain 16. Suri-realidad

Paksa: Mga Isyung Kalakip ng Migrasyon

a. Forced Labor, Human Trafficking and Slavery

Pagkakataon at panganib ang maibibigay ng migrasyon. Napakalinaw nito sa pagdagsa ng mga


migranteng mangagagawa patungong Kanlurang Asya.

b. Pag-angkop sa pamantayang internasyunal

PAGNILAYAN AT UNAWAIN

r. Gawain 17. Case Analysis

s. Gawain 18: D&D (Dyad Dapat)

Ilipat / Isabuhay

t. Gawain 19. Pasulat ng Critical Analysis Paper


GLOSARYO

Globalisasyon- proseso ng mabilisang pagdaloy o paggalaw ng mga tao, bagay, impormasyon at


produkto sa iba’t ibang direksyon

Iskemang Subcontracting - Ito ay pagkuha ng isang kompanya sa isang ahensiya o indibidwal na


subcontractor upang gawin ang isang trabaho o serbisyo sa isang takdang panahon.

Migrasyon – tumutukoy sa proseso ng pag-alis o paglipat mula sa isang lugar o teritoryong politikal
patungo sa iba pa maging ito man ay pansamantala o permanente.

MNC- multinational corporations

Mura at Flexible Labor - Ito ay paraan ng mga mamumuhunan na palakihin ang kanilang kinikita at
tinutubo sa pamamagitan ng pagpapatupad na mababang pasahod at paglilimita sa panahon ng
paggawa ng mga manggagawa.

Netizen- ang terminong ginagamit sa mga taong aktibong nakikilahok sa usaping panlipunan maging ito
man ay politikal, ekonomikal o sosyokultural gamit ang internet bilang midyum ng pagpapahayag

Outsourcing- paglipat ng gawain ng isang kompanya tungo sa ibang kompanya na ang pangunahing
dahilan ay mapagaan ang gawain upang mapagtuunan ng pansin ang higit na magpapalaki ng kanilang
kita.

Perennial institutions - matatandang institusyong nananatili pa rin sa kasalukuyan tulad ng pamilya,


simbahan, pamahalaan at paaralan dahil sa mahahalagang gampanin nito sa lipunan

PLEP – Philippine Labor and Employment Plan, binuo ng Department of Labor and Employment o DOLE
upang ilatag ang mga pagtataya sa kalagayan ng paggawa sa bansa sa nakalipas at sa mga susunod pa na
mga taon.

Prosumers - tawag sa taong kumokunsumo ng isang produkto o serbisyo maging ito man ay bagay o
ideya habang nagpo-produce ng bagong ideya

Subsidiya- tulong ng pamahalaan sa mga na miyembro ng lipunan sa anyong pinansyal at serbisyo.

Self employed without any paid employee – tumutukoy sa trabahong para-paraan o sa sinasabing
vulnerable employment.

TNC- transnational corporations

Unpaid family labor – uri ng paggawa na nagaganap sa pagitan ng mga miyembro na hindi palagian ang
sahod o sweldo (DOLE)

You might also like