You are on page 1of 5

Pedro Guevara Memorial National High School

Sta. Cruz, Laguna10-Almon


Araling Panlipunan 10
Mga Kontemporaryong Isyu
Mga Suliraning Pang-Ekonomiya
I. PANIMULA
Sa aming pananaliksik, napakaraming ibat ibang suliraning pang ekonomiya
angkinakaharap ng bawat bansa kung saan ito ay labis na naka aapekto sa pamumuhay ngmga tao.
Ang bawat isyung tumutukoy sa anumang pangyayari, ideya, o paksa sa kahitanong larangang may
kaugnayan sa kasalukuyang panahon. Ang isyung aming itatalakaysa analysis na ito ay patungkol
sa migrasyong nagaganap sa bawat bansa kung saan ito aynakaaapekto sa pamumuhay ng mga tao.
Ang migrasyon ay tumutukoy sa proseso ng pag alis o pag lipat ng tao mula sa isangpook patungo
sa ibang pook upang doon manirahan nang panandalian o pang matalagan.Nakalahad dito kung
bakit nga ba ang migrasyon ay isa sa halimbawa ng isyu o suliraningpang ekonomiya.
Bawat bahagi ng analysis na ito ay may kaakibat na datos o impormasyonpatungkol sa
migrasyon. Kalakip ng paksa, nakatala ang: karagdagang kahulugan ngmigrasyon, ang pagkakaiba
ng flow at stockfigures, ang iba't ibang uri ng migrasyon (temporary migrants,permanent migrants,
irregular migrants), ang mga salik na dahilankung bakit nag ma-migrate ang mga mamamayan at
ang mga isyung kalakip ng migrasyon.Sa mga sumusunod pang datos, nakalahad dito ang mga
kaukulang impormasyontungkol sa migrasyon kung saan nakatutulong sa pag alam ukol sa paksa.
Makikilala dinang ibat ibang organisasyon kung saan ito ang mga nananaliksik sa
kaukulang porsiyentong mga mamamayang nasasangkot sa nasabing migrasyon. Nakalahad din
ang mgaporsiyento ng mga taong naabuso dahilan ng migrasyon. Masusuri din ang paglaganap ng
migration transition at kung ano ang ibig sabihin nito. Nakasaad din sa pagsusuring ito angmga
positibo at negatibong epekto ng migrasyon sa Pilipinas maging sa ekonomiya,politika, edukasyon
at karapatang pantao. Nakapaloob dito ang mga perspektibo atpananaw. Sa pag aaral na ito,
malalaman natin ang mga dapat gawin at solusyon upangmasugpo ang migrasyon sa suliraning
pangekonomiya tungo sa pambansang kaunlaran.

II. Suliraning Pang-Ekonomiya


Ang migrasyon ay tumutukoy sa proseso ng pag alis o paglipat mula sa isang lugar
oteritoryong politikikal patungo sa iba pa maging ito man ay pansamantala o
permanente.Mayroong dalawang termino ang migrasyon ito ay ang flow at ang stockfigures. Ang
flow ay tumutukoy sa dami o bilang ng mga nandarayuhang pumapasok sa isang bansa sa
isangtakdang panahon. Ang stockfigures naman ay ang bilang ng nandayuhan na naninirahan
onananatili sa bansang nilipatan. Mahalaga ang flow sa pag unawa satrendo daloy ngpaglipat o
modality ng mga tao habang ang stock naman ay makatutulong sa pagsusuri samatagalang epekto
ng migrasyon sa isang populasyon. Ang migrasyon ay may ibat ibanguri. Una ay ang tinatawag na
Temporary migrants, ito ay tawag sa mga mamamayan nanagtungo sa ibang bansa na may
kaukulang permiso at papeles upang magtrabaho atmanirahan ng may takdang panahon.
Halimbawa nito ay ang foreign students na nag aaralsa bansa at ng mga negosyante na maaari
lamang manirahan pansamantala ng anim nataon. Pangalawa ay ang Permanent migrants. Ito
naman ang mga Overseas Filipinos na ang layunin sa pagtungo sa ibang bansa hindi lamang dahil
sa trabaho kundi angpermanenteng paninirahan sa piniling bansa kaya naman kalakip dito ang
pagpapalit ngpagkamamayan o citizenship. Pangatlo ay ang Irregular migrants. Ito naman ang
mgamamamayan na nagtungo sa ibang bansa na hindi dokumentado, walang permit
paramagtrabaho at sinasabing overstaying sa bansang pinuntahan. Maraming pamilya
angnangingibang pook at isa sa dahilan nito ay ang hanapbuhay. Hanapbuhay nanakapagbibigay
kita ng inaasahang maghahatid ng masaganang buhay. Pangalawa ay angpaghahanap ng ligtas na
tirahan, marahil ito ay badya ng sakuna o terorismo. Pangatlo aypanghihikayat ng mga kapamilya
na matagal nang naninirahan sa ibang bansa. Pang apatay ang pag-aaral o pagkuha ng mga teknikal
na kaaalaman partikular sa mga bansangindustriyalisado.
III.PAGLALAHAD
Ang migrasyon ay ang paglipat ng isang tao patungo sa isang bansa para humanap ng
mgakalakal para sa ikabubuhay nila. Ang mga pinag-ugatan nito ay naayon sa
mgapangangailangan ng bawat indibidwal at ng pamilyang kinabibilangan. Sa panahon
ngayon,marami na tayong kilalang mga kapwa Pilipino na nagiibayong-dagat. Bawat taon
nalanglumalawak ang migrasyon sa Pilipinas. Bakit nga ba patuloy ang pagtaas ng bahagdan
ngmga Pilipinong nag-iibang bansa? Maraming sanhi ang paglabas ng mga
manggagawangPilipino sa bansang sinilangan. Isa sa mga pangunahing salik nito ay ang alala
nangkawalan ng trabaho dahil sa krisis pang-ekonomiya na tinatamasa ng bansa. Mahigitkalahati
sa ating populasyon ngayon ay walang mapasukang trabaho. Isa pang salik ngpagdami ng mga
Pilipinong migranteng manggagawa ay ang mababang pasahod sa mgamapapasukang trabaho.
Paulit-ulit nalang nababanggit ang realidad na kulang ang sweldopara tugunan ang
pangangailangan ng mga manggagawa at ng pamilya nito ngunit wala paring pagbabago ang
nagaganap sa ating Sistema dahil kulang pa rin ang pondo nanaibabahagi ng gobyerno sa mga
sektor ng bansa. Ayon sa Comission of Filipino Overseas (CFO), mahigit 10.4 milyong Pilipino
na angnaninirahan sa ibang bansa. Kasama na rito ang mga permanenteng imigrante o
overseascontractual workers at ang mga “tago ng tago” o TNT, ang mga taong walang legal na
dokumento at balidong tirahan. Ang mga pangunahing bansa kung saan mataas angpopulasyon ng
mga Pilipino ay: United States, Saudi Arabia, United Arab Emirates, Canadaat Malaysia. Taon-
taon nalang tumataas ang bilang ng mga Pilipinong nag-iibang bansa. Itong aba ay talagang
makakabuti sa atin o isa lamang itong dagdag sa mga suliranin nahinaharap ng ating bansa? Sa
patuloy na pagbabasa ng pamanahong papel na ito ay unti-unting mabigyan ng kasagutan ang mga
katanungan ukol sa migrasyon.
IV. PAGSUSURI NG MGA DATOS
Ang International Organization for Migration (IOM) ang pangunahing
pandaigdigangsamahan kaugnay sa migrasyon. Layunin ng IOM na tumulong sa pagtugon ng
lumalakinghamon sa pangangasiwa ng migrasyon; itaguyod ang mga isyu tungkol sa
migrasyon;hikayatin ang pagkamit ng panlipunan at ekonomikong pag unlad sa pamamagitan
ngmigrasyon; at itaguyod ang kapakana at kagalingan ng mga migrante. Ayon sa Commissionon
Filipinos Overseas, may tinatayang 8.6 milyong Pilipino noong 2009 ang naninirahan saibat-ibang
bansa. Sa loob naman ng Pilipinas, nakatatanggap ng pinakamaramingmigranteng Pilipino ang
malaking lungsod, lalo na sa kalakhang Maynila. Tinatayang 232milyong katao ang nandarayuhan
sa buong mundo sa kabuuang 3.1 porsiyento ngpopulasyon sa buong mundo. Ang 48 porsiyento
ng mga imegrante ay kababaihan na halosdumarami pa para maghanapbuhay. Malaking bulang ng
mga migrante at mula sa mgabansa sa Asya, Amerika at Aprika. Noong taong 2013, nagmula sa
asya ang pinakamalaking bilang ng mga imigrante na lumabas ng kanilang bansa Tinatayang isa
sa walongimigrante ay nasa edad 15-24 (Halaw sa ilo: international labor organization facts and
figures). Ang paglaganap ng Migration Transition ay nagaganap kapag ang nakasanayangbansang
pinagmumulan ng mga nandarayuhang ay nagiging destinasyin na rin ng mgamanggagawa at
refugees mula sa ibat ibang bansa. Partikular dito ang nararanasan ng South Korea, Poland, Spain,
Morocco, Mexico, Dominican Republic at Turkey.
Sa peminisasyon ng migrasyon, malaki ang ginagampanan ng kababaihan sa
usapingmigrasyon sa kasalukuyan. Nang sumapit ang 1960 naging kritikal ang ginampanan
ngkababaihan sa labour migration. Sa kasalukuyan ang mga manggagawang kababaihan ng
CapeVerdians sa Italy, Pilipina sa Timog-kanlurang Asya at Thais sa Japan ay nagpapatunay rito.
Sa kaso naman sa Pilipinas tila nagkakaroon na ng konseptong "househusband" kung saan inaako
na ng lalaki ang lahat ng responsibilidad sa tahanan pati anggawain ng isang ina. Hindi ito marahil
nakaapekto sa kalagayang panlipunan ng mga lalaki, kundi sa kadahilanang na mas tinatanggap
na dahilan ay upang mapaunlar at maiangat angkatayuan ng kani-kanilang pamilya. Ayon sa tala
ng International Labor Organization halos 21 milyong tao ang biktima ng forced labor , 11.4
milyon dito ay kababaihan at 9.5 milyonnamay ay mga kalalakihan. Umabot sa 19 milyon ang
biktima ng eksploytasyon ngpribadong indibiduwal at mga kompanya at lagpas sa dalawang
milyon naman ng mgarebeldeng grupo. Sa mga biktima ng eksplotasyin, 4.5 milyon at biktima ng
eksploytasyingsekswal. Malimit na mga migrant workers at indigenous peoples ang nagiging
biktima ng forced labor.
V.KONKLUSYON
Gayumpaman, napakaraming epekto ng migrasyon sa Pilipinas maging sa
karapataangpantao, edukasyon, politika, at ekonomiya. Isa na dito ay nag kakaroon ng panustos
sapang araw araw na pangangailangan ng isang taong naghahanapbuhay sa kanyangpaglipat ng
lugar, ngunit may dulot din ito na hindi mabuti gaya ng labis na dami ng tao saiisang lugar at nag
sisikip ang mga tao sa lungsod. Nahihirapan din ang gobyerno namagbigay ng serbisyo sa
dumaraming bilang ng tao sa lungsod. Ang epekto nito sakaparatang pantao ng isang indibiduwal
ay ang pang aabuso ng mga recruitment agency nagkakaroon ng illegal recruiter at nagiging
biktima ng international syndicate o organizedcrime syndicate. Sa edukasyon, maraming
positibong epekto ang dulot nito dahil maymalaking demand para sa mga skilled workers at mga
propesyunal. Marami ring kabataanang nahihikayat na kumuha ng kurso tulad ng engineering,
marine transportation, marine engineering at iba pa dahil mataas ang demand . Sa politika, May
mga republic act na kungsaan pumoprotekta sa mga migranteng OFW tulad ng R.A. No. 8042 o
migrant worker andother Filipinos act of 1995. At sa ekonomiya naman, ayon sa bangko sentral
ng Pilipinas,makaki ang naitutulong ng remittances ng OFWs sa paglago ng ekonomiyang
bansa.Sa usaping ito, may mga isyung kalakip ng migrasyon kung saan kailangang hanapan
ngkaramparang solusyon. May mga pagkakataon kasi na mapanganip ang maibibigay
ngmigrasyon. Sa isang banda, ang mga migranteng manggagawa ay nakapagdadala sakanilang
pamilya ng libo libong dolyar na remittance, malaki ang nito sa pag-ahon ngkanilang pamilya sa
kahirapan. Sa pagpapagawa ng bahay, pantustos sa pagpapaaral atpambayad sa gastusing
pangkalusugan habang nakakatulong sa ekonomiya ng bansangpinagtrabahuhan. Ngunit sa
kabilang banda naman ay may mga migranteng namamatay,nasasadlak sa sapilitang pagtatrabaho,
at nagiging biktima ng trafficking , ang mgakaranasan ng karamihan sa mga migrante ay nasa gitna
ng dalawang mukhang ito ngmigrasyon. Tila napakaraming positibong epekto ang migrasyon
ngunit kalakip din nito angmga suliraning kinakaharap sa iba't ibang aspekto kung saan
kinakailangan bigyan ngkarapatang solusyon.

VI.SOLUSYON
Kinakailangang isipin at tandaan na mayroong mga salik ng migrasyon na tumutulong
athumihila. Ang mga ito ay makikita sa aspekto ng ekonomiya, lipunan, at kapaligiran.Maraming
mabuti at di mabuting epekto ang migrasyon sa lipunan, politika at kabuhayan ngisang bansa.
Naaapektuhan ng migrasyon ang ugnayang panlabas ng Pilipinas. Maraminghamon na
kinakaharap ng mga migranteng Pilipinong nagtatrabaho sa ibang bansa,kabilang dito ang
maprotektahan ang kanilang karapatang pantao, maging ligtas saanumang gulo at mabigyan ng
sapat na tulong sa mga nasasakdal.Isa sa maaaring solusyon sa suliraning migrasyon ay ang
pagtatalaga ng gobyerno ng masmaraming oportuninad para sa magandang trabaho upang
mahikayat ang mganasasakupan nito na manatili na lamang at huwag ng umalis pa o lumipat sa
kanilangbayan. Maaari rin naman magtayo ng sariling negosyo kung mayroong magagamit
napuhunan upang masuportahan hindi lamang ang pamilya, kundi na rin ang
bansangkinabibilangan sa pagbibigay ng pagkakataon sa iba na magkaroon rin ng trabaho. Iba
pangmaaring maging solusyon nito ay ang pagsasa-pambansang industriyang pagmamay-ari
ngmga dayuhan. Maaari din ang pag iimbita ng mga namumuhunan at ang pagpapatayo ngmga
bagong negosyo. Isa pa ay ang pagsasabuha ng mga proyektang pang imprastraktura.Isa di sa mga
maaring maging hakbang sa pagtugon sa problemang migrasyon ay angpagkakaroon ng sapat na
pag-aaral at pagbibigay pahintulot sa mga umaalis atnangingibang bayan. Pagbabantay at
pagsiguro na ang mga kwalipikasyon ng ang positiboat negatibong epekto nito sa ekonomiya, mga
epekto ng migrasyon sa karapatang pantao,politika at edukasyon, mga salik na dahilan kung bakit
nag ma-migrate ang ibang tao, mgaisyung kalakip ng migrasyon, mga pagkakaiba-iba ng uri ng
migrasyon, ang mgaperspektibo at pananaw na kaugnay nito, ang mga dapat gawing upang
mabawasan angmigrasyon ng bawat pamilya sa bansa, at higit sa lahat ang solusyon kung
paanomabawasan ang isyu sa migrasyon patungo sa pambansang kaunlaran.Sa isyung ito
madaragdagan ang ating kaalaman at mas mapapalawak ang ating kaisipantungkol sa migrasyon.
May mga kinakailangan tayong isipin at tandaan tulad ng mabuti at dimabuting epekto ng
migrasyon sa lipunan, politika at kabuhayan ng isang bansa.lahat nanagnanais mangibang bansa
ay naayon sa regulasyon at ibinigay na kategorya. Paranaman sa gobyerno, maaaring magsagawa
ng mga programang makapagbibigay ngdagdag at angkop na trabaho upang hindi na kailanganin
ng iba na umalis at mandayuhanpa sa iba pang bansa.

FRANCESCA CZIANE S. ARMIAJANE


ROSE ARELLANO

You might also like